Share

Chapter 4

Kanina pa walang humpay sa pagtulo ang luha ni Leila simula ng kaladkarin siya ni Stefano pasakay ng sasakyan hanggang sa makarating sila ng airport at binuhat paakyat sa eroplano na siyang sinakyan din nila noong umalis sila ng Mallorca. Hindi niya matanggap na siya ngayon ang nasa sitwasyon na kailanman ay hindi niya inaasahan. Nagagalit siya. Nagagalit sa lahat ng naglagay sa kanya sa sitwasyong 'to.

She was alone where she sat now, which made her thankful that Stefano wasn't by her side. She didn't know where he was after he put her down on the chair and he just turned his back on her. Kung puwede lang sana tumalon sa eroplanong sinasakyan nila ngayon nang hindi siya mamamatay ay ginawa na niya para lang makatakas rito. She was not used to his presence, especially when he was angry. She is not used to dealing with this kind of behavior.

Leila clenched her fists as she remembered what she and her father had talked about...

"Ikaw nga ba iyan, Leila?" pangungumpirma nito.

"Sì, papá," sagot niya sa salitang espanyol. Hindi marunong si Lara kaya alam nitong siya nga ang kausap nito ngayon.

"Why are you with your sister's husband, Leila?" mariin anito, pabulong. "What did you do to your sister? Where is she?" Hindi ba dapat kamustahin muna siya nito? At saka, anong alam niya kung nasaan si Lara kung hindi naman sila nito magkasama? Ni hindi nga tumatawag iyon sa kanya.

"I don't know, papá." Nilingon muna ni Leila ang pintuan upang siguraduhin na walang makakarinig sa kanya, bago niya ipinagpatuloy ang sasabihin sa kanyang ama. "I was in a shop in Central Palma when I was mistaken for my sister's husband's wife. Stefano took me and just a few hours from now we will be leaving to go home to the Philippines," salaysay niya. Sana naman ay tulungan siya nito.

"What? You can't come here!" Inaasahan na niya iyon. Hindi alam ng mga taong nakakakilala sa pamilya nila na may kakambal si Lara, na may isang anak pa 'to.

"Then help me, papá. I don't want to get involved in whatever problem Lara and her husband have. Please," pakiusap niya.

Ilang sandali natahimik muli ito't tila may sinasabi na hindi niya marinig masyado.

"Fine."

"Gracias, pa—" natigil siya sa sumunod na sinabi nito.

"Come with Stefano back here in the Philippines, Leila." Pakiramdam ni Imari pinagsakluban siya ng langit at lupa sa sinabi ng ama. Gusto niyang pumunta sa Pilipinas para makita ito, pero hindi sa ganitong paraan.

"But, papá, Stefano—"

"Do as I say, Leila. Just follow my order." Order? Ano ba ang tingin nito sa kanya, tauhan nito?

"N-No. I'm just stay here, papá. My life is quiet here. I'm fine here." Huwag naman ganito. Hindi na lang niya pangangarapin na pumunta ng Pilipinas.

"Do you want me to accept you? Would you like me to introduce you to everyone who knows our family? Do you want to take my last name? I can do all that, Leila, just go with Stefano and pretend to be his wife for the meantime," sunod-sunod nitong sabi.

Napahawak na lamang si Leila sa railing ng terrace habang binibitawan ng kanyang ama ang mga salitang 'yun. Ang makasama nga lang ng ilang oras ang lalake ay hindi na niya kaya, ano pa kaya ang magpanggap na asawa nito?

Hindi niya kaya maging si Lara. Hindi niya kaya maging asawa ng isang lalake na hindi pa niya nakilala ng lubusan at walang alam na kahit ano rito.

"You choose, Leila. Iyon ang gusto mo, 'di ba? Gagawin ko lahat ng iyon basta gampanan mo lang ng maayos ang puwesto ng iyong kapatid habang wala siya."

"I can't, papá. I'm sorry," lakas loob niyang pagtanggi rito. Nais niyang palakpakan ang sarili dahil hindi siya nagpadala sa mga salita nito, kahit pa iyon naman talaga ang pinangarap niyang mangyari.

Narinig niya ang pagtawa nito. Alam niyang hindi tawa iyon na natutuwa, kundi tawa na nangmamaliit.

"Leila, Leila, Leila, natatawang anito. "Iyan ba ang itinuro sa iyo ng abuelo't abuela mo? Ang suwayin ang iyong ama?" Halos mamuti na ang palad ni Leila sa pagkakadiin ng hawak niya sa railing. Not her abuelo't abuela. They have nothing to do with it.

"I thought you weren't my father?" Iyon ang ipinarating nito sa kanya noon sa pamamagitan ng abuelo niya. Na hindi siya ang anak nito at si Lara lang. Kaya nga apelyedo ng abuelo niya ang nakarehistro sa kanya dahil ayaw nito ipagamit ang pinapahalagahang apelyedo nito. Sa kabila ng lahat, itinuring ama niya pa rin ito.

"Bueno, desisyon mo 'yan. Pero kung may pakialam ka pa sa kapatid mo, mas mabuting sundin mo na lang ang mga sinasabi ko. Gusto mo rin ba na tanggalan ko ng karapatan ang kapatid mo sa akin, Leila? Gusto mo bang itakwil ko rin siya kagaya mo? You choose, Leila. To be a substitute wife for your sister's husband or I disown her and be deprived of her rights like you?"

"Excuse me, ma'am. Would you like something to drink?" pukaw sa kanya ng isang flight attendant sa naglalakbay niyang diwa.

"A glass of champagne, please. Gracias!" aniya saka nakangiti siya nitong tinalikuran.

Sana pala iyong matapang na inumin ang sinabi niya. Gusto na lamang niya maglasing nang sa ganun kahit panandalian mawala ang bigat na nararamdaman niya. Na kahit sandali ay malimutan niya ang mga salita sa kanya ng ama.

She was hurt. No, scratch that because it has been hurting her feelings for a long time since she was a child. The fact that he doesn't even consider her as his daughter and rejects her is a very painful reality for her. She thought that when they talked that moment, he would apologize to her, but he didn't.

Nothing like that happened. Rather, it was the other way around and she couldn't imagine how her father could do that. How could he dare say that to her despite twenty-eight years of rejecting her.

It was enough for Leila that she was the only one who experienced and felt what their father did rather than to involve her sister. Sanay na siya at tanggap naman niya ang katotohanan, kahit na magpahanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya. Na masakit pa rin isipin na umabot siya ng ganito na dala-dala pa rin sa puso niya ang mabigat na dahilan. Kung idadamay pa ng kanyang ama si Lara at totohanin ang sinabi nito, baka kung ano pa ang mangyari sa kapatid niya. Baka hindi nito matanggap at isisisi na naman sa kanya ang lahat.

"Shi-Shino ka?" Lasing na lasing na tanong ni Leila sa lalakeng nais siyang buhatin.

During their thirteen hours in the air, she spent the time drinking the vodka she asked the flight attendant for. Champagne lang ang sinabi niya nu'ng una, ngunit nang maubos iyon ay humingi siya uli ng matapang. Itinuon niya ang buong atensyon sa pag-inom dahil pakiramdam niya iyon lang ang karamay niya sa mga oras na iyon. Nakakatulog naman siya, ngunit kapag nagigising ay humihingi ulit ng panibagong alak.

"I am your husband so stop moving away and let me carry you," napapailing na sagot ni Stefano. Pansin niya ang pamumula ng buong mukha nito maging ang leeg dahil na rin sa kaputian nito.

Hindi siya makapaniwala na ganito ka lasing ito nang makalabas siya mula sa cockpit. Akala niya ay mahimbing itong natutulog, iyon pala habang tinutulungan niya sa pagpapalipad ang isang pilotong kasama nila ay ito ang nangyayari dito sa labas.

"Sheee....I don't have a husband," namumungay ang mga matang turan nito habang idinidiin ang hintuturo sa kanyang dibdib.

"This way, sir," utas ng tauhan ni Stefano na si Juan sa daan palabas ng airport. Ala-una na ng madaling araw kaya wala ng masyadong tao pagkalabas nila ng airport.

"Hold me tight, wife, and stop talking nonsense or else I will kiss your fucking luscious lips." Naramdaman ni Stefano ang pagkapit nito ng mahigpit sa kanyang batok. 

"F-Fucking....f-fuck..your mouth is bad." Sisiguraduhin niya sa susunod na hindi na ito makakahawak ng alak dahil kung anu-ano na lang lumalabas sa magandang bibig nito.

"S-Stefano," tawag nito, pilit pa siya inaaninag. Ngayon lang niya nakita itong ganito ka lasing simula ng maikasal sila.

"Hmm?" Inilagay niya ito ng maayos sa backseat at kinabitan ng seatbelt saka siya umayos sa pagkakaupo sa tabi nito. Inabot niya ang ulo nito at inihilig sa kanyang dibdib. "Sleep now, wife."

"D-Do you love Lara?" Kumunot ang kanyang noo sa mahinang sinabi nito na hindi nakaligtas sa kanyang pandinig.

Yumuko siya't sinilip ang mukha nito. Nakapikit na ito. "I love you, Lara..." pagpatol niya sa tanong nito.

Gumalaw ito at mas isiniksik ang sarili sa kanya. Lihim siyang napangiti sa inakto nito ngayon. She is not like this. Everytime he looks at her, she is always tough and makes him feel that she doesn't need him, that she can do everything on her own. Many people who know them say that they are not suitable for each other because they have the same vibe and personality. That their relationship won't last long because they both think highly of themselves.

That they will have a hard time fixing each other when they get into trouble. 

Yes, maybe they are right but he still does his best to understand Lara. He reached the point that even he himself did not think that he could lower himself just for his wife. Gagawin niya ang lahat magkasama lang sila nito ng matagal. Kahit saang lupalop man ito ng mundo ay hahanapin niya pa rin ito kahit pa ilang ulit. Pero hindi na niya hahayaan na matakasan siya nito ulit.

Lara is only for himself and no one else can own her.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status