Diba? Magpapatayan pa yan sila hahah chos
Napalunok si Lorenzo. Para bang bawat salita ng matandang lalaki ay hindi lang dumidikit sa balat niya—dumudurog ito sa laman at tumatama diretso sa puso. Alam niyang hindi iyon pananakot; iyon ay babala na puno ng katotohanan at malasakit.At sa ilalim ng malamig na anyo ni Azrael, nakita ni Lorenzo ang isang ama na handang maging halimaw sa mata ng iba… kung iyon ang kailangan para mailigtas ang anak niya.Umigting ang panga ni Lorenzo, mahigpit ang kapit niya sa gilid ng mesa habang nakatitig sa baso ng wine na nasa harap niya.“Leave my daughter from now on and I promise you one thing—I’ll help you get your freedom, at lalo na ang inaasam mong higanti sa mga taong pumatay sa pamilya mo,” dugtong pa ni Azrael. Para bang tumigil ang oras sa pagitan nila. Kita ni Azrael ang bahagyang pag-angat ng kilay ni Lorenzo, ang bahagyang pagkislot ng labi, at ang mabilis na pagbabago ng ekspresyon mula gulat, galit, hanggang sa hindi maipaliwanag na sakit—isang sakit na pilit nitong ikinukubl
Chapter 112“Do you know that I want to punch you right now?”Pagkatapos ng sobrang katahimikan sa pagitan nila, sa wakas ay nagsalita na si Azrael. Mabigat ang boses nito, parang bawat salita ay may dalang bigat ng galit at awa, ngunit hindi ito sumisigaw—mas mabigat pa nga yata ang tono kaysa kung sumigaw siya. The kind of voice na mas nakakatakot kaysa galit na pasigaw, dahil ramdam mong kontrolado pero malalim ang pinanggagalingan.That line—iyon ang unang salitang lumabas sa bibig niya simula nang magkaharap sila. Walang introduction, walang tanong. Diretso lang ang ito.“I know, Sir,” walang takot na sambit ni Lorenzo, kahit ramdam niya ang tensyon na halos sumakal sa buong paligid nila.Of course, he knows that. Kahit sinong ama, iyon ang unang iisipin na gawin sa lalakeng sa tingin nila ay humihila pababa sa anak nila, at lalo na kung alam nitong may panganib sa relasyon na iyon. Alam niyang sa paningin ni Azrael, na ama ng taong mahal niya, isa siyang problema, hindi solusyo
Si Thali at si River ay parehong tumigil, ang mga dibdib ay mabilis ang pag-angat-baba sa tensyon, at kahit si Lorenzo ay bahagyang tumuwid ng upo, nakatingin sa ama ni Thali na may halong pag-iingat at paghahanda.May bigat ang tinig ng kanilang ama—isang boses na hindi sanay hinahamon. Mabagal itong lumapit, bawat hakbang ay parang may kasamang utos na hindi dapat suwayin. Si Lorenzo, na kanina’y tahimik lang, ay agad tumayo bilang pagpapakita ng respeto, ngunit ramdam sa tikas ng kanyang katawan ang nakatagong paghahanda kung sakaling maging mas mainit pa ang sitwasyon.“I’ll just make sure that no one will go here tonight, para na rin mapanatag tayo na walang makakaalam kung sino ang kasama natin dito,” mariin na sabi ng ama. May halong pangamba at pag-iingat ang tinig, at alam ni Thali na ito’y hindi lang simpleng proteksyon. Sumabat si Cheska mula sa gilid, malamig at matigas ang tono. “I also called someone to remove all the CCTV here.” Bawat salita niya ay mabigat, parang aya
“Lorenzo—”“We already talked about this, hayaan mong kausapin ng ama mo ang lalaking ‘yan,” mariin na pigil sa kanya ng ina nang tuluyang dumating si Lorenzo. May bigat at utos sa boses nito, parang sinasabi na hindi na pwedeng baguhin ang pasya.Gulat pa si Lorenzo sa pagdating niya kanina, muntik pa syang halikan nito kanina mabuti na lang at napansin niya agad ang pamilya nita, halatang hindi niya inaasahan ang ganitong eksena sa harap ng pamilya ni Thali. Ngunit sa huli ay bumuntong-hininga siya at buong tapang na hinarap ang pamilya ng dalaga. Nakasuot pa rin siya ng maayos, parang handa siyang humarap sa kahit sino, ngunit may bakas ng pagod at pag-aalala sa mukha.“P-Pero, Ma, pwede naman na makinig ako, diba? Promise, hindi ako sasabat,” ani ni Thali, desperado ang tono, dahil gusto niyang manatili sa tabi ni Lorenzo. Baka mamaya ay may masabi ang kanyang ama na hindi nito kayang ipagtanggol ang sarili laban. Ayaw niyang wala siya roon kapag nangyari iyon.Gustong manatili si
Natigilan sila, ramdam ang tensyon sa hangin, kaya’t agad na muling nagsalita si Thali, tila ayaw niyang mawala ang pagkakataong mailaban ang panig niya."Hindi siya masama…" mahina ngunit buo ang tinig ni Thali, at kahit nanginginig ang kanyang mga kamay, pinilit niyang tumingin sa mga mata ng kanyang ina. "Nakasama ko siya… nakausap ko siya… at nakita ko sa bawat kilos niya na hindi siya masama, Ma. Ginamot niya ako kahit wala naman akong halaga sa kanya. Kung masama siya, sana pinabayaan niya na lang ako, sana hinayaan niya na lang akong mamatay…"Sandaling natigilan si Thali, parang muling bumalik sa kanyang isipan ang malamig na hangin ng gabing iyon, ang amoy ng dugo, at ang hirap ng paghinga. Napakagat siya sa labi bago muling nagsalita, ngayon ay mas buo ang boses."Oo, palagi siyang galit… mabilis siyang mag-init ng ulo… pero kung masama talaga siya, Ma—dapat patay na ako ngayon. The gunshot was too much, at kung hindi niya ako ginamot… wala na ako rito. Wala na akong kinikil
Chapter 108 and 109Unti-unting nagiging mahinahon si Thali nang tuluyang dumating ang kanyang ama at kapatid. Yes, they are already here, at kahit paano ay gumaan ang bigat sa kanyang pakiramdam sa presensya nila.Kinagat niya ang labi, dama pa rin ang hapdi at kirot sa dibdib na iniwan ng matinding pagtataas ng boses ng kanyang ina kanina. Parang paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang bawat salitang binitawan nito, na parang tinik na nakabaon sa puso niya.Pero ngayong mas tahimik na ang paligid at malinaw na muli ang kanyang pag-iisip, sigurado siya sa kaibuturan ng puso na hinding-hindi siya iiwan o ipapahamak ng kanyang pamilya sa kamay ng Paramilitary.Alam na alam niya ang ugali at pagmamahal ng pamilya niya, at doon siya mas nakaramdam ng gaan at kapanatagan.“So you’re telling me that all this time, you’ve been protecting him? Azrael, kausapin mo yang anak mo! Dahil sa ginagawa niyang pagsabotahe para hindi mahuli ang lalaking iyon, siguradong… she’ll end up in jail!”