Share

Chapter 16

Sinipat ni Zeke ang sarili mula sa salamin. Nakasuot siya ng kulay abong V-neck shirt at saka pinatungan niya iyon ng leather jacket. Tinernuhan niya iyon ng pantalon at rubber shoes. Simple lang ang kanyang suot ngunit hindi maitatangging mamahalin ang mga iyon. Sinipat niya ang kanyang napakagwapong mukha sa salamin bago humakbang palabas ng kanyang silid at tinungo ang kwarto ng kanyang asawa.

"Alora?" Kumatok ng tatlong beses si Zeke sa pintuan ng kwarto ng kanyang asawa.

Ilang sandali lang ay bumukas naman ang pinto. Bumungad sa kanya ang napaka-among mukha ng kanyang misis. Nakasuot ito ng kulay asul na blouse na tinernuhan niya ng pantalon at kulay puting rubber shoes.

"Let's go?" Gumuhit ang ngiti sa labi nito.

"Huwag na muna tayong lumabas ngayon, Zeke."

Agad namang nawala ang ngiti ni Zeke.

Lumipas na rin ang mahigit dalawang linggo mula nang mangyari ang tagpo sa rooftop. At napagkasunduan nila na kikilalanin nila ang isa't-isa. Kaya naman sa mga lumipas na araw, pagka
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status