NAPATAKBO palapit si Dykeil nang makita ang kaniyang ama papasok sa kanilang bahay."Tito Dylan!" excited na tawag ng bata sa binata. Napangiti naman si Dylan sa reaksyon na nakita niya kay Dykeil."I have something for you." Pagkatapos sabihin 'yon ni Dylan ay inilabas niya ang dalang pasalubong mula sa likuran."Yehey! Another ice cream!" Nagtatalon naman sa tuwa si Dykeil nang makita ang garapon na hawak ni Dylan. "Is that a vanilla ice cream, Tito Dylan?"Kinuha niya naman mula sa binata ang hawak na ice cream at tinignan kung anong flavor ang nakalagay roon."Strawberry?" nakangusong sabi ni Dykeil at binalik ito kay Dylan."Ayaw mo ba sa dala kong ice cream?"Napakunot naman ang noo ni Dylan dahil alam niya namang gusto nito ni Dykeil o baka naman nagkamali lang siya. Napalingon naman si Dylan sa may pintuan nang marinig nito ang pagkabukas. Napaismid siya nang makita si Alfred doon."Hi, Dykeil! I brought your favorite," bungad na sabi ni Alfred at nang magtama ang mga mata nil
IT'S been a week noong malaman ni Dylan na buntis ang kaniyang kinakasama na si Reighn pagkatapos siyang puntahan nito sa may playground. Isang lingo na ang nakalipas, pero hindi pa rin siya nagpapakita kay Zoe after ng araw na confrontation nila ni Alfred. Kung sabagay ay hindi niya rin naman alam ang sasabihin sa dalaga. Gulong-gulo siya at walang pumapasok sa utak niya ngayon kung hindi ang iwasan muna ito. Yesterday she texted Dylan asking if he was fine, but Dylan didn't respond. Nakapatay na ang cellphone niya ngayon sa takot na baka tawagan na siya ni Zoe kapag hindi pa siya nag-reply. Kahit si Reighn ay hindi na maintindihan ang kinikilos ng kaniyang boyfriend. Dylan should be happy because finally Reighn's pregnant. Iyon naman ang matagal na gusto niya ang magkaroon ng anak, pero bakit hindi niya magawa?"Babe, are you okay?" tanong ni Reighn nang mapansin nito ang kinakasama na tulala. Muli niya itong tinawag, pero nanatiling nakatingin sa mga kamay niya si Dylan. "Babe, ok
GUSTONG bawiin ni Zoe lahat ng sinabi niya kanina kay Dylan, pero napakasama niya namang tao kung gagawin niya 'yon. Sa pangalawang beses ay nasaktan na naman siya dahil sa pag-ibig niya. Siya na naman ang naiwan at kailangan niya na namang buoin ang sarili na wala ang binata sa tabi nito."Mommy, are you okay?" Tinignan ni Zoe ang kaniyang anak na lumapit habang may hawak na bola. Umupo naman ang dalaga para mapantayan si Dykeil at niyakap ito nang mahigpit.Hindi nagsalita si Zoe, pero ramdam ang panginginig ng kaniyang katawan habang yakap ang kaniyang anak. Ang kaninang luha na kanina niya pa pinipigilan ay bigla na lang bumagsak. Binitawan ni Dykeil ang hawak nitong bola at tumugon sa yakap ng kaniyang nanay."M-Mommy." Narinig ni Zoe ang pag-break ng boses ni Dykeil nang tawagin siya nito. Kasunod ng pagtawag ay ang pagsabay din ng iyak ng bata.Humiwalay naman sa yakap si Zoe at pinunasan ang luha sa magkabilang pisngi ng kaniyang anak. Hindi mapigilan ni Zoe na mapangiti lalo
HINDI mapakali si Zoe sa kaniyang kinauupuan habang pabalik-balik ang tingin sa kaniyang relo. Nasa isang restaurant siya kung saan sila magkikita ni Reighn. Noong tumawag si Reighn sa kaniya noong gabing iwan siya ni Dylan ay nakadagdag pa iyon sa iniisip niya ngayon. Wala siyang ideya kung bakit at kung saan nito nakuha ang number niya. Hindi niya rin alam kung para saan ang pagkikita na ito at kung bakit pumayag pa siya.Sa anim na taong wala si Zoe sa Pilipinas ay ngayon niya na lang ulit ito makikita at makakausap sa personal. Alam niyang hindi naging maganda ang kanilang nakaraan noong iwan niya ang magkasintahan sa Pilipinas.Naramdaman ni Zoe ang panginginig ng kaniyang mga tuhod at panlalamig ng mga kamay dahil sa kaba. Mahigit kalahating oras na rin siyang naghihintay rito at hanggang ngayon ay hindi niya pa rin nakikita kahit anino ni Reighn.Bakit ba kasi siya kinakabahan ng ganito? Magkikita lang naman sila at mag-uusap. Wala naman siyang dapat ikabahala dahil tapos na an
HINDI mapakali si Zoe habang nakatingin sa kaniya si Ira. Nagdadalawang isip pa ang dalaga kung sasabihin niya ba ito sa hindi niya kakilalang babae, pero katulad nga ng sinabi nito ay wala namang masama na magsabi sa stranger. Lalo na at hindi nila huhusgahan ang pagkatao mo."Tsk," singhal ni Zoe dahil mukhang ayaw tumigil ng babae sa pamimilit sa kaniya. Bago nagsimula sa pagsasalita si Zoe ay kinuha niya muna ang bagong bukas na beer sa lamesa at bumuntong hininga. "Matagal na akong may gusto sa kaibigan ko.""And then?""Okay na sana ang lahat hanggang sa dumating siya. Nagustuhan ng kaibigan ko 'yong babae na 'yon kaya unti-unti na siyang walang pakialam sa akin hanggang sa naging sila na. To make the story short ay birthday ng kapatid niyang babae. Lasing ako noong gabing 'yon at may nangyari sa aming dalawa ng kaibigan ko."Tumigil si Zoe sa pagsasalita at hinihintay kung lalaitin siya ni Ira, pero nanatili lang itong tahimik kaya naman pinagpatuloy niya na ang pagkuwento."Al
NAGMAMADALING pumunta si Dylan sa hospital na sinabi ni Nanay Meding nang malaman nitong isinugod si Dykeil. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang maramdaman lalo na sa tuwing maiisip niya ang reaksyon ni Zoe kapag nalaman nito ang nangyari sa kaniyang anak. Alam niya sa sarili kung gaano kahalaga ni Dykeil sa dalaga kaya naman labis-labis din ang kaniyang pagkabahala sa madadatnang eksena.Nagtungo kaagad si Dylan sa front desk ng hospital nang makarating at agad na tinanong kung nasaan ang kuwarto ni Dykeil. Nagdadalawang isip pa ang nurse kung ibibigay ang impormasyon tungkol kay Dykeil, lalo na at walang maibigay na sagot si Dylan nang tanungin siya nito kung ano ang koneksiyon niya sa bata."Please, nurse, nagmamakaawa ako. Kailangan ako ng kaibigan ko," pagtukoy niya kay Zoe. Nakikita sa mukha ni Dylan ang pagsumamo niyang malaman. Alam niyang hindi sila maayos ni Zoe noong huling kita nila. Ngunit nang malaman ang nangyari sa anak ni Zoe ay para bang wala siyang ibang ma
WALANG ibang ginawa si Dylan kung hindi ang tumahimik. Parang sasabog na ang ulo niya dahil kung ano-ano na pumapasok sa isip niya. Ang dalawang taong mahalaga sa buhay niya ay hindi niya man lang naprotektahan. Alam ni Dylan sa sarili kung gaano kaimportante si Zoe sa kaniya noon pa lang. Sobra ang pasasalamat niya sa dalaga dahil kahit paano ay naging makabuluhan naman ang buhay niyo, pero hindi niya man lang nagawang suklian ang dalaga kung hindi puro sakit lang. Hindi niya mapigilang tanungin ang sarili kung anong klaseng kaibigan ba siya? Malaki ang nagawa niyang kasalanan sa dalaga at alam niyang nadagdagan niya pa ang kasalanan na 'yon simula noong nagkaroon sila ng kasunduan.Gustong sumigaw ni Dylan. Gusto niyang ibuhos lahat ng sakit sa dibdib niya. Alam niya sa sarili na napakalaki niyang gago sa buhay ni Zoe. Tinignan ni Dylan ang ginang sa tabi nito na tahimik ang na umiiyak. Muli niyang inilibot ang tingin sa paligid at kanina niya pa pinagtataka kung bakit wala si Al
DINALA ni Dylan si Abby pabalik sa silid ni Dykeil. Wala silang puwedeng gawin kung hindi ang manalangin at maghintay ng magandang balita. Gusto lang nila ay maging maayos ang mag-ina. Nang tuluyan nang kumalma si Abby ay nagpaalam si Dylan na lalabas. Gusto niya munang mapag-isa at ilabas ang bigat na nararamdaman niya. Naglakad ang binata hanggang sa matagpuan niya ang sarili na nasa roof top ng hospital. Nang makaapak pa lang sa sahig ay agad siyang sumigaw ng napakalakas.Alam niyang walang makaririnig sa kaniya kaya ibinuhos niya na lahat. He wanted to hurt himself, pero kahit ilang beses niyang suntukin ang sarili ay para bang manhid na ang kaniyang katawan. Wala ng iba pang paraan para pawalain ang sakit sa kaniyang dibdib."Zoe, please, don't leave me," pagsusumamo niya habang nakatingin sa kalangitan. Inisip niya ang mga masasayang araw na kasama ang dalaga noon at ayaw niya pang matapos 'yon sa ganoon lang. Pumikit siya at huminga nang malalim. Nang tuluyan niyang maikalma