Share

CHAPTER 3

CHESKA LAURET POV:

"NO nanay please wag niyo akong iwan" halos mapaluhod na ako habang nag mamakaawang wag niyo akong iwan.

Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag iniwan niya ako. Siya lang yung taon anjan para sakin tas mawawala pa. Dapat pala sana mawala narin ako. 

"Please please I'm begging you wag mo akong iwan dito." para akong batang nag mamakaawa sa magulang na sumama sa pupuntahan nito. She's my real mother for me dahil siya ang anjan simula bata ako. 

"What the hell cheska stand up." dinig kong sigaw ni mama pero hindi ako nakinig. "tumayo ka jan cheska." 

"What manang umalis bakit mo hinahayaang lumuhod sayo ang anak ko." dagdag nito at pilit akong pinapatayo.  

"Umalis kana" sigaw pa nito agad ko siyang tinulak at yumakap kay nanay celia.

"No please nay, Wag mo akong iwan dito, ayoko na dito." 

Natigilan ako ng hawakan ako ng ina ko sa braso ramdam ko ang sakit mula doon parang bumaon na ang kuko nito pilit ko yun tinatanggal pero mas lalo niya lang hinigpitan dahilan para mapasigaw na ako. 

"Rebeca nasasaktan ang bata" dinig kong sabi ni nanay celia.

"Hindi na siya bata manang, ginagawa niyo lang siyang bata. Mas magandang umalis na kayo para hindi siya ganto she need to be mature dahil nagiging immature siya sa inyo." Sabi nito, namasa ang mata ni nanay celia at napailing. 

"I said get out baka mag bago ang isip ko hinding hindi ko tutulungan ang anak mong gumaling GET OUT." napaluhod ako habang hawak hawak parin ni mama ang braso nakatingin lang ako sa papalayong tinuring kong tunay na mama ko. 

Simula bata palang ako siya na ang nakasama ko ang bagay na dapat ginagawa ng mga magulang ko ay siya ang gumawa siya ang tumayong magulang ko habang wala sila kaya hindi ko naramdaman ang lungkot kapag kasama ko siya.

"Stop it cheska" may diing sabi nito hindi ang nakinig sakanya padabog kong nilayo ang braso ko sa kanya tinignan ko siya ng masama.

"Are you happy now?" tanong ko.

"What are you saying cheska?" 

"I said are you fucking happy now." sigaw ko. 

"Your my mother pero bakit ganito bakit ganito ang  pinaramdam mo sakin, hindi ba dapat gusto mong nakikita akong masaya at hindi mo hahayaang malayo ako sa mga taong nag papasaya sakin, dapat kung sa mga bagay na masaya ako anjan ka para suportahan ako pero bakit hindi, bakit mas gusto mong nakikita akong ganto is this your happiness are you happy now" tanong ko dito at pinunasan ang mukha ko.

Ang sakit sakit na.

"Masaya ka naba na sinasaktan mo ang anak mo, masaya ka na ba habang nakikita mong nag kakaganito ang anak mo?" unti unti akong lumapit sa kanya "masaya ka na ba habang nakikita mong iniiwan ako ng lahat ng mga mahal ko sa buhay, tell are you fucking happy now?" malakas na sampal ang binigay niya sakin at madiin niyang hinawakan ang panga ko, para naman akong manhid na hindi na maramdaman ang sakit na binigay niya. 

Now I know na mas masakit ang emotional kesa sa physical.

"Gusto gusto kong kunin ang atensyon mo, mga bagay na pinapakita mo sa iba gusto kong maranasan ang maging isang masayang magulang kaya kahit anong ginagawa ko ay para sayo."

"Hindi lang ikaw ang nangangailangan ng atensyon kaya nga minsan pinangarap kong ako nalang business niyo para araw araw ako yung pinag kakabusyhan niyo ako yung palaging nabibigyan niyo ng oras, at lalong hindi ako mapapasaya ng pera at hindi ko kailangan yun,  kayo ang kailangan ko."

"Alam mo bang naiingit ako naiingit ako sa ibang pamilya na masaya walang problema kitang kita ko sa kanilang mata kung gaano sila kasaya iba kasi yung satin palagi kayong wala sa tabi ko okay lang sa inyo na iwan ako at ipaubaya sa iba."

"Pero hindi ko na kinailangan yun it is because of nanay celia, You know what mom I'm tired. I want fucking forever rest." Ngumiti ako ng mapait at napakagat sa aking labi. 

"Hindi ganito ang gusto kong buhay oo nga't nabibigay niyo lahat ng gusto ko pero may mas malaking bahagi parin sakin ang hindi niyo nabibigay."

"I DONT NEED A FUCKING MONEY OR EXPENSIVE THING."

"ALL I WANT IS LOVE OF MY PARENTS."

"Kahit wala ka sa tabi ko cheska palaging andito ka sa puso ko kaya iniisip ko hindi ako nag iisa may kasama ako yun ay ang anak ko." 

"Your a liar pano pa kita paniniwalaan niyan" pumikit ako at huminga ng malalim bago imulat ulit ang aking mata nilabanan ko ang kanyang titig. 

"Wala kayong kwentang magulang." mag kasunod na sampal ang binigay niya sakin dahilan para mapaupo ako sa lupa napatawa nalamang ako ng peke habang nakahawak sa pisngi ko inaasahan ko naman talaga na gagawin niya yun.

"Alam ko kung gaano kalaki ang galit mo samin cheska pero ito ang tandaan mo ginagawa ko lang ito para sayo pero kung talagang matigas ang ulo mo."

Natahimik ako habang nakatingin sa kanya dahan dahan tumulo ang luha nito habang nakatingin sakin.

"Sige, sige gawin mo ang lahat lahat ng ikakasiya mo gawin mo lahat ang gusto mo pero wag na wag mong sasabihin na hindi kami nag aalala sayo na wala kaming kwentang magulang." 

Matapos niyang sabihin yun ay iniwan niya ako at pumasok sa bahay.

Napahilamos nalang ako sa mukha ko habang nakatingin sa bahay napatingala ako sa kalangitan ng maramdaman ko ang mga butil ng tubig galing doon hanggang sa bumuhos na ang  malakas na ulan.

Napangiti ako sa tanang buhay ko never kong naranasan maligo sa ulan pero ngayon mararanasan ko na may kasama pala akong umiyak ngayon. 

Agad akong umiwas ng tingin ng makita si mama sa kanilang bintana alam kong nakatingin siya sakin dahan dahan akong tumayo at nag lakad lakad hindi narin luha at tubig ulan ang tumutulo sakin dahil kasama narin pati sipon ko.

Tumingin ulit ako sa bintana pero wala na siya doon patay narin ang ilaw doon agad akong tumungo sa sala at naupo.

Next day.. 

"Oh buhay ka pa pala akala ko binurol kana." napatingin ako kay trixie dahil sa sinabi niya hindi ko alam na ganito ang ibubungad niya sakin kakapasok ko palang dito sa classroom, at hindi ko alam na colorful niyang pag mumukha ang ipapakita niya sakin kasama ang aliparoa niya na parang gusto ng baklasin ang likod ng leader nila, kawawa naman siya hindi loyal ang mga friends niya.

"Nag celebrate pa naman ako" nag tawanan ang buong classroom dahilan para mas mainis ako.

"Then useless ang pag celebrate mo dahil buhay na buhay ako." umikot ikot pa ako sa harapan niya "hindi naman pwedeng mamatay ng ganon kaaga ang katulad kong diyosa na walang halong crayons sa mukha." napangisi ako ng mas lumakas ang tawanan.

"At siyaka pwede bang sa susunod na bubungad ka sakin siguraduhin mong mas maganda ka." ngumiti pa ako sa kanya bago lagpasan pero parang nag hahanap ata siya ng away dahil hinablot nito ang braso ko. 

Nakatingin lang siya sakin ng masama at bahagyang bumuka ang labi niya alam kong may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi sabi.

Pahablot kong hinila ang braso ko mula sa kanya yumuko ako ng kaunti para mag pantay kami.

"You know what mas mabuti nalang ang manahimik dahil pag lalo mong sagadin ang pasensya ko baka kung ano pa ang magawa ko sayo. At sisiguraduhin kong hindi mo magugustuhan." 

Agad akong umupo at pinagsiklop ang kamay sa lamesa habang nakangiti sa kanya. 

Makalipas ang ilang minuto ay dumating narin si febby taka pa siyang nakatingin sakin at hinawak hawakan ako na parang hindi siya naniniwala na ako to. 

"Himala bat ang aga mo atang pumasok ngayon." umupo siya sa tabi ko at tinitigan akong mabuti dahilan para mainis na ako sa kanya.

"Alam kong maganda ako kaya wag mo na akong titigan ng ganyan, baka ma inlove ka." Natatawang sabi ko. 

"Hindi lang kasi ako makapaniwala pero may tatanungin pala ako bakit dalawang araw kang absent. At bakit ngayong pag balik mo may kasama kang bagyo." Tuluyan akong napatawa at mahina siyang hinampas. 

"Wala lang nakakaboring lang dito sa school at trip kong matulog mag damag" walang ganang sabi ko napangiwi siya at tumingin sa harap sakto naman pag dating ni jerome na humihikab pa katulad ni febby ganon din ang naging reaksyon niya ng makita ako well it because ngayon lang ako naging maaga nagising hindi kasi ako ginigising ng maaga ng isa jan.

Walang binigay na activity yung mga teacher namin dahil malapit na ang exam mag review nalang daw kami pero mukhang ako lang ang walang ginagawa.

May notebook nga sa harap pero di naman binabasa tignan nalang natin kung anong mangyayari sa grades.

Napatingin ako kay trixie napangisi ako ng makitang nakatingin din siya saakin agad niya akong inirapan dahilan para mapatawa ng kaunti, kaunti lang talaga, kinuha ko yung notebook sa harapan ko para kunwaring nag babasa ako.

Tumingin kasi si maam.

"Cheska may na review ka na ba." tanong sakin ni febby habang sinisiko ako tumingin ako sa kanya at pinakita ang notebook kong walang sulat napapikit ito bago mag hilamos ng mukha.

"Excuse me hindi po nag rereview si cheska." bata lang ang alam kong nag susumbong at hindi ko akalain na may bata pala akong kaklase tsk. nag sumbong pa talaga agad kong hinablot ang notebook ni febby at tumayo at tinaas ang notebook habang nakangiti.

"ayan sabihin mong hindi ako nag rereview." pabalang na sabi ko dito.

"And please mind your own life, baka palitan ko buhay mo." 

"Tama na yan wala na akong pakielam kung hindi kayo mag review hindi naman sakin nakasalalay ang grades niyo." sabi nito bago tumingin ulit sa kanyang ginagawa.

As if naman na babagsak ako katabi ko ata top 1 kaya hindi ako mawawala sa pagiging top 2.

As if naman napapakopyahin ka niyan 

Halos lahat ng klase namin ay nag review lang ang ginawa nila.

"Sasabay kabang umuwi hatid na kita sa inyo" wala pa kasi ang sundo kaya eto si febby.

Tatango na sana ako pero may bigla nalang may humintong magarang kotse sa harapan napatigil si febby kasabay ng ibang marites 

Alis na hindi ikaw ang sinusundo niya wag kang assuming.

Aalis na sana ako pero biglang may lumabas na lalaki mula sa kotse napalunok ako at dahan dahan hinawakan ang braso ni febby naka shade kasi pano ko makikilala baka mamaya kidnapper pala.

Takbo na

But wait.

Hindi ako makakilos sa kinakatayuan ko dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko feeling ko malalaglag na ramdam ko rin ang ginhawa habang nakatingin sa lalaki parang gusto ko nalang itong yakapin ng mahigpit .

Dahan dahan tinanggal nito ang shade halos may manlaki ang mata ko tama ako siya nga kusa akong napangiti at hindi malaman ang unang gagawin.

Yayakapin ko na ba? 

Ohh hahalikan!?

Nakangiti ito ng malawak habang nakaamba ang dalawang kamay mukhang nag hihintay ng yakap hindi ako nag aksaya ng oras at agad ko siyang niyakap ng mahigpit wala akong paki kung maraming nakatingin samin basta ang alam ko miss na miss ko na siya.

Napahiwalay ako ng marinig ko ang pekeng ubo shit nakalimutan kong kasama ko pala si febby wala na akong maitatago sa kanya alam kong kitang kita ng dalawang malalaki niyang mata.

"I miss you" niyakap niya ulit ako dahilan para hindi ko matignan si febby.

Maya maya pay naramdaman ko ang pag hila sakin ni febb

"Teka nga sino ka ba bakit bigla bigla ka nalang nang yayakap kilala mo ba ito cheska naku ikaw ha wag mong sabihing boyfriend mo ang gwapong lalaking to hindi kayo bagay mas bagay kami." minsan ay kay sarap sapakin ng babaeng to.

"Excuse"

"Yes darling" putang----ina---mo--febby.

"I'm Sherwin Garcia and you are." natatawang sabi nito.

"Ah I'm febby-" nakita kong aabutin na ni febby ang kamay ni sherwin kahit hindi pa niya tapos ang sasabihin niya agad kong hinila si sherwin kita ko ang pag busangot ni febby 

Mabilis pinulupot ni sherwin ang braso niya sa bewang ko dahilan para makaramdam ako ng hiya hello andito palang kami sa school andami din nanonood samin.

"Teka nga bakit ka ba yakap ng yakap sa kaibigan ko haa hindi porket gwapo ehh pag sasamantalahan mo na ang kagandahan ko." ano daw " sino ka ba." tumawa si sherwin dahilan para mas lalo akong mahulog ang sarap pakinggan ang tawa niya.

"I'm sherwin-" 

"Hindi ang ibig kong sabihin anong relationship niyong dalawa." 

"She's my girlfriend."

"boyfriend ko." 

Halos sabay na sabi naman ni sherwin nanlaki ang mata ni febby habang pabalik balik ang tingin niya samin.

"Omg girls boyfriend daw ni cheska"

"How to be you cheska gosh ang gwapo" 

"Tsk hindi ka palang nanliligaw basted ka na agad" 

"Shit ang gwapo gosh bagay sila" 

Dinig kong bulong bulungan ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko mag sasalita pa sana si febby ng mag salita si sherwin.

"Uuwi ka na ba sa inyo ihahatid na kita." sabi nito agad akong tumango dahil baka masampal ko ang mga babaeng nakatingin sa kanya.

Binuksan nito ang kotse agad akong pumasok.

"Bukas nalang tayo mag usap."

"Talagang mag uusap tayo." 

Pumasok si sherwin na nakangiti sakin agad kong sinuklian yun pero agad din akong natigilan dahil sa mabilis pag lapit ng mukha niya sakin at pag dampi ng labi niya sa labi ko. 

Para akong maiihi sa sobrang kilig.

"Bakit hindi mo sinabing pupunta ka dito." medyo sermon ko sa kanya at umiwas ng tingin ang lapit parin kasi ng mukha niya sakin hindi talaga ako mapakali.

Mag galit galitan tayo 

"Surprise!!" nakangiting sabi nito.

"Actually 2days lang ako dito it because may kailangan akong ibigay sa kapatid ko para sa bagong business nila dito." nakangiting sabi niya bago i start ang kotse niya.

Noong una todo yung pag iingat ko para lang hindi makapasok sa bahay si sherwin dahil sa mga magulang ko lalo na kay papa pero ngayon parang ayaw kong umalis sa kinauupuan ko ng hindi kasama si sherwin.

Mula sa likod ay may kinuha si sherwin na tatlong malalaking paper bag inobot niya sakin ito kala ko yun lang ang iaabot niya pero hindi ko akalaing may kasama palang halik sa labi at pisngi ko.

Gantong pasalubong gusto ko!

Ngumiti siya sakin at hinaplos ang aking pisngi.

"I miss you very much kaya hindi na ako makapag hintay ng tamang panahon na pag punta ko dito." mahinang sabi nito habang hinahaplos ang pisngi ko na alam kong sobrang pula na.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko basta ang alam ko lang nakangiti ako habang nag wawala ang puso ko.

Agad akong umiwas ng tingin dahil baka tuluyan ng malaglag ang puso ko dahil sa ngiti niya.

Napatingin ako sa gate namin bago tumingin kay sherwin.

"Tara" aya ko sa kanya ngumiti naman ito bago naunang lumabas at pag buksan ako.

"Are you sure ok lang sayo na pumasok ako baka pagalitan ka." bahala na wala na akong pake kung pagalitan nila ako mas galit naman ako sa kanila.

Di papatalo ang peg

"Hindi yan I'm already a big girl na alam ko na ang ginagawa ko." nakangiting sabi ko hinawakan ko ang kamay nito at sabay pumasok.

Nagulat ako ng wala kaming madatnan sa bahay wala si mama at papa napatingin ako sa gilid ko ng may marinig na ingay don nakita ko ang kapalit ni nanay celia na nakatingin samin.

"Ah maam wala po ang parets mo sabay po silang umalis pero sinabi po nilang wag mo na silang hintayin dahil baka daw gabihin sila." as if naman na hihintayin ko sila hindi ko siya sinagot at hinila nalamang si sherwin papunta sa kwarto ko.

Pag pasok namin sa kwarto agad umupo si sherwin halata sa itsura niya na pagod siya umupo ako sa tabi niya bago yumakap sa kanya.

Wala akong ibang nararamdaman kundi ang ginhawa sa dibdib ko i hope ganto kami palagi palaging nasa tabi ko siya. 

"Parang pumayat ka ata kumakain ka ba ng maayos." 

"Oo naman siyaka ok naman ang katawan ko ah sakto lang ayoko rin naman maging chubby" sabi ko at hinawak hawakan ang bewang ko dinig ko naman ang mahinang pagtawa niya.

"Sexy kaya ako." 

"Mag bihis kana may pupuntahan tayo."

Taka akong tumingin sa kanya halata naman kasing pagod siya pero heto siyat niyayaya akong lumabas.

"But you look so tired." 

"Nah I'm okay may pupuntahan pa tayo I want yo spend more time together habang andito pa ako." 

"Sure ka." 

"Oo naman mag bihis kana oh wait asan closet mo ako maminili ng susuotin mo." agad kong tinuro ang closet kaya agad naman siyang tumayo ay nag tungo don.

Bigla akong napangiti ng ilabas niya ang palda kong hanggang tuhod at crop top at coat na hanggang lampas tuhod ko na niregalo niya noon.

Tatanggalin ko na sana ang uniform ng bigla niya akong sigawan ng mahina dahilan para mapanguso kaso.

"What are you doing."naka sando naman ako ahh 

"Mag bibihis."

Napanganga siya habang nakaturo sakin.

"In front of me."

"Go to your bathroom at don ka mag bihis." para ko siyang kuya na sinesermunan ako napangiti ako dahil hindi parin siya nag babago ganon parin ang ugali niya.

"Bakit parang galit ka." 

"I'm not angry lalaki ako at hindi maganda sa babaeng maghuhubad na lang sa harapan ng lalaki hindi mo alam kung anong pwedeng mangyari." 

"Ano" inosent yarn

"Just, just go babe mag bihis kana mawawalan tayo ng oras baka mapagalitan ka ng parents mo pag nadatnang wala ka pa dito sa bahay niyo."

"Sasama ako sayo."

"Huh"

"Sasama ako sa condo mo." 

"I'm sure hindi uuwi sila mama." palusot ko sa totoo lang siya talaga ang gusto kong kasama lalo na sa panahon ko ngayon gusto kong alisin muna ang lungkot at galit ko habang nandito siya.

"Hindi pwede-"

"Please sherwin I really damn miss you so please isama mo muna ako sa condo mo bukas hindi na." gusto kong maiyak habang nakikiusap sa kanya.

"But-"

"No more but sasama ako sayo no matter what you say."

"Ang kulit mo po babe." napatawa ako dahil sa pag sabi niya ng po ang cute niya.

"Please" ngumuso ako habang nakatingin sa kanya bigla nalang siyang umiwas ng tingin at kinuha ang damit ko.

"Fine" 

Napangiti ako ng malapad at dali daling pumunta sa kanya at niyakap siya ng mahigpit hanggang mapatingin ako sa labi niya may kung anong may nag tutulak sakin para halikan siya hanggang sa.

Hindi ko namalayan na nakadampi na pala ang labi ko sa labi niya bahagyang bumuka ang labi ko dahil sa pag kagat niya sa pang ibabang labi ko at pumasok ang dila nito at malalim na nag usap ang mga dila namin sa loob. 

Napahigpit ang yakap ko sa kanya ng maramdamang umupo siya habang kandong kandong ako at hindi tinatantanan ang labi ko.

Napalayo lang ako sa kanya ng bumaba ang halik nito leeg ko agad kong kinuha ang damit mabilis na pumasok sa bathroom bigla akong nahiya ng hindi ko alam napatingin ako sa harap kong salamin ngayon ko lang narealize na para na akong kamatis dahil sa sobrang pula ko.

Dinala ako ni sherwin sa isang mamahaling restaurant at hindi ko alam kung bakit hindi ko alam ang lugar na ito ang tagal tagal ko na dito sa london pero ngayon lang ako nakapunta dito.

Maganda nag loob nito dahil sa mga nag gagandahang design at malalam mo talaga na mayayaman lang ang nakakapasok sa ganitong restaurant.

"Sherwin" napatingin ako sa babaeng lumapit kay sherwin bigla akong nainis ng makita hinalikan ng babae ang pisngi nito.

"Welcome back" malanding sabi pa nito hinigpitan niya ang pag kakahawak niya sa kamay ko dahil sa pag tatangka kung alisin ito.

"Nice to meet you again angelyn." sabi ni sherwin at bahagyang lumayo sa babae tumingin siya sakin kaya napatingin din saakin ang babae.

"Who is she" 

"Babe this is Angelyn and Angelyn she's my girlfriend her name is cheska." 

"Ohh hi hindi mo naman sinabi agad na may girlfriend kana." medyo napahiyang sabi ng babae tipid naman na ngiti ang sagot ko sa kanya tumingin sakin si sherwin.

"Let's go" hinila niya ako hanggang makarating kami sa isang table may nakahanda ng pag kain dito.

Pinaghila niya ako ng upuan bago siya maupo sa harapan ko kita ko sa gilid ng mata ang ilang kababaihan na nakatingin sa direksyon namin o mas magandang sabihin na kanya sherwin sila naka tingin.

Maya maya pay may dumating na waiter na may dalang bulaklak agad naman itong kinuha ni sherwin at nag pasalamat.

"For you babe" sabi nito sabay kindat at inabot sakin ang bulaklak nakangiti akong tinanggap yun ramdam ko rin ang pag iinit ng pisngi ko.

Inamoy amoy ko pa yun bago ilagay sa gilid ko.

"Thank you" 

Binuhat nito ang upuan niya at lumapit sakin kumuha siya ng pag kain at nilagay sa harapan ko nagulat pa ako nung tinapat niya ang kutsara sa labi ko.

Napatingin ako sa paligid maraming nakatingin samin dahilan para maramdaman ko ang hiya.

"Say ahh"

"Sherwin stop it your treating me like a baby ako na-"

"But your my baby hmm may masama ba sa ginagawa ko sige na." 

"Say ahh" 

"Sherwin-" hindi ko na natapos ang sasabihin ng tuluyan na niya na akong subuan pinunasan nito ang gilid ng labi ko gamit ang daliri niya diretsyo sa labi niya.

Napaiwas ako ng tingin sa ginawa niya.

"I miss doing these things to you." nilagyan na naman niya ang laman ng kutsara at tinapat sa bunganga ko binuka ko nalamang iyon para matapos na pero ramdam ko ang ligaya sa dibdib ko.

Kumuha ako ng tinidor at nag hiwa ng solmon steak at tinapat sa labi niya kita ko ang pag lunok niy a siyaka dahan dahan binuka ang labi niya pinanood ko pa siya habang nginunguya ito bago kumuha naman ulit pero pigilan na niya ako dahilan para may taka ako kasabay ng pag tunog ng cellphone niya.

Napatitig pa siya dito pero mukhang wala siyang balak sagutin.

"Sagutin mo na baka importante yan." sabi ko tumingi siya sakin ng at nag pilit ng ngiti bago tumayo pero bago hinalikan niya pa ako sa pisngi 

"Babalik ako agad." sabi niya bago umalis binaba ko ang kutsarang hawak at kinuha ang phone ko kailangan ko pa palang i message si febby.

Febby

Can i have a favor...pwede bang i message mo sila mama na at sabihing jan ako matutulog sa bahay niyo.

Sent 

Akmang ibabalik ko ang cellphone ko ng tumunog ito.

-Hindi ka naman dito matutulog ahh 

Basta sabihin mo nalang na jan ako matutulog please.

Sent 

Agad kong binalik ang cellphone ko ng makita ko si sherwin na palapit.

"Are you okay." 

"Yes I am" 

"What do you like for dessert." tanong nito bago umakbay sakin.

"Ahmm chocolate cake." 

Agad siyang tumawag ng waiter at sinabi ang gusto ko napatingin ako sa kanya bigla nalang kasi siyang naging seryoso. 

"Sherwin, Cathlyn" mula sa likod namin, dinig ko ang pag sigaw ng isang babae hindi ko nalang pinansin yun at uminom ng tubig pero nagulat ako ng may dalawang babae ang pumunta sa harapan namin 

"Sherwin kanina pa kita tinatawag." napayuko ako at pinunasan ang labi ko si sherwin pala ang tinatawag nila kanina pero sino si cathlyn?

"Hi cathlyn" agad kong hinarap ang babae kita ko ang gulat sa kanya ng makita ako.

"Excuse me but I'm not Cathlyn" may halong inis na sabi ko biglang tumayo si sherwin at hinawakan ang kamay ko napanganga ang dalawang babae sa harapan namin.

"Ah may bago ka na palang girlfriend." may bago? Matagal na kami at pano ako naging bago? 

"Pero kailan lang kita nakita with-" napayuko ako nag uumpisang mapunta sa iba na naman ang isip ko.

What the hell who's cathlyn?

"Cheska" napatingin ako kay sherwin ng tawagin niya ako wala na rin pala ang dalawang babae sa harapan namin.

"Who's cathlyn" 

"Ahmm my friend.. let's go." 

Basta nalang niya akong hinila ni hindi ko pa nababawasan ang chocolate cake pero mas nanaig sa isip ko kung sino si cathly.

Marami pa kaming pinuntahan at aaminin kong nag enjoy ako pero kahit ganon hindi nawala sa isip ko kung sino si cathlyn.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status