Hello everyone. Salpukan nila Pia at Kierra ba ang nabasa ko sa comment section? hmmm
Ang tanghali ay tila biglang tumahimik. Ang mainit na sikat ng araw ay parang humupa, at sa gitna ng galit at sigawan, isang umiiyak na babae sa galit na nararamdaman niya."S-Sorry na kasi," ulit pa nito.“And now you are crying, you think maaawa ako sa pag-iyak mo?” kunot noong tanong ni Lorenzo at ang dalawang palad ay nasa magkabilang bewang na niya.“Nagsorry na nga ako tapos galit ka pa? Saka h-hindi naman ako nagpapaawa!” Iritang ani ng babae, but then she bit her lips and tried to be calm down.Hindi siya nakatingin sa lalaki. Pilit niyang pinipigil ang sariling huwag sumabog muli. Pero naroon pa rin ang panginginig ng balikat niya. At ang luha… hindi niya na mapigilan.“Sorry na kasi, saka gutom na ako! Isang linggo na ako rito tapos cup noodles lang ang kinakain ko kaya sumubok akong magluto!” Pinunasan nito ang luha, pero patuloy iyon sa pagtulo.Hindi niya na kaya ang gutom. Hindi niya na kaya ang lamig ng pakikitungo ni Lorenzo. Hindi niya na rin alam kung hanggang kailan
Chapter 8“A-Akala ko kasi hilig ko ang pagluluto noon at magaling ako roon kaya sinubukan kong magluto kasi alam mo na, baka nga m-magaling ako sa pagluluto, pero m-mukhang nagkamali ako,” sambit ng babae habang sinusubukang tanggalin ang kamay nito, nauutal siya dahil ramdam niya ang kaba na paalisin na siya ng lalake ng tuluyan pero habang tinatanggal niya iyon ay mas lalo lang hinihigpitan ni Lorenzo iyon.Napakurap siya, ramdam ang lalim ng kapit nito sa braso niya—hindi marahas, pero sapat para hindi siya makawala. Para siyang batang nahuli sa pagkakamali, at ngayong kaharap niya ang galit ni Lorenzo, hindi niya alam kung saan niya ibabaling ang tingin. Halos kagatin na ng babae ang labi sa mariing titig ni Lorenzo.“I already let you stay here, yet plano pa mo atang sunugin itong bahay ko?” Hindi makapaniwalang tanong ni Lorenzo at saka napapikit. “Wala ka bang utang na loob?! Look at what you fvcking did!” Iritang ani ni Lorenzo at saka tinuro ang likuran nito na hindi na mukh
Sa isang kaldero, nilagay niya ang mga gulay habang ang isda naman ay prinito niya. Bago pa man umusok ang mantika, pinagmasdan niya muna ang bawat galaw ng kawali. Maingat niyang inilapag ang hiwa ng isda sa kumukulong mantika, pero agad siyang napatalon nang marinig ang malakas na pagtilamsik ng langis."Mama!" Kusang lumabas sa labi niya iyon.Napakapit siya sa sandalan ng counter, halatang hindi sanay sa ganitong tunog. Ngunit kahit may kaba, pinilit niyang magpakatatag. Tinitigan niya ang isda habang unti-unting nagiging golden brown ang gilid nito. Ngunit sa kabig niya gamit ang turner para baliktarin ito, masyadong mahina ang kanyang hawak kaya’t nadurog ang kalahati ng isda.Napangiwi siya. "Ay… hindi pala dapat ganito."Pero hindi siya sumuko. Inulit niya ito sa susunod na hiwa ng isda at mas pinatagal pa sa mantika. Sa isip niya, baka mas maging buo ito kung hayaan niyang maluto nang husto. Ngunit muli, napalingon siya sa mga gulay sa kabilang kalan.Hindi niya rin alam kung
Chapter 6Dahan-dahang nilinis ng babae ang sugat niya, napapangiwi siya dahil masakit pa rin iyon. Ramdam pa rin niya ang hapdi ng sugat sa tuwing hahaplosan niya ito ng alcohol. Nangingilid ang luha sa gilid ng kanyang mga mata, pero pilit niya iyong pinipigil.It's been one week since she woke up. Dahil ayaw niyang mapalayas at tutuhanin ni Lorenzo na ipatapon siya, pinilit niya ang lahat na huwag mag-cross ang landas nila sa loob ng bahay. Medyo hindi naman nahirapan ang babae—lalo na dahil kahit luma ang bahay, malawak iyon at nasa pinakadulong kwarto siya natutulog at hindi naman gaanong lumalabas si Lorenzo sa kwarto nito.Pagkatapos malinis ang sugat ay huminga siya ng malalim at muling binalot iyon ng benda.Kabisado na ng kanyang mga kamay ang pagkilos, tila ba naging bahagi na ng kanyang bagong araw-araw ang pag-aalaga sa sarili. Nakakalungkot isipin, pero parang ito lang ang tanging bagay na sigurado siya—ang alagaan ang sugat na hindi niya rin maalala kung paano niya nakuh
Ramdam niya ang tumitibay na galit sa dibdib niya, pero ang mas nangingibabaw ay ang takot na wala siyang ibang pupuntahan."Can you just shut up---""I'm not going to shut up, unless you let me stay here!" Pabalik na ani ng Babae at hindi pa niya pinatapos si Lorenzo sa sasabihin.“Shit! Fvcking shit this life!” Sigaw na ni Lorenzo, halos mag-init na ang tenga sa inis. Hinampas niya ang mesa sa gilid, at ilang gamit doon ang gumalaw sa lakas ng bagsak.“Fvcking shit ka rin! Wala kang awa! Wala nga akong pupuntahan! Aalis naman ako kapag may naalala na ako! Ayokong isugal ang buhay ko at umalis dito tapos mamaya makasalubong ko ang mga taong gustong pumatay sa akin tapos hindi ko man lang alam!” halos sunod-sunod ang litanya ng babae, puno pa rin ng takot at galit.Binuka ni Lorenzo ang labi para magsalita pa, pero nang makita niyang hindi nagpapatalo ang babae—na mas lalo pang humigpit ang titig at nakataas pa ang baba—ay mas lalo lamang sumiklab ang dugo niya. Imbis na magsalita ay i
Chapter 4Tulala ang babae nang marinig ang sinabi ng dalawang matandang nagdala sa kanya sa lugar kung nasaan siya ngayon. Kahit pagkatapos ng lahat ng sinabi nila ay talagang hindi pa rin magawang maalala ng babae kung sino siya at kung anong dahilan kung bakit siya nabaril.Wala siyang maalala kahit ano, kahit ang sariling pangalan niya. Sa kabila ng lahat ng paliwanag, pakiramdam niya ay isa pa rin siyang estranghera sa sarili niyang balat.Napatingin siya sa paligid—sa lumang silid na kinaroroonan niya, may mga antigong kasangkapang kahoy ngunit malinis at maaliwalas. Mababango ang kurtina at bagong palit. Ang lamig ng hangin mula sa bintana ay nagpaparamdam ng kaunting ginhawa sa kanyang balisa.“Now, you heard what you wanted to hear, umalis ka na ngayon din,” mabilis na ani ni Lorenzo habang prenteng nakaupo sa sofa.Nakasuot ito ng puting sando at maong na pantalon, pero kahit simple ang suot ay halatang mabagsik sa kilos. Hindi man lang siya tumingin sa babae, para bang sapat