Share

Chapter 21

Patuloy sa tahimik na pag-iyak si Katya. Walang tigil ang pagdaloy ng mga luha niya habang nasa loob sila ng kanyang anak sa taxi.

"Mommy please, tama na po. Huwag ka na pong umiyak," pag-aalo nito sa kanya pero umiling siya.

Hindi na niya kaya pang pigilan pa ang kanyang mga luha. Sobrang sakit ng loob niya sa mga salita na binitawan kanina ng ina ni Gio.

Tinawag na nga siyang malandi, sinabihan pa siyang makati. Na kababae raw niyang tao, may anak pero siya pa raw ang may lakas ng loob na kumalantari sa anak nito. Ang mga katulad daw niya ang peste sa lipunan.

Pinahamak pa raw niya ang buhay ni Gio.

Hindi man lang siya nakapagsalita o naipagtanggol ang kanyang sarili dahil kulang na lang ay sipain siya ng ginang palabas sa kwarto ng binata. Sinubukan din ito ni Kaiser na pakalmahin pero sampal din ang inabot nito.

Napigilan pa niya ang emosyon kanina pero ngayon ay hindi na niya kaya pang bumuhos ang mga ito.

Nagkakamali ito. Aminado siyang pinahamak nga niya ang buhay ng anak nit
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status