Compartilhar

Episode 2

Autor: Katie Alcos
last update Data de publicação: 2026-10-20 20:17:16

One year ago — 8:00 AM

“Remember what I told you, Arya. You have to get that job.”

Napatingin si Arya sa sarili sa salamin habang hawak ang cellphone. Suot niya ang puting blouse, itim na palda, at sapatos na ilang beses niyang pinunasan para magmukhang bago.

“Alam ko, Damian. Hindi mo kailangang ulit-ulitin.”

“Then stop sounding nervous.”

“Hindi ako kinakabahan.”

“Good. Then you won't mind remembering that you owe me twelve million pesos.”

Napapikit siya.

“Ang aga-aga, pananakot agad?”

“I'm reminding you of your responsibilities.”

“Ang tawag diyan, panggigipit.”

“Call it whatever you want. Just get the job.”

Naputol ang tawag.

Napabuntong-hininga si Arya at kinuha ang brown envelope sa mesa. Nasa loob ang resume, mga sertipiko, at mga rekomendasyong inihanda para sa kanya. Ang ilan sa mga detalye ay hindi totoo, pero ang mga taong nagbigay ng rekomendasyon ay tunay na nakakakilala sa kanyang kakayahan.

Hindi siya ang pinakakwalipikadong aplikante.

Pero kailangan niyang maging ang pinakamahusay sa paningin ni Matthew Imperial.

“Okay, Arya,” bulong niya sa sarili. “Ngiti lang. Sumagot nang maayos. At huwag kang magpahalata.”

Sandali siyang huminto bago tumingin muli sa salamin.

“Lord, kung hindi ako matanggap, puwede bang manalo na lang ako sa lotto?”

Walang sumagot.

“Okay. Interview na lang.”

---

IMPERIAL DEFENSE SYSTEMS

Alas-diyes nang makarating si Arya sa Imperial Defense Systems, isang kumpanyang dalubhasa sa industrial machinery, protective armor, at advanced defense equipment.

Mula sa makintab na sahig hanggang sa mga empleyadong abalang naglalakad, ramdam niyang bawat sulok ng gusali ay may sariling pamantayan.

At malamang, may sariling presyo rin.

“Miss Arya?”

Napalingon siya sa babaeng nakasuot ng beige blazer.

“I'm Barbara from Human Resources. Follow me, please.”

Dinala siya ni Barbara sa isang conference room.

Nandoon sina Anton Reyes, ang executive secretary na nangangasiwa sa mga operasyong may kinalaman sa opisina ng CEO, at Clara Villanueva, na humahawak sa executive administration at confidential records.

“Good luck,” sabi ni Clara habang nakikipagkamay sa kanya. “You'll need it.”

“Ganoon po ba kahirap ang trabaho?”

“Hindi ang trabaho ang mahirap,” sagot ni Anton. “Ang boss.”

Bumukas ang p***o.

At biglang nawala ang lahat ng nakahandang sasabihin ni Arya.

Pumasok ang isang lalaking matangkad, nakasuot ng charcoal-gray suit, at may hawak na itim na folder. Malamig ang mukha nito, matalim ang tingin, at tila walang oras para sa mga bagay na hindi mahalaga.

Si Matthew Imperial.

Hindi niya kailangang ipakilala ang sarili. Sapat na ang presensiya nito para malaman ni Arya kung sino ang taong kaharap niya.

“Good morning,” bati nito.

Tumayo ang lahat.

“Good morning, sir.”

Umupo si Matthew at binuksan ang folder.

“Miss Arya?”

“Yes, sir.”

“Sit.”

Umupo siya at maingat na inilapag ang kanyang bag sa tabi ng upuan.

Sinuri ni Matthew ang kanyang resume.

“Administrative work. Scheduling. Records management. Executive correspondence.” Itinaas nito ang tingin. “You seem qualified.”

“Thank you, sir.”

“On paper.”

Napangiti si Arya nang bahagya.

“That's why we're here, sir. To see if I can do the job.”

Sandaling tumigil ang paggalaw ng kamay ni Matthew.

Tumingin ito sa kanya.

“Confident.”

“Prepared, sir.”

“There's a difference.”

“Then I hope you'll discover which one I am.”

Tahimik ang silid.

Napatingin si Clara kay Anton. Si Barbara naman ay bahagyang napangiti bago muling inayos ang kanyang ekspresyon.

Si Matthew lamang ang hindi ngumiti.

“Let's find out.”

---

THE INTERVIEW

“Why do you want to work for Imperial Defense Systems?” tanong ni Matthew.

“Gusto kong magkaroon ng trabahong masusubok ang kakayahan ko, sir. I can organize schedules, manage documents, and handle pressure. I believe I can contribute to your executive office.”

“Everyone says that.”

“Then perhaps you should ask something they can't answer with a memorized speech.”

Napatigil si Matthew.

Dahan-dahan niyang isinara ang folder.

“Are you telling me how to conduct an interview?”

“I'm suggesting a more efficient approach, sir.”

“Efficient?”

“Yes, sir. Sayang naman ang oras natin kung pare-pareho lang ang tanong at sagot.”

Natahimik si Anton.

Si Clara naman ay napayuko upang itago ang kanyang ngiti.

Matthew leaned back in his chair.

“Fine. Let's make this interesting.”

Kumuha siya ng isang papel mula sa folder.

“It's eight in the morning. I have three urgent meetings, a contract waiting for approval, and a department head demanding my attention. My schedule suddenly changes. What do you do?”

“Alamin ko muna kung alin ang may pinakamalaking epekto sa operasyon ng kumpanya. Ire-rearrange ko ang mga meeting na puwedeng ilipat, ipapaalam sa mga taong maaapektuhan, at ihahanda ang mga dokumentong kailangan ninyo bago ang bawat appointment.”

“And if I tell you to attend all three meetings at the same time?”

“Then I'll ask if you have a secret twin, sir.”

Napatingin si Matthew sa kanya.

Napatakip ng bibig si Clara.

“Excuse me?” malamig na tanong ni Matthew.

“I'm sorry, sir. Pero kahit gaano po kagaling ang isang secretary, hindi niya kayang hatiin ang oras. I'll present the available options and let you decide which meeting takes priority.”

Matagal siyang tinitigan ni Matthew.

“Do you always have an answer for everything?”

“No, sir.”

“Good. At least you're honest about something.”

May kung anong kirot na dumaan sa dibdib ni Arya.

Kung alam lamang nito.

Matthew picked up another document.

“What would you do if I gave you an instruction that you believed was wrong?”

“I'd explain my concern respectfully and provide the information supporting it. The final decision would still be yours, sir, but I'd make sure you had all the facts before deciding.”

“Even if I got angry?”

“Is that part of the job description?”

Napatingin si Matthew sa kanya.

“Ano?”

“Nothing, sir.”

“Miss Arya.”

“Yes, sir?”

“You're testing my patience.”

“I'm sorry, sir. I thought we were making the interview interesting.”

For a moment, walang nagsalita.

Then Matthew gave a short, unexpected laugh.

It was brief, almost reluctant, but it was there.

At dahil doon, muntik nang makalimutan ni Arya ang susunod niyang sasabihin.

Ay. Marunong palang tumawa.

Mabilis niyang ibinaba ang tingin sa mesa.

Focus, Arya. Trabaho. Hindi kilig.

---

TOO CLOSE FOR COMFORT

Natapos ang unang bahagi ng interview nang tumayo si Matthew at lumapit sa screen sa kabilang dulo ng conference room.

“Come here, Miss Arya.”

Agad siyang tumayo at lumapit.

Ipinakita nito ang isang sample executive calendar na may magkakapatong na appointment.

“Reorganize this schedule. You have five minutes.”

Kinuha ni Arya ang tablet at sinuri ang mga detalye.

Tahimik si Matthew habang pinagmamasdan siya.

Hindi siya nagmamadaling pindutin ang bawat appointment. Una niyang inayos ang mga prayoridad, saka inilagay ang mga meeting sa mga puwang na hindi makaaapekto sa mahahalagang desisyon.

Pagkalipas ng ilang minuto, iniabot niya ang tablet.

“Done, sir.”

Sinuri ni Matthew ang schedule.

“Why did you move this meeting?”

“Dahil kailangan ang final inventory report bago ang contract review. Kung itutuloy ang meeting nang wala ang report, masasayang lang ang oras ng lahat.”

“And this one?”

“Puwedeng gawin online, sir. Hindi kailangang bumiyahe ang department head para lamang magbigay ng update.”

Matthew studied the screen again.

“You've thought this through.”

“That's the point of planning, sir.”

Inabot niya ang tablet.

Ngunit sa mismong sandaling iyon, sabay nilang hinawakan ang gilid nito.

Nagtagpo ang kanilang mga daliri.

Saglit na natigilan si Arya.

Mabilis sana niyang babawiin ang kamay, ngunit nahawakan ni Matthew ang kanyang pulso upang hindi mahulog ang tablet.

“Careful.”

Napatitig siya rito.

Magkalapit sila. Sapat para mapansin niya ang maliliit na detalye ng mukha nito—ang matalim na mga mata, ang bahagyang kunot sa pagitan ng mga kilay, at ang ekspresyong tila laging may iniisip.

“I'm fine, sir,” mahina niyang sagot.

Hindi agad binitiwan ni Matthew ang kanyang pulso.

Then he seemed to realize what he was doing.

Agad siyang bumitaw.

“Pay attention.”

Napakurap si Arya.

“Sa tablet po?”

Matthew looked at her.

“Miss Arya.”

“Yes, sir.”

“Don't make me regret this interview.”

“Hindi po, sir.”

Bumalik si Matthew sa kanyang upuan.

Si Arya naman ay tahimik na bumalik sa kanyang puwesto, pilit na pinapakalma ang tibok ng puso.

Ano ba 'yon? Pulso lang naman.

Pero bakit parang may kung anong dumaan sa kanya nang magtagpo ang kanilang mga kamay?

---

Matapos ang ilang karagdagang tanong, isinara ni Matthew ang folder.

“Your references are good. They describe you as dependable, organized, and capable of handling difficult situations.”

“Thank you, sir.”

“Tell me about a mistake you've made at work.”

Biglang nawala ang ngiti ni Arya.

Sa pagkakataong iyon, hindi niya alam kung anong kasinungalingan ang dapat niyang sabihin.

“May mga desisyon po akong pinagsisihan,” sagot niya. “Pero natutunan kong hindi nawawala ang problema kapag iniiwasan mo ito. Kailangan mong harapin at itama kung ano ang kaya mong itama.”

“That's vague.”

“I know, sir.”

“Why should I accept that answer?”

Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin.

“Because I don't want to invent a story just to make myself look perfect.”

Matagal siyang pinagmasdan ni Matthew.

Sa unang pagkakataon, tila hindi resume ang binabasa nito kundi ang babaeng nasa harapan niya.

“Everyone has flaws, Miss Arya.”

“I'm aware, sir.”

“Some people hide them. Others learn to work around them.”

“And which one do you prefer?”

Matthew paused.

“People who know the difference between a mistake and an excuse.”

Natahimik si Arya.

Hindi niya alam kung bakit tumimo sa kanya ang mga salitang iyon.

Marahil dahil sa unang pagkakataon, may isang taong nagpapaalala sa kanya na hindi pa huli ang lahat para itama ang mga pagkakamali niya.

Kahit hindi nito alam ang tunay na dahilan kung bakit siya naroon.

---

“Barbara,” sabi ni Matthew habang tumatayo, “verify her references and complete the remaining employment checks.”

“Yes, sir.”

“Anton, prepare the executive office orientation if everything checks out.”

“Understood, sir.”

Tumayo rin si Arya.

“Thank you for your time, Mr. Imperial.”

Matthew turned toward her.

“One more thing.”

“Yes, sir?”

“Can you handle a demanding boss?”

Napatingin si Arya sa kanya.

“Depende po.”

“On what?”

“Kung demanding lang po kayo o unreasonable.”

Napatigil si Anton.

Si Clara ay napatingin sa kisame na para bang nagdarasal.

Matthew stared at Arya for several seconds.

Then he smiled.

Not a full smile, but enough to change his entire expression.

“Let's hope you never have to find out.”

Hindi alam ni Arya kung bakit gusto niyang ngumiti nang mas malaki.

“I'm willing to take the risk, sir.”

“Careful. I might hold you to that.”

“I'll remember it.”

“See that you do.”

Paglabas niya ng conference room, saka lamang siya nakahinga nang maluwag.

Hindi niya alam kung pasado ba siya o kung may balak pa itong dagdagan ang interview.

Ang alam lang niya, may kakaiba sa lalaking iyon.

At iyon ang dapat niyang katakutan.

---

Makalipas ang dalawang oras, tinawag siya ni Barbara.

“Miss Arya, Mr. Imperial has selected you for the position, subject to completion of the remaining employment formalities.”

Napahawak siya sa folder.

“I'm hired?”

“Yes. Congratulations.”

“Thank you!”

“Your first day starts tomorrow. You'll work directly with Mr. Imperial. Anton will brief you on the operations, while Clara will assist you with the administrative procedures.”

Tumango si Arya.

“Understood.”

Bago siya umalis, may isa pang sinabi si Barbara.

“One piece of advice.”

“Yes?”

“Mr. Imperial doesn't easily trust people. If he starts relying on you, it means you've earned your place. Don't take that lightly.”

Napaisip si Arya.

Trust.

Ang bagay na kailangan niyang makuha.

At ang bagay na balang araw ay maaaring kailanganin niyang sirain.

---

Paglabas ni Barbara, agad na tinawagan ni Arya si Damian.

“I got the job.”

“Good. I knew you would.”

“Ano na ang susunod kong gagawin?”

“Earn Matthew's trust. Learn how he operates. Report anything relevant to me.”

“And my debt?”

“Still twelve million.”

Napapikit si Arya.

“Akala ko kapag nakuha ko ang trabaho—”

“You thought wrong. This is only the beginning.”

Natapos ang tawag.

Naupo si Arya sa isang bakanteng upuan at tinitigan ang kanyang cellphone.

Kinabukasan, haharapin niya si Matthew bilang secretary nito. Kailangan niyang maging mahusay, maaasahan, at higit sa lahat, kapani-paniwala.

Ngunit habang naaalala niya ang maikling pagtawa nito at ang sandaling nagtagpo ang kanilang mga kamay, may isang katotohanang hindi niya kayang aminin.

Hindi naging mahirap ang interview dahil natakot siya kay Matthew.

Naging mahirap iyon dahil sa unang pagkakataon, may isang lalaking gusto niyang makilala nang hindi kailangang magsinungaling.

At bukas, sisimulan niyang lokohin ito.

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • My Secretary is a Gambler   Episode 35

    Maagang nagising si Arya Aragon sa bahay ng kaniyang ama. Ilang araw na siyang nananatili roon, malayo sa condo niyang posibleng binabantayan ng mga tauhan ni Damian Carriego.Tahimik ang paligid, ngunit hindi ibig sabihin niyon ay payapa na ang buhay niya.Sa bawat paggising niya, naaalala niya ang mga taong nanakit sa kaniya, ang utang na matagal niyang pinagsikapang bayaran, at ang lalaking nag-akala na maaari siyang kontrolin habambuhay.Pero ngayong wala na siya sa ilalim ng direktang kapangyarihan ni Damian, may pagkakataon na siyang kumilos.Hindi na siya magtatago habang buhay.Kailangan niyang tapusin ang lahat.Paglabas niya ng kuwarto, nadatnan niya ang kaniyang ama sa maliit nitong opisina. Nakalatag sa mesa ang mga dokumento at ilang lumang litrato. May hawak itong cellphone habang may binabasang mensahe.“Good morning, Dad.”Nag-angat ito ng tingin. “Maaga ka.”“Hindi ako makatulog.”“Dahil kay Damian o dahil kay Matthew?”Napahinto si Arya.“Dad naman. Kailangan ba tala

  • My Secretary is a Gambler   Episode 34

    Hindi makatulog si Matthew Imperial.Alas-dos na ng madaling-araw, ngunit nakaupo pa rin siya sa kaniyang opisina, hawak ang resignation letter ni Arya Aragon.Paulit-ulit niyang binabasa ang maikling liham na para bang may makikita siyang ibang kahulugan sa bawat salita.Walang paliwanag.Walang mahabang pamamaalam.Walang kahit isang pang-aasar na karaniwang ginagawa ni Arya kapag gusto nitong inisin siya.Isang simpleng resignation letter lamang.At isang bakanteng mesa.“Sir, hindi pa po ba kayo uuwi?” tanong ni Anton, na bumalik sa opisina upang kunin ang naiwan nitong cellphone.Matthew didn't look up.“Do you know where she went?”“Hindi po. Tinawagan ko siya kanina, pero hindi sumasagot.”“Call her again.”“Sir, pang-ilang tawag na po natin ito.”Matthew finally looked at him.“Then call her one more time.”Tumango si Anton at inilabas ang cellphone. Ilang segundo silang nakinig sa ringing tone bago naputol ang tawag.“Still no answer.”Matthew clenched his jaw.“Find her addr

  • My Secretary is a Gambler   Episode 33

    Nagsimula ang lahat sa isang tawag na natanggap ni Matthew Imperial alas-siyete ng umaga.Nasa loob siya ng kaniyang opisina sa Imperial Defense Systems nang biglang pumasok si Anton Reyes, hawak ang laptop at may seryosong ekspresyon sa mukha.“Sir, we have a problem.”Hindi nag-angat ng tingin si Matthew mula sa dokumentong binabasa niya.“What kind of problem?”“Someone leaked confidential information about the new defense equipment project.”Agad na ibinaba ni Matthew ang dokumento.“What?”“May lumabas na internal specifications, proposed pricing, at bahagi ng delivery schedule sa isang industry forum. Mayroon ding kopya ang isang competitor natin.”Tumayo si Matthew at lumapit sa laptop ni Anton.Ipinakita nito ang mga screenshot ng impormasyong kumakalat online. Hindi pa kumpleto ang lahat ng detalye, pero sapat na ang inilabas upang maapektuhan ang negosasyon nila sa isang malaking kliyente.“Who has access to these files?” malamig na tanong ni Matthew.“Limited lang, Sir. You

  • My Secretary is a Gambler   Episode 32

    Dalawang linggo ang lumipas mula nang ma-discharge si Arya Aragon sa ospital. Unti-unti nang bumabalik ang lakas niya, at bagama't kailangan pa rin niyang mag-ingat, hindi na niya kayang manatili sa bahay buong araw.Masaya siyang nakakapagpahinga, pero nami-miss na rin niya ang trabaho, ang mga kasamahan niya, at maging ang lalaking palaging dahilan ng pagkayamot niya.Matthew Imperial.Ang CEO na kayang magpatigil ng buong conference room sa isang tingin, pero hindi kayang pigilan ang sariling magtanong kung kumain na ba siya.Hindi naman iyon nangangahulugang may espesyal na nararamdaman si Arya para sa lalaki.Siguro.“Mamsh, huwag mo nang sabihing pagod ka. Hindi pa nga tayo umaalis, pagod ka na agad!”Napatingin si Arya sa cellphone habang kausap si Barbara.“Hindi ako pagod. Nag-iisip lang ako kung bakit kailangan nating lumabas.”“Dahil dalawang linggo ka nang hindi nakikipag-socialize! At dahil gusto kitang makitang nakangiti, hindi iyong nakatingin ka lang sa kisame habang n

  • My Secretary is a Gambler   Episode 31

    Isang linggo matapos ang gabing muntik nang maging huli sa buhay ni Arya Aragon, sa wakas ay pinayagan na siyang makalabas ng ospital.Hindi pa tuluyang nawawala ang mga pasa sa kaniyang katawan, at sumasakit pa rin ang kaniyang tagiliran kapag napapasobra ang galaw. Ngunit para sa kaniya, sapat na ang isang linggong pagkakakulong sa ospital.Gusto na niyang bumalik sa buhay niya.O, mas tamang sabihin, gusto na niyang bawiin ang buhay na muntik nang agawin sa kaniya.“Remember, Miss Aragon,” paalala ng doktor, “you still need sufficient rest. Iwasan muna ang mabibigat na gawain at strenuous exercise. Huwag mong piliting bumalik agad sa normal ang katawan mo.”“Opo, Doc. Behave na po ako.”Sa tabi niya, napailing si Matthew Imperial.“That's the least believable promise I've heard in my entire life.”Napalingon si Arya.“Excuse me? May pinagdaanan po akong trauma. Hindi ba puwedeng maging supportive ka naman?”“I'm supporting the doctor's instructions.”“Napakasipsip.”“Thank you.”“H

  • My Secretary is a Gambler   Episode 30

    Hindi mapakali si Matthew Imperial mula nang maospital si Arya Aragon.Kahit abala siya sa pagpapatakbo ng Imperial Defense Systems, palagi niyang tinitingnan ang cellphone, umaasang may bagong mensahe mula sa kaniyang sekretarya.Samantala, si Anton ay may natuklasang hindi niya inaasahan.Nagsimula ang lahat sa paghahanap niya ng isang lumang meeting schedule sa computer ni Arya.Dahil wala ang sekretarya, humingi siya ng tulong sa IT department upang mahanap ang nawawalang file sa mga awtorisadong company records. Sa halip na schedule, may nakita silang mga email na naka-flag bilang posibleng security concern.“Sir Anton, may kailangan po kayong makita,” sabi ng IT specialist.Lumapit si Anton sa monitor.Sunod-sunod na email ang nakalista. Ang mga subject ay tungkol sa meetings, contracts, at business proposals ng IDS. May mga attachment ding ipinadala sa isang external email address na hindi matukoy ang tunay na may-ari.“Buksan natin ang mga file at ikumpara sa official records,

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status