MasukCONTINUATION OF THIRD PERSON POV
"My parents are already dead, Eury. So you won't be able to meet them anymore. They died in a car accident. The car they were riding has exploded and so even their bodies were never been seen," Zandro lied to Eury. Nang lingunin niya si Eury ay nakita niyang umiiyak na ito. Nagulat pa siya nang yakapin siya nito nang mahigpit at doon sa kanya nagpatuloy sa pag-iyak. "W-what the heck are you doing?" he asked. Umiiyak naman itong sumagot sa kanya. "K-kasi naaawa at nasasaktan ako para sa iyo. Ang bata bata mo pa para mawalan ng mga magulang, Zandro," iyak na sabi nito sa kanya na ikinagulat niya. "Kaya pala napakatahimik at napakasuplado mo kasi mahirap ang mga pinagdadaanan mo. Sabay na nawala ang parents mo, kung ako ang nasa posisyon mo ay iiyak talaga ako araw-araw. Sobrang sakit kaya mawalan ng mahal sa buhay." Sa mga sinabi nito sa kanya ay para siyang natauhan. Kailan nga ba siya huling umiyak para sa mga magulang niyang nagpaalis sa kanya. Halos hindi na niya maalala pa dahil ang pagngungulilang naramdaman niya para sa mga ito ay matagal nang napalitan nang galit at poot. "Zandro....sorry..sorry..kung nagtanong ako sa iyo nang ganon. Ipinaalala ko pa tuloy sa iyo ang pagkawala nila. Waaaaahhh sorry," palahaw ni Eury. Hindi maintindihan ni Zandro ang kanyang sarili sa mga oras na ito. Ang nararamdaman lang niya ay unti unting bumabalik ang mga masasayang alaala niya kasama ang Mommy at Daddy niya. Kung saan ramdam pa niya ang pagmamahal ng mga ito para sa kanya. Nagulat siya nang magsimulang magsituluan ang kanyang mga luha sa kanyang magkabilang pisngi. It took a lot of seconds for him to realize that he's crying right now. Hindi makapaniwalang tinitigan niya si Eury. How can this little girl make him cry again? EURY POV "EURY!" Napatingin ako kay Gail na isa sa mga kaklase ko. Kararating lang niya dito sa room namin at mukhang pagod na pagod siya galing sa pagkakatakbo niya. Huminga siya nang malalim bago nagsalita. "NAKIKIPAG AWAY NA NAMAN SI ZANDRO SA LIKOD NG GYM!" Nabitiwan ko ang librong hawak ko at kaagad na napatayo. Na naman?! Mabilis akong kumilos at patakbong lumabas ng classroom. Ilang beses na ba siyang nakipag away sa linggong ito? Sa tingin ko ay ito na ang pang apat na beses. Kung magpapatuloy pa ito ay baka tuluyan na siyang masuspende sa paaralang ito. Ni hindi pa nga tuluyang nagsisimula ang klase namin para sa taong ito ay nasasangkot na kaagad siya sa kahit anumang klase nang gulo dito sa loob ng school. Dati rati naman ay hindi siya ganyan. Nang nasa elementary pa kami ay ako parati ang nagliligtas sa kanya mula sa mga nambubully sa kanya. Pero ngayong high school na kami at noong simula nang sabihin ko sa kanya na matuto siyang lumaban ay palagi na lang siyang nasasangkot sa anumang klaseng gulo rito sa school. Halos liparin ko na ang hagdanan papuntang first floor dahil sa pagmamadali. "Excuse me!" sigaw ko sa mga estudyanteng nakaharang sa corridor ng school. Nang malapit na ako sa pintuang papuntang likuran ng gym ay may nabangga pa akong lalaki. "Pasensya na!" sigaw ko muli rito nang hindi manlang humihinto sa pagtakbo. Agad kong binuksan ang pintuan at pahangos na lumabas. Kaagad kong nakita si Zandro kasama ang tatlo pang mga lalaki. "Sino ka ba ha?" galit na tanong noong lalaking may pasa sa mukha. Teka si Zandro ba ang may gawa nun sa kanya? "Zandro Vandrick Torricelli, first year section 1. At walang kahit na sino man sa inyo ang pwedeng sumira ng tulog ko," sagot ni Zandro na mukhang inaantok pa yata dahil sa namumungay niyang mga mata. "Aba't matapang ang first year na ito ahh!" sigaw ng isa pang lalaki. Nagulat ako at napatakip sa bibig nang suntukin niya si Zandro sa mukha. Napaatras lamang si Zandro nang kaunti at pagkatapos ay isang kamay niyang hinablot ang kwelyo ng lalaki. "Sa tingin mo ba ay natatakot ako sa iyo?" mahinahon niyang bigkas at sinikmuraan iyong lalaking hawak niya. Napaubo ito sa sakit at napayuko sa lupa. "Sino pang susunod?" baling niya sa dalawa pang natitira. Umatras lamang ang mga ito dahil sa takot. "Ikaw ba ang nanipa?" tanong niya sa isa sa mga lalaki. "H-hindi. Hindi ako iyon," natatakot na sagot nito sa kanya. "ZANDRO TAMA NA!" hindi ko na napigilan pang sumigaw. Mabilis siyang lumingon sa akin at nagulat pa nang makita ako. Pansin ko ang kaunting galos sa mukha niya pati na sa braso. Sabog ang may kahabaan niyang buhok na humaharang sa makinis niyang mukha at magulo rin ang kanyang unipormeng suot. "Eury," mahinang anas niya. "Tama na," hikbi ko na ikinatigil niya. Nakatitig lamang ako sa kanya. Bakit? Bakit ka nagkakaganyan Zandro? Bakit? Naramdaman ko ang pagtulo ng aking mga luha sa pisngi ko. "Tsk! Pasalamat kayo," anas niya at dinampot ang backpack niyang nasa sahig saka naglakad palapit sa akin. Huminto siya sa aking harapan at tinitigan ako. Dati rati ay ako ang matangkad sa aming dalawa at ako rin ang nakikipag away ngunit ngayon ay iba na ang sitwasyon. Siya na ang gumagawa non. Marahan niyang pinalis ang luha na nasa aking kanang pisngi. "Tss! Napaka iyakin mo talaga," bigkas niya saka hinawakan ang aking kamay. "Let's get inside." Habang naglalakad kami papasok sa loob ng school ay nakarinig kami ng pagpito. "Naku naman talaga," mariing bulong ko sa sarili. Sabay naming nilingon ang may gawa non at nakita namin si Sir Diego. Hindi pa namin siya masyadong kilala pero sa loob ng isang linggong pagbalik balik ni Zandro sa disiplinary office ay siya palagi ang nakakahuli kay Zandro. "TORRICELLI! IKAW NA NAMAN! SA DISCIPLINARY OFFICE!" Sinasabi ko na nga ba. Sinamahan ko na lang si Zandro na magpunta sa disciplinary office. Nakaupo ako ngayon sa labas ng office at hinihintay si Zandro. Ito na ang pang apat na beses na ipinatawag siya dahil sa gulo. Sana lang ay hindi siya masuspende. Napatayo ako nang bumukas ang pintuan at lumabas mula doon si Zandro. Agad ko siyang nilapitan. "Anong sabi? Mapapatalsik ka ba? Sumagot ka!" Bored niya akong nilingon. "Gusto mo yatang ma suspende ako ahh." Hindi ko napigilan ang sariling batukan siya. "Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo ha!" Nagulat ako nang bigla siyang ngumiti at inakbayan ako. "Hindi nila ako isususpende. Gwapo ako ehh," mayabang niyang sagot at ginulo ang buhok ko. Engot!ZANDRO POV"Drop your gun! Or else!" banta niya sa akin."Ok! OK! I'LL DROP MY GUN BUT FUCK! DON'T HURT HER! SHE'S NOTHING TO DO WITH THIS!" I intensively growled at him."Huwag, Zandro! Please huwag mong ibaba ang baril mo. Babarilin ka niya!" umiiyak parin na sigaw ni Eury sa akin."You killed my uncle, Torricelli! Not just my uncle but also my father! You murdered them!""What do you expect me to do, Alcaic? They killed my father! They revolted our laws in the organization!""SHUT UP! TORRICELLI! SHUT UP! YOU ARE NOT IN THE RIGHT PLACE IN THIS MOMENT TO QUESTION MY FAMILIES BELIEFS! I WILL KILL YOU! AND I WILL MAKE SURE YOU WILL SUFFER!" galit na galit niyang sigaw sa akin.Ang baril na nakatutok sa ulo ni Eury ay mabilis niyang itinutok sa akin. Pero naging mabilis ang mga pangyayari. Dahil malakas na kinagat ni Eury ang kamay niyang iyon na ikinahiyaw niya nang husto dahilan para mabitawan niya ang kanyang baril. Nakatakas si Eury sa hawak niya at kaagad na tumakbo papunta sa aki
ANDREW POV"Bitiwan mo ako! ZANDRO! TULONG! TULUNGAN MO AKO! KYAHHHHH!" malakas niyang sigaw habang nagpupumiglas.Nang tuluyan na silang nakaalis ay agad akong gumulong sa sahig at mabilis na nagtago sa isa pang pader na semento.Nakita ko ang iilan sa mga kasamahan ko na nakahandusay na sa malamig na sahig."Psst! Batsi na!" tawag sa akin nang isa ko pang kasamahan at agad na tumakbo papunta sana sa dinaanan ng mga italyano kanina. Ngunit nagulat ako nang makita siyang tinamaan nang baril at kaagad na humandusay sa sahig."Fuck!" mariing mura ko nang mapagtanto ko na halos lahat sa mga kasamahan ko ay deretso sa ulo ang mga tama ng baril."Tangina! Anong klase bang mga tao itong nakalaban namin ngayon? Bakit sa nakikita at napapansin ko ay wala talaga yata silang balak na iwanan kaming lahat na buhay!" mariing mura ko sa aking sarili."Ahh!" ungol ko nang bigla na lamang matamaan ang kanang balikat ko.Napaimpit ako sa sobrang sakit at hindi pa nga ako nakakabawi nang maramdaman ko
THIRD PERSON POV*SA ITALYA*Tahimik na nilulusob nang iilang mga tauhan ni Zandro ang isang malaking mansion."Men, surround the area!" utos ni Tequila sa iilan niyang mga tauhan na agad namang ikinilos nang napakarami niyang tauhan.Nakasuot sila nang mga pawang itim na damit at hawak nila sa kanilang mga kamay ang kanilang mga baril. Mabilis na umikot ang napakarami niyang tauhan sa buong paligid nang nasabing mansion. May napansin si Tequila na paparating na sasakyan kaya agad siyang nagtago sa damuhan na nasa gilid lamang nang mismong gate. At nang nasa tapat na niya ito at huminto para sa isang vehicle check up ay agad siyang gumulong papunta sa ilalim nito at kumapit sa bakal na parte nang sasakyan. Kaya nang muli itong umandar papasok sa loob nang napakalaking gate ng mansion ay hindi na siya nahirapan pang makapuslit sa loob nito."I'm in, be ready for entering the target place," utos ni Tequila nang makapagtago na siya sa isang punpon nang mga bulaklak sa loob mismo."Copy
ZANDRO POV"Sire, the young lady. She got kidnapped."Halos mabingi ako sa aking narinig at hindi ko na namalayan pa na mabilis na akong kumilos. Agad namang humilera sa harapan nang simbahan ang mga sasakyan nang mga tauhan ko."Teka, ano bang nangyayari?" litong tanong ng mga panauhin na nasa labas ng simbahan."Hijo, saan ka pupunta?" rinig ko pang sigaw ni Tita sa akin ngunit halos hindi ko na siya marinig pa dahil tuloy-tuloy lang ang naging pagpasok ko sa isa sa mga sasakyan."Sa hotel tayo. Madali kayo!" sigaw ko sa mga tauhan ko."Sire, nahuli po ni Lexius ang babaeng espiya na pumalit kay Miss Eury. At kasalukuyan na po siyang iniinterogate ngayon. Base sa nakuhang record ng cctv footage ay pinasok po si Miss Eury sa loob nang dressing room at pumalit po sa posisyon niya iyong babaeng espiya," magkanda utal ni Butler Leonard na nasa passenger seat at napapasulyap pa sa akin gamit ang salamin na nasa harapan.Halos maputol ang litid nang mga ugat ko dahil sa biglaang galit na
OTHER PERSON POVWalang kahirap hirap na nakasakay ang babaeng espiya sa mamahaling sasakyan. Ni hindi nga siya napansin ng mga tauhan ni Zandro na hindi ito si Eury. Dahil sa suot nitong wedding dress at veil sa mukha.Habang nasa byahe papuntang simbahan ay walang humpay ang ginagawang pagsulyap ni Lexius sa bride na nasa backseat."Ayos lang po ba kayo diyan, Miss Eury?" hindi niya napigilang magtanong. Pakiramdam niya kasi ay kakaiba ang ginagawang pananahimik nito.Sa kabilang banda naman ay isang tango lang ang ginawa ng mismong espiyang babae. Hindi siya sumagot dahil sa baka malaman ni Lexius na hindi siya ang totoong bride. Ngunit iyon ang napakalaking pagkakamali niya dahil sa iyon ang naging dahilan para mas lalo lang maghinala si Lexius sa kanya.Pasimple niyang kinausap ang kanyang mga kasamahan na sina Piper at Butler Leonard sa gamit rin nilang earpiece."Somethings off, Piper. Check the Cctv's footage of the hotel," mahina niyang anas habang nakaalerto sa babaeng nasa
EURY POV"Siya nga pala. Wala bang ibang pamilya si Zandro na dadalo para sa kasal niyo?" baling ni Daddy sa akin.Doon ako natigilan.Hindi ko pwedeng sabihin kay Daddy ang totoo tungkol sa pagkatao ni Zandro. Ang tanging alam lang nila ay wala nang mga magulang si Zandro. Iyon lang."Wala po ehh. Si uncle Leonard lamang po ang tanging pamilya niya na naririto. Kaya expected na po na si uncle Leonard ang maghahatid sa kanya sa altar," mahinang sagot ko."Nakakaawang bata. Wala manlang kahit ni isa ang ibang makakakita na ikakasal na kayo," mangiyak ngiyak nq anas ni Mommy habang pinupunasan ang kanyang mga luha.Napangiti naman ako nang mapakla dahil sa sinabi niyang iyon.Kung alam niyo lang mommy na lahat nang mga trabahanteng naririto sa hotel na ito ngayon maliban sa inyo at pamilya natin ay pawang lahat ay mga tauhan ni Zandro."Excuse me po, Lady Eury. Pinapasabi po ni Sir Leonard na handa na po ang sasakyan na gagamitin niyo papuntang simbahan," lapit sa amin nang isang babae.
EURY POV Assassin? Hindi ba't mamamatay tao 'yon? Ibig sabihin lang nito ay kaharap ko ngayon ang mga taong pumapatay sa mga korupt na nasa gobyerno? "And of course this is butler Leonard. Magkakilala na kayo dati pa. Siya ang nakatalagang butler sa akin simula nang bata pa ako." Halos magulat p
EURY POV "Edi wag!" medyo naiinis ko pang pakli sabay alis nang kamay niya sa akin. Ewan ko ba pero bigla na lamang akong nakaramdam nang pagkainis sa kanya. And at the same time ay medyo nakaramdam din ako nang sakit sa dibdib. Na para bang wala siyang pakialam sa magiging opinyon ko. "Baby, pl
ZANDRO POV "Hows the young lady, Sire?" bungad na tanong sa akin ni Butler Leonard matapos kong maihatid si Eury sa condo unit niya. Gusto ko sanang dito na siya magpalipas nang gabi pero mapilit talaga siyang umuwi. "She'a fine," maikling sagot ko sa kanya habang hinuhubad ang suot kong busines
THIRD PERSON POINT OF VIEW"Madame nasa conference room na po ang lahat ng mga board members at nakahanda na rin po ang lahat," balita ni Carmen kina Eury.Mabilis na napatayo naman ang mag-ina at tsaka taas noong naglakad papalabas ng opisina para tahakin ang daan papunta sa conference room. At na







