Share

Chapter 26

 

James

Hindi ko alam kung bakit ayaw ni Blaine dito kay Smith eh. Mukhang mabait naman siya na medyo... medyo sira ulo. Medyo lang naman.

Ayaw ko na sana na kalabanin si Smith kaso nilakihan ni Blaine 'yung bayad sa 'kin eh. Wala tuloy akong nagawa. Kailangan ko ring kumita ng pera.

Nakita namin kung pa'nong tinulungan ni Smith ang isang bata. Marunong din pala 'tong ngumiti tsk.

Humanap kami ng magandang tiyempo bago bumaba ng sasakyan. Kinuha ko ang dos por dos na dala ko bago bumaba. Hindi ko kaya kung gagamitan ko lang ng panyong may pampatulog si Smith. Ginawa ko na 'yun dati noong nakaraan pero nakalaban siya.

Nakatalikod siya sa 'min habang sumasakay siya sa 'min kaya nagkaroon kami ng pagkakataon upang lapitan siya.

Dahan dahan kaming naglakad para hindi siya makahalata. Bumwelo ako bago ihampas sa kaniya ang hawak ko.

Anak ng pating!

Nasangga niya? Pa'nong? Aishh!

Nung nasangga niya ang ang akma kong paghampas sa kaniya ay pinihit niya ang braso ko kaya napasigaw ako sa sakit.

"Ahhh!!!"

Ang sakit ng ginawa niya. Parang matatanggal ang braso ko. Nakuha niya mula sa 'kin ang hawak ko kanina saka niya hinampas 'yon sa 'kin.

Putcha ang sakit.

Ang lakas ng pagkakapalo niya, para bang umabot hanggang sa laman loob ko. May isa pang sumugod sa kaniya pero sinipa niya ito agad kaya hindi ito nakalapit sa kaniya.

Sumugod muli ang isa sa kaniya kaya sinipa niya ito sa mukha. May hindi siya inaasahang pag atake mula sa likod kaya hindi niya ito nailagan.

Hinampas siya sa likod nito kaya agad siyang nawalan ng malay.

Sinaktan niya muna kami bago namin siya nakuha. Putcha 'tong babaeng 'to.

Itinali namin ang kamay at paa niya saka namin siya nilagyan ng sako sa ulo. Sa hide out namin siya dadalin. Doon namin siya papahirapan para wala na kaming kalat na linisin.

Doon din ako gaganti sa 'yo Smith.

Iniupo namin siya sa isang bangko pagkarating namin sa hide out. Hinintay namin ang pagdating ni boss Chano at ng iba pa naming kasamahan.

Chano

Napakaraming kaaway ni Blaine. Lahat ng 'yon ay kilala namin dahil lagi niyang pinabubugbog kay James. Mapalalaki o babae man siya.

Hindi siya marunong maawa dahil maging ang pamilya ng mga 'yon ay dinadamay niya.

Sino naman kaya ang kaaway niya ngayon? At bakit hirap na hirap sila James na kuhanin ito. Sa t'wing pagtatangkaan nilang dakpin ito ay umuuwi sila sa hide out ng puro galos ang katawan.

Isang babae lang ay hindi nila makaya. Mga lampa talaga. Pagkarating namin sa hide out ay wala pa ring malay ang babaeng sinasabi nilang kaaway ni Blaine.

Maya maya lang ay gumalaw ang ulo nito pahiwatig lang na gising na siya. Tinanggal ni James ang nakalagay na sako sa ulo nito.

Lahat kami ay nagulat ng makita namin kung sino ang babaeng dinukot nila James. Ngumisi siya sa 'kin saka kami tinapunan ng tingin isa isa.

"Chano, long time no see." Nakangisi nitong bati.

Sabay sabay kaming yumuko ng bahagya sa kaniya upang magbigay galang. "Pakawalan niyo siya." Utos ko kela James.

"Pero boss---"

"Pakawalan niyo!"

"Nagbayad na s---"

Hindi ko na hinayaang tapusin niya ang angal niya. Hinugot ko ang baril ko mula sa tagiliran ko at pinaputukan ang sahig kung nasaan ang kinaroroonan niya.

Tarantadong 'to puro angal. "Pakakawalan mo siya o papatayin kita?"

Dali dali niyang kinalagan ang babaeng kanina nilang dinukot at takang tumingin sa 'min.

"Sino ba 'to boss?" Nakakunot ang noong tanong niya.

"Siya si Jass." Sagot ko.

Siya at ang mga kasama niya ay sabay sabay na nanlaki ang mga mata at biglang binalot ng takot ang mukha. Nanginginig ang tuhod at kamay nila ng tapunan sila isa isa ng tingin ni Lethal.

"J-jass?" Nauutal na tawag ni James dito ng may patanong na tono.

Hindi na matigil sa pagkikiskisan ang mga kamay nila. Maging ang labi niya ay nanginginig na din..

"G*go kasi." Bulong ni Xander.

Tinignan siya ni Jass saka hinawakan ang baba ito upang itaas ang tingin niya para magpantay ang tingin nila.

Hindi naman mapakali ang mga mata ni James. Titingin kay Jass, lilipat sa gilid tapos sa baba saka uulitin. Nginitian siya ni Lethal saka binitawan ang baba niya..

"Ako si Jass. Ikinagagalak kitang makilala." Pagpapakilala nito saka inilahad ang kamay sa kaharap.

"J-james." Saad ni James saka nakipagkamay.

Ibinalik ni Jass sa 'kin ang tingin niya saka sarkastikong ngumiti. "Hindi ko alam na gumagawa na pala kayo ng mga ganitong bagay, Chano." Saad nito.

"Ang nga bago lang ang gumagawa nun, hindi kami." Kalmado kong sagot.

"Napakaganda ng sagot mo. Bakit sila ang sinisisi mo?"

Napalitan ng galit ang kanina niyang ngiti. "Kami ang gumagawa n-nun. H-hindi alam ni boss na gumagawa kami ng ganito." Sabat ni James.

"'Wag kang sumabat at manahimik ka. Hindi kita kinakausap." Asik nito kay James.

Siraulong 'to. Hindi naman nakatulog, lalo lang niyang ginagalit si Lethal.

"Gaya ng sabi niya ay sila lang ang gumagawa nun."

Natawa siya at biglang nagalit muli. Tumawa lang siya na para bang nang-iinsulto.

"Sila ang gumagawa pero hindi mo pinipigilan?"

"Dahil hindi ko alam."

"Ikaw ang pinuno pero hindi mo alam ang ginagawa ng mga bata mo? Talaga ba Chano? Ganiyang klaseng sagot ba ang isasagot mo sa 'kin?!" Sigaw niya.

Hindi ko na alam ang isasagot ngayon dahil baka lalo lang siyang magalit. G*go kasi 'tong si James. Malilintikan ka sa 'kin mamaya.

Lumapit siya sa 'kin at tinignan ako ng puno ng galit. "'Wag mong hayaan na pagsisihan ko ang ginawa ko Chano. Umayos kayo." Aniya saka tinapik ang balikat ko at naglakad palabas ng hide out.

Sinundan namin siya ng tingin saka yumuko ng bahagya sa kaniya kahit hindi n siya nakatingin.

Lumingon siyang muli saka tumingin kay James. "Kung kailangan mo ng trabaho ay tawagan mo 'ko. Hingin mo kay Chano ang number ko." Sabi nito saka naglakad muli palabas.

Wala talaga akong alam sa mga kag*guhang ginagawa ni James. Sa kaniya kasi pinapaggawa lahat ni Blaine.

Sinasabi niya lang sa 'kin kapag tapos na at natatakot na 'yon kay Blaine. Sinasabi niya lang din sa 'kin kapag hindi niya kaya gaya ngayon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status