Nang marinig ang sinabi ni Penny, nanlaki ang mga mata ni Fiona."Sa tingin ko, naalog ang utak mo dahil sa aksidente," seryosong wika ni Fiona.Hindi naman mapigilang mapangiti ni Penny, bagaman may halong pait ito.Hindi siya nagbibiro.Talagang gagawin niya ang lahat para matulungan ang bagong kumpanya ni Gabo na makaakyat sa stock market, at sa mismong araw ng tagumpay nito, gagamitin niya ang divorce agreement na hawak niya. Siguradong ipapakain niya sa dalawang salarin ang impyernong nararapat sa kanila.Nagpatuloy ang kwentuhan ng magkaibigan hanggang sa magtakipsilim. Nagbabadya ang maitim na ulap sa labas at ayon sa ulat ng panahon ay may paparating na malakas na bagyo, kaya pinauwi na muna ni Penny si Fiona bago pa man bumuhos ang ulan.Hindi darating si Gabo sa ospital ngayong gabi dahil may importante raw itong inaasikaso sa kumpanya. Ngunit alam na ni Penny ang totoo, siguradong abala ito sa pagsuyo kay Melissa.Kinuha niya ang kanyang cellphone at binuksan ang Instagra
Zuletzt aktualisiert : 2026-05-29 Mehr lesen