Share

My Step- Brother's Temptation
My Step- Brother's Temptation
Author: Scorpiowarrior

Chapter 1: Unexpected situation

Katatapos lang mag- inquire si Shein sa may driving lesson ng isang school. Gusto niya kasing mas husayan pa ang alam niya sa pagmamaneho. May balak kasi itong mag- extra sa mga sasakyan na pupuwede siyang rentahan as a driver. Kaya lang ay hindi naman ito makakakuha ng driver's license kung wala itong karanasan sa pagmamaneho o ang makapasok man sana sa learning school tulad ng Tesda. Vocational lamang ang natapos ng dalaga kaya gusto niyang pakinabangan naman ang skills niya sa pagmamaneho.

Agad namang natanggap si Shein at iyon ang unang araw niya sa driving lesson.

"Marunong ka na bang magmaneho dati?" tanong ng trainer nito na si Mr. Leonard Agustin.

"Opo, Sir!" mabilis na sagot ng dalaga.

"Hmmm.. impressive! Gusto mong kumuha ng driver's license ano?"

"Natumbok niyo Sir!" sagot ni Shein sabay tawa.

"Okay! Tingnan natin, gumawa ka ng limang rounds dito sa Campus bago kita payagang pumunta ng highway. 'Yun kung may potential ka talaga," wika ni Leonard.

"Copy that, Sir!"

Nagpakitang gilas nga si Shein sa trainer nito. Na- impressed naman si Leonard sa ability ni Shein, infairness ay magaling nga ang dalaga. Hindi ito nahirapan sa pagtuturo kung kaya't hindi sumakit ang ulo ng trainer.

"Alam mo sana lahat ng pumapasok dito kagaya mo para madali lang magturo." Wika ni Leonard nang bumaba sila mula sa sasakyan.

Ngumiti naman si Shein.

"Alam mo rin, Sir wala na kayong tuturuan kung ang lahat ay alam na. Malamang nakaupo na lang kayo at nanonood, ang siste mabubulok 'yong pinag- aralan niyo pong magturo." sagot nito.

Natawa si Leonard.

"Kakaiba kang student namin ha? Mukhang matalino ka at talagang may ibubuga!" sagot nito.

"Hindi naman po pero salamat!"

Tumigil sila sa paglalakad, natingin naman si Leonard sa relo nitong nasa kanyang bisig.

"Break time ka muna, para pagbalik mo ay sa highway ka na. Bilisan na natin para sa susunod na mga araw, tulungan mo akong magturo sa mga baguhan." saad ng binata.

Nanlaki naman ang mga mata ni Shein sa narinig.

"Totoo po Sir?!" bulalas nito.

"Oo, huwag kang maingay ha?"

"Sige po, Sir! Thank you po,"

"Okay, meryenda ka na muna!" wika ni Leonard at iniwan na nito ang dalaga.

Sobrang saya ni Shein dahil hindi niya inaasahan ang nangyari. Takot pa siya kanina at baka masungit ang trainer nito. Laking pasasalamat ng dalaga dahil napakabait pala ang kanyang naging trainer. Taimtim na nagpapasalamat si Shein sa Diyos dahil sa blessing na natanggap niya sa araw na iyon. Ilang sandali pa at binalikan na ni Leonard ang dalaga.

"Okay, we will do the step 2!" wika ni Leonard.

Agad namang tumayo si Shein at nakangiting tumango. Magkapanabay na naglakad ang dalawa papunta sa sasakyan na kanilang gagamitin. Binuhay ni Shein ang makina at nag- maniobra na ito sa tulong ni Leonard.

"Kapag tatawid ka or you will take the u- turn, gamitin mo ang side mirror mo lalo na sa pag- atras." saad ni Leonard.

"Copy that Sir!" sagot ng dalaga saka na ito tumawid sa kabilang lane ng kalsada.

Smooth ang takbo ng sasakyan at natuwa si Leonard kay Shein.

"Hindi magalaw ang mga kamay mong magmaneho ah, in fact nakaka- relaks to the point na baguhan ka pa lamang." Wika ni Leonard.

Ngumiti naman si Shein bagama't hindi siya lumingon sa trainer niya, nanatiling nakapokus ang mga mata nito sa daan.

"Dati na po akong tinuruan ng Papa ko kaya lang wala na po siya ngayon, Sir!" sagot ng dalaga.

"Oh... I'm sorry to hear that!"

"Okay lang po Sir!"

Ilang sandali pa at ipinapaliwanag na ni Leonard ang iba pang gagawin ni Shein bilang isang driver. Mas mabuti pa rin ang may alam na sapat kaysa sa nagmamarunong lang.

"Okay, you can drive it alone 'yong walang magtuturo sa'yo okay? Kapag nabalikan mo ako dito sa bababaan ko, ipapasa kita agad-agad upang makakuha ka ng lisensya mo." Saad ng binata.

"Talaga po? Naku, maraming salamat po Sir!" hindi makapaniwalang bulalas ni Shein.

"Huwag mo na akong tawaging Sir, hindi naman tayo nagkakalayo ng edad."

"Kahit na po, trainer po kita!"

"Basta, tawagin mo akong Leonard and I want to know you more, puwede?"

Napaawang ang labi ni Shein at natitigan nito ang mukha ni Leonard. May balak pala ang trainer niya kaya pala mabait ito sa kanya. Lihim na napailing-iling si Shein, pero napagpasyahan nitong wala namang mawawala kung susubukan niya. After all, need niya talaga ang driver's license kaya pumayag na rin siya sa gustong mangyari ni Leonard.

"Basta, as a friend lang!" mahinang sabi ni Shein.

"Oo ba! Ayoko namang mag- take advance!" masayang sagot ng binata.

Kiming ngumiti si Shein kapagkuwan ay bumaba na rin si Leonard sa harapan ng bookstore. Doon ito babalikan ni Shein pagkatapos ng solo drive ng dalaga. Kinuha naman ni Leonard ang selpon number ng dalaga upang makontak niya ito kapag nagkaroon ng aberya. Ilang sandali pa at binabagtas na ni Shein ang daan na mag- isa kampante naman ito dahil may alam na siya dati, at nadagdagan lang iyon ngayong pumasok siya sa driving lesson.

Pagkarating ni Shein sa may main road ay mahaba ang traffic. Aabutin siguro ng ilang oras si Shein bago niya mabalikan si Leonard dahil iikot pa siya sa kabilang direksyon. Subalit naghintay pa rin si Shein ng chance upang makalusot siya sa traffic subalit there's no chance. Kung kaya't bumalik siya sa national road at pinili ang alam niyang short cut kailangan makarating siya kay Leonard sa itinakda nitong countdown. Para naman sulit ang kanilang pagkakasundo agad-agad.

Medyo mas maluwag ang daan na tinahak ni Shein pero may mga pasaway pa ring nag- o- over take kahit na delikado ang lagay nila. Halos mapugto ang hininga ni Shein sa nakikita nitong kalimitang technique ng mga drivers which maling-mali. Tanaw ni Shein ang ginagawang contraction site sa may tulay kahit na malayo pa siya. Meaning isang lane lang ang puwedeng daanan ng mga sasakyan at kailangang salitan ang magkabilaang panig na dadaan sa lane. Hinintay nito ang kanyang oras na pagdaan sa iisang lane. Nang pagkakataon na niya ay agad niyang inapakan ang silinyador ng kotse upang mabilis siyang makadaan.

But out of nowhere ay napakabilis din ng sasakyang makakasalubong niya, kahit na sumenyas ang traffic enforcer sa kotseng paparating ay hindi ito huminto. At hindi puwedeng umatras si Shein dahil siya ang may rights na dumaan sa lane kung kaya't bumusina siya ng malakas. Pagewang- gewang pa ang kotse at kung hindi iiwaa si Shein ay magkakasalpukan sila. Pikit- matang kinabig ni Shein ang manibela papunta sa ginagawang tulay pagmulat niya ay doon din mabilis na pumunta ang kotse na parang nagising na sa kahibangan nito kanina. Nadasal si Shein saka nito isinagad na inapakan ang brake at preno at umaasa siyang hindi sila mag-aabutan ng naturang kotse. Umalingawngaw ang pagsabog ng mga wheels, ang paglangitngit ng dalawang kotse at pagbaklas ng mga tires nito. Nayanig ang buong site kasabay ng sigawan ng mga nakakita, sa nagaganap. Pagmulat ni Shein ay wala na itong marinig, malabo ang kanyang mga nakikita. Makapal ang alikabok, kasabay ng pagbaba ng isang mainit na likido sa kanyang pisngi at ang isang tinig na hindi naman niya kilala

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
thank you bhe
goodnovel comment avatar
Dadarey Perez
next update Po
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status