"Kai, get a gun inside that bag," utos ni Gio sa pinsan nito.Kinuha ni Kaiser ang bag at mula doon ay naglabas ito ng dalawang baril. Ikinasa nito ang isa habang ang isa naman ay ibinigay kay Gio.Hindi naman napigilan ni Katya ang panginnginig nang makakita ulit ng baril. Mukhang nagkaroon na ata siya ng trauma dahil sa nangyari ilang linggo na ang nakakaraan."Ren, the location?" si Kaiser sa kausap na kaibigan gamit ang earpiece na suot nito. Actually ay meron silang tig-iisa upang marinig ang mga impormasyon na sinasabi nito."Affirmative. Just go to the location that I've sent you."Tumingin sa labas ng bintana si Katya. Base sa daan na tinatahak nila ay palabas na sila ng siyudad. Papunta ngayon sila sa lugar kung saan na-trace ang kinaroroonan ni Danica. Mabuti na lang at nakabukas ang GPS ng cellphone nito kaya madali lang ito na nahanap ni Ren."Huwag na huwag kang bababa ng sasakyan, Katya. Sinunod ko na ang gusto mo kaya ikaw naman ang sumunod sa akin ngayon," matigas ang
Dinaluhan nila si Gio na nakahandusay na sa sahig matapos mapabagsak ni Kaiser ang lalaking humataw dito."Okay ka lang?" tanong niya Kay Danica."Opo ate."Sunod na binalingan ni Katya si Gio. Nag-aalala siya. Isang hampas nga lang iyon pero sobrang lakas naman. May umaagos na rin na dugo sa ulo nito."Gio.. Gio." Tinapik tapik niya ang pisngi ng binata pero hindi ito gumagalaw. Umarangkada ang tibok ng puso niya. Patay na ba ito?"Goddamnit, Ren! Akala ko ba ay kami lang ang nandito?!" humihingal na sigaw ni Kaiser. "Ako na diyan, Katya. Don't worry, hindi pa siya patay."Inakay ni Kaiser ang pinsan habang si Danica naman ang tinulungan ko.Hindi pa sila nakakalayo nang nagsimula na silang barilin ng mga kalaban. Napasigaw sila ni Danica habang si Kaiser naman ay napamura."Bwisit! Bilisan niyo! Pumunta kayo sa rooftop at magtago!" sigaw ni Kaiser habang nakikipagpalitan ng putok ng baril.Halos hindi na niya narinig ang sinabi nito dahil sa lakas ng huni ng mga putukan pero alam ni
Patuloy sa tahimik na pag-iyak si Katya. Walang tigil ang pagdaloy ng mga luha niya habang nasa loob sila ng kanyang anak sa taxi. "Mommy please, tama na po. Huwag ka na pong umiyak," pag-aalo nito sa kanya pero umiling siya.Hindi na niya kaya pang pigilan pa ang kanyang mga luha. Sobrang sakit ng loob niya sa mga salita na binitawan kanina ng ina ni Gio. Tinawag na nga siyang malandi, sinabihan pa siyang makati. Na kababae raw niyang tao, may anak pero siya pa raw ang may lakas ng loob na kumalantari sa anak nito. Ang mga katulad daw niya ang peste sa lipunan.Pinahamak pa raw niya ang buhay ni Gio.Hindi man lang siya nakapagsalita o naipagtanggol ang kanyang sarili dahil kulang na lang ay sipain siya ng ginang palabas sa kwarto ng binata. Sinubukan din ito ni Kaiser na pakalmahin pero sampal din ang inabot nito.Napigilan pa niya ang emosyon kanina pero ngayon ay hindi na niya kaya pang bumuhos ang mga ito.Nagkakamali ito. Aminado siyang pinahamak nga niya ang buhay ng anak nit
Malalim na ang gabi pero hindi pa rin makatulog si Katya. Ang daming bumabagabag sa isip niya kaya heto at dilat na dilat pa rin ang kanyang mga mata. Nagpasya na lang siyang bumangon at silipin ang anak sa kabilang silid. Napangiti siya nang makita na mahimbing ang tulog nito. Bumalik ulit siya sa kanyang kwarto at nagpasyang mag-empake na ng ilan sa kanilang mga gamit.Sa makawala ang plano niyang pag-alis nila ng anak. Akala niya ay makakapagsimula sila ng bagong buhay dito. Nanghihinayang siya. Madami na siyang nakilalang mga kaibigan dito. Maganda rin ang trabaho niya pero kung mapapahamak lang sila dito ay huwag na lalo na at sumali pa sa gulo ang mga magulang niya.Kinuha niya ang malalaking maleta at nagsimula nang ilagay ang ilan niyang niyang mga damit doon. Nasa kalagitnaan si Katya sa ginagawa nang biglang tumunog ang doorbell nila. Tumigil siya at kumunot ang kanyang noo. Malalim na ang gabi ah. Sino naman kaya ito? Baka si Juliet ulit. Ang kaibigan lang naman ang naiiis
Pagkaalis ni Gio ay mabibilis ang mga hakbang na pumanhik sa itaas si Katya. Kulang na lang ay liparin na niya ang distansya mula sa sala hanggang sa kwarto niya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari kani-kanina lang. Bumalik na ang mga alaala ni Gio!Gustuhin man niya na harapin ang katotohanan pero hindi pa siya handa. Kapag mangyari iyon ay madami ang magbabago sa buhay nila ng anak niya. Kailangan muna niya ng panahon upang mag-isip at hindi niya iyon magagawa kapag pini-pressure siya ng binata. Nalilito siya kaya kailangan nila munang umalis pansamantala.Parang kidlat sa bilis ng mga galaw na ipinagpatuloy ni Katya ang pag-iimpake. Aalis sila ng anak sa madaling araw.Samantala, ang tatlumpong minuto na biyahe sana papunta sa bahay ni Kaiser ay naging sampong minuto na lang dahil sa bilis ng pagpapatakbo ni Gio. Mabuti na lang at wala ng gaanong sasakyan sa daan. Hindi na niya ipinark ng mabuti ang kanyang sasakyan at ibinalibag pa ang pintuan nun nang makarating sa
Kasalukuyang umiinom ng alak si Gio. Nilulunod niya ang sarili sa alak dahil hindi kayang iproseso ng isip niya ang lahat ng mga nangyari sa gabing ito. Alcohol lang ang kakampi niya sa mga oras na ito. Nangangati ang kanyang mga paa na bumalik ulit sa tinutuluyan ni Katya. Gustong-gusto niyang yakapin ang anak niya ng mahigpit. Gusto niyang ipadama dito kung gaano niya ito kamahal, kung gaano siya nagsisisi na hindi niya nasuportahan ang mga ito. Gusto niyang humingi ng tawad at tanggapin siya sa buhay nito bilang ama.Muli na namang nag-init ang ulo niya nang maalala kung sino ang nagmamay-ari ng penthouse na iyon. Pati si Ren ay naglihim sa kanya! Ang dalawang bugok na iyon! Kung hindi niya lang pinsan at kaibigan ang mga ito ay baka nasa sementeryo na ang dalawang gagong iyon!Nasa hideout siya. Ayaw muna niyang umuwi sa bahay o pumunta sa condo niya. Paniguradong bubungangain na naman siya ng kanyang ina. Gusto muna niyang mapag-isa at mag-isip.Muling naglakbay ang isip niya sa
"Hey, bakit hindi ka pa natutulog?"Nasa veranda si Gio, nakatingin sa langit at tulala. Kasalukuyan siyang humihithit ng sigarilyo nang marinig ang malamyos na boses ni Shannon sa kanyang likuran.Agad niyang pinatay ang sigarilyo at naglagay ng mentos sa kanyang bibig. "Hey."Niyakap siya ng dalaga mula sa likod at hinagkan ang kanyang pisngi."You're smoking. May problema ba?"Pinagsiklop niya ang kamay nilang dalawa bago sumagot. "Nothing. Stress lang sa trabaho," pagsisinungaling niya.Nasa condominium siya ni Shannon at dito niya naisipan na papalipasin ang magdamag. Ang buong araw niya ay ginugol sa bahay nila Katya upang maka-bonding ang anak. Wala man siyang tulog pero parang nasa langit naman ang pakiramdam niya.Masaya na sana ang buong araw niya nang maalala na kailangan pala niyang maghugas ng kanyang kamay sa kanyang nobya. Nakokonsensya siya sa nagawang pagtataksil dito. It was not intentional but there's no denying it that he cheated and he felt really bad.Napakabait
"I can tie na my own shoes, mommy. Hindi na po ako bata."Kinuha ni Connor ang sapatos na hawak ni Katya at siya na ang naglagay nun sa paa. Naaaliw na pinanuod niya ang anak. Hindi pa bumabalik si Danica kaya hands on na muna siya ngayon sa anak. Sabi pa nito ay baka hindi na raw ito payagan ng mga magulang na bumalik sa pagtatrabaho sa kanya. Personal pa siyang pumunta sa bahay ng mga ito upang humingi ng dispensa sa nangyari sa anak ng mga ito. Mababait naman ang mga magulang ni Danica pero hindi niya masisisi ang mga ito kung hindi na nga bumalik pa ang dalaga.Muling humarap si Katya sa salamin at pinasadahan ang suot na simpleng dress.Kinakabahan siya. Maya-maya lang ay darating na si Gio upang sunduin sila. Ngayong gabi ang napag-usapan na pagpunta nila sa bahay ng mga Allesandro para sa family dinner. Hindi na siya nagtanong pa ng ibang detalye dahil lalo lang siyang kakabahan. Basta ang sigurado niya ay kasama ang mama at lolo nito."Mommy, you look really pretty in your dre