Share

Chapter 4: That Pain

The world is unfair for Light because what he afraid the most that will happen are on the spot now. Para siyang nabingi sa news na nakarating sa kanya while he's prepairing himself para muling bantayan si Azalea sa hospital.

"No! This cannot beee!" sigaw ng binata at dire- diretsong naglakad patungo sa kotse nito.

Naroon na rin ang personal driver niya maging ang kanyang mga bodyguard. Kusang naglaglagan ang mga luha ng binata habang nakakuyom ang kanyang mga kamao. Mabilis na nakarating sina Light sa hospital at wala itong sinayang na sandali, dumiretso ito sa emergency room. Saglit pang natigilan si Light nang makita niya si Azalea na unti- unti nang inaalis ang mga aparatong nakakabit sa kanya. Kitang- kita niya rin ang pantay na linya sa monitoring screen nito indikasyong wala na siyang heartbeat.

"I'm sorry boss, but Azalea didn't make it! Ginawa na namin ang lahat upang mailigtas siya, but her body gave up." Wika ng Doctor.

"No! She's alive, you're lying! Give her a cpr treatment or kahit anong paraan upang bumalik ang kanyang heartbeat please?!" Umiiling- iling na sabi ni Light.

Bumuntonghininga ang Doctor at tinapik nito ang balikat ng binata.

"She's dead twenty minutes ago, we did all could be possible to revived her but we failed. Siya na mismo ang bumitaw at hindi lumaban," paliwanag ng Doctor.

Muling umiling-iling si Light at tinabig nito ang Doctor. Agad niyang niyakap si Azalea nang malapitan niya ito.

"Hey, honey wake up! Malapit na ang kasal natin, kukunin pa natin ang iyong dream wedding dress! Nakabili na rin ako ng wedding ring natin na gustong- gusto mo. Naayos na ang venue, naipamigay ko na ang mga invitation. Honey, please huwag kang magbiro ng ganito!" yugyog ni Light sa nobya.

Napasinghot si Light at dahan- dahan niyang hinaplos ang pisngi ni Azalea, bagama't malambot pa iyon subalit unti- unti nang lumalamig. Kahit anong gawin ni Light na pagyugyog, pakiusap at haplos kay Azalea ay wala na talagang palatandaan na buhay pa ang dalaga. Napatingala si Light saka ito impit na umiyak pagkatapos ay sumubsob siya sa dibdib ng wala ng buhay na si Azalea habang yakap- yakap niya ito. Isinarado ng Doctor ang pinto ng emergency room, lumabas ang mga Nurses at iba pang katulong ng Doctor sa pag- revived kay Azalea kanina. Nais nilang bigyan ng pagkakataon at oras na magluksa si Light. Sobra nila itong iginagalang, kung kaya't ramdam nila ang paghihinagpis ng binata.

Samantala, natigilan si Shein nang mapasulyap ito sa kanilang television. Napukaw ang kanyang atensyon dahil sa flash report na ipinalabas nito.

"Allegedly fiancee ng isang bilyonaryo na sangkot sa car accident pumanaw na, abangan mamaya sa balita oras ng alas- siyete." Ani ng reporter.

Nanlaki ang mga mata ng dalaga dahil ang babaeng nakabangga niya ang lumitaw sa tv screen at ang bilyonaryo nitong nobyo na sumugod sa kanya doon sa hospital. Halos mabingi ang dalaga sa kabog ng kanyang dibdib at nanuyo pa ang kanyang lalamunan. Kakalabas niya lang sa hospital dahil wala na silang pambayad sa kanilang bill kung magtatagal pa siya roon. Pinayagan naman siya ng Doctor at naiintindihan naman siya kung kaya't biniyan na lamang siya ng reseta in case makadama ito ng sakit.

"Anong nangyari sa'yo anak at para kang natuklaw ng ahas diyan?" tanong ng Mama ni Shein nang mapadaan ito at nakita ang hitsura ng anak.

Malungkot namang tumingin ang dalaga sa kanyang Mama.

"Ano ba 'yang tinititigan mo sa television?" tanong muli ng Ginang at lumapit na ito sa anak saka tiningnan ang palabas sa tv.

Nakita nang Ginang ang balitang patay na ang nobya ng mayamang lalaki na nakabanggaan ni Shein.

"Hari nawa'y sumailangit ang kanyang kaluluwa. Ganyan talaga ang disgrasya minsan," bulalas ng Ginang na nalungkot din.

Nanghihinang napasandal si Sheun sa kanilang maliit na sofa.

"Parang nakokonsensya ako Mama," wika ng dalaga.

"Aba bakit naman? Hindi mo kasalanan ang nangyari, pare- parehas kayong biktima." Payo ng Ginang.

"Pero, Mama naaawa ako sa hitsura ng nobyo niya at naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang galit niya sa akin. Malapit na kasi silang ikasal kalat na sa buong mundo." Malungkot na saad ng dalaga.

Hinaplos naman ni Aling Merced ang likod ng kanyang anak.

"Hindi ikaw ang may kasalanan anak, disgrasya ang lahat. Palagi mong i*****k sa isipan mo na hindi ikaw ang puno't- dulo ng aksidenteng nangyari, inosente ka dahil isa ka ring biktima." Pagpapalakas loob ni Aling Merced kay Shein.

Kahit papaano ay naibsan ang nararamdamang guilt ng dalaga. Totoo naman kasing wala siyang kasalanan, ang binatang nobyo ng babae ang siyang nagpupumilit na siya ang may kasalanan ng nangyari.

"Tama ka Mama," sang- ayon na din ng dalaga kailangan niyang magpakatatag.

"Ganyan, kung kasalanan mo ang mga nangyari then huwag kang magre- react tanggapin mo ang iyong parusa at magiging trato sa'yo. Subalit kung hindi mo naman kasalanan, huwag na huwag mong hahayaang aapakan nila ang iyong pagkatao matuto kang lumaban anak." Pangaral ni Aling Merced.

"Salamat, Mama!" naiiyak namang sagot ni Shein at yumakap na ito sa kanyang Ina.

Nakadama si Shein nang kapanatagan ng loob niya sa pagkakayakap niya kay Aling Merced. Kahit papaano ay kumalma ang kanyang guilty na nararamdaman dahil sa pangyayaring naging dahilan nang pagsawi ng babaeng kanyang nakabanggaan.

Mabilis namang nailabas ng hospital si Azalea at kinuha ng funeral upang ayusan ito. Nagkalat din ang mga pulis para sa security nina Light at ang iba pang kapamilya ni Azalea. Hindi umiimik si Light nanatiling nakatulala ito na hindi pa rin matanggap ang mga pangyayari. Parang hindi pa nag- sink in sa kanyang isipan na si Azalea ay wala na sa mundong ibabaw. Kung kaya't si Gella na bestfriend ni Azalea ang nag- asikaso sa lahat dahil alam niyang gulong- gulo pa rin ang isipan ni Light. Lalo pa't napakaraming media ang nag- aabang sa kanila upang kuhanan ng saloobin si Light tungkol sa pagkamatay ng kanyang nobya. Mabuti na lamang at alerto ang mga bodyguards ni Light kung kaya't hindi nakadiskarte ang mga media. Malakinh scoop kasi ang pagkamatay ni Azalea lalo pa't nabibilang sila sa alta sociedad pareho ni Light. Nakakatiyak ang karamihan na magigimbal ang buong mundo sa pagsabog ng balitang hindi pa naikakasal ang isang bilyonaryo ay namatayan na ito ng pakakasalan.

"We are sorry to not answering all your questions folks! As of now, we are in mourn abour Azalea's death. We hope that you can cooperate with us!" si Gella na ang kumausap sa mga media upang tumigil na ang mga ito at umalis na sa nasabing hospital.

At upang pansamantala nilang lubayan si Light na gulong- gulo pa rin ang isipan nito. Baka mamaya ay makagawa ang binata nang hindi maganda dahil sa pressure ng madla at mga media. Tiniyak din ni Gella na ang pinakamaayos na burol ang siyang maibibigay kay Azalea at ang lugar na pagbuburulan nito ay ang pinakamalaki at pinakamagarang funeral place. Nabigla din si Gella sa biglaang pagkamatay ng kanyang bestfriend at masakit din para sa kanya ang nangyari. Subalit hindi pa nila alam ang tunay na dahilan at tunay na may kasalanan sa banggaang naganap. Sapagkat noong una ay lumilitaw na si Azalea ang may kasalanan hindi maintindihan ni Gella kung bakit may mga nag- iba ang statement tungkol sa pangyayaring banggaan.

"May nais ka pa bang ipapagawa boss?" tanong ni Gella nang muli niyang malapitan si Light.

"Nagawa mo na ba ang lahat? Basta, give Azalea the best funeral service for her. Ayokong may masabi siya gusto ko happy siya at satisfied." Mahinang sagot ng binata.

"Rest assured Boss, walang problema." paninigurado naman ni Gella dahil totoo namang ang pinaka- the best ang siyang ibinigay nila niya kay Azalea.

"What about those media?" tanong ulit ni Gella.

"Ikaw na rin ang bahala, let them join the funeral trabaho nila iyon. Sa ngayon ang gusto ko lang ay makitang mapaparusahan ang babaeng bumangga kay Azalea." Turan ng binata.

Tumikhim naman si Gella.

"Hindi ba puwedeng pagkatapos na lamang ng libing Boss?" suggestion ng dalaga.

Light gritted his teeth.

"I can't wait! Kailangang magbabayad siya ng mahal," madiing sabi nito.

Hindi na lamang nagsalita pa si Gella, kilala na niya ang kanyang boss. You should not mess with him because she surely give you worst punishment.

Comments (4)
goodnovel comment avatar
Alming Gravinez
salamat po sa Pag update
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
salamat sa update
goodnovel comment avatar
Dadarey Perez
please update
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status