(Celeste's PoV)
Lumipas ang ilang araw ay unti-unti nangnapapanatag ang aking kalooban, nitong nagdaan na araw ay palagi akong binabangungot mabuti nalang ay nandyan si mom at palagi niya akong sinasamahan na matulog."Kamusta hindi kana ba binabangungot? ang hirap n'yan kung ako baka matagal ako makarecover." sabi ni Lianna habang kumakain.
"Hmm.. Medyo, maayos naman na madalang na lang bangungutin, dahil palaging nandyan si mom at may pinapainom din sa aking gamot ang doctor." tumango tango naman ito
"Kyaaahhh nandyan na si Atticus!"
"Oh my, namiss ko ang babe ko."
"Maka-babe sabunutan kita diyan eh."
"Baka gusto niyong makatikim ng sampal kay Mia hahaha!"
Palihim akong napairap. Napatingin ako kay Lia ng makitang tumatawa ito
"Inis ka talaga sa kaniya ano." tukoy nito kay Atticus. Sa totoo lang hindi ko alam kung kanino talaga ako nakakaramdam ng inis.
"Hey, kamusta ka?" nagulat ako ng nasa tapat na namin ito,cool na cool na nakapamulsa. Naiilang ako dahil naririnig ko ang iba't iba nilang bulungan.
"Uhm.. Maayos na." tumango naman ito at tinitigan lang ako.
"Pwede kitang ihatid pau—" agad kong pinutol ang sasabihin nito.
"Meron na akong service. Salamat na lang." lalo tuloy lumakas ang mga bulungan naiinis ako dahil ayaw niyang pang umalis.
"Okay, good for you." at dahil mukang walang balak ang lalakeng ito kaya inaya kona si Lia na lumabas na ng cafeteria.
"Tara na. " agad kong sinuot ang aking bag at naglakad na kami paalis.
"Wow ha, iniwan na lang niya basta si Atticus kainis."
"Yeah feeling maganda!"
"Chararat naman!" tinignan ko naman ang huling nagsabi no'n at napangisi. Wow ako pa talaga, eh mukha na siyang drawing book dahil sobrang kapal ng make-up niya.
"Bakit ka kinausap no'ng lalake na iyon? tanong ni Lia.
"Sorry, hindi ko pala sa'yo nasabi. Siya ang tumulong sa akin sa tatlong lalakeng nagtangka sa akin kahapon." bakas ang gulat sa mukha niya.
"Oh my god, talaga eh hindi ba siya ang nakaaway mo no'ng monday?" tumango ako.
"Wow ang nice naman, sana dapat pala ay nagpasalanat ako sa kaniya, dahil niligtas niya ang best friend ko." ngiting sabi nito
"'Wag na. nakapag pasalamat naman na ako sa kaniya."
Lumipas ang mahabang oras. ngayon ay tinatahak ko na ang daan papunta ng parking lot agad ko naman nakita si kuya Ed.
"Tara na po kuya Ed." Napatigil ako sa pagpasok ng mapansin ang lalaking nakasandal sa kotse, si Atticus, nakatitig sa akin. Mahina akong tumango sa kaniya ay pumasok na.
"Hi, mommy." humalik ako sa pisngi niya."Anak gusto mo bang sumana sa akin ngayon, makikilala ko na kasi ang anak ni Alex." ngiting sabi ni mom napakaganda talaga ni mom hindi mo aakalaing nasa 50's na ito dahil mukang bata pa ang mukha at makinis, may kapayatan si mom at hindi gano'n makulubot ang kaniyang balat.
"Sige po mom." gusto kong suportahan ang ikakasaya ni mommy, alam kong hindi mawawala ang pagmamahal niya kay daddy kahit pa may bago na itong iniibig.
"Salamat anak, sige ipinagluto nga pala kita ng miryenda magbihis ka muna roon."
Habang nagbibihis ay napansin kong pa wala na pala ang aking mga pasa sa braso. Naalala ko pa nitong nakalipas na araw halos magkasakit ako sa pagbababad sa tubig at halos magsugat narin ang aking balat sa sobrang pagkiskis ko nito, gusto ko kasing maalis ang mga bakas ng mga lalakeng iyon.
Pagbaba ay narinig ko ang mga tawa niya, alam kong kausap ni mom si tito alex. Napangiti na lang ako ng makita ang saya sa mukha ni mommy.
"Anak nandito na ang miryenda mo, may aayusin lang ako. "
"Opo, thanks mom." umakyat na ito sa kwarto ako naman ay naupo sa sala at binuksn ang t.v habang nanunuod ay kumakain ako. Nang maboring sa pinapanuod ko ay pinalipat lipat ko ito ng biglang naistop ko sa channel na car racing agad bumungad ang pangalan na Atticus. Biglang kumabog ang aking dibdib 'Maraming Atticus at bakit kumakabog ang dibdib ko kainis kaka-kape ko to eh!'
Nangililipat ko na ng biglang nakita ko ang seryosong mukha ng lalakeng nakasuot ng car racing suit napanganga ako sa taglay nitong angking kagwapuhan, lalong makikita ang matipuno nitong pangangatawan dahil sa suot nito.
Napatagal na pala ang pagtitig ko sa t.v kaya agad ko itong pinatay at humiga sa sofa.. dahil lumilipad na ang isip ko sa lalaking iyon ay na pagdesisyonan kong maiglip na muna...
***
Nang nagising ay agad akong umupo napatingin ako ng marinig ko ang tunog ng sapatos. nakita kong si mommy iyon, na nakaayos na at mukang handa ng umalis.
"Anak hindi na kita ginising kasi mahimbing ang tulog mo hindi na muna kita isasama mukhang pagod ka, sige na magpahinga ka na lang dito, nagluto na ako ng dinner mo."
"No mom, sasama po ako sandali lang po. Magbibihis lang ako." ngumiti naman ito at tumango.
Agad akong naligo ilang minuto lang ay natapos na ako. Nag blower agad ako dahil ayokong umalis na basa ang aking buhok pinili ko namang ang maroon sexy spaghetti strap ruffles vintage dress. Pinarisan ko ito ng Block heels. Dali-dali akong bumaba. "Mom, i'm done." sabi ko habang naglalakad pababa."Wow! My beautiful daughter." ngumiti ako rito.
"Salamat po, mana lang sainyo." lalo tuloy itong napangiti.
"Let's go, anak."
Muntik ng tumulo ang laway ko ng bumungad sa amin ang kulay white na kotse.
"M-Mommy kanino po ito?" tulala kong tanong.
"Kay Alex anak, ang sabi ko nga ay 'wag na tayong sunduin eh."
'WTF! Mercedes-Benz c-class c180 avantgarde. Iyan lang naman ang kotse na nasa harapan namin.'
Mas lalo pa akong namangha ng makapasok kami sa loob. Napakaganda, amoy expensive.
"Mommy babae po ba ang anak ni tito Alex?" tanong ko, kahit papaano ay naeexcite akong mameet ang anak ni tito Alex.Mahirap rin na nagiisang anak. Noon palagi akong naiingit sa mga batang nasa labas dahil marami na silang kaibigan marami pa silang kapatid na pwedeng nilang makalaro.
"Lalake anak." nakangiti akong tumango, siguro naman magkakasundo kami kahit papano.
Kalahating minuto ang lumipas nang makarating kami sa napakaking gate pagpasok ay halos hindi ko na matikom ang aking bibig sa pagkamangha...Lumabas ang matangkad na lalake kahit may edad ay makikita parin ang kagwapuhan nito, medyo strikto ang aura ng kaniyang mukha.
"Hi good evening my beautiful darling." halos masamid ako sa sarili kong laway ng marinig ko iyon.
"Hello darling, kasama ko ang aking anak. "
Lumapit ako at ngumiti ng napakaganda kay tito Alex.
"Oh, what a gorgeous lady."
"Thank you po, I'm Celeste."
"Nice name, I'm Alexander Villamore, you can call me tito Alex, hija." ngumiti ako sa kaniya at inaya na kaming pumasok sa napakagandang at napakalaking mansyon.
Napanganga na naman ako ng makita ang lamesang mahaba na puno ng pagkain.
"Let's sit. My son has not yet arrived, but we can eat now " sa gitna nakaupo si tito at nasa kanan kami ni mommy.
Maraming tinanong si tito Alwx sa akin tungkol sa aking pag aaral at kung anong kurso ang aking kukunin, nang marinig ko ang pamilyar na boses.
"Dad, you didn't say we had visitors, inagahan ko sana ang aking paguwi." kumakabog ng husto ang aking dibdib nasa likuran namin ang nagagaling na boses ng lalake kaya hindi ko pa ito nakikita.
"Son, I sent you a message, sinabi na agahan mo para makilala mo ang tita Carina mo. Halika ka rito at ipapakilala kita sa iyong tita Carina at sa kaniyang anak na si Celeste." nang maramdamang papalapit ito at tinuon ko ang aking paningin sa aking plato hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan..
"Hi Celeste." bakit gano'n pakiramdam ko malambing ang pagkakasabi niya, kaya dahan dahan ako umangat ng tingin at hindi nga ako nagkamali... Atticus!? Siya ang anak ni tito Alex!
Agad kong napansing ang suot nito naka black leather jacket ito at puting t-shirt naman ang panloob nitong hapit sa kaniyang katawan dahil bakat ang matipuno niyang dibdib badboy look!
"Staring my body is rude baby.." mahina nitong saad. Nalaglag ang hawak kong tinidor nangibabaw ang ingay nito. Tumikhim si tito Alex.
"Atticus, this is Carina my fiance and you can call her tita, And her daughter is Celeste."
"It's nice to meet you tita Carina." ngunit sa akin parin ito nakatingin.
"And of course, it's my pleasure to meet you again.. Celeste." kumindat pa ang loko na 'to.
Nakita ko ang pag tataka sa mukha nina mommy at tito Alex.
"Really, paano mo nakilala ang aking anak hijo?" tanong ni mom.
"Sa school tita" ngiti nito.
"That's great, by the way he's my only son, Atticus Villamore." at nagsimula na kaming kumain pero ito ako hindi mapakali dahil sa pagtitig nitong lalake. Kainis pagkain ba ako para ako ang titigan niya magdamag!
"Tapos na po ako, excuse po pwede pong makagamit ng bathroom?" hindi ko pinapansin ang paninitig sa akin ni Atticus.
"Oo naman hija, Greta samahan mo si Celeste."
"Yes po sir." sagot ng isang maid
Nang maihatid ako ng maid ay halos malula ako sa laki ng banyo. parang pwede kanang magparty dito
Nang matapos ay naghugas muna ako ng kamay. paglabas halos matumba ako sa gulat ng bumungad sa akin si Atticus nakatayo ito sa harapan ng pinto.
"A-Anong ginagawa mo dito ha!" natawa naman ito.
"Tsk, malamang bahay ko 'to." Tumaas ang kilay ko.
"Duh! Ang ibig kong sabihin ay anong ginagawa mo sa tapat ng pinto ng banyo." nagulat ako ng hinila ako nito at isinandal sa pader.
"Ano bang ginagawa mo!" inis kong sabi. Ngumiti lang ito nanlaki ang aking mata ng halikan ako nito sa pisngi, pilit ko itong itulak ngunit sadyang malakas parin ito.
"Welcome to my life, Celeste" Malamyos nitong sambit na nakapagpatindig ng aking balahibo.
____+Sorry for Grammatical Error and Typos:/ Enjoy Reading:)Celeste"Excited na 'kong malaman ang gender nila." nakangiti kong sambit. Yakap yakap ako ni Atticus sa aking likuran at sabay naming hinimihas ang malaki kong tiyan. Napagdesisyunan naming gumawa ng gender reveal. Kaya ngayon ay kitang kita ko sa mukha ni Atticus kung gaano ito ka excited, kanina niya pa nga gustong tusukin ang malaking lobo sa labas."Mom! Dad! Kanina pa po kayo tinatawag ni Mama Carina." bakas rin ang kapanabikan kay Hailey. Mahina kong pinalo ang kamay ni Atticus. Ang landi kasi eh, hindi ko tuloy namalayan na natagalan kami. Paniguradong marami nang bisita sa baba. "Tara na love.." untag ko rito, paano ba naman kasi titig na titig sa akin. "Tsk! 'bat ba ang sexy ng asawa ko. Parang ayaw kong pababain ka." tinignan ko ang sarili. Naka white ruffle dress ako. Fitted iyon tignan pero komportable naman ako. Ang laki rin ng tiyan ko para sa anim na buwan. Tumaba rin ako kaya paano niya nasabing sexy ako, lakas mang uto nito. "Tigilan mo ako Atticus, gusto mo lang
Celeste Nakangiti kong hinahaplos ang buhok ni Hailey, na pagod rin kakalaro. Agad akong nag angat ng tingin ng makitang si Atticus, may bitbit itong gitara. Mabilis akong namula nang maisip na kakantahan ako nito. 'kumalma ka Celeste.' mas lalo akong yumuko para hindi nito mahalata ang aking pamumula. Naalala ko no'n na may banda si Atticus at sariwa pa sa aking isip ng marinig ang napakaganda nitong boses. "Ehem... Ang ganda mo." napatingin ako sa kaniya ng sabihin niya iyon. Inikutan ko ito ng mata. "Tigilan mo nga ako." sabay kaming natawa, maya maya ay sumeryoso na ito. "Ang kantang ito ay inaalay ko sa pinaka mamahal ko at pinaka magandang babae sa buhay ko." kagat labi akong napangiti. 🎶 You know you're everything to meAnd I could never seeThe two of us apartAnd you know I give myself to youAnd no matter what you doI promise you my heart...🎶 Gano'n na lang ang pagtigil ko sa pag haplos ng buhok ni Hailey ng magsimulang kumanta si Atticus. 🎶 I've built my worl
CelesteMabilis na sumugod si Pia, mas lalo akong natakot ng makita ang hawak nitong kutsilyo."Ah!" umilag ako, ngunit mabilis nitong nahila ang aking braso."Tu-Tumigil kana!" aniko, ngunit para itong isang mabangis na hayop at handang handa na kong kainin."Kahit ikaw manlang ay mapatay ko!" inangat nito ang kamay at mabilis akong inundahan ng kutsilyo. Iniharang ko ang aking mga braso, halos mamilipit ako sa sakit nang mahiwa nito ang aking braso. Tumulo ang masagana kong dugo."HAHAHA!" tumawa ito nang malakas ng makita ang pagdaloy ng aking dugo. Tumakbo ito at sinunggaban ako, napahiga ako sa kama habang ito ay nakaibabaw sa akin, pilit na inilalapit sa aking mukha ang kutsilyo. Gusto ko mang sumigaw ngunit alam kong walang makakarinig sa akin lalo na't soundproof ang lahat ng kwarto dito. "Urgh! Papatayin kita! Papatayin kita! Papa—" mabilis akong natigilan ng bigla na lang bumagsak si Pia, dumudugo ang braso nito.Mas lalo akong naluha ng makita si Atticus na may hawak na ba
CelesteMabilis na nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha ng makita ako."Anong.. Ginagawa mo rito Celeste?" nagugulat nitong tanong. Nagpalipat lipat ang kaniyang tingin sa akin at kay Pia."Manang!" malakas na tawag nito sa matanda."S-Sir.." nanginginig sa takot na sambit ng matandang katulong."Bakit nakawala ang babaeng 'to." galit niyang anas."Eh... Sir, kanina ho kasi sumigaw si Rita na wala na itong buhay, kaya dali-dali po naming siyang kinuha sa bodega nang mapansin kong may pulso pa ito." salaysay ng matanda."Wala akong sinabi na alisin niya siya ro'n, kahit pa mamatay ang babaeng 'yan." doon na ako napatayo."Ano bang sinasabi mo Atticus! Bakit siya nandito? Bakit ganito ang itsura niya? Anong ginawa mo sa kaniya?!" sunod-sunod kong tanong. Kahit malaki ang kasalanan sa akin ng babaeng 'to, hindi ko naman kayang sikmurain na ganito ang itsura niya, wala na ngang mapaglagyan ang kaniyang mga sugat."Tawagin niyo si Diego!" sigaw pa nito. At hinala na ako paalis."Ano ba
Celeste"Hindi ka na nakasagot pa." anas ni Lenard."Ahm.. Pumasok na tayo.""Please, answer my question Celeste." mahinahon nitong sambit."Bakit ba kailangan natin itong pag-usapan.""Dahil gusto kita Celeste, alam mo naman na matagal na akong nanliligaw sa'yo." gulat ang mababakas sa aking mukha."S-Sandali.. Hindi ako pumayag na ligawan mo ako Lenard. At kahit na sino pang lalaki 'yan ay hindi ako makikipag ligawan. K-Kaibigan kita Lenard." napayuko naman ito. Dama ko naman na may pagtingin ito sa akin. Ngunit hanggang kabigan lang ang kaya kong ibigay sa kaniya. At alam niya 'yon umpisa pa lang. "I'm sorry." sambit nito. "Ayos lang, let's go?" tumango naman ito. Ngunit sinalubong sa amin ang talim ng tingin ni Atticus. "A-Anong ginagawa mo rito?" tanong ko. "Tsk." parehas kaming natigilan ng talikuran kami nito. Napailing na lamang ako at pumasok na sa loob. Naabutan ko kung paano masayang nagkekwentuhan ang anak ko at si Mommy, ngunit napansin kong wala si Atticus. Hindi ko
CelesteSinag ng araw ang napagising sa akin. Mabilis akong bumangon, nang mapagtanto ang namagitan sa amin ni Atticus. Tinignan ko ang aking katawan, nakasuot na ako ng pantulog at dahil sa laki no'n ay halos umabot na sa aking hita. Napansin ko rin na naka-underwear narin ako."Mommy! Good morning." Bungad ni Hailey, maingat nitong bitbit ang tray na naglalaman ng pagkain. Nasa likod niya si Atticus na halatang inaalalayan ito. Mabuti na lang pala ay nakabihis siya, dahil kung hindi ay nakakahiya sa anak niya na nakahubad siyang maabutan."T-Thanks baby." Dahan-dahan nitong inilapag ang tray."Kami po ni Daddy, ang nagluto ng breakfast mo po Mommy." Malaking ngiting saad ni Hailey. Natutuwa ako dahil mukhang hindi na nagtatampo ang anak ko sa akin.Naiilang akong napatingin kay Atticus, na ngayon ay titig na titig sa akin. Parang gusto ko ng matunaw sa sobrang hiya. Naalala ko no'ng mga nagdaang araw, kung paano ko siya pagsalitaan ng masasama at masasakit, galit na galit ako sa kan
CelesteAt dahil hindi ko kinakaya ang mga tingin na ibinibigay nito, ay tumalikod ako at tumungo sa balkonahe. Huminga ng malalim, ngunit mabilis rin akong natigilan nang maramdaman ang yakap nito sa akin."Love.." Mahina nitong sambit."Alam mo ba kung gaano ako nangulila nang iwan mo 'ko, sa lumipas na limang taon walang ibang babaeng nasa isip ko kung hindi ikaw." Hanggang sa maramdaman ko ang basa sa aking balikat. Mabilis ko itong hinarap, at gano'n na lang ang gulat ko ng makita itong lumuluha. Hindi ko napigilang haplusin ang kaniyang pisngi. Ngunit mabilis akong nakabawi, akma kong babawiin ang kamay ng maunahan ako nito. Hinawakan niya ang kamay ko na nasa pisngi niya parin."Makinig ka Celeste, wala akong babae, at lalong wala akong ibang babaeng mamahalin kung hindi ikaw. At walang katotohanan na may naganap sa amin ni Pia, hindi ko alam na sinet-up niya ako no'ng gabing 'yon." Hindi ko alam ang irereact ko, baka gumagawa lang siya ng kwento para mapaniwala ako."Nag sisi
Celeste"Fuck you! Hinding hindi ako magpapakasal sa lalaking manloloko na tulad mo." Sagot ko kay Atticus."All right, magkita na lamang tayo sa korte." Iyon lang at tinalikuran ako nang lalaki. Sinundan ko ito hanggang sa makarating kami sa kwarto nito, do'n ko nadatnan si Hailey na masayang naglalaro sa halos hindi mabilang na laruan."Hailey, anak!" Tumakbo ako at niyakap ito ng mahigpit."Mommy," May lungkot sa kaniyang tinig."My Daddy is alive, mommy, why did you lie to me po?" Malungkot na tanong ni Hailey. Nasasaktan ako kapag nakikitang nalulungkot ang aking anak. Mabilis kong pinunasan ang naglandas na luha."Baby, I'm sorry, pwede bang umuwi muna tayo, at sasabihin ni mommy kung bakit kailangan kong magsinungaling sa'yo.""But.. Gusto ko pong makasama si Daddy. Dito na lang po tayo mommy." May pakikiusap sa tinig nito. Napasinghap ako sa kaniyang hiling. Binalingan ko si Atticus na ngayon ay nakasandal sa pinto, naka cross arm, habang nakatingin sa amin."Hindi pwede anak,
Third Person PoV"Ikaw po ang Daddy ko?" Nagtatakang tanong ni Hailey, dahil tinawag siya nitong daughter."Yes, I'm your Dad." At niyapos niya ito ng mahigpit na yakap. Kakaibang saya ang naramdaman ni Atticus nang makita at mayakap ang kaniyang anak, na ganito pala ang pakiramdam na maging isang ama. No'ng sinabi ni Celeste na wala na ang kanilang anak, ay halos araw-araw itong nag papakababad sa alak. Kung sino-sino na lamang ang sinasaktam nito. Ang sakit lang na hindi na nito nasilayan ang anak. Iyon pa ang nasa isip ni Atticus nang mga panahon na iyon."D-Daddy? Pero po, mommy told me that my daddy is dead." Mas lalong kumuyom ang kaniyang kamay dahil sa nalaman. Dahil kahit ang kanilang anak ay pinag sinungalingan ni Celeste."No baby, I'm alive, daddy is alive. " Ngiting saad ni Atticus kahit nagagalit siya kay Celeste ay hindi naman iyon matutumbasan ng kasiyahan niya ngayon dahil kapiling na nito ang kaniyang anak.Napatitig si Hailey sa mata nang lalaking sinasabi na ito an