Agad napansin ni Alora na wala na ang suot niyang bracelet. Kaagad niya iginala ang kanyang paningin. Ilang sandali lang ay natagpuan niya iyon malapit sa kama. Gumuhit ang pag-aalala sa mukha niya nang makitang napigtas na iyon. "Nasira mo yata 'tong regalo ni Miss Ravina sa'kin." Malumanay ang pagkakasabi niya na para bang wala sa sariling nasabi niya iyon. Ni hindi niya tinapunan ng tingin ang kasama. Nanatili sa bracelet ang atensiyon nito. "Let me see." Agad namang lumapit sa kanya si Zeke. Hindi namang umimik si Alora. Nanatili siya sa ginagawa nitong pag-ayos sa bracelet. Hinawakan ni Zeke ang kamay niya dahilan para mapatingin ito sa kanya. Nang magtagpo ang kanilang mga mata ay kinuha nito ang bracelet na hawak ni Alora. "Ipapaayos ko 'to bukas." Hindi na niya hinintay na makasagot ang kabiyak. Mabilis niyang inilagay sa bulsa nito ang polseras. "Tara na, siguradong ready na ngayon ang dinner sa rooftop." Inihad pa nito ang kamay niya sa kanyang misis. Puno ng pag-aala
Sinipat ni Zeke ang sarili mula sa salamin. Nakasuot siya ng kulay abong V-neck shirt at saka pinatungan niya iyon ng leather jacket. Tinernuhan niya iyon ng pantalon at rubber shoes. Simple lang ang kanyang suot ngunit hindi maitatangging mamahalin ang mga iyon. Sinipat niya ang kanyang napakagwapong mukha sa salamin bago humakbang palabas ng kanyang silid at tinungo ang kwarto ng kanyang asawa. "Alora?" Kumatok ng tatlong beses si Zeke sa pintuan ng kwarto ng kanyang asawa. Ilang sandali lang ay bumukas naman ang pinto. Bumungad sa kanya ang napaka-among mukha ng kanyang misis. Nakasuot ito ng kulay asul na blouse na tinernuhan niya ng pantalon at kulay puting rubber shoes. "Let's go?" Gumuhit ang ngiti sa labi nito. "Huwag na muna tayong lumabas ngayon, Zeke." Agad namang nawala ang ngiti ni Zeke. Lumipas na rin ang mahigit dalawang linggo mula nang mangyari ang tagpo sa rooftop. At napagkasunduan nila na kikilalanin nila ang isa't-isa. Kaya naman sa mga lumipas na araw, pagka
Hindi mapalis ang matamis na ngiti ni Zeke habang nakatingin kay Alora. Kasalukuyan silang magkatabing nakaluhod sa loob ng simbahan. Habang taimtim na nagdarasal ang kanyang misis ay hindi nito tinanggal ang titig nito sa kanya na para bang isang magandang tanawin. Matapos mag-sign of the cross si Alora ay agad itong lumingon sa kanya. "Tapos ka na magdasal?" Matamis ang ngiting iginawad nito. "Hindi pa." Umiling pa si Zeke kasabay ng kanyang tugon. Pinagsalikop ni Zeke ang kanyang dalawang palad at saka pumikit. "Lord, thank you for bringing the lady kneeling beside me into my life. " Hindi naman naiwasang mapangiti lalo ni Alora dahil sa narinig. "Kaya lang Lord, she's still doubtful. Alam niyo po ba? Kasal kami pero parang hindi. Sana Lord, dumating na 'yong time na ma-realize niyang mahal din niya ako." Humawak si Alora sa braso nito. Nang magmulat ng mata si Zeke at lumingon sa kanya ay binigyan niya ito ng masuyong tingin. "Nagpasalamat din ako sa Kanya kasi nakilala
"Come in, Miss Ravina. Kanina pa kita hinihintay." Iginala ni Richelle ang kanyang paningin. Maliwanag sa loob ng conference room subalit tanging si Artheo Pueblo ang nadatnan niya roon. Dumagundong ang kaba ni Richelle. Nararamdaman niyang may iba. Nararamdaman niyang may mali. "Please sit down." Kalmante naman ang boses at kilos ni Artheo habang nakatayo sa harap. "Na'san ang mga ka-meeting natin, Mister Pueblo?" Doon na nag-angat ng tingin si Art. Nagtama ang kanilang mga mata at saka umarko ang gilid ng labi nito. "The meeting is only between the two of us, Miss Ravina." Lalong dumagundong ang kaba ni Richelle. "The agenda of the meeting is about knowing the thruth." Hindi nito inalis ang titig kay Richelle. Napalunok na lamang si Richelle. Maya-maya lang ay nag-flash ang isang litrato sa malaking LED screen. Larawan iyon ni Kenneth Quino. May kasama itong babae ngunit nakatalikod mula sa kumuha ng litrato. Gayunman, alam na ni Richelle na siya ang babaeng iyon. Kilala
"I recieved the sample of invitation yesterday. Bakit nabago ang venue ng event? " Sumandal si Zeke sa labas ng kanyang kotse. Nakatapat sa kanyang tainga ang cellphone na hawak ng kanyang kanang kamay at ang isang kamay naman nito ay nakapamulsa. ["Hindi po kasi available ang hotel na gusto niyo, sir. Kaya po naghanap kami ng iba."] "Kaya bang i-accomodate ng hotel ang mga activities?" ["Yes sir. Actually po, mas malawak at mas maganda ang mga facilities ng Cerie.] "Okay. Make sure that everything in the event will be fine." ["Yes, sir."] "At ginawa mo ba ang pinakaimportanteng bilin ko, Art?" ["Yes sir. Every thing is already settled."] "Okay, good! Very good, Art." ["Oo nga pala sir, may problema sa Melendrez Corp."] "What it is?" ["Nadiskubre po ang nawawalang pondo. Marami na pong investor ang gustong mag pull out ng share nila, sir. Kung magtutuloy po ito, malulugi po sila. Anong gagawin natin, sir?" "Send to me the further details. Aaralin ko muna then after that I w
Bumungad kay Alora ang sampung palapag na kulay kremang gusali. Sa itaas ng malaking pintuan nito sa ground floor ay makikita ang salitang CERIE na ang bawat letra nito ay nasa malalaking titik. Simple lamang ang hitsurang panlabas ng gusali ngunit napaka-presko naman sa paningin ang mga puno at halaman na nasa paligid nito. "The hotel looks new." Agad na nasaad ni Zeke nang lumapit sa kanila si Art. "Yes, sir! Halos tatlong buwan pa lamang po mula noong magbukas ito." "But don't worry, sir. The facilities of the hotel are good." Kaagad rin niyang turan. Tumango-tango naman si Zeke. Maya-maya lang ay lumabas na rin mula isang mini bus na pag-aari ng kompanya ang higit sa benteng empleyado ng kompanya. Nang lumakad papasok sa hotel sina Alora, Zeke, Art at Richelle ay sumunod na rin sa kanila ang mga empleyado. Pili lamang ang mga empleyado na kasali sa event. Bahagi lamang ito ng malaking pagdiriwang sa anibersaryo ng kompanya. "Welcome to Cerie Hotel!" Sabay-sabay ang masigla pa
Ipinagsawalang-bahala na lamang ni Zeke ang nakita niya at sinaluhan niya si Alora sa pagkain. Matapos iyon ay nagsipaghanda na sila para sa seminar. Halos hindi na sila nagdaupang palad nang magsimula na ang seminar. Si Zeke ang speaker kaya nanatili na lamang si Alora sa tabi nina Art at Richelle. Itinuon na lamang niya ang tingin sa kanyang mister ngunit nang lumipas ang oras ay tila ba nanlabo ang kanyang paningin. Ikinurap-kurap nito ang kanyang mata na nataon namang nakita ni Artheo Pueblo. "Ayos ka lang ba ma'am Alora?" Mababakas ang pag-aalala sa tinig ni Art. "Ayos lang ako, medyo nahihilo lang ako ng konti." Pinilit ngumiti ni Alora. "Do you want to go out, ma'am?" "Hindi na. Kaya ko naman." Ibinalik ni Alora ang tingin sa kanyang mister. "Mga thirty minutes pa po siguro ito, ma'am." "Okay lang." Hindi niya inalis ang tingin kay Zeke. Maya-maya lang ay nag-abot ng bottled water si Art sa kanya. Liningon at ngitian niya ito ng tipid bago niya iyon tinanggap. Hindi n
"What the hell are you doing here?!"Mabilis na hinablot ni Zeke ang tuwalya na nakasampay sa headboard ng kama. Tila napapaso rin itong umalis roon. Taranta rin nitong itinapis ang tuwalya sa kanyang beywang."S-sir." Nagsimulang mangislap ang mata nito na para bang anumang oras ay tutulo na ang luha nito."Answer me, Miss Ravina!" Hindi naitago ni Zeke ang galit. "Dinala mo ako dito, sir." Napayuko ito. "You kissed me and brought me here. You even carried me, sir." Napahikbi ito.Pilit inalala ni Zeke ang mga nangyari kagabi.Dumaloy sa isip ang ginawa niyang pakikipagbalikan sa hall. Sumunod niyang naalala ang paglalakad niya ang buhat niya in bridal ang isang babae.Napahilot siya ng sentido at pilit inalala ang mukha ng kasama ngunit naging malabo iyon sa kanyang isip.Pinilit nitong alalahanin ang buong pangyayari ngunit naramdaman na niya ang pagkirot ng kanyang ulo."No! It's not you! Si Alora iyon. Si Alora ang kasama ko kagabi!""Umalis po si ma'am Alora, sir."Dumaloy sa al