Share

CHAPTER 22

CHESKA LAURET POV;

Matapos naming kumain ay kaagad kong tinanong sakanya kung nasaan ang kwarto nito dito sa loob ng office niya, tinuro naman nito ang isang pinto.

Pagkapasok ko palang sa kwarto ay patakbo na akong humiga sa kama na para bang hindi ako nabusog, sabi nila bawal daw iyon, kapag katatapos lang daw kumain ay wag munang hihiga. Pero wala na akong pake doon. Feeling ko pagod na pagod na ako ngayong araw na ito.

Wala naman akong ginawa, dahil hindi naman ako inuutusan ni Tyrone. Ni maghugas ay hindi ko pa nga magawa. Parang ngayon iniwan ko lang siya doon na nagliligpit pa ng mga pinagkainin namin, hindi ko man lang siya tinulungan.

Muli akong napatayo ng mapansin na hindi bukas ang aircon.

Ng mabuksan ko ang aircon ay napasayaw pa ako sa tuwa, napatingin ako sa drawer nito at napangiti ng makita ang isang teddy bear.

Hindi ko napigilan ang sarili kong maghalungkat ng kanyang mga gamit, nag mumukha na akong pakeelamera pero wala na akong pake, wala pa naman siya. Nakaka
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status