Share

Chapter 7

Author: Jeszeil
last update publish date: 2026-07-23 22:59:28

Chapter 7

Nanatili ang titig ni Wyatt sa kaniya, ngunit ngayon ay may kasama na itong pagsusuri at kaunting paghanga.

Ang babaeng ito na inakala ng lahat na walang laban at nagmamakaawa sa pampublikong eksena kagabi, ay hawak pala sa leeg ang buhay ng negosyo ni Mateo.

"Mommy!" muling hiyaw ng maliit na dumpling sa kaniyang isip na halos magtatatalon sa tuwa.

"Hindi mo naman sinabi na ganiyan ka pala kagaling! Ipagmamayabang talaga kita sa lahat!"

Simpleng tech person lang naman ako, sagot ni Ayella sa kaniyang sarili.

Inalis ni Wyatt ang tingin sa kaniya at ibinalik ang malamig na tono. "Kung ganun, lalo mong kailangan ng pormal na titulo."

"Pormal na titulo?" tanong ni Ayella.

"Ang maging opisyal na asawa ni Wyatt Fitzwilliam. Sapat na 'yon para hindi man lang makalapit si Mateo sa patent mo," deretsong pahayag ng lalaki.

Natahimik si Ayella ng ilang segundo.

May punto ito.

Sa lakas at impluwensya ng pamilya Mallari sa Ilocos City, madadapa at madadapa pa rin sila kapag ang mga Fitzwilliam na ang humarap sa kanila.

"Mommy, pumayag ka na!" sigaw uli ng dumpling sa isip niya na halos mapatid na ang boses sa excitement. "Kahit kasal-kasalan lang 'yan, malapit ka pa rin sa kaniya! Mula ngayon, ikaw na ang legal na misis ni Wyatt Fitzwilliam!"

Puwede bang maging mahinhin ka nang kaunti? suway ni Ayella.

"Ayaw ko nga!" sagot ng dumpling sa maaktong boses. "Ngayong nahanap ko na si Daddy, siyempre tutulungan kita na makuha siya!"

Huminga nang malalim si Ayella at muling tiningnan ang lalaki.

"Mr. Fitzwilliam, ibig mo bang sabihin... magpapakasal tayo sa papel lang?" tanong niya.

"Oo."

"Hanggang kailan naman ang kontrata?"

"Kung gusto mong tapusin pagkapanganak mo sa bata, pwedeng-pwede," malamig ngunit siguradong sagot ni Wyatt. "Bibigyan din kita ng sapat na pera—yung kakayanin mong mabuhay nang komportable kasama ang anak mo habang buhay."

Umapaw ang katahimikan sa pagitan nila.

Masyadong maganda ang alok na ito para tanggihan.

Magkakaroon siya ng napakalakas na proteksyon, magkakaroon ng legal na apelyido ang anak niya, at mawawala rin ang problema ni Wyatt sa panggigipit ng pamilya nito.

Walang lamangan, walang utang na loob.

"Sige, pumapayag ako," nakatiping ngiti na sagot ni Ayella.

Tumango si Wyatt at agad na tumayo mula sa kaniyang upuan. "Kakausapin ko na ang abogado para sa kasunduan. Aayusin natin ang Certificate of Marriage ngayong araw."

"Ngayon agad?" gulat niyang tanong.

"May problema ba?"

Umiling si Ayella.

Mas maaga, mas maganda.

Kailangan na kailangan na niya ang pangalang 'Misis ni Wyatt Fitzwilliam' para mapatahimik at matakpan ang bibig ng mga taong nagmamagaling sa kaniya.

Pagkalipas ng dalawang oras, nakatayo na si Ayella sa mismong harapan ng Local Civil Registrar. Nakatitig siya sa hawak niyang marriage certificate habang tulala pa rin at hindi ganap na makapaniwala.

Napakabilis ng lahat. Para siyang nanaginip.

Kagabi lang, puno siya ng pag-asa na makakasal sa lalaking kinasama niya nang ilang taon na si Mateo. Pero ngayon, hawak na niya ang katibayan na kasal na siya kay Wyatt.

Pula ang pabalat ng papel na may gintong tatak, at sa loob ay ang kaniyang larawan kasama si Wyatt.

Sa litrato, bahagyang ilang at pilit ang kaniyang ngiti, habang si Wyatt naman ay nananatiling malamig at walang anumang emosyon sa mukha—hindi bakas kung masaya ba ito o galit.

Pero simula sa araw na ito, legal na silang mag-asawa.

"Misis ni Wyatt Fitzwilliam, ikaw na ang bahala sa akin."

Nagmula ang malalim at baritonong boses na iyon sa kaniyang itaas.

Bahagyang nag-angat ng tingin si Ayella at mabilis na nagtama ang kabilang mga mata sa seryosong titig ni Wyatt.

"Mr. Fitzwilliam, ikaw rin po ang bahala sa akin," mahinhin at halos pabulong niyang sagot.

"Ang galing!" hiyaw ng maliit na dumpling sa kaniyang isip na abot-langit ang saya. "Simula ngayon, kumpleto na ako! May mommy at daddy na ako!"

Nang marinig ni Ayella ang musmos na boses na iyon, biglang may gumapang na kakaibang init at lambot sa kaniyang dibdib.

"Mommy, 'wag kang mag-alala, babantayan ko si Daddy para sa 'yo!" buong-kumpyansang deklarasyon ng dumpling. "Kapag naglakas-loob siyang lumapit o makipagflirt sa ibang babae, sisipain ko ang tiyan mo para ipaalala sa 'yo!"

Napatigil si Ayella sa kaniyang isip.

Maninisip sa tiyan para lang magpaalala? Anong klaseng plano 'yon?

Hindi napigilan ni Ayella ang bahagyang pagtaas ng gilid ng kaniyang labi. Napaka-kakaiba talaga ng batang ito.

"Anong iniisip mo?" tanong ng lalaki sa kaniyang tabi.

Mabilis na nabalik sa realidad si Ayella. "Wala naman po. Parang hindi lang talaga ako makapaniwala hanggang ngayon."

Tinitigan siya ni Wyatt. May bahagyang gumalaw na emosyon sa malamig nitong mga mata na mabilis ding nawala.

"Masanay ka rin kalaunan. TARA na," simpleng utos nito habang tumatagilid para pagbuksan siya.

Lalakad na sana silang dalawa patungo sa nakaparadang sasakyan nang biglang tumunog ang cellphone ni Wyatt mula sa bulsa nito.

Inilabas nito ang cellphone at tiningnan ang screen. Bahagyang sumalubong ang makakapal nitong kilay nang mabasa ang pangalan ng tumatawag, ngunit pinalipas din iyon agad at sinagot ang linya.

"Lola," malamig ngunit may paggalang na bungad ni Wyatt sa kabilang linya.

"Wyatt, umuwi ka sa ancestral house ngayong gabi. Nagsaayos ako ng blind date para sa 'yo," mariin at maawtoridad na bungad ng matandang boses sa kabilang linya ng cellphone. "Ang babae ay ang bunsong anak ng mga Boniel. Kakauwi lang niya mula sa ibang bansa. Maganda siya at nanggaling sa maayos na pamilya. Ikaw..."

"Lola," mabilis na putol ni Wyatt sa kaniyang pananalita. "Hindi niyo na kailangang mag-ayos ng kahit ano."

Natahimik ang matanda sa kabilang linya bago muling nagsalita, halatang naiinis na.

"Ano'ng ibig mong sabihin? Gumagawa ka na naman ba ng dahilan para takasan ako?"

maawtoridad na pangaral ng lola nito. "Sinasabi ko sa 'yo, kailangan mong pumunta ngayon! Ilang taon ka na? Lagpas tatlumpu ka na pero wala ka pa ring asawa! Gusto mo bang maputol ang lahi ng mga Fitzwilliam? Wala akong pakialam kung ano man 'yang mahalagang ginagawa mo ngayon, ipagpaliban mo 'yan at umuwi ka!"

"I am married," malamig ngunit direktang sagot ni Wyatt.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Secret Heir Is the Billionaire’s Matchmaker   Chapter 129

    Chapter 129Nagpadala si Dahlia ng mensahe kay Mateo. "Mateo, congratulations. Kung kailangan mo ng anumang tulong sa press conference, huwag kang mag-atubiling makipag-ugnayan sa akin kahit kailan."Sumagot si Mateo ng isang malamig at walang pakialam na "Mm," ngunit hindi ito pinansin ni Dahlia.Para sa kaniya, basta't hindi siya itinutulak palayo ni Mateo, ito ay isang tagumpay na.Bumaba si Dahlia patungo sa sala.Ang mga mukha ng kaniyang pamilya ay nagniningning sa mga ngiting bahagyang pigil.Napansin ni Emilia ang ekspresyon ni Dahlia at nagtanong, "Tila ba maayos at trintrang maayos ang pag-unlad ng mga bagay-bagay?"May ngiti sa kaniyang mga labi, sinabi ni Dahlia, "Oo, Mom, maghintay ka lang at tingnan mo kung paano ka magiging biyenan ni Mateo!""Ang kayang gawin ni Ayella, ako, si Dahlia, ay kaya ko rin.""At gusto kong gawin ito nang mas mahusay pa kaysa kay Ayella."Nang marinig ang mga salita ni Dahlia, hindi mapigilan ni Emilia ang ngumiti.“Alam ni Mom 'yan. Mas mabu

  • My Secret Heir Is the Billionaire’s Matchmaker   Chapter 128

    Chapter 128Siya mismo ang magdurusang mag-isa sa mga kahihinatnan ng kaniyang mga ginawa.Ang pinakamahalagang bagay sa ngayon ay ang press conference ang lahat ng iba pa ay makapaghihintay.Ang press conference ni Mateo ay nakatakda sa kasunod na Miyerkules.Sa oras na iyon, ang lahat ng media ay naroroon, at ang lahat ng mga propesyonal sa industriya ay magbibigay ng pansin.Iyon ay hindi lamang isang maluwalhating sandali para sa Mallari, kundi maging para sa kaniya rin.Gusto niyang makita ng lahat na siya, si Dahlia, ay hindi isang komedyante o clown na umakyat sa kapangyarihan sa pamamagitan ng isang pekeng pagbubuntis, kundi isang babaeng may tunay na kakayahan na makatutulong sa Mallari na malutas ang kanilang mga problema.Sa pag-iisip nito, ang mga labi ni Dahlia ay muling kumurba sa isang ngiti.Nang hindi niya nalalaman, sa kaparehong oras, sa silid-aralan sa Vista Estates, tinitingnan ni Ayella ang imbitasyon sa press conference ni Mateo, isang kopya na ipinadala sa kani

  • My Secret Heir Is the Billionaire’s Matchmaker   Chapter 127

    Chapter 127Ang konklusyon ng ulat ay malinaw ang mga pangunahing technical parameters na ginamit sa proyekto ng Mallari ay lubos na nakatapat at kapareho ng nasa mga patent ni Ayella, kung saan ang ilang mahahalagang punto ay halos magkaparehong-magkapareho.Pinakiusapan ni Wyatt si Lucas na imbestigahan nang lubusan ang usapin.Mabilis na nagpadala si Lucas ng balita tungkol sa imbestigasyon.Matapos malaman ang balita, tinawagan ni Wyatt si Ayella.Matapos marinig ito, dumilim ang ekspresyon ni Ayella.Matapos ibaba ang telepono, ang eksena mula tatlong taon na ang nakalilipas ay kumislap sa isip ni Ayella.Ang pamilya ni Brandon ay nagdaranas ng krisis noong oras na iyon.Itinuturing siya ni Ayella bilang kaniyang senior brother.Kaya palihim siyang nag-ambag at nagbigay ng pera sa kaniya upang tulungan siyang makalampas sa kaniyang mga paghihirap.Ngunit hindi niya kailanman inasahan na ang taong iniligtas niya ay magiging isang walang pusong taksil at bastos na tao.Kinuha nito

  • My Secret Heir Is the Billionaire’s Matchmaker   Chapter 126

    Chapter 126Nang kasunod na araw, matapos ibigay ang datos sa technical team, nakaramdam pa rin si Mateo ng kaunting pag-aalinlangan at hindi mapagkakatiwalaang pakiramdam.Habang nakaupo siya sa kaniyang opisina, hindi niya mapigilang mag-isip kung ang mga ibinigay sa kaniya ni Dahlia ay maaasahan ba o hindi.Kung may mangyayaring masama, ang mga kahihinatnan ay hindi maiisip.Ngunit sa ngayon, ang proyekto ang pinakamahalagang bagay, at wala siyang oras upang pag-isipan ang lahat ng iyon.Anuman ang mangyari, talagang gumawa si Dahlia ng isang malaking pabor para sa Mallari.Ang proyektong ito ay naisalba na sa wakas.Dahil natapos na ang lahat ng paunang trabaho, oras na upang maghanda para sa press conference.Sa Vista Estates.Nakaupo si Ayella sa kaniyang silid-aralan, habang ang patent contract ay nakaladlad sa kaniyang tapat.Naiinip na ang little dumpling. "Mommy, hindi ka ba napapagod na panatilihing pinapanood ang mga bagay na ito araw-araw?""Hindi napapagod."Naisip ni Ay

  • My Secret Heir Is the Billionaire’s Matchmaker   Chapter 125

    Chapter 125Ibinaba ni Dahlia ang kaniyang ulo, itinatago ang ngiti sa kaniyang mga labi.Ito ay isang magandang senyales.Nang makarating sila sa pinto ng Pamilya Macaraig, tinanggal ni Dahlia ang kaniyang seatbelt ngunit hindi agad bumaba ng kotse.Lumingon siya upang tingnan si Mateo, ang kaniyang boses ay malambot at mahinhin."Mateo, salamat sa paghahatid sa akin pabalik."Ipinatong ni Mateo ang kaniyang kamay sa manibela at tumugon ng isang mahinang "um".Binuksan ni Dahlia ang pinto ng kotse, bumaba, at lumingon kay Mateo, habang sinasabi, "Mateo, mag-iingat ka sa daan."Tumango si Mateo, pinaandar ang kotse, at nagmaneho palayo sa Pamilya Macaraig.Tumayo si Dahlia sa pinto, pinapanood ang pag-alis ng kotse, habang ang kaniyang ngiti ay unti-unting lalim.Lumingon siya at naglakad pabalik sa loob ng bahay, nagpapakawala ng isang mahabang buntong-hininga.Naging napakaganda ng kaniyang pag-arte sa eksena ngayong araw.Ang paraan ng pagtingin sa kaniya ni Mateo ay nagpapahiwatig

  • My Secret Heir Is the Billionaire’s Matchmaker   Chapter 124

    Chapter 124Sa Pamilya Mallari.Natanggap ni Mateo ang dokumento mula kay Dahlia, binuksan ito, binasa ang ilang pahina, at ang kaniyang mga kilay ay kumalma.Bagaman hindi kumpleto ang impormasyon, ang ilan sa mga ito ay talagang makapagpapagaan sa presyur ng kanilang proyekto.Isinara ni Mateo ang file, naguguluhan.Saan nakuha ni Dahlia ang mga bagay na ito?Nag-isip siya nang isang sandali, saka kinuha ang kaniyang telepono at nagpadala ng mensahe kay Dahlia."Saan mo nakuha ang mga bagay na ito?"Mabilis na sumagot si Dahlia, "Hindi mo na kailangang mag-alala tungkol doon, sabihin mo na lang sa akin kung kapaki-pakinabang ba o hindi."Tinitigan ni Mateo ang linya ng teksto nang ilang segundo, saka sumagot ng isang salita, "Oo.""Mabuti kung kapaki-pakinabang, Mateo. Sinabi ko naman sa 'yo na tutulungan kita."Hindi sumagot si Mateo.Ipinatong niya ang kaniyang telepono sa mesa, ang kaniyang isip ay nagdudulot ng gulo ng mga kaisipan.Tinulungan siya ni Dahlia, ngunit sa ilalim ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status