Share

CHAPTER 2

CHESKA LAURET POV:

"Anong gusto mo" tanong ni febby nandito kami ngayon sa cafeteria mag sasalita sana ako ng unahan ako ng kung sino.

"Hi febby pwede maki share, puno na kasi." boses ni Natalie mula sa likod ko.

"I'm sorry natalie pero kay jerome tong isa upuan eh." sabi ni febby. Napairap naman ako at nilibot ang tingin sa paligid, totoong puno na at wala na siyang mauupuan, at tamang gawin na lamang niya ay mag hintay ng mga matatapos na bago lamang siya makakaupo.

"Ganon ba sige mag hahanap na lang ako." parang napahiyang sabi nito tumingin ako kay jerome na kararating lang may hawak itong tray at nilapag sa harapan namin bahagyan pa siyang tumingin kay natalie.

"Ang dami mo namang kakainin." sabi  ko sa kanya.

"Tanga para satin to." sabi niya dahilan para mapangiti si febby at agad siyang umupo. Tinignan ko naman ng masama si jerome dahil sa pag tawag niya sakin ng tanga, sinipa ko ang paa nito dahilan para mapa aray siya. Hindi naman ako nasaktan sa sinabi niya dahil totoo naman hindi lang ako sanay. Pero mukhang masasanay na ako dahil sa kanya.

"Bakit?"

"Tinawag mo kasing tanga bobo ka." Natatawang sabi ni febby dahilan para mapangiwi si jerome.

"Alam na alam mo talaga favorite namin ah." dagdah ni febby at tumawa  na naman, kinuha ko ung manggo shake at fries.

"Syempre naman."

"So anong nakain mo at nanglibre ka ngayon." tanong ni febby bago kumagat sa kanyang burger.

"Feel ko ma mapeperfect ko ang exam." tumatawang sabi niya, sabay kaming napairap ni febby sa kanya.

"May butas ba yang utak mo wala pa ngang nangyayaring exam tas feel mo na agad." masungit na sabi ni febby sa kanya at binato ito ng plastic.

"Grabi ka naman sakin hindi ba pwedeng maging advance siyaka sabi nila mas maganda daw pag advance ka masyado kasi nag kakatotoo ito." nakangusong sabi nito.

"Siyaka nag nag start na akong mag review." Sabi pa niya. Nahiya ako ako na walang wala pa, ni notes wala ako ih. Daig pa ako ng lalaki.

"Ay mali ka ng pinapaniwalaan."

"Akin na nga yan wag ka ngang kumain panira ka." sabi ni jerome akmang kukunin ang kinakain ni febby ng mabilis naman niyang nilayo ito.

Umiwas nalamang ako ng tingin sa kanila sakto namang nakita ko si natalie napataas ang kilay ko ng makitang nakatingin siya sakin ngumiti ito sakin.

Hindi ko alam pero hindi ko talaga kayang suklian ang mga ngiti niya tapos naiinis ako sa kanya ng hindi malaman ang dahilan.

Agad kong kinuha ang wallet ko ng marinig ang bell sumunod naman si febby at jerome sakin na hanggang nagyon ay nag tatalo parin.

Malapit na kami sa classroom ng may biglang bumungo sakin napapikit pa ako ng maramdamang natapon ang juice niya sa sa damit ko agad kong tinignan kung sino iyon.

"Ops I'm sorry." sabi ni Trixie kasama ang aliparos niya na nag tatawanan hindi ko alam kung may galit sakin ang babaeng ito palagi nalang ako ang pinupuntirya niya nilugan ko ang necktie ko at sinalubong ko ang tingin niya.

"Oh look at her eyes, I'm so scared." Natatawang sabi pa niya kasabay ng pag tawa ng mga bruha niya.

"Oh my ghad cheska are you okay." tanong sakin ni febby at hinarap si trixie.

"Ano bang problema mo ha." galit na tanong nito marami naring napahintong studyente at nanood samin.

Stupidyante na nga chismosa pa.

"Hmm nothing" nakangiting sabi nito biglang nag init ang ulo ko dahil sa walang kwentang sagot niya agad kong kinuha ang shake ko mula kay jerome tinanggal ko ang takip nito at binuhos sa kanyang mukha sa totoo lang noon ko pa to gustong gawin to sa kanya.

"Ops I'm sorry to" sabi ko, mabilis niyang pinunasan ang mukha at tinignan ako ng masama tumaas naman ang kilay at muntik ng matawa dahil nag kalat ang make up niya dahil sa kanyang pag punas dinig ko ang tawa ng ilang ibang nanonood samin.

"HOW DARE YOU." galit na sigaw nito sakin at mabilis na hinila ang buhok agad ko ring hinila ang mahaba niyang buhok ramdam ko ang sakit ng pag sabunot niya sakin, malakas ko siyang tinulak dahilan para mabitawan niya ang buhok nilapitan ko siya at mabilis na sinampal at hinila ang necktie nito tinignan ko siya sa mata bago siya pabiglang bitawan susugod pa sana siya ulit ng sampalin ko naman. siya.

She's trixie and she's nothing.

Akmang hahawakan pa ako ng aliparos ng biglang hatakin ni febby ang braso nito.

"Sige subukan mong tulungan ang impaktong reyna niyo." dinig kong sabi nito napaaray pa ako ng may humila na naman sa buhok ko masakit talaga p*****a.

Nawalan ako ng balanse dahilan para mapahiga ako agad namang pumaibabaw sakin si trixie at paulit ulit akong sinampal nalasahan ko pa ang dugo mula sa putok kong labi kita ko rin si febby na pinag tutulungan ng aliparos ni trixie.

Buong lakas kong tinulak si trixie sa ibabaw ko mabilis akong tumayo at tinadyakan ang sikmura niya hindi pa ako nakuntento akmang tatadyakan ko siya ulit may magsalita mula sa likod ko.

"Cheska tama na yan." napatingin ako kay natalie dahil sa sinabi niya.

"Did you see what she did to me." taas kilay na tanong ko sa kanya.

Pakielamera din talaga siya.

"At sino ka para sundin ko." dagdag ko napatingin ako kay trixie ng tumayo ito masama parin ang tingin niya sakin.

"Tama na baka may makakita pa sa inyong teacher." Feeling concern?

"Do I care?" tanong naman sa kanya ni trixie bago tumingin sakin.

Lalapit pa sana sakin ito ng biglang.

"ALL INVOLVED HERE GO TO THE GUIDANCE OFFICE NOW!"

Lumapit sakin si febby na magulo ang buhok, nag karoon pa siya ng oras para ayusin ang buhok kong magulo

"Oh my ghad baka mapagalitan ako kay papa pag nalaman niyang naguidance ako." Sabi pa niya

Napatigil ako at inayos rin ang buhok niya pinunasan ko rin ang gilid ng labi ko na may dugo.

"Miss Lauret and Miss Aico kayo na naman." inis na sabi sami ng guidance counselor napatayo pa ito at tinignan kami ni trixie.

Syempre may iba paba?

"Last na to pag may sumunod pa dito ipapatawag ko ang parents niyo." ramdam ko ang galit sa kanyang boses at sana ramdam niya rin ang galit ko.

Pake ko sa galit niya?

"Bakit kailangan kaming dalawa hindi naman ako ang nauna." sabi ko dahilan para mapatingin siya sakin huminga pa ito ng malalim. Napahinga rin ako ng malalim at napapikit gusto ko ng kumalma

"Kahit sino ang nauna sa inyo kung pinatulan niyo parin ang isa't isa."

"Kasalanan ko naman." hinawakan ni febby ang braso hudyat na gusto niya akong patigilin.

"You" turo ko kay Trixie "hindi ko alam kung sino ang nag palaki sayo demonyo ba o tao. Kasi ang ugali mo walang wala sa ugaling tao."

"Miss lauret watch your word."

"See she has no respect." napatingin ako ng masama kay trixie dahil sa pag sagot niya nginisihan niya lang ako at tumayo.

"She was the first sir we were just walking to the classroom when suddenly he filled me with a mango shake." sabi nito at tumingin sakin.

"because I was annoyed I also filled him with juice." mabilis akong tumayo at ngumiti sa kanya at tumingin sa guidance counselor.

"Iritang irita na ako sa pag mumukha at gusto ko rin kasing makita ang tinatago ng makapal mong make up." Ngising sabi ko.

"Totoo ang sinabi ni miss Aico." sabi ko at lumapit sa kanya.

"Let's check the CCTV" ngiti ko "para malaman nilang tama ang sinabi mo.

"We already checked the CCTV at sa lahat ng sinabi mo miss aico kasinungalingan" tss bwisit naupo ulit ako sa tabi ni febby kita ko naman ang pag kahiya sa mukha ni trixie.

"Basta kung ano ang sinabi yun ang masusunod." galit na sabi nito at tinuro ang pinto hudyat na pinapalabas na niya kami.

Naunang lumabas sila trixie bago kami tumigil pa ito at humarap sakin na nakataas ang gitnang daliri dahilan para mapatawa ako.

Bumalik kami sa klase na marumi ang itsura wala akong pakielan kung maging sentro ako ng atensyon o pag tawanan.

Hanggang matapos ang klase wala akong natutunan kahit isa wala ako sa mood para makinig. Pumasok lang naman ako para takasan ang malungkot kong buhay sa bahay.

Nag silabasan na ang lahat at kami nalang nila febby ang natira dahil si febby ang nag lolock ng room nilabas nito ang suklay niya at lumapit sakin sinuklay nito ang buhok.

"May extra akong damit kung gusto eto muna suotin mo." alok sakin ni jerome pero agad akong tumanggi sa bahay nalang siguro at isa  pa hindi naman ako mag lalakad pa uwi ah.

"Are you sure na uuwi ka ng ganyan ang itsura mo." tanong ni febby habang ang buhok naman niya ang sinusuklay niya tumango ako at tumayo kinuha ko ang bag ko bago lumabas ng classroom hinintay kong isara at i lock ni febby ang pinto bago sabay sabay kaming umalis.

"What happened to you cheska." galit na bungad sakin ni papa kakapasok ko palang dito sa bahay napatingin ako kay nanay celia na palapit sakin agad niyang kinuha ang bag ko. Ngumiti ako dito at agad na nag mano. 

"Napaaway lang." walang ganang pag sagot ko nakita ko ang pag kuyom ng kamao niya naupo ako sa sofa na kaharap niya.

"Na naman."

"What do you want me to do hayaan nalang sila naapihin ako." sagot at tumingin ng deretsyo sa ama ako.

"Yan ba ang natutunan mo sa pag babarkada ang pag sasagot sakin ng walang respeto cheska." hinampas nito ang mesa kaya bahagyan akong nagulat.

"Hi-hindi"

"Go to your room now cheska baka masaktan pa kita." may diing sabi nito habang nakaturo sa taas kung saan ang kwarto ko.

"Hindi mo man lang ako tatanungin kung ok ako." wala sa sariling tanong ko ramdam kong nakatingin sakin si nanay celia.

Namasa ang mata ko habang nakatingin sa aking ama na umiwas ng tingin.

"Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung nasaktan ba ako o hindi." pag papatuloy ko at tumayo.

"No need to answer alam ko naman wala kang pake sakin." sabi ko at akmang lalagpasan siya ng hilain niya ako at saktong pag harap ko sakanya at tumama sa pisngi ko ang kamay niya napasigaw si nanay celia at mabilis siyang lumapit sakin.

Napaawang ang labi ko habang nakahawak sa pisngi ko na sinampal niya, wait did he really slap me? sunod sunod na nag unahan ang luha ko sa pag patak ng marealize na sinaktan niya nga ako ng physical.

"Che-Cheska" akmang hahawakan ako nito at mabilis akong umiwas napatago ako sa likod ni nanay celia.

Oh my god

"Look sweetheart I did not mean." really hindi niya sinadya humakbang ito palapit sakin dahilan para mapasigaw ako dali dali akong tumakbo sa hagdan at mabilis na umakyat, pumasok ako sa kwarto at mabilis yon na ni lock.

Napa upo ako sa lapag, bumuhos ang luha ko hindi ako makapaniwala na kaya niya akong saktan.

Napatakip ako ng bibig ko at mahigpit na humawak sa study table ko dahan dahan akong tumayo at lumapit sa malaking salamin.

Pinunsan ko ang mata ko at tinignan ang pisngi ko na namumula at hanggang ngayon ramdam ko ang hapdi napangiti ako ng mapait at napatingin sa picture frame naming dalawa.

Mahigpit kong hinawakan ito at malakas na binato sa kung saan dinig ko ang pag kabasag ng salamin nito kasabay ng sunod sunod ng pag katok sa pinto.

"Why are you doing this to me papa." Para akong tanga na kinakausap ang sarili bakit pakiramdam ko ang dali niya lang gawing saktan ako.

Napaupo ako at tinakpan ang bunganga ko kasabay ng pananakip ng dibdib ko.

"Cheska anak." napatahimik ako ng marinig ko ang boses ni mama pinunasan ko ang luha ko at mabilis na inayos ang magulo kong kama at pinulot ang mga basag basag na salamin sinuklay ko rin ang buhok at tumungin sa basag na salamin ngumiti ako at dahan dahang pumunta sa pinto.

Binuksan ko ito at bumungad sakin si mama na nag aalala agad niya akong niyakap napatingin ako sa likod niya nandoon din si papa hindi ko alam kung anong mararamdaman ko basta nalang akong ngumiti sa kanila na parang walang nangyari.

"Are you okay." tanong nito sakin magsasalita sana ako para sabihing ok ako ng mapansin kong may pasa siya sa kanyang braso mabilis akong humiwalay sa kanya at tinignan ng mabuti yon.

"Sinaktan mo si mama." galit na tanong ko kay papa

"I have i reason to do that cheska."

"What reason" hindi ko napigilan ang sarili kong sigawan siya tutal wala naman ang akong respeto dapat sinusulit ko na.

"Iwan mo muna kami manang celia." sabi ni papa na agad naman sinunod nito

"We had better tell him the truth." dagdag pa nito dahilan para mag taka ako.

"Anong totoo" hinawakan ni mama ang mag kabilang braso ko bumuhos ang luha nito habang nakatingin sakin.

"I'm sorry anak I'm really really sorry." sabi nito tumingin ako ng diretsyo sa kanya bakit siya nag sosorry sakin.

"May ibang pamilya ang papa mo." nanghina ang tuhod ko naramdaman ko nalamang na nag situlo ang luha ko.

"Rebeca tell him the truth." may diing sabi ni papa imiling si mama habang nakatingin sakin.

"Fine... I'm sorry for doing this to you anak pero hindi, hindi namin mahal ang isat isa ng papa mo I have another loved one too." sabi nito tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko pabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Tell me the truth ma pa sa business ba talaga kayo naging busy." tanong ko sa kanila parehos silang natahimik.

"Diba, dahil sa business kaya hindi kayo umuuwi minsan." nagbabakasa kali akong isasagot nilang oo dahil mas tatanggapin ko pa yun kaysa sabihin nilang sa ibang tao sila nagiging busy.

Napasigaw ako ng sunod sunod umiling si mama.

" How about me minahal niyo ba ako kahit hindi niyo mahal ang isat isa."

"of course anak i loved you so much."

"How about me?" May diing tanong ko

"Cheska I love you anak."

"LIAR"

"Hindi, hindi niyo ako minahal ni wala nga kayong binigay na oras sakin sinasabi niyo lang na mahal niyo ako pero bakit hindi ko yun nararamdaman, bakit kailangan niyong gawin sakin to."

Napaupo ako sa sahig at tumingala sa kanilang dalawa.

"Hindi yan totoo anak kahit hindi namin minahal ang isat isa ng papa mo mahal na mahal ka namin."

"sinungaling kayo"

"Sweetie alam kong marami kaming pag kukulang sayo-"

"Buti alam mo" napatigil si papa sa pag sasalita dahil sa biglang pag sagot ko sa kanya.

"Hindi ako mag kakaganito kung hindi kayo nag kulang sakin."

"Sabihin niyo nga sakin may anak ba kayo sa mga kabit niyo." nakatanggap ako ng isang malakas na sampal galing kay mama mapait akong napangiti.

"Hindi porket nag kulang kami sayo cheska hindi ka namin pinalaking walang respeto." napatawa ako dahil sa sinabi niya really nag papatawa ata siya.

Huminga ako ng malalim at hinanda ang mga salitang gusto kong ilabas.

"Hindi naman ako mag kakaganito kung hindi naman dahil sainyo siyaka pano niyo nasabing pinalaki niyo akong may respeto ni palagi nga kayong wala dito sa tabi ko."

"Lalong lalo na nung high school ako halos walong buwan niyo akong iniwan ni hindi niyo nga alam na nag kasakit ako ni hindi niyo nga alam na naaksidente ako."

Kita ko ang gulat sa kanila pinunasan ko ang luha ko.

"Isa lang ang tumayong magulang ko." sabi ko at tumingin sa kanilang dalawa

"At hindi kayo yon." matapos kong sabihin yon ay agad akong bumalik sa kwarto ko ni lock at agad akong nag tungo sa closet ko at nilabas lahat ng damit ko parang hindi ko na kayang tumira dito.

Napaupo ako dahil sa pang hihina ko pagapang kong kinuha ang maleta mula sa gilid ng closet.

Mahapdi rin ang aking mukha dahil sa palaging pag pupunas ng luha ko.

Bakit kailangan mangyari sakin to?

Bakit kailangan akong pahirapan ng ganito?

Bakit kailangan nilang saktan ako ng ganito?

Bakit binuhay pa nila ako?

Napahawak ako sa dibdib ko ng biglang kumirot napatigil ako ng maramdaman ko ang pahihina ng tibok ng puso ko.

Napasigaw ako pero agad ko rin tinakpan ang bibig ko dahil sa sakit ng dibdib ko napahiga ako habang dinadamdam ang sakit nito.

Narinig ko pa ang sunod sunod ng pag katok ng pinto at pag tawag nila sa pangalan pero wala akong pakielam sigurado akong mag papanggap na naman silang nag aalala sakin.

Pagod na pagod na ako.

Next day..

Dalawang araw na akong nakakulong dito sa kwarto at dalawang araw na din akong hindi pumapasok sa school.

Narinig ko ang pag katok ng pinto kaya pinuntahan ko ito nilapit ko ang tenga ko doon.

"Cheska iha lumabas kana jan wala ang parents mo ngayon pero mamaya daw darating sila lumabas ka muna jan at kumain." dinig kong sabi ni nanay celia.

Agad naman akong lumabas at mabilis siyang yumakap sakin ganon din ako hinaplos pa niya ang buhok ko at hinawakan ang pisngi ko.

"Kumain kana halika may hinanda akong pag kain para sayo." sabi nito kita ko ang pamamasa ng mata nito.

"Nanay" naiiyak na tawag ko sa kanya tumalikod siya sakin at hinila ang kamay ko pababa sa hagdan.

"Kumain ka ha kukuha lang ako ng tubig mo." sabi nito matapos niya akong paupuin sa harap ng hinanda niyang pag kain kumalam ang sikmura ko simula nung nag kulong kasi ako sa kwarto hindi pa ako kumakain.

Mabilis akong kumain kahit panay ang tulo ng luha ko baka kasi bigla silang dumating sa totoo lang hindi ko sila kayang harapin sa ngayon.

"Nanay thank you." sabi ko at yumakap mula sa likod niya naramdaman ko naman ang pag tango niya.

"Anak rin ang turing ko sa cheska at ayaw kitang nakikitang nasasaktan at nahihirap." sabi nito

"Ayoko kong nag hihirap ka ng ganito kung pwede lang kitang itakas dito ay gagawin ko."

"Ayoko na dito nanay, agoko na."

"Kailangan mong lakasan ang loob mo anak, may dahilan naman siguro kung nila nagagwa ito sa iyo."

Matapos naming mag usap ni nanay celie ay agad rin akong umakyat pero napatigil ako ng makita ko ang kwarto nila mama.

Kusang gumalaw ang paa ko papunta dito laking pasasalamat ko ng hindi naka lock ito.

Kailangan kong makuha ang susi ng kotse ko na kinuha niya noon dahil sa pagiging mabarkada ko.

Halos kalkalin ko na lahat ng drawer pero hindi ko parin nakikita napatingin ako sa mesang maliit na katabi ng kama nila may drawer din ito agad akong lumapit dito mabilis tinignan yun.

Napangiti ako ng makita ko ang hinahanap ko mabilis kong binalik sa dating pwesto ng mga kinalat ko hanggang sa marinig ko ang tunog ng sasakyan dali dali akong lumapit sa bintana.

Napamura ako ng makita papasok na sila dito sa bahay agad kong binuksan ang bintana sa gilid at lumabas dito agad ko rin sinara ito mag katabi lang naman kami ng kwarto kaya madali lang akong makapunta sa kwarto ko.

Mag hihintay nalang akong mag hating gabi bago umalis sa pamamahay na ito.

Naupo ako sa kama at bahagyang tumingin sa kung saan nakatago ang maleta ko kaya ko kayang umalis siguro, 19 years old na ako kailangan kong kayanin ayoko narin umasa sa kanila, hayts pano ba to.

Kung aalis ako saan ako titira?

Sinong kasama ko?

Pano yung pag aaral ko?

Sabi ko nga sarili ko tatapusin ko yung pag aaral ko eh dahil may pangarap din akong kailangan tuparin.

Makakasama ko na si sherwin?

Agad akong humiga sa kama at nag kumot ng marinig ko ang pag bukas nila ng pinto oo nabubuksan nila yung pinto dahil may susi sila pero palaging ganto ang ginagawa ko ang mag tutulog tulugan.

Naramdman ko ang pag haplos ng kung sino sa buhok ko pati ang pag halik nito sa ulo ko tumulo ang luha ko at bahagyang gumalaw para ibahin ang pusisyon ko.

"Kumain ba siya habang wala kami." boses ni mama at sigurado akong si nanay celia ang kausap niya.

"Oo pinag handa ko siya ng makakain niya kanina."

"Manang i give your salary for this month pwede ka nang umuwi sa inyo." napatigil ako sa sinabi ni mama anong ibig niyang sabihin.

"Bakit"

"Alam kong matagal ka ng hindi naka uwi sa inyo at alam kong miss na miss mo na ang pamilya at mga anak mo manang at para makapag pahinga na rin kayo."

"Don't worry manang may nakuha narin akong kapalit niyo bukas ang dating niya pwede ka ng umuwi manang."

"Nakakausap ko naman palagi ang mga anak ko at isa pa kailangan ako ni cheska ngayon." Malumanay na sagot ni nanay celia.

"Sino ba ang anak niyo si cheska o ang anak niyo doon sa probinsya na nag hihirap?" What the?

"Kung gusto niyong sahuran ko kayo habang nasa probinsya kayo at kahit hindi na kayo nag tratrabaho dito ay gagawin ko basta umalis na lamang kayo dito manang."

Napaiyak na lamang ako sa mga sinabi niya agad akong bumangon at alam kong nagulat sila.

"Hindi siya aalis." sigaw ko agad akong pumunta kay nanay celia at niyakap ito.

"Anak kailangan na niyang umuwi sa kanila." sabi ni mama agad kong tinignan si nanay umiling ako sa kanya kung aalis siya mas maganda sumama nalang ako sa kanya.

"Hindi mo man lang ako iniisip hindi mo alam kung gaano siya kaimportante sakin she's my mother too." parang gripong umaagos ang luha ko ang habang yakap yakap si nanay celia.

"I'm your mother, simula ngayon ay ipapangako ko sayong gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para punuin ang pag kukulang ko sayo."

"No kung aalis siya mas mabuti pang sumama nalang ako sa kanya."

"You can't do that cheska."

"I can."

Huminga ito ng malalim parang kahit anong oras masisigawan na niya ako.

"I'm your mother cheska." may diing sabi nito.

"Kaya kung anong sasabihin ko yun ang sundin mo." dagdag nito at hinarap si nanay celia.

"Ihanda mo na ang mga gamit mo manang ipapahatid kita airport ako ng bahala sa mga gagastusin mo."

"NO NO"!! matinding protesta ang ginawa ko, at kita ko sa mga mata ni nanay celia ang awa sakin bago niya ako talikuran.

Agad akong niyakap ni mama dahilan para maitulak ko siya.

"Why are doing this me." napaupo ako sa sahig at parang batang umiyak ng umiyak.

"You're not my mother anymore, hindi mo man lang ako inisip."

"That's not true cheska-"

"It's fucking true, you don't love that's why-"

"CHESKA"

"KAYA MO GINAGAWA SAKIN ITO KASI HINDI MO AKO MAHAL!" balik kong sigaw sa kanya, napailing ito at akmang lalapit sakin ng agad na akong umiwas.

"Dont you dare dare please just, just leave me. I want to be alone." Gusto kong sugurin si nanay celia sa kanyang kwarto para pigilan ito sa pag liligpit ng kanyang mga gamit.

"Please Cheska anak" anak? tanginang salita na yan sarap burahin sa mundo.

"I'm not your daughter"

"Oh please shut up." Lumuluhang sabi nito at agad na lumapit sakin.

"You don't love me, only nanay celia-"

"Cheska I love you, and I think you don't know that and you don't understand that word." Sabi nito at agad akong pinantayan. Hinawakan nito ang mag kabilang pisngi ko ang pinunasan ang luha ko.

"Fine, I'm jealous to manang celia-"

"Hindi mo alam kung gaano ko hinihiling mag bonding tayo, pero dahil pareho kayong busy palagi akong mag isa at magsaya ng mag isa pero buti nalang nandyan si nanay celia." Umiiyak kong sabi.

"Paano ka nag seselos ih araw araw mas hinihiling ko na makasama ko kayo."

"And never na natupad ang lahat ng hinihiling ko. It's because palagi kayong busy, mas importante ang business niyo, sana yang business niyo nalang ang naging anak niyo at hindi ako."

Napayakap ako sa aking tuhod at hinayaan na lamang ang luhang tumulo.

Ganito ba talaga pag kulang sa atensyon sa magulang?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status