Home / All / My Role / Chapter 27

Share

Chapter 27

Author: J. Fraley
last update Last Updated: 2021-07-16 18:09:11

 

Andrei

"Nandito na 'ko."

Sabay sabay kaming lumapit sa kaniya nung marinig namin siya.

"Anak." Tawag sa kaniya ni mama saka siya niyakap.

Naguguluhan siya dahil sa biglang pagyakap sa kaniya ni mama pero kahit na ganun ay niyakap din niya ito pabalik.

"Bakit?" Takang tanong niya.

Humiwalay sa yakap si mama saka siya pinaghahampas sa balikat. Bagay lang sa kaniya 'yun. Halos mamatay matay kami sa pag-aalala dito.

"Ahh ahh ahh 'ma, sandali." Daing niya.

Pilit niyang sinasangga ang mga palo ni mama pero hindi niya magawa. Nag-iingat kasi siya dahil baka masaktan niya ito.

"Bata ka. Kung sa'n sa'n ka nagpupupunta. Hindi ka man lang nagpapaalam." Saad ni mama habang patuloy na hinahampas si ate.

"'Ma, tama na." Inawat na ni kuya Andrew si mama kasi hindi titigil 'yan kung hindi aawatin.

Naiintindihan ko naman si mama kaya hindi ko siya inaawat. Kasalanan din ni ate 'yan kaya deserve niya 'yan.

"Sa'n ka ba galing?" Tanong ni kuya Andrew dito. "Alam mo bang nag-aalala kami sa 'yo? Ha?" Dagdag niya.

Alam ko na nagpipigil lang siya ng galit niya at alam ko rin na alam ni ate 'yun. Kaya nga nakayuko lang siya at hindi kumikibo.

"Sa'n ka galing? Sumagot ka!" Biglang sumigaw si kuya Andrew kaya nagulat kaming lahat.

Maging si ate ay napaitlag dahil sa biglang pagsigaw ni kuya. Ngayon ko nalang ulit nakita na ganito ang galit ni kuya. Noong huling nakita ko siyang ganito ay napakatagal na. Noong may nambastos kay ate. Grade 2 ako 6 years ago.

Tandang tanda ko 'yun dahil sobra talaga ang galit nila sa taong nambastos kay ate. Kahit bata ako ay hindi ko 'yun nalimutan.

"Sa parke." Mahinang sagot ni ate.

Doon siya lagi pumupunta kapag wala siya sa mood. Ewan ko kung pa'no o bakit basta sa t'wing pupunta siya do'n nasa mood na siya pagkabalik niya.

"Tawag kami ng tawag sa telepono mo pero 'di ka sumasagot. Nasa park ka lang pala pero 'di ka namin ma-contact. Bakit 'di ka sumasagot?"

"Naiwan ko phone ko."

Nasapo ni kuya ang noo niya saka galit na tinignan si ate na hanggang ngayon ay nakayuko pa rin.

"Ilang ulit ko bang sasabihin sa 'yo na 'wag na 'wag mong iiwan ang telepono mo?!"

"Nakalimutan ko lang dahil nagmamadali ako."

"Matulog ka ng maaga ng hindi ka nale-late ng gising!"

Nag-angat ng tingin si ate kay kuya ng may nanggigilid na luha sa mga mata niya.

"Natulog ako ng maaga. Pero anong magagawa ko kung nahimbing ako dahil pagod at kulang ako sa tulog ng dalawang linggo? Wala akong pahinga puro practice mula umaga hanggang gabi dahil sa pesteng pageant na 'yan. Pagkauwi ko galing practice mag-aaral pa ako bago makapagpahinga. Nagtiis ako para sa inyo dahil nakita ko na masaya kayo nung nalaman niyo na kasali 'ko. Akala niyo ba hindi ako napapagod? Anong akala niyo sa 'kin robot? Ngayon magagalit kayo sa 'kin dahil nagpunta ako sa parke para magpalamig?  Bakit hindi kayo kay Jake magalit? Dahil sa animal na yan kaya wala akong pahinga. Bakit hindi niyo rin sisihin ang sarili niyo? Dahil sa inyo kaya ako nagtiyaga."

Ibinuhos ni ate ang nararamdaman niya. Alam kong hindi lang 'yan ang dinadala niyang problema dahil tungkol lang naman sa pageant ang sinabi niya. Bigla tuloy akong naawa sa kaniya.

Hindi namin naisip 'yung nararamdaman niya. Hindi namin naisip 'yung nangyari sa kaniya kahit na alam namin na hindi talaga siya mahilig sa ganun. Sa palagay ko ay naging makasarili kami ngayon dahil kaligayahan lang namin ang iniisip namin. Na guilty tuloy ako.

Umalis si ate pagkasabi niya nun at umakyat sa kwarto niya. Si kuya naman ay napabuntong hininga nalang at ngayon lang napagtanto na nasobrahan siya sa ginawa niya.

Nag overboard si kuya sa pagsigaw. Alam kong nag-aalala lang siya pero ang sobra ay sobra.

Aishh nalipasan na ng gutom si ate. Hanggang ngayon kasi hindi pa siya lumalabas sa kwarto niya. Tapos na kaming kumain kanina pa siya hindi pa.

Si kuya Andrew hindi pa rin kumakain. Parehas sila hayst.

Nandito pa rin sa 'min si ate Shan at kuya Jake. Dito na rin sila naghapunan. "You went overboard earlier, Andrew." Sabi ni ate Shan.

Tama siya, sumobra nga si kuya Andrew. "Sira ka kasi Jake. Mag-ingat ingat ka ngayon, mainit ulo sa 'yo nun." Paalala ni kuya Andrew kay kuya Jake.

Napabuntong hininga lang si kuya Jake. Makalokohan naman kasi siya eh. "Hindi ka pa ba uuwi? Late na, may pasok ka pa bukas." Tanong ni kuya Andrew kay kuya Jake.

"Maya maya na o kaya mag sleep over ako dito."

Sa'n naman kaya siya matutulog? "Sige, diyan ka matulog." Saad ni Kuya Andrello na itinuro ang sahig.

"Tabi tayo sa kama mo."

"Ayoko ng may katabi."

"Edi do'n ako sa sahig. May extra blanket ka naman siguro saka unan 'di ba?"

"Wala."

"Anong klaseng kwarto ba meron ka?" Asik na tanong ni kuya Jake.

Nagkibit balikat lang si kuya Andrello bilang sagot. Wala talagang kahit aming extra na gamit si kuya Andrello. 'Yan pa. Ayaw na ayaw niyan na may kasama sa kwarto niya.

Gusto niya ay siya lang lagi ang pwedeng matulog do'n. Kapag wala siya sa kwarto niya ay hindi ka pwedeng pumasok. Kahit gusto mo o may kukunin ka ay hindi ka makakapasok basta wala siya.

Nilo-lock niya kasi ang pinto ng kwarto niya basta wala siya dun.

Andrea

Bakit ko ba sinagot si kuya? Nagpadala na naman ako sa galit ko.

Napagdesisyonan ko na bumaba para mag sorry kay kuya. Ayoko na natatapos ang gabi na may kagalit ako sa mga kapatid ko.

Nakita ko na nasa sala sila. Nandito pa rin si Jake at ate Shan. Wala bang balak umuwi 'tong mga 'to?

"Kuya." Tawag ko pagkalapit ko sa kanila.

"Hmm?"

"Sorry."

"Saan?"

"Dahil nasagot kita kanina at napagtaasan ng boses."

Tumayo siya at niyakap ako. Buti at tinanggap agad ni kuya ang sorry ko.

"Sorry din. Nasobrahan yata ako." Aniya saka humiwalay sa yakap.

"Medyo." Sagot ko.

Naupo kami sa sofa. Sa kanan niya ako sa kaliwa naman si ate Shan. Katabi ko rin sina kuya Andrello at Andrei.

"Lagi kang gumagawa ng ikakasorry mo." Sabi ni kuya Andrello.

"Minsan lang."

"Minsan ka diyan. Kailan lang sa mansion ng mga Arcardia ay gumawa ka rin ng eksena." Wika ni Andrei.

"Siraulo kasi si hagdan." Saad ko. Kung hindi naman dahil sa kaniya ay hindi ko gagawin 'yun.

"Ang ganda ng pangalan niya bakit hagdan ang tawag mo?"

"Oo nga naman Andrea." Ani ate Shan.

"Pangalan niya 'yun eh."

"Pa'no niya naging pangalan 'yun?" Tanong ni Andrei. "Hindi ko maisip kung bakit naging hagdan ang pangalan niya."

"Sabihin mo na kasi pikon kung bakit naging hagdan ang naging pangalan ni Crimson." Atat ng malaman ni Jake dahil sa tono ng boses niya. Chismoso talaga 'to.

"Ali-stair."  Binigyan sila ng hint ni kuya Andrello. Kaming dalawa lang talaga lagi ang nagkakaintindihan. Nagkatinginan kami saka sabay na ngumisi.

Mukhang hindi pa rin na gets ng mga 'to kung bakit ganun ang tawag ko kay hagdan. Slow din 'tong mga 'to eh.

"Slow." Ani kuya Andrello.

"Tch." Inismiran siya ni Andrei.

"Ano ba tagalog ng stair? Gets niyo na?"

"Ahh!"

Sa wakas ay naintindihan din nila.

"Utak mo talaga iba eh. Naisip mo pa 'yun?" Saad ni Jake.

Nagkibit balikat lang ako.

"Tama na 'yan, kain na tayo." Sabi ni kuya Andrew.

"Hindi ako gutom."

"Ikaw hindi ako gutom na."

Nagtataka ko siyang tinignan. "Hindi ka pa ba kumakain?" Takang tanong ko.

"Alam kasi niya na hindi ka kakain kapag mag-isa ka kaya hinintay ka niya." Si Andrei ang sumagot.

Tumayo na 'ko kasabay ni kuya saka kami sabay na naglakad papunta sa kusina.

"Ano ba ulam?" Tanong ko habang naglalakad.

"Adobo."

Hindi pa kami gaanong malayo kela kuya Andrello kaya narinig nila ang usapan namin.

"Wala ng adobo." Ani kuya Andrello.

"Ano nalang meron?" Tanong ni kuya Andrew.

"Tocino." Sagot ni Andrei

Bigla akong nawalan ng gana kaya bumalik nalang ako sa sofa.

"Bakit ba kasi wala ng adobo?" Inis na tanong ni kuya Andrew.

"Baka kinain?" Pilosopong sagot ni kuya Andrello kaya sinamaan siya ng tingin ni kuya.

Pilosopo talaga 'to kahit kailan eh. Buti ako minsan lang.

"Ham?"

"Wala na rin."

Napapikit sa inis si kuya saka nagpakawala ng hangin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Role   Epilogue

    Andrea"Oh, Moonlight. Kamusta?" Bati ni Ash."Ayus naman." Sagot ko.We do a fist bump and hug each other afterwards. Ganito kami magbatian, eh.Siya ang nakaisip ng kalokohan na 'to. Cool daw sabi niya eh alam ko namang tyansing lang siya, tss."Napadalaw ka yata?""Bakit kasi hindi ka pumasok?" Asar na tanong ko.Hindi sana ako pupunta dito sa bahay nila kung pumasok lang siya."Si Blaine kasi. Aalis sila mamaya kasama ang lolo at lola niya. Pupunta daw ng States kaya sinusulit namin ang araw hanggang tanghali." Sagot niya.Aalis din sila Blaine. Sana naman ay hindi ko kasabay sa eroplano 'yon. Baka magkaaway pa kami dahil nagpunta 'ko dito. Ayaw mag eskandalo sa loob ng eroplano."Bakit ka nga napadaan?" Tanong niya pa."Magpapaalam sana ako. Aalis na din kami mamaya,

  • My Role   Chapter 81

    AndreaAnniversary namin ni hagdan ngayon. Gusto niya na mag-celebrate kami kaya nagpaalam ako sa trabaho ko na hindi ako makakapasok ngayon.Pinagbigyan ko na si hagdan sa gusto niya dahil hindi na namin na ce-celebrate ang monthsary namin dahil busy ako sa trabaho.Pangbawi ko na rin sa kaniya dahil wala akong oras na naibibigay sa kaniya."Hindi ganiyan." Natatawang aniya."Pa'no ba?" Tanong ko.Naglakagay kasi kami ng icing sa cake na binake niya. Bonding na naming dalawa ito kaya imbes na bumili ng cake ay nagbake nalang siya.Ako ang nakatalaga sa decorations kaso hindi naman ako artistic kaya hindi ko alam kung pa'no ba gagawing decor dito."Ganito oh." Kinuha niya sa akin ang icing.Siya na ang naglagay ng icing sa cake dahil hindi ko talaga alam kung pa'no. Hirap ng walang alam sa arts kung 'di ma

  • My Role   Chapter 80

    AndreaBinabantayan ko si papa habang si mama ay naghahanap daw ng pagkakakitaan. Kailanman ay hindi ko naisip na aabot kami sa puntong 'to na maging si mama ay maghahanap ng trabaho.Masyado na kaming nagigipit. Hindi ko na alam kung pa'no pa kami aahon. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng lakas ngayon.Halos wala na ngang pahinga si mama. Naaawa na ako sa kaniya. Wala akong magawa kung 'di ang maawa nalang.Bakit kasi ganito? Bakit kailangan na umabot sa ganito?Ano bang ginawa ko at pati pamilya ko dinamay nila? Laban ay laban. Bakit kapag natalo sila ay pamilya ko ang pinuntirya nila?"'Pa?" Napatayo ako sa kinauupuan ko dahil bigla nalang nag seizure si papa. "'Pa!""Nurse!" Pagtawag ko sa nurse."Anong nangyayari?" Tanong ng isang bantay."Tumawag kayo ng doctor! Bilis!" Utos ko.

  • My Role   Chapter 79

    ChanoHiling ni Queen na siya na ang lalaban sa lahat. Ewan nga lang namin kung ano ang nangyari at parang mainit ang ulo niya.Habang nag eensayo siya dito sa gym sa bahay nila Xander ay ang lakas ng pagkakatira niya sa lahat.Lahat ng suntok at sipa niya sa punching bag ay malalakas lahat. Parang may pinaghuhugutan siya ng galit."Ayus lang kaya si Queen?" Tanong ni Xander sa akin."Malay ko ba. May problema yata." Sagot ko.Alam naman namin na may problema talaga siya pero parang nadagdagan pa. Hindi naman kasi siya ganiyan, eh.Ano kayang nangyari sa kaniya at bigla siyang nagkaganiyan? May nangyari kaya kanina sa bahay ng mga Crimson o sa gymnasium?"Baka masira niya 'yung punching bag sa lakas ng pag atake niya." Bulong ni Xander sa akin kaya natawa ako."Kaya mo namang palitan 'yan at sa inyo naman

  • My Role   Chapter 78

    Andrea"'Ma, kamusta na si papa?" Tanong ko kay mama pagkabalik niya galing ospital.Hindi pa rin kasi nagigising si papa hanggang ngayon at nasa ICU pa rin. Sana nga ay magising na siya ngayon.Wala akong pake sa bills ng ospital ang kailangan ko ay magising si papa. Kahit na gaanong kalaki pa ang bayaran namin."Tulog pa rin, 'nak." Bakas ang lungkot sa boses ni mama habang sinasabi iyon.Hindi ko naman siya masisisi dahil asawa niya iyon. Mas matagal niyang kasama si papa kesa sa amin.Mas nahihirapan si mama kesa sa aming mga anak nila. Alam ko 'yon. Kaya wala akong magawa kung 'di ang yakapin nalang siya."Magiging okay din ang lahat, 'ma."Alam kong tinatatagan lang ni mama ang loob niya para sa amin. Gabi gabi kong naririnig si mama na nanalangin at umiiyak.Na trauma din siya sa nangyari sa kaniya

  • My Role   Chapter 77

    Alistair"They're here." Blake said looking at the entrance of the gymnasium.Napangiti ako ng makita ang tinutukoy niya. Sila Andrea kasama sila Lexa at Raia."Hi, girsl!" Bati ng teammates ko sa kanila.Kumaway sila Raia at Lexa samantalang si Andrea naman ay ngumiti lang ng bahagya sa kanila."How are you feeling?" I asked."Ayus lang." She replied and smiled at me."Pwedeng akin nalang 'yung isa?" Pabirong sabi ng isa sa mga teammates ko habang nakatingin kay Andrea ng nakangiti.Mabilis kong inilagay si Andrea sa gilid ko saka siya sinamaan ng tingin."Who are you smiling at?" Tanong ko sa kaniya."Syota mo ba 'yan?""Yeah. So get off your from her if you don't want me to take it out from you.""Brutal mo, dre."Nagtawanan lang kami d

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status