Chapter 108Tahimik ang loob ng silid ng ospital, maliban sa mahinang tunog ng heart monitor sa tabi ng kama. Malinis ang paligid, puti ang mga dingding, at may amoy ng disinfectant na bahagyang kumakapit sa hangin.Dahan-dahang dumilat ang mga mata ni Cheska, agad na sinalubong ng malambot na ilaw sa kisame. Saglit siyang napatitig, parang hindi pa lubusang nauunawaan kung nasaan siya. May bahagyang kirot sa kanyang ulo at biglang bumalik sa isip niya ang huling alaala—si Azrael… dugo… ang pagpalo sa ulo nito.“Huwag ka munang bumangon. Mahiga ka lang at huwag ng matigas ang ulo kahit ngayon lang.”Napalingon siya sa tabi ng kama. Nandoon si Aiden, nakaupo sa isang maliit na upuan. Halata sa kanyang mukha ang pagod, may gaas pa sa braso nito at may maliit na hiwa sa gilid ng kilay. Ngunit sa kabila ng lahat, ang mga mata nito ay puno ng pag-aalala.“B-Bakit ka nandito? Si Azrael? Nasaan si Azrael?” agad na tanong ni Cheska, walang inaksayang segundo dahil gusto niya ng malaman ang tu
Nagsimula nang tumulo ang mga luha ni Cheska, tahimik pero sunod-sunod, hindi na niya napipigilan. Alam naman niya na kahit kailan ay wala siyang naramdaman na pagmamahal muna sa kanyang ina, epro ang malamang binenta siya nito ay para siyang pinatay ng ilang beses. Sa sarili niya, umaasa siya na darating ang pagkakataon na maramdaman ang yakap nito, ang pagmamahal nito at pag-aalaga, pero... ngayon, pakiramdam ni Cheska ay kahit kailan hindi na iyon mangyayare.“Bago ‘yan, gisingin niyo nga ‘yang lalaking ‘yan! Ano? Patay na ba ‘yan? Kanina pa tulog ‘yan, ah!” singhal ng lalaking may mamahaling relo. “Buhusan niyo na nga ng tubig!”Agad na tumalima ang isa sa mga tauhan. Bumuhos ang malamig na tubig sa katawan ni Azrael. Nataranta si Cheska sa ginawa nila. Pilit na binubuksan ni Azrael ang mata habang umuungol sa sakit. Halos hindi siya makatayo sa sariling upuan, at hirap na hirap ang paghinga niya.“Yan, gising na! Bugbugin niyo nga ulit!” utos ng matandang lalaki, natatawa pa sa i
Chapter 106“Baka makasira lang siya sa plano.”Rinig ni Cheska ang bulungan ng isa sa mga nakaitim na tauhan ng mga Buenavista. Bagamat hindi siya nakatingin sa kanila, malinaw sa pandinig niya ang tono—puno ng pagdududa, puno ng pangamba.Si Sean, na kanina pa tingin ng tingin sa kanya, ay halatang hindi rin kumbinsido. Para bang may gustong sabihin pero pinipigilan ang sarili.Kinagat ni Cheska ang labi, pilit na pinapakalma ang sarili. Nakasandal siya sa malamig na bakal ng sasakyang nasa likod niya habang naghihintay sa utos. Sa paligid, nag-aayos na ang lahat, lalo na ang mga baril na gagamitin.Walo lamang ang pinayagang sumama sa operasyon—at kabilang na si Cheska sa bilang na iyon.“Talaga bang sasama ka?”Napasulyap si Cheska kay Sean nang biglang lumapit ito sa kanya. Inaayos nito ang baril na nakakabit sa bewang habang diretsong tumingin sa kanya. “Sa lahat ng nandito, ikaw ang nakakaalam na bodyguard ako ni Azrael,” mahinahong tugon ni Cheska, tinatago ang kaba sa likod
Chapter 105“A-Ayoko pang umuwi.” Tumigil si Cheska sa paglalakad pagkasabi niya ng mga salitang iyon. Si Aiden naman ay natigilan at hindi makapaniwalang tumingin kay Cheska. Kitang-kita sa mukha nito ang gulat, ang pag-aalala, at ang kaunting inis na hindi na niya maitanggi.“Nababaliw ka na ba? Kita mo na nga ‘yung nangyari, diba? Umuwi ka na lang at babalitaan kita—”“Hindi ako makukuntento sa pagbabalita lang!” Napalakas ang boses ni Cheska, at kasabay ng sigaw ay ang muling pagbagsak ng luha mula sa kanyang mga mata. Napayuko siya, at sa pagtingin niya sa sarili niyang mga kamay, kitang-kita ang matinding panginginig nito—tila ba tinatablan ng lahat ng emosyon at takot na pinipilit niyang itago kanina pa.“K-Kanina, gustong gusto kong gumawa ng paraan para mahanap siya,” basag ang tinig niya habang patuloy sa pagluha, “kasi b-bodyguard niya ako, k-kailangan ko siyang protektahan.” Napakagat siya sa labi at mariing pumikit habang pilit pinipigil ang paghikbi.“Sinasabi ko na s
Chapter 104Kitang-kita ni Cheska kung paano hinawakan ng iba pang miyembro ng pamilya ni Azrael ang lola nila at sinubukang pakalmahin. Marami sila—kasama na ang mga pinsan at kapatid ni Azrael. Pati ang ilang mga tito at tita na ilang beses na niyang nakita noon ay naroon din, nakatayo, lahat ay may mabibigat na ekspresyon sa mukha.Tumingin si Cheska kay Daviah, ang mama ni Azrael. Wala roon ang papa nito—paniguradong abala sa pag-aasikaso ng lahat tungkol sa pagkakakidnap ni Azrael. Nakagat ni Cheska ang labi niya nang makita ang namumugtong mga mata ni Daviah, halatang-halata ang pagod at pag-iyak. Nang magtagpo ang mga mata nila, agad na iniwas ni Daviah ang tingin.Nahigit ni Cheska ang paghinga, sinusubukang pigilan ang nanlalamig niyang pakiramdam. Hindi niya maipaliwanag, pero tila ba dumadagundong ang puso niya sa kaba. Ang pakiramdam niya ay parang siya ang may kasalanan sa lahat. Parang lahat ng mata ay nanunumbat, naninisi—at sa bawat tingin, parang may tinik na bumabao
Chapter 103“T-Teka! Saan ka pupunta?” gulat na tanong ni Cris nang makitang naglakad si Cheska palabas ng bahay.Nanginginig ang kamay ni Cheska habang hawak ang cellphone, nangingilid ang luha sa mata habang patuloy sa mabilis na hakbang. Ang puso niya ay parang sasabog sa kaba, sa takot, sa hindi maipaliwanag na sakit sa dibdib. Ngunit bago pa siya tuluyang makalabas ng bahay, hinawakan siya ni Cris sa braso.“Cheska!” mariing tawag nito.Hindi na magawa ni Cheska na pigilan ang mga luha niya. Unti-unti na iyong bumagsak habang nakatitig siya kay Cris. “K-Kailangan ko siyang hanapin, Cris…” garalgal ang boses niya, puno ng takot at panik. Habang iniisip ang mga nangyaring engkwentro na nasaksihan niya at ang malupit na katotohanan na nabaril ito, talagang nagdulot ito ng pagkawala sa sarili ni Cheska. “I-Iyong mga taong iyon… gusto nila siyang p-patayin. K-Kailangan ko siyang mahanap—”“Cheska, aalis ka ng ganyan? Tignan mo nga ang sarili mo!” sagot ni Cris, pilit pinapakalma ang b
Chapter 102Isang linggo na mahigit ang nakalipas. Nakauwi na si Cheska kasama ang kapatid niya sa bahay nila.Napatitig si Cheska sa cheque na bigay ni Azrael noong una silang magkita, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya iyon nagagalaw. Masyadong maraming naitulong si Azrael sa kanya na hindi niya magawang galawin ang perang iyon. May parte kay Cheska na gustong gamitin iyon para makalipat na sila ni Nero sa mas maayos na lugar, pero mas malaki ang parte sa puso niya na gustong ibalik ang pera. Parang hindi tama na tanggapin pa niya iyon lalo na’t ang dami nang naitulong sa kanila ni Azrael, mula sa ospital, gamot.“Ibabalik ko na lang sa kanya ito kapag bumalik siya.” Nakangiting ani niya sa sarili habang maingat na nilalagay ang cheque sa isang envelope. Nilagay pa niya ito sa ilalim ng lumang aparador, sa isang kahong puno ng mahahalagang gamit.Pagkatapos mailagay sa maayos na lalagyan ay tinignan niya ang buong paligid. Maliit, luma at halos nag-aanay na ang paligid ng bahay, ng
Chapter 101- Last Memories? Or?“A-Ano bang itsura iyan?” Pagkabukas pa lang ni Cheska ng pinto ay halos umawang ang labi niya sa gulat. Napatigil siya saglit, para bang hindi makapaniwala sa itsura ng lalaking nasa harapan niya.Si Azrael—ang misteryosong, seryosong Azrael—ay nakasuot ng cartoon-themed pajama set na halatang pambata ang disenyo. Bugod pa sa damit, naka-shades ito sa kabila ng gabi na sa labas.Pero imbes na magpaliwanag, mabilis na pumasok si Azrael sa hospital room at diretsong naglakad papunta sa sofa na para bang may humahabol sa kanya.“Ano yan? Disguise? Sinong pinagtataguan mo?” natatawang tanong ni Cheska, pilit pinipigilan ang tawa niya habang isinara ang pinto.“Don’t laugh,” sagot nito nang nakasimangot habang inaalis ang shades at naupo sa sofa na parang gusto na lang maglaho sa hiya dahil sa suot.He dont want to wear those, pero kailangan lalo na at nasa hospital pa sila Cheska, baka kung anong maisip ng lola niya na gawin. Maraming pera si Azrael, magag
“Maayos ang naging operasyon ng kapatid mo. Congratulations, Iha.”Napasinghap si Cheska at napalapat ang palad sa bibig niya nang marinig ang balitang iyon. Para bang biglang lumuwag ang lahat ng iniipit sa dibdib niya. Muling pumatak ang luha sa mga mata niya, pero hindi na ito gaya ng kanina—hindi na ito luha ng takot o sakit. Luha ito ng tuwa, ng pag-asa, at ng ginhawang matagal na niyang inaasam.Naoperahan na ang kapatid niya. At higit sa lahat—successful iyon.Ibig sabihin, pwede na ulit itong mamuhay nang normal. Hindi na ito kailangan pagbawalan sa pagtakbo, sa paglalaro, o sa mga simpleng bagay na dapat ay normal sa isang bata. Pwede na uli itong ngumiti nang walang iniindang sakit. Pwede na uli siyang huminga nang masmaluwag.“T-Thank you po,” humihikbing sagot ni Cheska habang patuloy na pinupunasan ang luha sa pisngi.Ngumiti ang doktor na nanguna sa operasyon—ang Tita ni Azrael.“I’m so happy for you and of course, to your brother,” wika nito, taos-puso ang tono. “Pero wa