Manila, Philippines
"Stefano, can I go with you, please?" salubong ni Leila dito pagkalabas pa lang ng banyo.
She ignored his naked body with only a white towel wrapped around his waist.
No matter how beautiful and well-shaped his muscles are, she will not be affected because he is her sister's husband. Ang mahalaga lang sa kanya ngayo'y ang makalaya siya sa sitwasyong kinasasadlakan. Ilang araw na siyang nakakulong dito sa penthouse nito. Gustuhin man niyang lumabas, ngunit mahigpit na nakabantay sa kanya ang dalawang tauhan nito sa labas ng pinto.
Tanging panonood ng t.v at pagbabasa ng libro lang ang ginagawa niya sa buong maghapon. Mabuti na lamang at ang opisina nito dito ay may mini-library. Sa araw-araw na lumilipas, naghihintay lamang si Leila na gumabi, matutulog, at kinabukasan ay iyon ulit ang gagawin. Habang si Stefano ay abala sa mga negosyo nito. Aalis ng maaga't uuwi na ng late ng gabi.
Maagap niyang kinuha ang puting long-sleeved polo nito na maayos na nakasabit sa isa sa mga closet at ibinigay rito. Ni hindi man lang siya tiningnan nito't basta inabot sa kamay niya ang polo.
"No. You stay here, Lara," walang ganang sagot nito, nagbubutones.
How long will she be locked up? Did he do the same to Lara that's why her sister left? Asawa siya nito 'di ba, kaya bakit ganito ang trato nito sa kanya?
"Do I really have no freedom here?" naisatinig na lamang niya dahil sa pagkadismaya sa sinabi nito.
Doon siya nito tiningnan na para bang nang-aarok. "The last time I gave you freedom, what did you do?"
She looked away from him. She was speechless and didn't know what to say.
Nahihirapan siya. Hindi niya alam kung paano niya sisimulan o gagampanan ang iniwan ng kanyang kapatid. Wala siyang ideya sa kung paano ito sa asawa nito. Kung ano ang mga nangyari nu'ng panahon na magkasama pa ang mga 'to. Kung anong klaseng relasyon bilang mag-asawa mayroon mga 'to. Ang dami niyang gustong malaman, ngunit hindi niya alam kung kanino siya magtatanong. Hindi rin naman puwede sa kanyang ama dahil paniguradong magagalit lamang ito sa kanya at baka kung ano pa ang sasabihin na hindi kaaya-aya.
Leila just stared at the man in front of her. If physical appearance is the only basis for liking someone, she is sure that the man in front of her is more than enough for what all women are looking for. Abala ito sa pag-aayos ng sarili nito, kaya nagkaroon siya ng pagkakataon para mapag-aralan ang kabuuan nito.
Walang kapintas-pintas sa hitsura, pangangatawan, at kabuun nito. He is also tall, he seems to be six feet three inches in height. Mayaman din, kaya nga lang medyo hindi maayos ang pag-uugali nito na siyang nagbigay sa kanya ng pagkadigusto rito. At sa palaging suot nito na two-pieces suit, mas nangibabaw lamang ang taglay nitong kakisigan.
"Have I passed your standards, Lara?" No.
Leila shook her head with a disappointed face and left him there in the walk-in closet before leaving their room. Wala din naman siyang mapapala. Mukhang isa na namang araw ang papalipasin niya dito sa loob ng penthouse.
Nagugutom na siya. Sa mga nakaraang araw, pansin niya kay Stefano na lagi itong nag-oorder ng pagkain sa labas. At hindi niya nagugustuhan iyon. Hindi naman sa maarte o mapili siya, kaya lang ay hindi naman kasi healthy ang ginagawa nito. Hindi iyon ang nakasanayan niya. Kapag nasa Paris naman siya at nanatili ng ilang araw o linggo doon para bisitahin ang shop niya'y nagluluto talaga siya. Kumakain lang siya sa labas kapag nag-aya sa kanya ang kaibigan niya o may mga art exhibit siyang dinadaluhan.
Narinig ni Leila ang pagtunog ng doorbell. Akmang maglalakad siya patungong pintuan nang maunahan siya ni Stefano.
"Let me," agap nito't tinungo ang pintuan.
Sumilip siya at ang tauhan nitong si Juan iyon at may ibinigay na paper bag na may tatak na pangalan at logo ng isang restaurant. Ito ang palagi nitong pinag-oorderan ng pagkain tuwing umaga at hindi rin naman niya maipagkakaila na masarap ang mga luto doon.
"Let me help you," mungkahi niya.
"No need. I can handle this. Just take a shower and I'll wait for you." Hindi na siya nagpumilit at sinunod na lamang ang sinabi nito.
Nagmamadaling tinungo ni Leila ang kanilang silid at naligo dahil gutom na talaga siya. Kagabi kasi ay hindi niya nakain ang inorder ni Stefano para sa kanya. Hindi niya gusto ang pagkain na inorder nito dahil naamoy niya doon ang peanut butter. Kaya imbes na masayang, ibinigay niya iyon sa tauhan na nasa labas at pinakain sa mga 'to. Pinakiusapan niya lang na huwag sabihin sa boss ng mga 'to upang hindi sila pareho managot.
Stefano immediately said goodbye to her after they had breakfast and left her again with the two men who were outside the door. After Leila cleaned the dining table and washed the dishes she and Stefano had used, she sat on the large sofa in the living room and turned on the television. Nasa kalagitnaan siya ng kanyang pinapanuod nang biglang bumukas ang pinto at pumasok roon ang isang magandang babae. Dumako ang nag-aalab nitong tingin sa kanya at mabilis siyang nilapitan. Tatayo na sana si Leila nang biglang hilahin nito ang kanyang buhok na ikinaladkad niya paalis sa upuan.
"Bitch! Bumalik ka pa talaga. Sana nanatili ka na lang kung saang impyerno ka man pumunta!" nagagalit nitong hiyaw.
"Uhh...Ouch!" Masyadong mahigpit ang pagkakasabunot nito sa kanya. "Uhh!
"L-Let me go!" Jesus! Matatanggalan siya ng anit sa ginagawa nito. Napakasakit ng ulo niya.
"Lintik lang ang walang ganti. Gaga ka! Masakit ba, huh?" Pilit niyang inaalis ang kamay nito. Sino ba 'to? Bakit biglang nanunugod at nananabunot?
"Kulang pa ang sakit na 'yan sa ginawa mo!"
"I don't know you! Ouch! J-Juan! Help me!" buong lakas niyang sigaw.
Bumukas din naman agad ang pinto at nakarinig na lamang sila ng mga pagmumura at yabag ng mga paa'ng papalapit sa kanila.
"Ma'am Riza!" dinig ni Imari na boses ni Juan at pilit inaalis ang kamay ng babae sa kanya.
"Don't fucking stop me, Juan!" bulyaw ng babae, ayaw magpaawat.
Napapadaing na lamang si Leila sa tuwing nahihila ang kamay ng babae, inaalis sa buhok niya. Gusto niyang maiyak dahil sa pisikal na sakit na nararamdaman sa oras na ito't maging sa sitwasyon niya. Pero may magagawa ba kung iiyak na lang siya? Puwede ba na kahit ngayon lang, huli na 'to dahil nasasaktan lang talaga siya.
"Urgh!" Ramdam ni Leila ng matulis na kuko nito na kumalmot sa kanyang pisngi.
"Ma'am Riza, bitawan niyo na po si Ma'am Lara!"
"P-Please, stop it. I didn't do anything to you," nakikiusap aniya kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha.
"You're such a good actress, Lara. Nang dahil sayo nabugbog ang kaibigan ko dahil sa pagsumbong mo sa kuya ko na ang akala ay nobyo ko na kasama sa bar na iyon. P*****a kang babae ka! Na ospital ang kaibigan ko dahil sayo!" It's not me.
"Ma'am, nakikiusap po ako. Nasasaktan niyo na po masyado si Ma'am Lara."
Nahihirapang ani Juan sa kapatid ng amo. Hindi nito maawat-awat ang dalaga dahil sa galit sa asawa ng boss nito. Ayaw din naman nitong sapilitan na hilahin ang dalaga dahil parehong masasaktan ang dalawa kapag gagawin nito iyon.
"S-Sorry. Sorry if I did that," paghingi ni Leila ng tawad. Kahit si Lara ang gumawa niyon, kinailangan niya pa rin humingi ng tawad dahil kapatid niya ang may kasalanan. Patulak siyang binitawan nito, na ikinasubsob niya sa sahig.
Tutulungan sana siya ni Juan nang mariing binantaan ito ng babae. "Help her and you will lose your job!"
"What's happening here?" isang malamig at maawtoridad na boses ang narinig nila mula sa pagbukas ng pinto.
"Sir Stefano—"
"What did you do to her, Riza?!" Mababakas sa boses nito ang pinipigilang galit.
Leila had seen how Stefano could get mad and she herself was a witness to that.
But the anger seen on his face right now was different compared to the one he always showed her when he was mad. Pakiramdam ni Leila anumang oras ay makakapanakit ito ng kahit na sino. Kita niya ang pagtiim ng mga bagang nito nang lumipat ang tingin sa kanya. Ibinaba ni Leila ang tingin at pilit itinatayo ang sarili. Hindi pa man ay naramdaman na niya ang mga kamay na humawak sa kanyang braso at maingat siyang inalalayan na makatayo.
Hindi siya makatingin ng deretso kay Stefano dahil sa kahihiyan na nangyari sa pagitan nila ng babae. Hinawi nito ang kanyang mahabang buhok na nakatabon sa kanyang mukha, ngunit iniwasan niya iyon.
"Lara," may pagbabanta anito.
He grabbed her chin and lifted it so he could look at her. Ang kaninang pagtiim lang ng mga bagang nito'y nadagdagan nang dumilim ang mukha nito habang sinusuri ang kanyang mukha. Now she can say that Stefano is dangerous.
"You did this." Hindi patanong iyon at mariin ang pagkakabanggit habang pinanatili ang tingin sa kanyang mukha.
The woman scoffed. "So what? She deserves it," m*****a nitong sagot.
Stefano held her chin tighter when the woman said that. "Who told you that you have the right to hurt her?" sabay baling nito sa babae.
"Bakit, kuya? May karapatan din ba siya na pakialaman niya ang buhay ko, huh?" Dinuro siya nito.
"She's your sister-in-law, Riza! Malamang pakikialaman ka niya dahil nag-aalala lang siya sayo!"
"Oh, that's bullshit!" Namumula ang mukha nito sa galit. "C'mon, kuya, we know what kind of woman you married. Nagpapakatanga ka sa babaeng 'yan, alam mo ba 'yun, huh? Ano pa ang kailangang gawin ni Mama para lang magising ka sa katotohanan. She's a whore!" Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Stefano sa kapatid nito.
Walang nakapagsalita. Walang nakakilos dahil sa biglaang pangyayari. Maging si Leila ay nagulat sa ginawa nito't napamaang.
"She's my wife, Riza! You should respect her!" Akmang lalapitan nito uli ang kapatid nang maagap na pinigilan ni Imari ang braso nito. Ramdam niya ang tensyon sa katawan nito.
"Stop it, Stefano. You shouldn't have hurt her."
"Huh! Wow! The best actress goes to Lara! Bravo!" palatak nito habang pumapalakpak. Hindi pa rin nagpatinag ito kahit nasampal na ng kapatid nito.
"Riza!" Hinigpitan ni Leila ang paghawak sa braso ni Stefano dahil lalapitan na naman sana nito uli ang kapatid.
"Ano? Sasaktan mo ako uli? Sige, kuya! Oh, heto libre pa ang isang pisngi ko. Sige!" nagagalit nitong pagduro sa kaliwang pisngi. "Kahit paulit-ulit mo akong saktan, hindi magbabago ang pagtingin ko sa babaeng iyan! Isa kang peste sa buhay namin, Lara," baling nito sa kanya bago sila tinalikuran at lumabas.
Leila sat on the sofa with trembling knees. She could still feel the pain of her scalp and Riza's scratch on her face. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari. Hindi niya lubos maisip na siya ngayon ang tumatanggap ng masasakit na salita at pananakit sa anumang nagawa ng kanyang kapatid.
"I'm sorry, Lara." Umupo si Stefano sa tabi niya at hinawakan ang kanyang dalawang kamay, hinahalikan nito iyon. "I'm sorry, wife. I'm so sorry for what my sister did to you."
Hindi na niya alam kung ano pa ang dapat niyang sasabihin rito. Kung nararapat nga bang humingi ito ng tawad sa ginawa ng kapatid nito o nararapat lang talaga sa kanya ang nangyari? Kung hindi sana siya pumayag sa sinabi ng kanyang ama, 'di sana niya nararanasan ito ngayon. Kung nakontento na lang sana siya sa presensiya at pagmamahal ng kanyang abuelo't abuela, wala sana siya ngayon dito. Kahit tinanggihan niya ang kanyang ama nu'ng una, pero nang gamitin nito ang kanyang kapatid laban sa kanya, may parte sa puso niya ang umaasa na sana sa pamamagitan niyon ay matatanggap rin siya kalaunan.
"Let's treat your wound, hmm?" Paghaplos nito sa kanyang mukha bago tumayo at kumuha ng first aid kit.
That's when Leila realized na hindi niya talaga kilala ang kakambal niya. Maraming siyang hindi alam tungkol dito...
Leila doesn't know if she made the right decision to accept Stefano's invitation for them to attend a party. Nababahala siya sa mga taong makakaharap, baka mangyari uli ang panunugod sa kanya kagaya ng nangyari noong nakaraang araw. Hindi imposible iyon, lalo pa't nasa iisang estado sa buhay ang lahat ng imbitado roon. Even though Stefano assured her that he would never leave her and would protect her, she still couldn't get rid of the fear. What happened to her the other day was scary and still remains in her until now. She is afraid if her sister has done something bad to other people and she will be the one to be mistaken again. Kung noong nakaraang araw ay gustong-gusto niyang lumabas, ngayon ay natatakot na siya.Leila just sighed at her thoughts. Magtitiwala na lang muna siya kay Stefano.Nakikita naman niya dito na ayaw din siya nito masaktan. Na nagagalit din ito kapag nasasaktan siya ng iba.Gagamitin muna niyang dahilan ang maling akala nito. Hindi naman siguro iyon masama,
Malakas na nagbuntong-hininga si Leila. Natagpuan na lamang niya ang sarili na ikinukuwento kay Aileen ang katotohanan patungkol sa kanya. Sa pagkakataong 'to, iyon lang ang tanging paraan para maibsan ang bigat na kanyang nararamdaman.Kailangan niya ng isang tao na nakakaalam kung ano ang tunay niyang saloobin. Hindi niya kayang magtagal dito kung siya lang mag-isa dahil ngayon pa lang, gusto na niyang sumuko. At si Aileen, sa kanya niya nakikita iyon. Iyong taong alam niyang mapagkakatiwalaan kahit sa sandaling oras pa lamang sila nagkakilala. Bukod sa kaibigan niya na nakakaalam ng pagkatao niya, naramdaman niya kay Aileen ang gaan ng pakiramdam at kagustuhan na magsabi rito. Iyong pakiramdam na alam niyang pakikinggan siya nito ng walang panghuhusga."Napakawalang puso ng ama mo, Leila. Anak ka rin naman niya, sperm niya ang bumuo sa inyo ng kapatid mo pero sorry sa sasabihin ko, uh. Isang napakalaking putangina 'yang ama ninyo!" nanggigil nitong sabi matapos niya maikuwento rito
Pagkamangha, iyon ang makikita sa mukha ni Stefano habang nakasunod sa kanyang asawa na abala sa pamimili ng mga pagkain. His wife carefully examines everything she takes before putting it in the shopping cart he pushes around. Sa loob ng tatlong buwan na kasal sila nito, kailanman ay hindi pa nag-aya ito na mag-grocery silang dalawa dahil hindi naman ito marunong magluto. That's what he knew, he was sure of it. Kaya nang sabihin nito sa kanya kanina na magluluto ito, nagulat siya't nagtaka. Hindi makapaniwala. Napaka-imposible para dito na sa ilang araw na paglayas nito'y natuto na agad itong magluto at mag-grocery."Stefano, can you help me get that pancake, please?" Leila said softly and pointed to the upper part where the various pancake boxes were placed."Sure. Here." Isa din sa napansin niya ay ang uri ng pananalita nito.Sa tatlong buwan na magkasama sila nito, laging pagalit o naiinis kung makipag-usap ito sa kanya. Pero ngayon, mahinhin at may paglalambing kung minsan. Madal
Tanging si Lara lang ang laman ng isip ni Stefano habang nilalaro niya ang phone na hawak habang nakikinig sa kaibigang si Zion na nagpapaliwanag sa kanilang harapan, sa conference room ng kompanya nito. May ari ng malalaking finance company at mga banko ang kaibigan nilang 'to, kaya ito ang inatasan nilang magpaliwanag para sa agenda ng pagtitipon nilang lima ngayon. Malawak ang kaalaman ng kaibigan nila sa stock exchange kung saan dito sila kumukuha ng ideya kung anong magandang securities exchange ang bibilhin nila. Para naman sa kanya, mas gusto niyang bumibili ng shares of stock, pareho sila ni Dominique. Habang sina Julia at David naman ay mas gusto ang bonds, kung saan nagpapahiram ang mga 'to. Mas gusto ng dalawa ang nanggigipit ng mga kapwa nila negosyante."Bud, 'di ba hawak mo na ang industrial company ng father-in-law mo? It's under your name, right?" pagkuha ni David sa kanyang atensyon."No. I named it under my wife's name. So, she is now the owner of her father's compan
Spain. Year 2012"Lola!" masayang hiyaw ni Leila sabay kaway rito. Her grandmother was standing on the second floor of the terrace.Her grandmother's face immediately brightened when she saw her and waved back."Gracias, Mang Matias!" baling niya sa matandang tauhan ng kanyang lolo at lola na siyang naghatid sa kanya pauwi mula sa plantasyon ng ubasan.Kinuha niya rito ang katamtamang laki ng basket na may lamang mga berdeng ubas. Ito ang gusto niya sa lahat ng variety ng ubas na mayroon ang kanyang lolo't lola dahil sa matamis iyon."Walang anuman, Senyorita Leila. Maiwan ko na po kayo dito," yukong saad ni Mang Matias sa kanya saka siya tinalikuran.Halos lahat ng tauhan ng kanyang lolo at lola magmula sa mga negosyo at sa kasamabahay ay purong mga pinoy. Ang kanyang lolo mismo ang may gusto na kumuha ng mga pinoy na tauhan dahil sa purong pinoy din ito at upang makatulong din daw ito sa mga kababayan nito. Her grandfather did not regret it because he saw how hardworking and dedicat
Tatlong araw na ang lumipas matapos ipaalam ng kanyang ama sa kanyang lola ang pagkawala ng kanyang kapatid. Tatlong araw na rin pinapahanap ng kanyang lolo kung nasaan ito. The last news they received from the person her grandfather had ordered to trace her sister's last transaction was that she had flown to Dubai. And their abuelo does not stop to find her and return her to her husband.Nagpaalam si Leila sa kanyang abuela na pupunta ng sentro para bumili ng ibang gagamitin niya sa pinaplanong bagong ipipinta. The other color of her acrylic paint was run out and even the other brush that she always used was worn out so she had to buy a new one. Hindi na siya nakapagpaalam sa kanyang abuelo dahil maagang umalis ito papuntang planta kung nasaan ang paggawaan at imbakan ng mga na aning ubas upang gawing alak.Sakay ang kotse na iniregalo sa kanya ng kanyang abuelo noong nakapagtapos siya ng kolehiyo ay minaneho niya ito't tinahak ang sementadong daan pababa ng sentro. Her grandparents'
Malalim na ang gabi, ngunit gising na gising pa rin ang diwa ni Stefano.Nakatitig lamang siya kanyang asawa habang mahimbing na itong natutulog.Inayos niya ang ilang hiblang buhok nito na nakatabon sa magandang mukha saka niya hinila ng maayos ang kumot sa katawan nito. Hinalikan muna niya ang noo nito bago umalis sa tabi at tinungo ang terasa.The cool air greeted Stefano as he exited the terrace. He poured whiskey into his glass and drank it. He leaned on the railings where he could see his wife sleeping soundly. He immediately noticed the difference in her appearance when he faced her earlier in the car.Ibang-iba ito, ngunit ito pa rin ang asawa niya. Sa hitsura nito ngayon, naalala niya lang iyong una niya itong makita sa Paris. Sa maamo at inosente nitong mukha, walang sinuman ang hindi mapapatingin rito. To him, Lara was more than beautiful. May mga ugali man itong hindi kanais-nais, pero tinanggap niya iyon. His family didn't accept her, but he ignored that because for him,
Kanina pa walang humpay sa pagtulo ang luha ni Leila simula ng kaladkarin siya ni Stefano pasakay ng sasakyan hanggang sa makarating sila ng airport at binuhat paakyat sa eroplano na siyang sinakyan din nila noong umalis sila ng Mallorca. Hindi niya matanggap na siya ngayon ang nasa sitwasyon na kailanman ay hindi niya inaasahan. Nagagalit siya. Nagagalit sa lahat ng naglagay sa kanya sa sitwasyong 'to. She was alone where she sat now, which made her thankful that Stefano wasn't by her side. She didn't know where he was after he put her down on the chair and he just turned his back on her. Kung puwede lang sana tumalon sa eroplanong sinasakyan nila ngayon nang hindi siya mamamatay ay ginawa na niya para lang makatakas rito. She was not used to his presence, especially when he was angry. She is not used to dealing with this kind of behavior. Leila clenched her fists as she remembered what she and her father had talked about... "Ikaw nga ba iyan, Leila?" pangungumpirma nito. "Sì, pap