Share

Chapter 23

Pagkaalis ni Gio ay mabibilis ang mga hakbang na pumanhik sa itaas si Katya. Kulang na lang ay liparin na niya ang distansya mula sa sala hanggang sa kwarto niya.

Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari kani-kanina lang. Bumalik na ang mga alaala ni Gio!

Gustuhin man niya na harapin ang katotohanan pero hindi pa siya handa. Kapag mangyari iyon ay madami ang magbabago sa buhay nila ng anak niya. Kailangan muna niya ng panahon upang mag-isip at hindi niya iyon magagawa kapag pini-pressure siya ng binata. Nalilito siya kaya kailangan nila munang umalis pansamantala.

Parang kidlat sa bilis ng mga galaw na ipinagpatuloy ni Katya ang pag-iimpake.

Aalis sila ng anak sa madaling araw.

Samantala, ang tatlumpong minuto na biyahe sana papunta sa bahay ni Kaiser ay naging sampong minuto na lang dahil sa bilis ng pagpapatakbo ni Gio. Mabuti na lang at wala ng gaanong sasakyan sa daan.

Hindi na niya ipinark ng mabuti ang kanyang sasakyan at ibinalibag pa ang pintuan nun nang makarating sa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status