MasukPinangarap ni Celeste na magkaro'n ng kapatid, pero dahil biyuda na ang kaniyang ina ay hanggang pangarap na lamang iyon. Isang araw ay may ipinakilala sa kaniyang lalaki, ito ay si Alexander ang boyfriend ng kaniyang mommy at dahil sabi nila ay hindi na sila bumabata pa kaya napagdesisyon na nilang magpakasal agad. Samantala hiniling ng kaniyang Tito Alex na ro'n tumira sa mansyon nito. No'ng una ay nag-alangan si Celeste, subalit ng sabihin sa kaniya na ipapakilala ang kaniyang magiging kapatid ay gano'n na lang ang pananabik ni Celeste, kaya agad itong pumayag. Ang akalang masayang paninirahan ni Celeste ay nag kamali lang pala, dahil simula ng makilala niya ang kaniyang Step-Brother ay naging magulo ang kaniyang mundo, lalo na ng mapaibig siya rito. "Damnt it Celeste your mine ONLY MINE" at sabay sunggab nito ng halik.
Lihat lebih banyakCeleste"Excited na 'kong malaman ang gender nila." nakangiti kong sambit. Yakap yakap ako ni Atticus sa aking likuran at sabay naming hinimihas ang malaki kong tiyan. Napagdesisyunan naming gumawa ng gender reveal. Kaya ngayon ay kitang kita ko sa mukha ni Atticus kung gaano ito ka excited, kanina niya pa nga gustong tusukin ang malaking lobo sa labas."Mom! Dad! Kanina pa po kayo tinatawag ni Mama Carina." bakas rin ang kapanabikan kay Hailey. Mahina kong pinalo ang kamay ni Atticus. Ang landi kasi eh, hindi ko tuloy namalayan na natagalan kami. Paniguradong marami nang bisita sa baba. "Tara na love.." untag ko rito, paano ba naman kasi titig na titig sa akin. "Tsk! 'bat ba ang sexy ng asawa ko. Parang ayaw kong pababain ka." tinignan ko ang sarili. Naka white ruffle dress ako. Fitted iyon tignan pero komportable naman ako. Ang laki rin ng tiyan ko para sa anim na buwan. Tumaba rin ako kaya paano niya nasabing sexy ako, lakas mang uto nito. "Tigilan mo ako Atticus, gusto mo lang
Celeste Nakangiti kong hinahaplos ang buhok ni Hailey, na pagod rin kakalaro. Agad akong nag angat ng tingin ng makitang si Atticus, may bitbit itong gitara. Mabilis akong namula nang maisip na kakantahan ako nito. 'kumalma ka Celeste.' mas lalo akong yumuko para hindi nito mahalata ang aking pamumula. Naalala ko no'n na may banda si Atticus at sariwa pa sa aking isip ng marinig ang napakaganda nitong boses. "Ehem... Ang ganda mo." napatingin ako sa kaniya ng sabihin niya iyon. Inikutan ko ito ng mata. "Tigilan mo nga ako." sabay kaming natawa, maya maya ay sumeryoso na ito. "Ang kantang ito ay inaalay ko sa pinaka mamahal ko at pinaka magandang babae sa buhay ko." kagat labi akong napangiti. 🎶 You know you're everything to meAnd I could never seeThe two of us apartAnd you know I give myself to youAnd no matter what you doI promise you my heart...🎶 Gano'n na lang ang pagtigil ko sa pag haplos ng buhok ni Hailey ng magsimulang kumanta si Atticus. 🎶 I've built my worl
CelesteMabilis na sumugod si Pia, mas lalo akong natakot ng makita ang hawak nitong kutsilyo."Ah!" umilag ako, ngunit mabilis nitong nahila ang aking braso."Tu-Tumigil kana!" aniko, ngunit para itong isang mabangis na hayop at handang handa na kong kainin."Kahit ikaw manlang ay mapatay ko!" inangat nito ang kamay at mabilis akong inundahan ng kutsilyo. Iniharang ko ang aking mga braso, halos mamilipit ako sa sakit nang mahiwa nito ang aking braso. Tumulo ang masagana kong dugo."HAHAHA!" tumawa ito nang malakas ng makita ang pagdaloy ng aking dugo. Tumakbo ito at sinunggaban ako, napahiga ako sa kama habang ito ay nakaibabaw sa akin, pilit na inilalapit sa aking mukha ang kutsilyo. Gusto ko mang sumigaw ngunit alam kong walang makakarinig sa akin lalo na't soundproof ang lahat ng kwarto dito. "Urgh! Papatayin kita! Papatayin kita! Papa—" mabilis akong natigilan ng bigla na lang bumagsak si Pia, dumudugo ang braso nito.Mas lalo akong naluha ng makita si Atticus na may hawak na ba
CelesteMabilis na nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha ng makita ako."Anong.. Ginagawa mo rito Celeste?" nagugulat nitong tanong. Nagpalipat lipat ang kaniyang tingin sa akin at kay Pia."Manang!" malakas na tawag nito sa matanda."S-Sir.." nanginginig sa takot na sambit ng matandang katulong."Bakit nakawala ang babaeng 'to." galit niyang anas."Eh... Sir, kanina ho kasi sumigaw si Rita na wala na itong buhay, kaya dali-dali po naming siyang kinuha sa bodega nang mapansin kong may pulso pa ito." salaysay ng matanda."Wala akong sinabi na alisin niya siya ro'n, kahit pa mamatay ang babaeng 'yan." doon na ako napatayo."Ano bang sinasabi mo Atticus! Bakit siya nandito? Bakit ganito ang itsura niya? Anong ginawa mo sa kaniya?!" sunod-sunod kong tanong. Kahit malaki ang kasalanan sa akin ng babaeng 'to, hindi ko naman kayang sikmurain na ganito ang itsura niya, wala na ngang mapaglagyan ang kaniyang mga sugat."Tawagin niyo si Diego!" sigaw pa nito. At hinala na ako paalis."Ano ba












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasanLebih banyak