Andrea
Isang himala ang nangyari ngayong araw. Nauna ako kela Tristan sa table namin sa cafeteria. Ilang minuto na rin kami dito nila Lexa pero wala pa rin sila.
"Andrea, are you free this holiday?" Tanong ni Raia.
"Ewan ko." Sagot ko.
Hindi ko alam kung may gagawin ba ako dahil madalas na may hindi inaasahang plano sila mama.
"Andrea, what if Alistair likes you?" Biglang tanong ni Lexa.
"Wala 'kong pake." Sagot ko.
Kung mangyari man 'yun ay wala akong pake. "Aren't you going to like him back?" Tanong ni Lexa.
"Wala akong oras sa mga ganiyang bagay. Naniniwala ako sa sinabi ni suga na if you're inlove at you're young age, it's fake love."
Hindi pa rin naman sumasagi sa isip ko ang mga ganiyang bagay.
"You're so mean!" Sigaw ni Raia sa akin.
Si Lexa naman ay animong nagtatampo. "When you're inlove at your young age it doesn't mean that it's a fake love." dagdag niya.
Apektado sila dahil inlove sila eh. Ang tagal naman ng mga taong 'yun. "Tawagan mo na si Tristan, Lexa. Gutom na 'ko." Ginawa naman niya ang sinabi ko.
Kilig na kilig siya habang kausap niya ang boyfriend niya. Masyadong inlove. "I love you too baby." Nakangiti hanggang tenga si Lexa pagka-end niya ng call. "Parating na daw sila." Sambit niya.
"Ang saya mo kapag tinatawag ka niyang baby 'no?" Tanong ko.
"Of course!" Masayang sagot niya.
"'Wag kang masyadong masaya kapag tinatawag ka niyang baby." Payo ko dito. Pang-aasar na din. Haha.
"Why?" Inosenteng tanong niya.
"Malay mo triplets kayo."
Biglang napalitan ang ekspresyon sa mukha niya. Kaninang masaya ngayon ay malungkot na. "You're thinking in a negative way." Angal niya.
"You're so mean, Andrea." Saad ni Raia. Kunwaring naiinis pero nakangiti siya.
Magsisimula ng umiyak si Lexa kaya nilapitan ko siya at niyakap. "Biro lang. I'm sorry." Pilit ko siyang inaalo pero nagtuloy pa rin ang luha niya sa pagbagsak.
Napaka iyakin neto eh. Masyado siyang softhearted at madaling paiyakin.
"It's not a good joke." Aniya.
"Sorry." Saad ko.
Si Raia ay nakangiti lang. Gustong gusto niya ang nakikita niya. Kumawala ako sa yakap saka siya tinignan.
"Don't joke like that again."
Tumango ako bilang sagot. Nagpunas siya ng luha saka siya huminga ng malalim. Crybaby.
Ilang sandali lang din ay dumating na sila Tristan kasama si Jake.
"Bakit ganiyan ang mga mata mo? Umiyak ka ba?" Tanong ni Tristan kay Lexa at nilapitan ito.
Si Blake ay naupo naman sa tabi ni Raia, si Alistair sa tabi ni Blake at sa tabi ko naman si Jake.
Sinabi ni Raia sa kanila ang dahilan kung bakit umiyak si Lexa. "Hindi 'yon totoo. 'Wag kang maniniwala diyan." Ani Tristan na tumingin sa akin bago yakapin si Lexa.
"Ang sama talaga ng ugali mo eh 'no?" Sarkastikong saad ni Jake.
"She's just bitter because she doesn't have a boyfriend." Wika ni Alistair.
Nagsalita ang may girlfriend. "Hindi ako bitter. Nagsasabi lang ako ng possibilities." Saad ko.
"She has a point. But Tristan will never do that. Right Tristan?" Sang-ayon ni Blake.
"Dapat lang. Dahil malilintikan ka sa 'kin kapag sinaktan mo 'yan."
"Masyado kang brutal." Reklamo ni hagdan.
Ano naman ang brutal s sinabi ko?
"Tristan matakot ka kapag si pikon ang nagbanta. Gagawin niya talaga ang kapag sinabi niya." Wika ni Jake.
"Hindi ko naman talaga sasaktan ang baby ko kahit hindi niya ako pagbantaan." Ani Tristan.
"Siguraduhin mo."
Naging masama pa nung nawalan ng boyfriend 'tong si tagapangalaga eh. Ako ang pinepeste.
"Moonlight, dun tayo." Turo niya sa ferris wheel. Nasa amusement park kami ngayon dahil dito niya gustong pumunta.
Bigla niya aking hinila kanina at isinakay sa kotse niya kaya wala na akong nagawa. Nag text nalang ako kay kuya Andrew at sinabi ko na late na akong makaka-uwi at kasama ko si Ash.
Marami na kaming nasasakyan na rides dito. Halos lahat na yata eh. Kahit 'yung mga boring sinakyan namin. Ang gusto ko pa naman ay may thrill kesa boring.
Ito namang tagapangalaga na 'to eh basta basta nalang akong hinihila basta may nagustuhan siyang rides. Pagod na 'ko.
"Kain muna tayo, gutom na 'ko." Balak na naman niya akong hinalahin. Buti nalang naawat ko.
Pumunta kami sa isang restaurant malapit dito sa amusement park. Doon kami kumain. Japanese cuisine ang restaurant kaya hindi ako pamilyar sa mga pagkain.
"May problema ka ba?" Tanong ko sa kaniya habang kumakain.
"Wala. Bakit mo naman natanong 'yan?"
"Bakit kasi ganiyan ka umakto?"
"Wala lang. Gusto lang kitang makasama."
"Lagi naman tayong magkasama ah?"
"Oo nga. Pero mas gusto ko 'yung... Tayong dalawa lang."
"Bakit?"
Huminga siya ng malalim at ibinaba ang kubyertos na hawak niya. Tumingin siya sa mga mata ko ng matagal bago magsalita.
"I like you."
Nabigla ako sa sinabi niya. Muntik pa akong mabilaukan. Ano daw? Gusto niya ako?
Bakit? Anong dahilan? At paano nangyari 'yon? Nababaliw na yata 'to eh. "Ayus ka lang ba? Baka inaantok ka?" Natatawang tanong ko dito.
"Hindi ako nagbibiro, moonlight." Seryosong sabi nito.
"Hindi rin ako nagbibiro."
Bumuntong hininga muli siya saka hinawakan ang kamay ko at tinignan ako sa mga mata. "I really like you, moonlight." Seryoso at sinserong sabi nito.
Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Ash. Anong nagustuhan niya sa 'kin? Inaamin ko sa sarili ko na masama ang ugali ko kaya paano niya akong nagustuhan?
May sira na yata 'yun sa isip. Ang buong akala ko ay may problema siya kaya gusto niya akong kasama. May ibang ibig sabihin na pala 'yon.
Pesteng animal! Hindi nga ako pumayag na ligawan ako ni Ash sila mama naman ang pumayag. Ang saya pa nila. Isa pa 'tong si Ash eh. Ako pa ang natripan.
"Hoy pikon!" Tawag sa akin ni Jake.
Isa pa 'tong peste. T'wing umaga talaga siya ang nakikita ko eh. Ang aga niya lagi.
"May napapansin ako kay Anderson." Sabi niya pagkalapit sa akin.
"Ano naman?"
Lumipat siya sa harap ko at patalikod na naglakad.
"Nagliligaw ba siya sa 'yo?" Straight to the point na tanong niya.
Hindi uso paligoy ligoy dito eh.
"Lahat napapansin mo eh."
"Totoo nga? Nagliligaw siya sa 'yo?"
Hindi ko siya sinagot. Lumihis ako ng lakad para maiwan siya. Pero ang animal mabilis ding nakahabol.
Nang-aasar siya at puro tanong habang naglalakad kami sa pasilyo. Naiirita na 'ko dito.
Tahimik ako sa buong klase. Hindi ako sumasagot kahit alam ko ang sagot. Tinatamad kasi akong magtaas ng kamay.
Nagalit pa sa akin ang isang subject teacher namin dahil alam ko naman daw pala ang sagot ay hindi pa ako nagtataas ng kamay. Anong magagawa niya eh sa tinatamad ako?
May pa 'raise your hand if you want to answer' pa kasi silang nalalaman. Pwede namang sumagot nalang.
"Go to the library and do some research. I'll give you 40 minutes to finish your work. After 40 minutes you have to be here. No one should be late. Group yourselves into three. Each of you have a different task to do. After you finish it, you're going to compile it. You're going to exchange answers to your group mates. Do you all understand?" Paliwanag ni Mr. Vasco.
Sumagot kami ng opo at saka niya kami grinupo sa tatlo. Sabi niya ay kami nalang daw ang mag grupo sa sarili namin para komportable kami sa mga kagrupo namin.
Jake Takte! Sabi na at dapat na sinundan ko si Crimson kanina eh. Pinagalit niya siguro si pikon kaya hinampas nito ang lamesa. Loko loko kasi 'tong si Crimson eh. Alam niyang pikon 'yon pinagalit pa niya. Ang ending suspended si pikon. Hindi pa naman ako mahilig mag take down notes pero dahil nga sa 'kin umaasa si pikon eh wala akong magagawa. "Kuya Andrew, bakit?" Lumapit sa amin si kuya Andrew at nag-aalala. "Hindi. Umuwi na siya dahil suspended siya." Sagot ko. "Wala siya sa bahay." "What?" Sabay na tanong ni Raia at Alexa. Bakit wala sa bahay nila si pikon? "Baka nasa restaurant niyo?" Pagbabakasakali ni Blake. "Wala siya do'n dahil sarado 'yon. Nasa hospital sila mama." "Bakit nasa hospital sila tita? Ano nangyari?" Tanong ni Tristan. "May bumugbog kay And
Andrea "May balak ka bang pumatay?" Tanong ni kuya Andrew na may bahid ng galit. "Meron, kung hindi agad magigising si Andrei." Sagot ko. Mapapatay ko talaga sila kapag hindi agad nagising ang kapatid ko. "'Wag mong balewalain ang babala ko sa 'yo, Andrea." Wika ni kuya Andrello na may bahid ng pagbabanta ang boses. Hindi mo ako matatakot ngayon dahil puro galit lang ang nararamdaman ko. Galit para sa mga g*gong gumawa nito sa kapatid ko. Araw na upang maningil. Isang linggo na ang nakakalipas pero hindi pa rin nagigising si Andrei. Tapos na ang palugit na binigay ko sa kanila. Maaga 'kong umalis sa bahay namin dahil ayokong masaktan ang pamilya ko dahil sa pagpigil sa 'kin. Sa ospital natutulog sila mama dahil binabantayan nila si Andrei kaya sila kuya lang ang kasama ko ngayon dito sa bahay. Wala akong pasok dahil suspended ako kaya may oras ako p
Andrea "Turuan mo 'ko ng martial arts ate, para maipagtanggol ko sarili ko." Sabi ni Andrei. Kaming dalawa lang ang nandito sa hospital room niya dahil pinauwi ko muna sila mama para makapagpahinga ng ayus. "Sige, 'pag galing ka na." 'Yun din naman ang balak ko. Malaki na rin naman siya at hindi na siya bata. Dapat na niyang protektahan ang sarili niya. "Nakilala mo ba kung sino ang bumugbog sa 'kin?" Tanong niya. Umupo ako sa tabi niya sa kama pagkatapos ko siyang ipagbalat ng pongkan. "Oo." Maikli kong tugon. "Pwede mo bang sabihin sa 'kin kung sino 'yun pagkatapos mo akong turuan? Para makaganti man lang ako." "Alam mo namang masama ang gumanti, hindi ba? 'Yun ang turo sa atin nila mama." "Pero ikaw gumaganti ka." Nakanguso nitong sabi. "Hindi pagganti ang ginawa ko sa kanila
Alistair She never had a boyfriend, huh? But now, someone show up and they are acting like a couple. Hindi ko alam na may magkakagusto pa pala sa kaniya. Hindi naman gwapo 'yung lalaki. Mas gwapo pa rin ako sa kaniya. Ano kayang nagustuhan nila sa isa't isa? "Bro, ayus ka lang?" Nakangising tanong sa akin ni Tristan. "Of course." I reply. "May boyfriend pala si Andrea eh. Kawawa ka." He tap my shoulder before he left. What is he talking about? Ano naman sa 'kin kung may boyfriend na 'yung babaeng 'yun? I don't care. It has nothing to do with me. Tss. Nagpunta ako sa isang park malapit sa bahay namin para mawala ang badtrip ko. Ewan ko ba kung bakit ako na badtrip ng dahil lang sa babaeng 'yun. I don't understand myself lately. That's the first time that I saw her that happy and I don't like it. I
Andrea Periodical exam namin ngayon hanggang kinabukasan. Hindi ko lang alam kung may isasagot ako dahil hindi ako nakapag review kagabi dahil sa pagod. Ipinamigay na ng bantay naming guro ang questionnaire matapos niyang sabihin sa amin ang dapat at hindi dapat na gawin. Hindi kahirapan ang exam namin kaya hindi sumakit ang mga ulo namin. Half day lang kami ngayon dahil nga periodical exam. Ganiyan naman lagi sa school namin basta exam, half day lang. "Chick lang pala ang exam eh." Mayabang na sabi ng animal na prenteng nakaupo sa bench. Nasa rooftop kami ngayon. "Akala ko nga mahihirapan ako, hindi naman pala." Sabi ni Tristan. "No need to review, we can answer those questions even if we don't." Ani Raia. "It's easy for us, pa'no sa iba?" Tanong ni Lexa. "'Wag kayong magpakampante. Hindi ibig sabihin na madal
Andrea Miss ko na si lolo. Sobra. Bata palang ako noong namatay si lolo. Sobrang lungkot nung araw na iyon. Napakamapaglaro naman kasi ng tadhana. Noong umaga lang ay masaya pa kaming naglalaro, nag-uusap, nagbibiruan at nagkakainan. Tapos pagsapit ng hating gabi, ginigising kaming lahat dahil sa biglaang pagkawala niya. Walang paglagyan ang lungkot na nararamdaman namin noong gabing iyon. Ang lahat ay tahimik na humihikbi at tahimik na dinaramdan ang sakit ng pagkawala niya. Wala kang maririnig na kahit anong salita mula sa aming lahat noon. Iyak at hagulgol lang. Sobrang sakit. Biruin mo 'yun, natulog ka lang tapos 'pag gising mo, ang balitang maririnig mo sa pamilya mo ay wala na ang pinakamamahal mong lolo. Sabay sabay kaming kumain sa bahay ng hardin nila lola. Naghanda sila ng isang mahabang lamesa dito na mayroon pang kulay puting tela sa iba
Andrea Nagpatuloy kami sa kasiyahan at naglaro pa ng maraming laro. May mga premyo din akong nakuha mula sa mga palaro kaya may pocket money na ako. Hindi nawawala ang tawanan at asaran habang naglalaro kami. Ang malakas mag-asaran ay ang magkapatid na Rain at Catherine. Parang mga aso't pusa ang mga 'yun. Parang hindi magkapatid eh. Last day na namin dito sa Sagada. Pinayagan nila kami na mag-kaniya kaniya ng lakad. Kahit saan daw kami pumunta ay ayus lang basta ay bumalik kami bago magdilim. May isa akong lugar na gustong gusto kong puntahan dito sa Sagada. Ang hanging coffins. Ang mga kabaong ay mga nakasabit sa cliffs. Ito ang unang lugar na pinuntahan ko dito. Buti nga at hindi nahuhulog ang mga ito. Marami na rin ang kabaong na nakasabit dito. Marami rin ang turista na narito at pinagmamasdan ang mga kabaong. Ang iba ay kumukuha ng litrato.
Andrea Hindi naman ako makakasabay kela Tristan dahil nauna silang lumabas sa akin. Punyeta naman. Hindi ako makatayo sa kina-uupuan ko dahil para akong matutumba kapag tumayo ako kaya pinapahinga ko muna ang sarili ko baka sakaling mawala ang sakit ng ulo na nararamdaman ko. May mga yabag ng paa akong narinig palapit sa akin at may presensya ng tao akong naramdaman sa harap ko kaya nag-angat ako ng tingin. Mukha ni hagdan ang tumambad sa akin at pag-aalala ang makikita doon. "Are you okay?" Tanong niya ng puno ng pag-aalala. "Hmm." Sagot ko. "No, you're not." Sabi niya saka sinalat ang noo ko. "Kaya mo bang tumayo?" "Hmm." Sagot ko saka ako tumayo. Kinuha niya ang bag ko at saka ako inalalayang lumakad palabas. Nakahawak ang isang kamay niya sa balikat ko ang isa naman ay nakahawak sa kamay ko.