Share

Chapter 2: Who will to blame?

Nasa kasalukuyang meeting si Light nang biglang pumasok ang personal assistant nito at tila worried ang hitsura nito. Sumenyas sa binata ang assistant nito na may urgent siyang sasabihin. Nagpaumanhin naman si Light sa mga investors at lumapit sa kanyang personal assistant na si Gella.

"What is it?" paanas na tanong ni Light nang makalapit ito.

"Boss, Azalie was had an accident!" sagot ni Gella na ninenerbiyos.

"What?! When?" dumagundong ang boses ni Light sa buong korner ng kwartong kanilang kinaroroonan.

"A couple minutes ago, and...and she was in a critical condition!" saad ni Gella na naiiyak.

Azalie and Gella was bestfriend, kaya malaking apekto iyon para sa dalaga hindi lamang kay Light. Pagkarinig ni Light sa sinabi ni Gella ay wala itong sinayang na pagkakataon. Iniwan niya ang lahat at patakbong lumabas ng building kasunod si Gella. Naitawag na rin ni Gella sa driver at mga bodyguards ni Light na aalis sila urgency.

"Make it faster Solomon!" mando ni Light nang tumatakbo na ang kanilang sasakyan.

"Baka po habulin tayo ng mga traffic enforcer, boss!" katwiran ni Solomon.

"I don't care!" mariing wika ng binata na hindi man lang kumukurap na nakatingin sa daan.

Gusto ni Light na makarating siya sa hospital nang mabilisan at makita ang kanyang fiancee, si Azalie. Five days na lang, ikakasal na sila at hindi nito matatanggap kapag mamatay ang dalaga. Mas lalong hindi niya mapapatawad ang taong bumangga sa kanyang minamahal na si Azalie. Wala namang nagawa si Solomon kundi ang sundi si Light habang nagkatinginan na lamang ang kanilang kasamahan maging si Gella. Naiintindihan nila ang kanilang boss kahit na minsan ay hindi nila ito masabayan ayon sa ugali nito.

Gumalaw- galaw ang talukap ng mga mata no Shein. Unti- unti nang nagkamalay ang dalaga mula sa pagkakahimatay nito dahil sa lakas ng impact sa naturang nangyari. Umungol pa ito at sapat namang narinig ng kanyang Mama ang unang binigkas ng dalaga.

"Nauuhaw ka anak?" natatarantang tanong ni Aling Merced.

Tumango si Shein, habang ang kapatid nitong si Sandy ay tumakbo upang tawagin ang Doctor. Inalalayan ni Aling Merced ang kanyang anak na bahagyang bumangon saka nito pinainom ng tubig. Siya namang pagbukas ng pinto at iniluwa doon ang Doctor at isang Nurse.

"Please humiga ulit," wika ng Doctor.

Tinulungan ulit ni Aling Merced ang kanyang anak na humiga. Kapagkuwan ay inilawan ng Doktor ang mga mata ni Shein at inuutusang sundan ang ilaw ng hawak nito.

"Ilan ito, Shein?" tanong ng Doctor sa ipinakita nitong daliri.

"Tatlo po," nanghihinang sagot ng dalaga.

"Very good! Ano ang pangalan mo?"

"Shein Dixie Alcantara," sagot ng dalaga.

Marami pang tinanong ang Doctor upang siguruhing okay lang si Shein. Saka nito binalingan si Aling Merced na nakangiti.

"Happy to say that she's okay, mabuti na lamang! Bihira lang ang nakakaligtas sa ganoong disgrasya. But the bad thing is, critical ang babaeng nakabangga ng inyong anak. And according to our research, fiancee siya ng isa sa pinakamayamang lalaki sa buong bansa." Saad ng Doctor.

Hindi nakaimik si Aling Merced bagkus ay tumingin ito kay Shein.

"Pero mapag-uusapan naman ang lahat lalo na kung makita na ang cctv footage upang malaman kung sino ang may kasalanan." muling sabi ng Doctor.

"Salamat po!" wika na lamang ni Aling Merced.

May ibinilin pa ang Doctor saka ito nagpaalam sa mag- iina.

"Mama, hindi ko po kasalanan!" wika ni Shein kahit na nanghihina pa rin.

"Shhhhh! Huwag mo munang isipin anak ang nangyari, hihingi ako ng tulong kay Leonard kapag nagkataon." sagot ng Ginang.

Ngumiti naman si Shein, tama may nobyo ang kanyang Mama na mayaman. Kaya lang ayaw ni Shein na umasa sila at abusuhin ang kabaitan ng nobyo ng kanyang Mama. Hindi naman sila paralisado para hindi makapagtrabaho at mas lalong hindi sila mukhang pera.

"Magpahinga ka na anak, ha?" wika ulit ni Aling Merced.

"Opo!" tugon ni Shein.

Sa totoo lang ay umiikot na naman ang paningin nito kung kaya't hinayaan niyang muli na hatakin siya ng kadiliman.

"Where's my fiancee?" agad na tanong ni Light sa information desk.

"Wait po, sino po ang pasyente niyo?" tanong naman ng Nurse.

Napabuga naman nang hangin si Light kung kaya't sumabad naman agad si Gella. Alam niya kasing ayaw na ni Light na pinaghihintay ito lalo na kung tungkol kay Azalie. Agad naman nilang nalamang nasa emergency room pa si Azalie.

"Da*n!" mura ni Light saka mabilis na naglakad patungong ER.

Public hospital iyon at tanging ito lamang ang malapit na hospital sa pinangyarihan ng disgrasya. Agad nilang natanaw ang ER, sakto namang may Doctor na lumabas mula doon. Agad na nilapitan ito ni Light at tinanong.

"Kaano- ano mo ang pasyente?" tanong ng Doctor.

"My fiancee! I'm Light Aero Saavedra." Sagot ng binata.

Saglit na natigilan ang Doctor kapagkuwan ay ngumiti ito.

"Nice meeting you, Mr. Saavedra one of the hottes billionaire in town."

"Thank you but how's my fiancee?"

Tumikhim ang Doctor.

"Critical ang condition niya, may fractured siya sa back bone niya and naduguan ang kanyang utak that's why she's in coma. Bumaligtad kasi ang kanyang sasakyan ng ilang ulit, then may isa pang sasakyan ang involved." Paliwanag ng Doctor.

"No! And who's that?" ngitngit na turan ni Light.

"A novice driver came from driving School."

"I'm sure siya ang may kasalanan ng aksidente. Matagal nang nagmamaneho ang aking fiancee at maingat siya sa daan!" wika ni Light.

"Hindi natin sure, though ang sabi ng ilan sasakyan ng fiancee mo ang umagaw sa lane under construction ang site na iyon."

"That's not true Doctor!" pasinghal na sagot ni Light.

"Boss," wika naman ni Gella na waring sinasabi nitong kumalma ang binata.

Tumahimik naman si Light subalit ang hitsura nito ay hindi maganda. As if gusto nitong pumatay ng tao sa kahit anumang oras.

"Huwag kang magalit Mr. Saavedra, ang sinabi ko ay based sa mga nakakita at nakasaksi. Even the traffic enforcer, he stated that you're fiancee was the one who blamed in this case. May mga nadamay pang trabahador ng site at ng bridge, narito silang lahat puwede mo silang kausapin." Saad ng Doctor.

"What about the driver?"

"Narito din siya at ginagamot, may mga sugat din siya but she's lucky dahil nagkamalay na siya kanina. Dahil kung hindi parehas silang coma ng fiancee mo."

"She? Ibig sabihin babae rin siya?"

Tumango ang Doctor.

"I need to know her ward," walang gatol na wika ni Light at nakakuyom pa ang kamao nito.

"Sa ngayon, hindi pa puwede dahil still on shocked pa rin siya at under observation. Baka makasama pa sa mental health niya kapag susugurin mo siya ngayon." Payo ng Doctor.

Mariing napamura ulit si Light, magkahalong galit at poot ang nararamdaman ng binata para sa babaeng driver na nakabangga ni Azalie. Kung siya lang sana ang masusunod he will tangled her neck and be dead.

"Kailangan kitang makausap ng sarilinan Mr. Saavedra. Please follow me," wika ng Doctor at nauna na itong naglakad.

Walang imik na naglakad si Light upang sundan ang Doctor ni Azalie. Muli niyang nilingon ang ER, ayaw niyang silipin sa may maliit na salamin ang kanyang fiancee. Baka kapag nakita nito ang kaawa-awang kalagayan ng kanyang minamahal ay makagawa siya ng maling kilos para sa babaeng nakabangga nito. Ayaw niyang madagdagan ang problemang kinahaharap niya ngayon.

Pagkatapos mag- usap ang Doctor at si Light ay laglag ang mga balikat nitong bumalik kina Gella. Gusto sanang magtanong ni Gella kaya lang natakot siya sa hitsura ng kanilang amo kahit pa bestfriend niya si Azalie.

"Gella, call the head of my own hospital ililipat natin si Azalie mamayang gabi." Walang emosyong sabi ng binata.

"Sige boss!" mabilis na sagot ng dalaga at pansamantala itong lumabas ng hospital.

Noon lang nagkaroon nang lakas ng loob si Light upang silipin si Azalie sa loob ng emergency room. Napapikit ang binata nang makita nito ang hitsura at kalagayan ng dalaga. Hindi alam ni Light kubg ano-ano ang mga aparatong nakakabit kay Azalie basta ang tumatak sa kanyang isipan at puso ay ang kalunos- lunos na sitwasyon ng dalaga. Light cried in silent, pagkatapos no'n ay napalitan nang galit pagkaalala nito sa baguhang driver na nakabangga kay Azalie. Dahil sa nadarang galit ni Light ay binilinan nito ang isa niyang bodyguard upang puntahan ang nasabing Driving School at alamin ang pagkakakilanlan sa baguhan nilang trainee doon. At kapag napatunayan niyang ito ang maya kasalanan, sisiguraduhin niyang mabubulok ito sa kulungan. Kapag may masamang mangyari kay Azalie ay titiyakin naman niyang magiging miserable din ang buhay ng nasabing babae.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
ay ano ba Yan makinig Ka Naman sa paliwanag
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status