Share

Chapter 20

WALANG ibang ginawa si Dylan kung hindi ang tumahimik. Parang sasabog na ang ulo niya dahil kung ano-ano na pumapasok sa isip niya. Ang dalawang taong mahalaga sa buhay niya ay hindi niya man lang naprotektahan.

Alam ni Dylan sa sarili kung gaano kaimportante si Zoe sa kaniya noon pa lang. Sobra ang pasasalamat niya sa dalaga dahil kahit paano ay naging makabuluhan naman ang buhay niyo, pero hindi niya man lang nagawang suklian ang dalaga kung hindi puro sakit lang.

Hindi niya mapigilang tanungin ang sarili kung anong klaseng kaibigan ba siya? Malaki ang nagawa niyang kasalanan sa dalaga at alam niyang nadagdagan niya pa ang kasalanan na 'yon simula noong nagkaroon sila ng kasunduan.

Gustong sumigaw ni Dylan. Gusto niyang ibuhos lahat ng sakit sa dibdib niya. Alam niya sa sarili na napakalaki niyang gago sa buhay ni Zoe.

Tinignan ni Dylan ang ginang sa tabi nito na tahimik ang na umiiyak. Muli niyang inilibot ang tingin sa paligid at kanina niya pa pinagtataka kung bakit wala si Al
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status