Share

CHAPTER 5

CHESKA LAURET POV:

"Is that your cousin?"

"Yes her name is Cheska."

"She's beautiful can I touch her face."

"Ikaw ha ang bata bata mo pa pero para may gusto kana dito sa pinsan ko."

"No, I just want to touch her cute face."

"Sure, tutal paalis narin silang mamayang gabi."

"Huh? Saan sila pupunta?"

"Sa ibang bansa doon na kasi siya titira."

"Hi"

"Hello"

"My name is-"

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig pag mulat ng aking mga mata puting puting kisame agad bumangad sakin pumikit pikit pa ako para iadjust ang aking mata dahil sa ilaw.

Napatingin ako sa gilid doon ko nakita ang mama at papa kong nag aaway gusto ko sila patigilin pero hindi ko magawa kaya naman tumunganga nalang ako sa kanilang dalawa mukhang hindi naman nila napansin na gising na ako.

Pati ba naman dito nag aaway parin sila, wala talaga silang pinipiling lugar.

Nakakapagod narin silang patigilan kaya hahayaan ko nalang sila at hintayin hnggang matapos ang kanilang away.

Para akong nanonood ng pelikula at nag aaway ang bida at kontrabida, kulang nalang popcorn.

"What! Sinundan ka ni cheska? Kasalanan ba niya na curious siya kung saan papunta ang ama niya?"

"Nag iisa lang si cheska sa bahay bakit mo pa kasi kailangan pumunta don bakit hindi mo man lang siya bantayan make bonding with her pero mas pinili mong umalis hinding hindi kita mapapatawad pag may nangyaring masama sa anak ko!" Sigaw ni mama sa kanya, napatango tango naman ako na parang tanga.

Huminga ako ng malalim at pinilit nag sariling makatulog ulit pero mukhang hindi na ako makakatulog dahil sa sigawan nilang dalawa.

"I know it's my fault Rebecca at hindi ko rin mapapatawad ang sarili ko pag may nangyari sa kanya it's my fault."

"Buti alam, alam mo kung ano ang pinag dadaan ng anak natin ngayon, akala ko ba kaya ka hindi pumasok sa trabaho dahil gusto mong makasama si Cheska, pero bakit isang tawag lang sayo ng babaeng yun pumunta ka kaagad." Naiiyak na sabi ni mama, at pinag hahampas ang dibdib ni papa.

"I'm sorry it's my fault." napatingin ako sa mismong mukha ni papa kita ko ang pamamasa ng mata nito siyaka lumingon sakin kita ko ang gulat sa kanyang mga mata siyaka tumingala at mabilis na lumapit sakanya ganon din si mama.

"May masakit ba sayo ok ka na ba anak" tanong ni mama mabilis niya akong niyakap at hinaplos haplos ang likod ko hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang igalaw ang mga braso ko para yakapin din siya nakatingin lang ako kay papa na nakatingin sa sulok.

Bakit naman niya ako pipiliing bantayan kung mas importante naman ang isang pamilya niya, bakit hindi nalang siya mag stay doon? Bakit kailangan niya pang umuwi sa bahay. Bakit hindi nalang siya maki pag divorce kay mama?

"I'm ok now gusto ko ng umuwi." mabilis akong bumangon at hindi na pumayag na alalayan niya pa ako mabilis kong tinanggal ang nakakabit sakin hays kung gaano kaboring sa bahay mas boring dito.

Hindi ko pinansin ang mga sinasabi ni mama at mas lalong hindi ko ito pinakinggan balewa lang sakin ang lahat.

Nag lakad ako palabas ng room narinig ko pa ang pag tawag nila sakin, bakit hindi nalang sila sumunod sakin gusto ko na talagang umuwi mas gusto kong mag pahinga sa bahay kesa sa walang kwenta hospital na ito.

Nakarating ako sa parking lot kaya humarap ako sa parents kong nag mamadaling lumapit sakin.

"Cheska-"

"Gusto ko ng umuwi, kaya pwede ba iuwi na ako. Kung hindi pa kayo uuwi pwes mauna na ako malaki na ako at kaya ko na ang sarili ko hindi ko na kayo kailangan dahil hindi na ako bata." mabilis na putol ko sa sasabihin ni mama agad akong pumasok sa kotse at pumikit ayoko silang nakikita kinapa kapa ko ang bulsa ko para kunin ang cellphone ko pero wala akong makapa, What the hell, where is my phone?

"Where's my phone."

"Here"agad kong hinablot yun mula sa kamay ni papa mabilis kong binuksan yun napangiti ako ng kusa ng makita ko ang mga message ni sherwin agad kong nireplyan mga yun.

My medicine.

Ilang araw nalang bakasyon na gusto kong sumama kay febby papuntang pilipinas. Ayokong ayoko na talaga sa lugar na ito.

Mas gusto ko din na doon na ako mag aral at mag graduate. Siguro ay gaganahan na akong mag aral doon dahil hindi ko na kasama ang parents ko. At higit sa lahat gusto ko ng makasama si sherwin.

Bigla akong napangiti sa pumasok sa utak ko mas gusto kong nakikita si sherwin, mas gusto ko siyang kasama kesa sa magulang ko nag aaway araw araw.

Pero hindi ko rin maiwasang mag isip at mag tanong dahil ngayon lang ulit siya nag padala ng mensahe sakin, sa totoo lang naiintindihan ko naman alam ko na may na trabaho rin siya at minsan na lamang niya ako matawagan pero gusto ko kasing siya mismo mag sabi iyon.

Miss ko na talaga siya, kung pwedeng lang lumipad papuntang pilipinas ay gagawin ko para lang makita at makasama siya.

Next day.

Nalaman na ni papa na hawak ko ang key ng kotse ko pero hindi ko yun binigay sa kanya at wala siyang nagawa kundi ang ipagamit na ulit sakin ang kotse ko hindi ko na kailangan mag pahatid sundo pa.

Hindi na nila ako pwedeng pigilan sa kahit anong gusto kong gawin sa buhay ko, hindi na ako papayag na kunin pa nila sakin ang lahat ng pag aaring sila mismo ang nag bigay. Kung kukunin man nila iyon ay sana ibalik nila ang panahon na hindi dapat nila binigay iyon sakin.

Naiisip ko na rin na ako nalang mismo ang mag papasaya ng sarili not other people not my parents. Lalo na ngayong wala na si nanay celia sa tabi ko kung andito siguro niya parin ang mas gusto kong sundin kesa sa mismo kong magulang.

Dahil ganon naman talaga dapat.

Nakarating ako sa school na agad naman akong sinalubong ni febby na malawak ang ngiti niya.

"Good morning." bati niya sakin babatiin ko na din sana siya ng makita ko si natalie na palapit samin.

Akala ko lalagpasan niya kami pero natigilan ako ng lumapit siya sakin, muntik pa akong mapairap mas lalong uminit ang ulo sa kanya gustuhin ko man layuan siya pero siya itong lapit ng lapit sakin.

Bakit hindi pa siya mawala sa mundong ito.

Siguro naman nung una alam niya na papa ko ang nilalandi ng nanay niya.

Hindi man lang niya naisip na nakakasira sila ng pamilya

hindi ko alam kung anong mararamdaman ko para sa kanya halos lahat ng sama ng loob ko napunta sa kanya.

Ayokong isipin na kung bakit palaging wala si papa sa bahay ay dahil nasa kanila siya.

Bakit halos lahat nalang ng bagay na gusto ko nasa kanya?

"Cheska" napatingin ako sa kanya dahil sa pag tawag niya sa pangalan ko parang gusto kong takpan ang tenga ko wag lang marinig ang boses niya mas maganda narin kung hindi ko siya nakikita

Parang bumalik sakin ang araw na tinawag niyang papa ang papa ko, hindi ko na ma explain kung anong galit ang nararamdman ko para sa kanya. Parang gusto ko nalang siyang sampalin ng kaliwa't kanan.

"What now natalie" iritang sabi ko sa kanya bago tumingin kay febby na nakatingin lang samin hinawakan ko ang braso nito at akmang tatalikuran si natalie ng hawakan niya ang kamay na agad ko naman tinanggal tinignan ko siya ng masama.

"Pwede ba tayong mag usap kahit saglit lang please cheska" kumislap ang mga mata niya na hudyat na malapit ng tumulo ang luha niya umiwas ako ng tingin sa kanya na sana hindi ko na ginawa.

Nakita ko ang kotse ng papa ko kusang tumaas ang gilid ng labi ko hanggang sa mapangiti ako ng mapait hinahatid pala siya ni papa samantalang hindi niya magawa sakin simula bata ako hindi ko naranasan ihatid sa school ng sariling kong ama. Sabagay hindi ko naman na pala siya kailangan para ihatid sundo niya pa ako.

Pero kay natalie wow iba din talaga ang babaeng to.

"Really Natalie ang lakas mo naman sa papa ko, hinatid kapa talaga, you're such-"

"Please Cheska ayoko ng ayaw gusto lang kitang makausap."

"Pwes hindi ako ikaw, what if sabihin ko sayong gusto ko ng ayaw."

"Cheska-"

"Natalie mag tatime na." sabat naman ni febby dahilan para matigilan si natalie bago tumingin sa kotse ng papa ko napakunot ang noo ko at tumingin kay papa na nasa gilid na mukhang nag aabang kung anong mangyayari.

Dahil don ay napatingin ako kay Natalie inis akong lumapit sa kanya at malakas siyang tinulak.

"CHESKA!" sigaw ni febby na parang hindi inaashan ang ginawa ko. Napairap ako ng makita ang ama ko na palapit na samin.

"Hindi ko sinasadya." Inis kong sabi ng makita kong tinulungan niya si natalie na makabangon.

"Hindi sinisadya, talaga ba Cheska." Inis na tanong ng aking ama dahilan para mas lalo akong mainis.

"Pa tama na."

Agad kong hinila si febby at mabilis silang tinalikuran.

"Nag uusap pala kayo ni natalie."

"No"

Hindi ko na pinansin ang mga sunod na tanong niya hanggang makarating kami sa room.

NATALIE MATE POV:

"Pa sa tingin mo magiging maayos ba yung pakikitungo sakin ni cheska kasi para sakin mas lalo ko lang siyang ginagalit alam ko naman sa una palang wala na akong pag asang makaibigan siya ginagawa ko naman ang lahat para mapansin niya masyado na nga akong papansin sa kanya." malungkot na sabi ko at pinunasan ang tumulong luha ko.

"Pero pangako pa hindi ako susuko." Pilit na ngiting sabi ko.

"Wag mong sabihin yan kasalanan ko naman ang lahat ng ito-"

"Pa wala kang kasalanan."

"Natalie hindi mo naiintindihan, its all my fault. Pumasok kana baka malate ka pa." natigalan ako dahil sa kanyang sinabi.

"Don't give up kilala ko si cheska malambot rin ang puso niya tulad mo." nakangiting sabi nito.

Matapos niyang mag paalam ay pinanood ko muna ito hanggang mawala siya sa paningin ko bago pumasok.

Nakarating ako sa room na maingay dahil wala ang professor namin agad naman hinagilap ng aking mga mata si cheska.

Nasa cellphone niya ang atensyon nito samantalang si febby ay ginugulo ito pero mukhang wala gana si cheska, tumungo na lamang ako sa upuan ko kaso biglang tumunog ang phone ko agad ko tong kinuha sa loob ng bag ko para tignan kung sino ang tumatawag bago sagutin.

"[uy bes asan ka ngayon tatanongin ko lang sana kung sasama ka mamaya samin.]"

"Nasa school ako ericka at hindi ako pwedeng sumama sayo dahil marami akong ginagawa."

"[Ano bayan yan nalang palaging rason mo]" biglang natahimik ang kabilang linya "[oh sige eto nalang diba wala ka pang boyfriend.]"

Ah ano ba itong babae na ito hindi niya ba maintindihan ang salitang ayoko pang mag ka boyfriend. Gusgo ko munang matapos ang pag aaral ko. At isa pa mas iniisip ko ngayong panahon si cheska kesa sa love life love life nayan ang pangit pakinggan.

"Wala at wala akong balak mag boyfriend ericka pwede ba mamaya ka nalang tumawag baka biglang dumating ang prof-"

"[Napa kj mo naman blind date to bes gwapo siya at mukhang yayamanin.]"

"Wala akong pake elam kahit may ginto payan, gusto kong mag tapos ng pag aaral bago jan." iritang sabi ko bago patayin ang tawag.

Palagi niya akong iniimbitahan sa mga bagay na yan kahit alam naman niya wala akong interasado ibabalik ko na sana ang cellphone ko sa bag ng tumunog ito ulit huminga ako ng malalim at sinagot ito ulit.

"[Tyrone Clevario ata pangalan non.]" sabi nito na akala mo naman tinatanong ko.

"[Alam mo bang may sarili siyang kompanya sabi ni mykel at nag hahanap ito ng babaeng karapat dapat sa kanya alam mo yun siyaka isa pa hindi pa daw siya nag kakaroon ng girlfriend kaya bes chance mo na to.]"

Tyrone Cleverio parang nakita ko na ata to parang nabasa ko na ang pangalan niya sa f******k pero wala talaga akong balak makipag blind date lalo nat wala akong balak mag ka jowa.

At imposible namang walang girlfriend.

"Wala akong paki elam ericka sige na."

Agad kong inayos ang upo ko ng pumasok ang professor namin hindi niya kami binati at basta basta nalang nag halungkat siya ng libro at nag sulat.

Parang may kung ano nag tutulak sakin na tumingin kay cheska hanggang sa mag tama ang mga mata namin pero agad din siyang umiwas ng tingin parang kanina pa siya nakatingin sakin.

Bigla kong naalala ang mga panahon una ko siyang makita alam na alam ko talaga non kung gaano siya kabait.

But nong nalaman kong halos palagi siyang nag iisa sa bahay nila at tanging katulong niya lang kasama niya hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nasasaktan akong isipin na ganon kalungkot ang buhay niya.

Lalo na nung malaman kong step sister ko siya.

Lalo na nung malaman ko na nag iiba na siya hindi na siya ang cheska na kilala ko i hope matanggap niya ako.

Pangarap kong mag karoon ng kapatid.

Natapos ang klase na wala akong natutunan nakita kong umalis ang mga kaibigan ni cheska kaya hinintay ko munang makaalis ang lahat.

Matapos ayusin ni cheska ang mga gamit ay dali dali akong tumayo at mabilis siyang pinigilan kita ko ang pagka irita niya pero wala akong pakielam gusto ko siyang makausap.

"Cheska"

"Ano naman ba natalie kahit kailan talaga eh no."

"Cheska ayoko ng away gusto lang kitang maka usap."

"What the hell Natalie sa tingin mo ba gusto kitang kausap? at mas lalong hindi ko pinangarap na makipag usap sayo at lalong wala akong panahon sayo."

Mabilis kong hinawakan ang braso niya akmang tatalikuran niya ako, pero agad naman dumapo ang palad nito sa pisngi ko nagulat ako sa kanyang ginawa pero mas nagulat ako ng hawakan niya ang pisngi ko na sinampal niya.

"Halatang ngayon ka lang nakatikim ng sampal" sabi nito na ipinag taka namasa ang mata nito at kita ko kung gaano kasama ang tingin niya sakin.

"Gaano ka ba kaswerte" taka akong napatingin sakanya hindi ko alam kung ano mga sinasabi niya.

Hindi ko alam pero imbis na mainis ako sa kanya dahil sa pag sampal niya sakin ay mas nangibabaw ang pag aalala ko sa kanya. Parang may mali.

"Bakit ang bait bait sayo ni papa ano bang pinakain niyo sa kanya, gaano ba kalandi ang mama mo para landin niya ang may pamilya na." Biglang nawala ang pag kaawa ko sa kanya dahil sa sunod niyang sinabi.

Kusang dumapo ang kamay sa kanya wala siyang karapatan bastusin ang mama ko.

"Wala kang karapatan na bastusin ang mama ko cheska bakit ganyan ka mag salita ha gusto ko lang mag kaayos tayo gusto lang kitang kausapin ng matino cheska." Mahinahon kong sabi.

"Ayoko ng away paki usap, tanging gusto ko lang ang mag usap tayo ng maayos at mag kaayos." Napaiwas ako ng tingin sakanya.

"Sa tingin mo ganon kadali ang lahat?" Inis niyang tanong.

"Do you really think na matatanggap kita do you really think na mag kakaayos tayo wag kang mangarap."

"I never wish mag karoon ng kapatid lalong lalo kana." Galit nitong sabi, nagulat ako ng biglang tumulo ang luha niya.

Sa totoo lang gusto ko siyang yakapin, gusto kong punasan ang luha niya, ayoko siyang nakikitang umiiyak.

"Gusto mo ba talagang mag kaayos tayo." Tanong nito at agad akong napatangon.

"Pwes sundin mo lahat ng gusto ko."

"Kahit ano susundin ko basta mag kaayos tayo."

"Pwes mag kakasundo lang tayo kapag nawala kana sa mundong ito, I really hate you and I wish na sa mamatay ka na ngayon." Nagulat ako sa sinabi nito at hindi makapaniwala. Ganito na ba talaga siya.

"Cheska-"

"Ayaw na ayaw kong nakikita ang pag mumukha mo, sana, sana ako nalang ang mawala para hindi na kita nakikita pa, sana hindi nalng ako sinilang sa mundong ito para hindi ako nasasaktan ng ganito, sana hindi nalang ikaw ang step sister ko. Sana mamatay nalang din ako."

Sunod sunod akong napailing sa mga sinabi nito.

"Ano bang nangyayari sayo cheska."

"Anong nangyayari sakin? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo, bakit kailangan mo akong agawan."

"Wala akong inaagaw sayo"

"Wala ba talaga, oo na wala kang inaagaw."

"Cheska"

"Get out of my way."

Hindi ako nakinig dito hanggang sa

Napatanga nalang ako at muntik pa akong matumba ng banggain niya ako at tuloy tuloy na lumabas.

Para akong binagsakan ng langit at lupa ng makarating sa bahay, hindi naging maganda ang sagutan namin ni Cheska pero hindi parin ako susuko.

Nangunot ang noo ko ng makita si aling Jamby na sumisilip sa aming bahay, ano na naman ginagawa ng babaeng to dito.

"Ay Natalie anjan ka na pala tatanong ko lang sana kung anjan mama mo uutang lang sana ako para sa anak kong si Lezel may sakit kasi siya at wala akong pangbiling gamot." Sabi nito ngunit alam kong nag sisinungaling siya, dahilan niya lang yan para maka pag mall na naman at para makasama ang americano niyang jowa na 15 years ang tanda sa kanya.

"Wala ho dito si mama makakaalis na po kayo." Sabi ko at hindi na pinakinggan ang sunod niyang sasabihin.

Wala ako sa mood ngayon, at mas lalong hindi ko kaya mag tagal sa harapan niya dahil baka matanggal ko ang buhok niya dahil sa kasinungalingan niya.

Pati anak niya idadahilan niyang may sakit para lang makalandi siya. Ibang klase.

Pag kapasok ko sa kwarto ko pabagsak akong humiga sa aking kama at binuksan ang aking cellphone, wala na naman akong magawa kundi bisitahin ang profile ni Cheska sa F******k.

Gusto kong mag sorry sa kanya dahil sa pag sampal ko sa kanya kanina, ngunit hindi pwede dahil siya mismo ang may kasalanan kung bakit ko iyon nagawa.

Pero hindi ko talaga maintindihan ang mga sinabi niya kanina, anong ibig niyang sabihin na ang swerte ko? At halatang ngayon lang ako nakatikim ng sampal?

Sinasaktan ba siya?

Bakit ganon nalang ang lumalabas sa bibig niya?

Agad akong napabangon mula sa aking pag kakahiga sa aking kama ng marinig ko ang boses ni papa.

"Natalie anak kamusta ang pag uusap niyo ni Cheska?"

"Pa, sinasaktam niyo ba si Cheska." Agad kong tanong at alam kong nagulat siya sa tanong, umiwas din siya ng tingin.

"What are you talking about Natalie?"

"Pa sagutin niyo po ang tanong ko sinasaktan niyo po ba si Cheska?"

"Yeah but hindi ko sinasadya-"

"Ano pa? Sinaktan niyo si Cheska, bakit, bakit niyo siya nagawang saktan?" Tanong ko at hindi makapaniwala.

"Sobrang laki ba ng kasalanan niya para saktan niyo siya, hindi niyo na po mapigilan ang sarili niyo para hindi iyon magawa sakanya, kung may nagawa po siyang mali ay pwede niyo na po siyang saktan." Sunod sunod kong sabi.

"Wala siyang respeto non kaya ko nagawa iyon-"

"Pero hindi po ibig sabihin non na pwede niyo na siyang saktan. Pwede niyo po siyang intindihin, may reason kung bakit po niya kayo nasusumbatan ng ganon."

"Ngayon alam ko na kung bakit ganon siya, kung bakit ganon nalang ang pag uugali niya dahil sinasaktan niyo pala siya. Kahit hindi ko siya kasama alam kong kulang siya sa pag mamahal niyo at kulang siya sa atensyon."

"Please pa bantayan mo muna si Cheska kailangan niya kayo, Kung ayaw niyong nag kakaganito siya bigyan niyo siya ng oras."

"Ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para sa inyo-"

"Wag niyo muna po kaming alalahanin, si Cheska muna po ang isipin niyo." Sabi ko at yumakap dito.

CHESKA LAURET POV:

Nandito na naman ako sa bahay nila febby, at kasama rin namin jerome nagpunta dito, pag kalabas ko kanina ng gate ng school namin ay doon ko lang sila nakita, akala ko talaga iniwan na talaga nila ako may kinailangan lang daw bilhin si febby kaya nauna na silang lumabas ng gate.

"Uy 7;40 na hindi parin kayo uuwi?" Tanong ni febby samin.

"Huh? Anong oras na, tangina kailangan ko ng umuwi baka magalit na si mommy sakin." Dali dali kumilos si jerome at niligpit lahat ng gamit niya matapos niyang mag ligpit ay napatingin siya sakin. Tinaasan ko ito ng kilay ng bigla niya akong irapan.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong nito agad naman akong umiling at tumingin kay febby. Nangunot ang noo niya mukhang nahulaan kaagad ang ibig kong sabihin.

"Naku Cheska umuwi kana sumabay kana kay Jerome, naubusan na ako ng ipapalusot kay tita." Sabi nito at siya na mismo ang nag ligpit saking mga gamit, ayaw na b talaga niya akong matulog dito sa kanila.

"Please febby." Parang bata na sabi ko dito hindi ako tinignan nito at basta nalang binigay kay jerome ang bag ko.

"Oh sige mag silayas na ako, tignan mo ang babaeng ito baka mamaya sa iba dumaan at hindi na naman uuwi, lagoy ako kay tita." Sabi ni febby, sasabat pa sana ako ng bigla akong hilain ni jerome hanggang sa may kotse ko.

"Umuwi kana bruha ka."

"Oo na ang pangit mo." Sabat ko naman at kinuha sa kanya ang bag ko at agad siyang tinalikuran, akmang sasakay na ako sa aking kotse ng makita ko ang kuya ni febby na nakatingin sakin, mag papaalam din sana ako sa kanya ng biglang tumunog nag phone ko, agad kong sinagot ang tawag ng makitang si Sherwin iyon.

"[Hi how are you babe.]" Tanong nito.

"Hi, I'm really fine how about you." Tanong ko at pumasok na sa aking kotse agad ko yun inistart at muling napatingin sa kuya ni febby.

"[Wait where are you, Are you driving.]" Tanong nito

"Nasa bahay ng kaibigan, ah by the way good evening."

"[Good evening to and yeah it's evening bakit anjan kapa.]"

"Pauwi napo ako."

"[Careful Cheska. Kaya pala nung nag punta ako sa bahay niyo wala ka doon akala ko nasa school ka pa kaya umalis na ako but anjan ka lang pala sa kaibigan mo.]"

Wait what? Pumunta siya sa bahay?

"Omg bakit ngayon ka lang tumawag? Nasaan ka gusto kong pumunta jan." Sabi ko at hindi pinag isipan iyon, gusto ko siyang puntahan kahit gabi na gusto ko ulit mag stay sa kanyang tabi.

"[Hindi pwede umuwi kana baka hinahanap ka na ng parents mo.]"

"Alam naman nila na nandito ako sa kaibigan ko at siya nag paalam po ako."

"[Bukas pagkagising ko pupuntahan kita kaagad.]" Halata sa boses nitong pagod siya kukulitin ko pa sana siya ngunit naawa na ako, siguro mas kailangan niya munang mag pahinga.

"Sige, mag pahinga ka na muna."

Matapos ang usapan namin ay kaagad na akong umuwi ng bahay hindi na ako nag taka ng tanging katulong lang ang nadatnan ko.

"Good evening ma'am-"

"I want you to know na walang good sa evening." Sabi ko dito at agad ko siyang tinalikuran, paakyat na ako ng kwarto ko ng tawagin niya ako ulit.

"Ma'am may nag papabigay po pala sa inyo." Sabi nito habang hawak hawak ang malalaking tatlong paper bag. Agad kong kinuha iyon.

"Kanino daw galing." Tanong ko.

"Hindi niya po sinabi ang pangalan niya pero sinabi niyang boyfriend niya daw po." Sabi nito dahilan gumaan ang loob ko.

"Okay, pag dumating sila mama at papa sabihin mo tulog na ako at tapos ng kumain, understand?"

"Yes ma'am"

Pag kapasok ko sa kwarto ko ay napatalon ako sa kilig, at agad tinignan ang laman ng mga paperbag. Napangiti ako ng makita ang isang teddy bear na may hawak na kahon, na curious ako kung ano ang laman ng kahon kaya binuksan ko ito.

It's a gold bracelet.

Hindi ba siya nag sasawang bigyan ako ng bracelet. Marami pa siyang bracelet na binigay na nakatago dahil hindi ko naman pwedeng suotin lahat.

Napatingin naman ako sa isang paper bag at nilabas ang laman non, napa wow ako ng makita ang isang Black Dior bag.

Napahiga ako sa aking kama at agad siyang pinadalhan ng mensahe.

Patulog na sana ako ng biglang sumakit ang tiyan ko. Napapikit ako dahil sobrang tindi ng sakit non. Parang gusto ko nalang mawalan ng malay para hindi maramdaman ang sakit ngunit ni antukin ay hindi ko na magawa.

"Aray!" Sigaw ko at napahimas sakin tiyan.

Oh!

The hell kung kailan na mag papahinga na ako doon naman sasakit ang tiyan ko.

Pagapang akong tumungo sa aking study table at kinuha ang ointment na nilalagay ko sa aking tiyan tuwing sumasakit ito.

Para akong mahihimatay sa sobrang sakit, gusto kong humingi ng tulong ngunit mas pinili ko nalang na solohin itong mag isa, kahit humingi ako ng tulong kung wala namang darating wag na.

Napaluha ako ng maalala na naman si nanay celia, tanging siya yung nanjan ang pumupunta sakin kapag sumasakit ang tiyan ko, namiss ko ulit kung paano niya hilutin ang tiyan ko, at sa tuwing ginagawa niya iyon agad akong gumagaling.

Isa rin siya sa dahilan kung bakit gusto rin umuwi ng pilipinas, gusto kong hanapin kung saan siya nakatira, miss na miss ko na ang nanay ko sayang at hindi ko man lang nakuha ang kanyang cellphone number.

Napapikit ako, kahit sobrang lamig ng sahig na kinakahigaan ko ay wala akong pake.

"Aray!" Ungol ko at napatadyak tadyak pa, isa pa tong problema kong ito, bakit ba ako nag kakaroon ng pananakit sa tiyan.

Ahh lord kunin niyo na po ako, hindi ko na kaya.

Napaiyak nalamang ako at niyakap ang aking tuhod.

Mag uumaga ng mawala ang sakit ng tiyan ko, hinang hina akong napahiga sa mismong kama ko at inayos ang sarili.

Wala na akong oras para matulog kaya siguro mas mabuting hindi nalang ako matulog lalo nat mag kikita pa kami ni sherwin.

Bumangon ako ulit at humarap sa salamin, mugto ang aking mata at pulang pula ang aking pisngi.

Medyo nagugutom narin ako pero ayoko paring kumain dito sa bahay siguro susulitin ko nalang kumain mamaya kapag nag kita na kami ni sherwin.

Naghanap muna ako ng masusuot bago pumasok sa bathroom. Isang oras pa akong nag babad sa tubig bago tuluyang maligo.

Kunting make up lang ay nakitaan ko na kaagad ang kagandahan ko hindi na ako mukhang hagard at matanda dahil sa pag iiyak ko kagabi.

Kinuha ko ang binigay ni sherwin na dior bag, ito muna gagamitin ko ng matuwa naman siya sakin.

Maya maya lang ay nag text na ito sakin na susunduin ako pero agad na akong tumanggi at tinanong nalang kung saan kami mag kikita, sa una nag pumilit pa itong sunduin ako pero wala siyang nagawa sa kakulitan ko.

Bago pumunta sa location na binigay niya ay dumaan muna ako sa isang flower shop, bibilhan ko muna siya ng bulaklak ang unfair naman kasi dahil siya nalang palaging nag bibigay sakin ng bulaklak.

Ng makarating ako sa location ay agad akong bumama sa aking kotse at nilibot ang tingin, napangiti ako ng matanaw ko ito, patakbo akong lumapit sa kanya at mabilis na yumakap.

"Kanina ka pa ba?" Tanong ko dito habang hindi parin humihiwalay sa pag kakayakap sa kanya.

"Kararating lang din." Ngiting sabi nito at mabilis na hinalikan ang aking pisngi. Ramdam ko na naman ang pamumula ang aking pisngi. "I miss you." Bulong pa nito.

"I miss you to, para sayo pala." Sabi ko dito at inabot sa kanya ang bulaklak, mas lalong lumawak ang pag kakangiti nito muli akong niyakap, ngunit bigla akong nakaramdam ng hiya ng makita ang dami palang nanonood samin agad akong napalayo kay sherwin at nginuso ang mga tao.

"Let's go?" Tumango ako dito at hinayaan nalang ang nakapulupot niyang braso sa aking bewang. Nakarating kami sa second floor hanggang sa vip room. Napalunok ako dahil bakit kailangan na dito pa kami.

"Tutal palagi ka namang nahihiya kapag nilalandi kita, kaya mas mabuting dito nalang tayo." Ngiting sabi nito.

"For you." Napatulala ako sa bulalak na inabot nito halos kasing laki na ata ng kalahati kong katawan at kahit hindi ko pa nilalapit ito sa ilong ay amoy na amoy ko na ang mabangong amoy nito, ngayon ko lang din nakita ang bulaklak na binigay. Gusto ko pa sanang tanungin kung anong pangalan ng bulaklak pero mas pinili ko nalang na manahimik at mag hintay ng order.

Nilibot ko ang tingin ko sa buong paligid at sobrang namangha talaga ako sa ganda nito, at sa totoo lang first time niya din akong dalhin dito.

"Nag paalam ka ba sa parents mo?" Biglang tanong nito dahilan para matigilan ako.

"Ah ye-yeah always naman akong nag papaalam." Palusot ko. Mas lalo itong lumapit sakin dahilan para mapalunok ako.

"Sinong kasama mo kagabi." Tanong nito.

"Kasama?" Wala sa sariling tanong.

"Nag punta ka sa kaibigan mo kagabi sino ang kasama mo." Ulit niya.

"Fri-friends."

"No boys-"

"Si jerome kaibigan-"

"Hmm lalaki" tango tango sabi nito at lumayo sakin ng kaunti.

"Kaibigan ko naman yun siyaka kasama ko rin si febby."

Napatingin ito sakin at mabilis akong hinalikan noong una hindi ko ito tinugon hanggang sa kagatin nalang niya ang pangibabang labi ko.

"Always remember that you are mine, akin ka lang Cheska." Bulong nito, napahawak naman ako sa laylayan ng damit niya habang palalim ng palalim ang halik niya.

Kusang kumawala ang ungol mula sa aking labi ng bigla niya akong buhatin at pinaupo sa kanyang kandungan.

Napayakap nalamang ako sa kanyang batok at ninamnam ang kanyang halik.

"Sher-sherwin" ungol ko ng bumaba ang halik nito papunta sa aking leeg hindi ko na alam kung anong gagawin, parang hindi ko siya kayang pigilan sa kanyang ginagawa.

"I love you." Muling bulong nito at muling inangkin ang aking labi.

"I love you too sherwin." Pikit kong sabi.

Mabilis akong humiwalay at umayos ng marinig ang katok mula sa pinto.

"Come in"

Napahawak ako sa aking labi at yumuko I didn't expect that kind of kissing.

"Are you okay." Tanong nito at inayos ang buhok ko.

"Yeah I'm okay."

"Cookies and cream for your dessert para naman maiba, or kung ayaw mo pwede ako nalang pwedeng pwede naman." Gosh bakit parang bigla siyang naging wild?

"Kaw talaga kumain na nga tayo." Aya ko nalang dito sobrang init na talaga ng mukha ko dahil sa mga ginagawa niya.

"Bakit parang gutom na gutom ka?" Tanong nito, napatigil ako sa pag subo at agad kinuha ang kanyang tubig.

"Wala lang ang sarap kasi ng pag kain." Palusot ko dahil sa totoo lang gutom na gutom na talaga ako feel ko kulang tong inorder niya.

Nangunot ang noo nito at bigla nalang niyang hinawakan ang baba ko, nataranta ako ng ilapit na naman niya ang kanyang mukha at biglang dilaan ang gilid ng labi ko, napanguso ako pero mukhang mali ata yun dahil labi ko ang pinuntirya niya.

"Pwede bang kumain kana." Parang bata na sabi ko.

Mabilis kong natapos ang pag kain ko at hindi pa ako nakuntento tinulungan ko pa siyang ubusin ang pag kain niya, napangiti ako sa kanya ng maubos ko ang pag kain niya.

"Relax babe, may dessert pa." Natatawang sabi nito.

"Hindi kaba kumain?"

"Kumain nga ako sadyang nasarapan lang ako sa food nila." Hys bakit b aayaw niyang maniwala.

"Are you sure?"

"Oo nga" pilit ko

Matapos naming kumain ay nag mall pa kami at tumambay sa isang park. Napatingin ako sa kanya ng humikab siya.

"Umuwi na kaya tayo para naman makapag pahinga ka."

"No I'm okay-"

"Sasama muna ako sayo-"

"Again, hindi naba nag tataka ang parents mo?"

"Hindi siyaka sasabihin ko nalang makikitulog muna ako kila febby."

"No Cheska umuwi ka narin, I also have a meeting siyaka andon ang kapatid ko doon din daw muna siya mag sstay." Sabi nito dahilan para manlumo ako.

"Wag kang mag alala kapag nag karoon ako ng time ay isisingit kita." Napaisip ako sa sinabi, siya naman itong sobrang mapapagod.

"Sige na nga wag na lang-"

"Pupuntahan parin kita." Hindi ko nagawang tumanggi at tumangko nalamang.

"Let's go?" Tanong ko dito at naunang tumayo.

Agad naman itong tumayo at nasanay na ako sa braso niyang nakapulot kaagad sa aking bewang.

Maya maya pay nakarating na kami sa parking lot, nangunot ang noo ko ng makitang malikot ang mata ni Sherwin, para lahat ng sulok ng paligid ay tinitignan niya.

Napalunok ako ng humarap siya sakin at mabilis na yumakap. Napayakap rin ako sa kanya hanggang hawakan nito ang mag kabilang pisngi at niready ko namana ng sarili ko sa palapit niyang labi.

"Mamimiss kita." Parang bata na sabi ko nag mahiwalay ang labi namin. Napatawa naman ito ng mahina at pinisil ang pisngi.

"Mamimiss rin po kita." Ako naman ang natawa dahil sa pag kakasabi niya sa salitang iyon.

Lumapit ito sa aking kotse at siya na ang nag bukas non para sakin.

"Salamat"

"You're always welcome babe." Sabi nito at humabol pa ng halik bago tuluyang isara ang pinto at yung backseat naman ang inopen niya para ilagay yung mga binili niya para sakin.

May binili rin ako para sakanya pero isang damit nga lang, may gusto pa sana akong bilhin ngunit pinigilan na niya ako.

Pagod na pagod ako pag karating ko ng bahay dumeretsyo kaagad ako sa aking kwarto para mag bihis at makapag pahinga na. Sobrang nabusog rin ako dahil kahit saan kami mag punta ay may pag kain.

Yung lahat ng pag kain na napasok s aking tiyan ay parang hanggang bukas narin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status