Share

Chapter 4 - New Home

last update Last Updated: 2024-06-24 21:08:31

CHAPTER 4

Sobrang saya ni Belinda nang makita niya ang lola niya at hindi lubos alam ni Belinda kung paano papasalamat si Van. Hindi sila magkakilala nang lubusan, pero halos mula noong nagkita sila ay puro mabubuting gawa ang pinakita ni Van sa kanya.

“Matutunaw ako sa titig mo,” napabalik sa sarili si Belinda nang marinig iyon mula kay Van na nanatiling nakatingin sa harap niya. Napaiwas siya ng tingin at tumingin na lang sa labas, pero napatingin ulit siya kay Van.

“Salamat kanina. Salamat kasi sinabi mong aalagaan mo ako. Hindi ko inaasahang sasabihin mo iyon. Mapapanatag na si Lola sa sinabi mo. Salamat talaga,” tuloy-tuloy na ani Belinda nang hindi na niya mapigilan ang sarili.

Mabilis lang na tinignan ni Van si Belinda bago ito magsalita.

“Hindi mo kailangang magpasalamat. Sinabi ko na, asawa kita kaya ko ito ginagawa lahat.” 

Hanggang ngayon ay hindi pa rin sanay si Belinda. Napatingin si Belinda sa daliri niya kung nasaan ang wedding ring nilang mag-asawa. Talagang asawa na nga niya ang istrangherong nasa tabi niya.

Nanatili na lang na tahimik si Belinda pagkatapos ng sinabi ni Van. Habang tahimik si Belinda ay nanatili naman sa pagdadrive si Van. 

Uuwi na raw sila. Hindi alam ni Belinda kung saan sila uuwi, pero dahil sa saya na naramdaman niya nang magawa niyang makipagkwentuhan nang matagal sa lola niya ay hindi na siya nagtanong pa at hinayaan na lang niya si Van kung saan siya dalhin nito.

“Welcome home, Sir! Congratulations sa kasal!” si Manang Rose, ang pinakapinagkakatiwalaan ni Van sa bahay niya. Tatlo ang kasambahay na nasa harap nila. Isang matanda at dalawang mas bata.

Halos malula si Belinda nang makapasok sila sa bahay ni Van.

May malaking chandelier sa itaas at napakalawak ng sala. Hindi lang dalawang palapag kundi tatlong palapag ang bahay ni Van.

Oo, napansin na ni Belinda noong una nilang pagkikita na mayaman siya, pero hindi niya inakala na ganito kayaman ni Van. Hindi niya lubos akalain na ganito kayamaan ang mapapangasawa niya.

“This is your Ma'am Belinda, my wife. Dumating na ba ang mga gamit ng ma'am niyo?” Tanong ni Van nang seryoso.

“Anong gamit?” takang tanong ni Belinda.

“Opo. Nasa loob na po ng kwarto niyo,” sagot ni Manang Rose.

“Okay,” simpleng sambit ni Van habang hawak pa rin ang kamay ni Belinda para hilahin ito pataas.

“Anong gamit?” muli niyang itinanong.

“Bumili ako ng mga bagong gamit mo na pwede mong magamit. Ikaw na ang bahala kung gusto mo pang kunin ang mga dating gamit mo.”

Umawang ang labi ni Belinda.

“Pero hindi naman kailangan—”

“I already brought it. Wala ka nang magagawa,” simpleng sagot ni Van.

Hindi maiwasang mapanganga si Belinda nang makita niya ang mga biniling gamit ni Van.

Sa dami ng paper bag, puno na ang malaking sofa sa malaking kwarto ni Van. Napatingin siya kay Van, pero nawalan siya ng sasabihin nang wala na siyang suot na pang-itaas.

“B-Bakit ka n*******d!” Gulat at medyo napalakas na tanong ni Belinda na siyang itinaas ng kilay ni Van.

“Maliligo na ako, gusto mo sumabay?” Si Van na may halong ngisi ang labi.

“Baliw ka ba? Bakit naman ako s-sasabay sa’yo? Maligo ka na nga kung maliligo, kailangan pa bang m-magpaalam?” Utal na ani Belinda dahil hindi niya maiwasang ibaba ang tingin kung nasaan malinaw niyang nakikita ang katawan ni Van.

Hindi maiwasang bilangin ni Belinda ang abs na nakita niya sa katawan ni Van. Namula na lang si Belinda nang marinig ang mahinang pagtawa ni Van. Nang inangat ni Belinda ang tingin sa mukha ni Van ay may naglalarong ngiti na sa labi ni Van na animo’y alam niya ang nasa isip ni Belinda.

“Maligo ka na lang kaya!”

Kitang-kita ni Belinda ang pagkagat ni Van sa labi niya at hindi tuloy niya maiwasang maalala ang halik na ginawa ni Van kanina sa harap ng mga bisita nila.

Biglang nanuyo ang labi ni Belinda nang maalala kung paano ipinasok ni Van ang dila sa loob ng bibig niya kaya binasa na lang ni Belinda ang labi niya at nag-iwas ng tingin.

“This is technically our honeymoon. I just want to inform you na hindi ko isasara ang pinto, that you are welcome to go inside if you want to take a bath with me.”

Bago pa makapagprotesta si Belinda sa sinabi ni Van, pumasok na ito sa banyo.

Napailing na lang si Belinda sa sinabi ng lalaki. Oo, tama na honeymoon nila ngayon, pero kahit baliktarin pa niya ang sitwasyon, ang kanilang kasal ay hindi tulad ng kasal ng karaniwang tao. They are both strangers to each other.

Pagkatapos maligo ni Van, sumunod naman si Belinda. Matapos maligo, napagtanto niya na wala siyang damit at tanging tuwalya lang ang pwede niyang itakip sa katawan.

Nahihiya man siyang lumabas na ganoon ay wala siyang nagawa. Lumabas siya at nadatnan si Van na prenteng nakaupo sa kama, nakatutok sa phone.

Mabilis na naglakad si Belinda para lumapit sa mga paper bag, pero hindi niya maiwasang kagatin ang labi nang maramdaman niyang nakatingin sa kanya si Van.

Himigpit ang kapit niya sa tuwalya at mabilis na naghanap ng pwedeng isuot. Sa unang paper bag, mga bagay na hindi pamilyar sa kanya. Sa sunod na binuksan niya, mga lotion at iba pang pangangailangan sa katawan.

Hindi maiwasang itutok ni Van ang atensyon kay Belinda habang naghahanap ito ng damit. Sinubukan ni Van na tanggalin ang tingin, pero bumabalik ito dahil sa kanyang mapuputing asawa.

Asawa. Asawa niya ang babae sa harap niya. Mula sa kanyang kinauupuan, amoy niya ang shower gel ng asawa, hindi alam ni Van kung bakit sobrang bango iyon para sa kanya, parang gustong lapitan.

Kinagat ni Belinda ang labi nang mapansin ang pagtayo ni Van at paglapit nito.

“You want help?” Nanghina ang boses ni Belinda nang maramdaman niya ang hininga ni Van sa gilid ng tenga.

“K-Kaya ko na ‘to—”

“Really?” Ilang mura ang naisip ni Belinda nang maramdaman ang kamay ni Van sa kanyang bewang, pero hindi niya maipaliwanag ang sarili nang kusang gumalaw ang ulo niya para itagilid.

Dahil sa pagtagilid ni Belinda ng ulo, mas madaling makarating kay Van ang leeg niya.

Sandaling natigilan si Van, pero bumaba ang tingin sa maputing leeg ng asawa. Inamoy niya ito.

Hanggang sa hindi na niya mapigilan ang sariling halikan ang leeg ng asawa. Pansin ni Van kung gaano naapektuhan si Belinda sa paghalik niya, kaya hindi na siya nag-aaksaya ng oras. Iniharap niya ang asawa sa kanya at inangkin ang labi niya.

Alam ni Van na hindi tulad ng ibang babae si Belinda kaya kanina, imbes na sa labi ay sa noo niya ito hinalikan. Wala namang plano kanina si Van na halikan ito sa labi sa harap ng mga bisita, pero hindi niya nagustuhan ang bawat salitang sinabi ng mga kamag-anak ni Belinda kaya niya nagawa iyon.

Ang kamay ni Van ay nagsimulang gumalaw. Naglakbay ang kamay niya at tanging ang tuwalya lang ang nakaharang para mahawakan niya ang mismong katawan ng asawa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Mhiles Mhiles
sna ol may rich husband
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
hula ko matagal ka ng gusto ni van belinda kaya nga ok lang sa kanya na makita yong ex girlfriend nya at ng ex boyfriend mo diba dahil ikaw talaga ang mahal ni van kaya inaya ka kaagad ng kasal
goodnovel comment avatar
Mhona Quilatan Camarig
very nice i love it
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 284 - Necklace and Ring

    Halos hindi siya makapagsalita nang bigla nitong makita ang pamilyar na kwintas, kwintas na akala niya ay hindi na niya makikita.Naiiyak nanaman siyang tinignan si Paul at saka muling tinignan sa hawak nito, ramdam ang kabog ng dibdib niya and all she want is to get it from him dahil una pa lang naman ay pagmamay ari niya yun.“N-Nasayo pa yan?” Hindi makapaniwalang tanong ni Dia dahil pitong taon na ang nakalipas, but his first gift to her was still there.Binalik niya yun noon, pero hindi niya talaga naisip na makikita pa niya ito. Ramdam niya ang init at lambing sa bawat kilos ni Paul, bawat galaw ng kamay nito, bawat tingin na ibinibigay sa kanya ay punong-puno ng pagmamahal at alaala ng nakaraan.“Hmmm. Huwag mo na ibalik sa akin ‘to,” he said gently and removed the lock bago ipwesto ang sarili sa likod ni Dia para mailagay yun. “Don’t fvcking remove this again,” mariing sambit, pero nandoon pa rin ang pag-iingat ni Paul. Halos nanginginig si Dia sa sobrang saya at emosyon.She

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 283 - Wallet

    Now, Paul looks like he is really frustrated, nagtatampo at halos magdugtong na ang kanyang kilay sa iritasyon.Pero sa likod ng frustration, ramdam ni Dia ang pagmamahal at concern na hindi niya maitatanggi. Every line of his expression spoke of care, of a desire to protect, of an emotion too deep for words. She felt the warmth of his body, the nearness of his presence, and it made her chest tighten with a mixture of excitement and comfort.“Hindi ko siya sasagutin,” malambing nang sambit ni Dia na siyang ikinatigil saglit ni Paul. Halos makita sa mga mata ni Paul ang pagkatigil lalo na at ramdam rin niya ang lambing sa tinig ng babae. The soft tone, the gentle lilt in her voice, made his frustration soften just a bit. She leaned slightly closer, feeling the tension.“Thali said—”“Sino paniniwalaan mo? Si Ate o ako?” Taas na ang kilay na tanong ni Dia, na siyang ikinanguso ni Paul, na kahit pinapakita nito na galit ay parang biglang tumiklop sa tanong ni Dia.Ramdam ni Dia ang saya

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 282 - Lalake

    “Pag-usapan natin ang lalake mo,” pag-uulit pa ni Paul kaya naman napasimangot na si Dia at gusto na lang umirap bigla.Ramdam niya ang tensyon sa paligid nila, pero hindi niya kayang pigilan ang sarili sa pagkakaroon ng ngiti sa kanto ng labi niya. She couldn’t help but let a small smile tug at her lips, feeling a mix of amusement and warmth as she looked at him.The familiar pull of his gaze made her heart flutter, reminding her just how much she had missed moments like this.“Wala akong lalake—-” She tried saying, pero hindi niya natapos dahil sa agad na pagsabat ni Paul.“Kaya pala nakipagkita ka sa kanya kagabi.” He said, busangot na ang mukha, each word sharp but layered with concern. Ramdam ni Dia ang pag-iingat niya kahit na halata ang galit, and it made her chest soften.Natawa ulit si Dia ng mahina, a soft laugh that came out more from nerves than amusement.“Oo, pero hindi ko ng siya lalake—”“You don’t know how I fvcking tried my best not to go and pull you away from that

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 281 - Pakasalanan

    Ang tingin niya kay Paul ay puno ng halo-halong damdamin...galit, pangungulila, at pagmamahal na matagal nang pinigilan. Ramdam niya kung paano kumakaba ang dibdib niya sa bawat sandali, habang ang init ng katawan ni Paul ay nagbabalot sa kanya, nagbibigay ng comfort at kasabay ng tensyon na lumalabas sa bawat salita.“And now you are smiling?! Anong nakakatawa—-” Hindi natuloy ni Dia ang sasabihin nang halikan siya ni Paul ng mariin at malalim, saka pinahiga.Ngayon ay umibabaw na si Paul, at ang bawat galaw niya ay puno ng pangangalaga at lambing, while the kiss was overflowing with emotions he had held in for so long.Without any warning, without restraint, it was as if every suppressed sigh and hidden feeling had been poured into that kiss, every ounce of longing and passion finally released.After that kissed, Paul looked at Dia again, eyes searching hers for any hint of doubt, kahit ang pinakamaliit na pag-aalinlangan.Si Dia naman ay nakahiga, hinihingal galing sa paghalik at h

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 280 - Sorry

    She even didn’t know how to explain everything she felt. Halo-halo ang emosyon niya, tuwa, ginhawa, pangungulila, at takot na baka panandalian lang ang lahat. But one thing is for sure, masaya siya at namimiss niya lahat ng ito, bawat sandaling magkasama sila, bawat tingin, bawat hawak na matagal niyang ipinagkait sa sarili.Dia also missed these feelings. Yung feeling na gigising siya sa tabi ni Paul, na pagmulat pa lang ng mata ay may makikita siyang pamilyar na mukha.Yung pakiramdam na kahit hindi pa siya nagsasalita ay naiintindihan na siya, na sapat na ang isang tingin para malaman kung ano ang nasa isip at puso niya.Sinubukan ni Dia na huwag maging emosyonal habang dinadama ang pakiramdam na subra niyang na-miss, pakiramdam na gustong-gusto niyang maramdaman ulit. Pinilit niyang huminga nang malalim, pinilit niyang maging matatag. But then, she felt her eyes watered, unti-unting lumalabo ang paningin niya.Hindi niya mapigilan ang biglang pag-ipon ng luha, parang may bumabalik

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 279 - Start

    “Stop staring at me,” Dia groaning while saying that at pilit na tinatago ang buong mukha sa kumot at unan, but Paul just chuckle. Kahit ilang beses pa niyang ibaling ang mukha sa unan, ramdam pa rin niya ang presensya ni Paul, ang init ng katawan nito at ang tahimik pero mapangahas na titig.What happened last night was too much for Dia, masyado na siyang masaya kagabi at ngayon? Mas lalo pa siyang nagiging masaya dahil sa nagising siyang ansa tabi niya si Paul.Nagising siya na nasa tabi niya si Paul, nakaunan siya sa braso nito at nakatitig si Paul sa kanya."Para kang tanga!" Kunwari ay iritas na lang na sambit ni Dia, kahit sa totoo lang ay mas nangingibabaw ang kaba at kiliti sa dibdib niya kaysa sa inis. Pilit niyang pinapanatili ang arte niyang pagsusungit, kahit unti-unti na malayong malayo roon ang nararamdaman niya.'Sige pa, tumitig ka pa,' sa isip pa ni Dia dahil gusto niyang sa kanya lang ganito si Paul.Hindi naman siya mahiyain, God knows that she is not that shy type,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status