Share

Chapter 5

Author: Lhiamaya
last update Last Updated: 2022-12-26 08:20:29

Maggie

MATULIN NA lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Sumama na si ate Mikay kay kuya Austin sa Manila. Pero pabalik balik sila dito sa Isabela para asikasuhin ang kanilang kasal. Dito kasi nila gustong ikasal at syempre isa ako sa abay. Yun nga lang minsan kapag uuwi sila ate Mikay at kuya Austin dito ay kasama nila si manong Dan na malakas mangasar. Nasisira tuloy ang araw ko. Tapos madalas pa syang kampihan ni tatay. Sobrang close na nga nila ni tatay. Pati si nanay close na rin nya. Apakafeeling talaga. Ibang iba sya kay kuya Ace na sobrang bait sa akin.

Gaya ngayon, nandito na naman sya sa bahay. Kasama sya nila ate Mikay at kuya Austin umuwi. Kakwentuhan nya si tatay sa harap ng tindahan. Tuwang tuwa pa nga si tatay sa kwento nya eh. Binibida nya yung mga karanasan nya noong nagti-training sya sa pagsusundalo. Pinasok daw kasi sya ng lolo nya dahil pangarap daw nito na maging sundalo sya. Si tatay naman all ears sa pakikinig sa kanya dahil pangarap din nito magsundalo dati. Pero hindi lang natuloy dahil nakilala nito si nanay at ayaw ni nanay ng sundalong asawa.

"Nung nalaman nga ng general na hindi na ako tutuloy sa pagsusundalo nanghinayang sya."

Huu bangkero.

Napanguso ako habang ngumunguya ng tsitsirya. Nakasandal ako sa hamba ng pinto habang pasimpleng nakikinig sa kwentuhan nila. Wala akong pasok ngayon kaya pakain kain lang ako. 

"O bakit nakanguso ka dyan?"

Nilingon ko si kuya Austin na nasa gilid ko na pala. Nakangisi sya sa akin.

"Bangkero yang kaibigan mo kuya, nagtraining daw sya sa pagsusundalo dati." Sabi ko sa tonong tila nagsusumbong.

Natawa naman sya. "Totoo naman yun. Dalawang taon din syang nagtraining."

"Talaga? Hindi halata sa kanya ah. Mukha nga syang walang alam kundi kumain, magpapogi at magpalaki ng katawan eh."

Lalo pang natawa si kuya Austin sa sinabi ko. "Dan is a well respected businessman. Mukha lang syang happy go lucky pero matinik yan sa pagnenegosyo at isa ding haciendero sa Bicol."

"Ah." Usal ko. Bigatin pala tong si manong. Hmph! Eh ano naman? Nakakainis pa rin sya! Muli akong napanguso.

"Bakit sumama sya sa inyo ni ate dito kuya? Hindi ba sya busy? Kasi sabi mo negosyante sya."

"Ewan ko dyan, mukhang nagustuhan nya yata itong probinsya nyo. Ang alam ko may balak syang magtayo ng negosyo dito. Bakit ayaw mo bang pumupunta sya dito."

Sumimangot ako. "Ang lakas nya kasi mang asar minsan eh. Nakakainis!" Sabi ko.

Ngumisi naman si kuya Austin. "Naku-cute-an lang yan sa'yo."

Mas lalo lang akong sumimangot habang sinisimot ang mumog ng cheeze it.

"Pero kung gusto mo para makabawi ka sa pang aasar nya, asarin mo rin." Nakangising  dagdag ni kuya Austin sabay kindat.

Ngumuso naman ako. "Papagalitan lang ako ni tatay."

"Eh di simplehan mo lang." Aniya at marahan akong tinapik sa ulo. "Sige akyat na muna ako sa taas baka gising na ang ate mo hanapin ako." Paalam nya.

Tinanguan ko naman sya.

Makapagsaing na nga lang.

Nilamukos ko ang balat ng tsitsirya na wala ng laman. Umalis na ako sa harap ng pinto at tumungo sa kusina para magpaningas na ng kahoy at makapagsaing na. Para pagdating ni nanay ay ulam na lang ang lulutuin. Sumaglit kasi sya sa pamilihan para bumili ng ulam. Malamang dito rin kakain si manong. Hmph! May kalaban na naman ako sa lamesa. Ano kayang ulam ang lulutuin ni nanay?

APAT NA LANG kaming naiwan sa hapag kainan. Si tatay, si nanay, ako at si manong. Si ate Mikay kasi at kuya Austin ay nauna ng umakyat sa kwarto ni ate. Nagsuka kasi si ate eh. Nasa kapanahunan na kasi sya ng paglilihi sabi ni nanay. Halata na nga rin ang umbok na tiyan nya.

"Alam mo Cora, nakakatuwa tong si Dan. Muntik na pala itong magsundalo." Pagbibida ni tatay kay manong. Napataas kilay na lang ako.

"Talaga?" Tanong naman ni nanay.

"Opo Aling Cora, hindi lang ako natuloy dahil namatay ang mga magulang ko sa aksidente at kailangan kong patakbuhin ang mga negosyong naiwan nila." Natatawang sabi ni manong Dan sa pagitan ng pagsubo ng pagkain.

Binaba ko naman ang kilay ko. Kawawa naman pala sya. Ulila na.

"Sayang no, kundi namatay ang mga magulang mo sundalo ka na panigurado." Sabi ni tatay.

"Malamang po Mang Berting."

"Naku ito ngang si Berting pangarap din noong magsundalo noong hindi pa kami

nagkakilala. Pero noong nanligaw at nalaman ko yun ay binasted ko na. Ayokong magkanobyo o magkaasawa ng sundalo. Mahirap. Araw araw kang mag aalala. Hayun hindi na nya tinuloy ang pangarap nyang pagsusundalo. Pinili nya ako kesa sa pangarap nya. Sana lang ay hindi sya nagsisisi." Mala MMK na kwento ni nanay.

"Aba'y syempre hindi. Kung tinuloy ko ang pangarap ko eh di hindi kita naging asawa. Wala akong anak na dalawang maganda." Sabi naman ni tatay.

"Dalawang maganda? Eh si Mika lang po ang nakikita kong maganda." Sabat ni manong na ngingisi ngisi pang sumulyap sa akin.

Napadiin tuloy ang kagat ko sa pobreng ulo ng piniritong galunggong habang matalim na tumingin sa kanya.

"Grabe ka sa bunso ko. Aba, maganda din yang si Margarette ko kahit medyo malusog. Marami ngang nagtatangkang manligaw dyan eh natatakot lang dahil iitakin ko sila. Hindi pa pwedeng ligawan ang bunso ko may gatas pa yan sa labi." Ani tatay.

Nagtaas noo ako kay manong, feeling proud dahil sa sinabi ni tatay. May mga gusto naman talagang manligaw sa akin. Ang iba nga ay nagpapaalam pa kay nanay at tatay. Hindi lang natutuloy dahil pinagbawalan sila ni tatay dahil bata pa raw ako.

"Maraming manliligaw huh."

Dinig kong bubulong bulong na sabi ni manong.

"Maganda kasi ako." Usal ko sa kanya at pasimpleng dumila.

"Tama si Mang Berting, hindi ka pa dapat magpaligaw dahil bata ka pa. Pag aaral muna ang atupagin mo." Bida-bidang sabi ni manong.

Pasimpleng iningusan ko sya. "Alam ko po yun manong." Sabi ko at diniinan ang salitang manong na ikinangiwi nya. Imbes na tawagin ko syang kuya ay manong na lang. Pang asar sa kanya.

"Eh bakit kayo manong hindi pa nag aasawa e matanda na kayo?" Dagdag ko pa at diniinan ang salitang matanda.

Napaihit sya ng ubo. "Uhuk! Hindi pa ako matanda, thirty two pa lang ako." 

"Matanda na nga!" Halos sabay pa naming sabi ni tatay. Tumawa pa si tatay habang ako ay ngising ngisi.

Nawala naman ang ngisi ni manong.

Nakitawa na rin si nanay. "O wag nyo nang pagtulungan si Dan, baka hindi pa dumarating ang babae para sa kanya."

"Bata pa naman po ako Aling Cora, Mang Berting." Sabi na lang ni manong na bahagya na ring nakanguso habang pinapapak ang pritong galunggong.

"Noong kapanahunan namin, nasa edad bente pa lang kami pinagtutulakan na kami ng mga magulang naming mag asawa." Sabi ni nanay.

"Pero may panahon pa naman para makahanap ng babaeng para sa kanya itong si Dan. Baka nga may nakita na. Sa gwapo ba naman nitong batang to, aba'y malamang maraming babae ang magkakandarapa. Yung nga lang mga kapitbahay nating mga dalaga at kahit may asawa na ay parang mga naiihi kapag nakikita itong si Dan." Ani tatay.

Napataas kilay na lang ako sa mga sinabi ni tatay. Puring puri nya talaga si manong. Kulang na lang ampunin na nya ito eh.

Nag angat ako ng tingin kay manong na nasa harap ko. Nakatingin sya sa akin at ngumisi sabay kindat. Lalong tumaas ang kilay ko at nginusuan sya sabay irap.

Ganito ang simpleng asaran namin minsan. Pero minsan pikon na pikon ako sa kanya eh. Pero minsan naman mabait sya sa akin. Gaya ng isang beses nya akong tinulungan sa homework ko ng maabutan nya akong gumagawa nito. Yun nga lang mas madalas malakas syang mang asar kesa sa mabait sa akin. Pakiramdam ko nga sumasama lang sya kanila ate at kuya Austin pauwi dito para lang bwisitin ako. Pero ang sabi ni kuya Austin ay may pinaplano daw syang negosyo dito sa probinsya namin.

Nagkibit balikat na lang ako at tinuloy ang pagkain habang pasimpleng nakikipag asaran sa kanya sa pamamagitan ng tingin.

*****

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nerissa Quinn
pls paunlock naman po
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Sweet Karma   Special Chapter 2

    FIVE YEARS LATER.. DAN"MARGO ANAK come here!" Tawag ko sa anak kong babae na tatlong taong gulang na. Kanina pa sya nagtatakbo at nakikipag laro sa kapwa bata. "Wait lang po daddy." Sigaw ni Margo na tuloy pa rin sa pakikipag habulan. Ang hindi ko lang nagugustuhan kapag nahabol na nya ang kalarong batang lalaki ay niyayakap nya. "Margo anak -- ""Dadadadada!" Nilingon ko sa dalawang stroller ang kambal na siyam na buwang gulang na. Parehas silang maingay. Si Damon ay hinahampas na sa stroller ang feeding bottle nyang wala ng laman. Si Damien naman ay tinataktak ang feeding bottle nyang may laman pa. Lumapit ako sa kanila. Kinuha ko ang mga feeding bottle nila. "Dadadadada." Daldal ni Damon na inaabot ang feeding bottle nyang kinuha ko. "Wait lang anak, magtitimpla lang si daddy." Sabi ko at agad ng tinimplahan ng panibago ang feeding bottle nya. Pagkatimpla ko ay binigay ko na sa kanya na agad naman nyang sinubo. Tahimik sya kapag may dede. "Dada mama." Daldal naman ni Dami

  • My Sweet Karma   Special Chapter 1

    MAGGIETUWANG TUWA ako sa pinapanood ko sa cellphone habang kumakain ng makopa. Ala sais na ng gabi pero bigla akong naglaway sa makopa. Mabuti na lang nagpadala kahapon si ate Nika ng makopa sa driver nya. Naubos na kasi yung hiningi ni Dan noong isang linggo. Hinimas himas ko ang malaki ko ng tiyan. Walong buwan na ang tiyan ko pero nagkicrave pa rin ako. Kumuha ulit ako mg makopa sa bowl at sinawsaw sa asin. Napapaungol pa ako sa sarap ng makopa. "Maggie, anong gusto mo sa sinigang may gabi o wala?" Tanong ni manang Oreng na galing sa kusina at may suot na apron. "Yung may gabi po manang." Sabi ko. "O sige, lalagyan ko ng gabi." Aniya at bumalik na sa kusina. Binalik ko ulit ang atensyon ko sa pinapanood sabay tawa ng malakas. Nakakatawa kasi ang pinapanood ko. Isa syang korean reality show. At talaga nga namang nakakaaliw ang mga pinaggagawa ng mga cast. "Mahal, I'm home!" Lumingon ako ng marinig ang malaking boses ni Dan. Nakauwi na pala sya at may bitbit na brown bag. Mal

  • My Sweet Karma   END

    MAGGIE"WUHOOO! MABUHAY ang bagong sakal -- este kasal!" Malakas na boses na sabi ni kuya Pierre at tinaas ang hawak na champagne glass. "Mabuhay!" Sabay sabay na sabi naman nila kuya Austin, kuya Ace, kuya Lex, kuya Seb at Dan at pinagpingki ang mga champagne glass na hawak nila. Kami namang mga asawa na nasa tabi nila ay nagpalakpakan. Mesa yata namin ang pinakamaingay dito sa reception. Sila tatay at nanay naman ay nasa kabilang mesa kasalo sila lolo Alberto at uncle Ben. Ang mga kaibigan ko naman ay nasa ibang mesa din na di malayo sa amin at maingay. Kasalo nila si Sandy at ilang mga kaklase ko noong senior high. Mabilis agad silang nagkasundo lahat. Napapansin ko pa nga si Jude at Sandy na madalas mag usap. Mukhang magkakadevelopan pa ang dalawa. Wala namang masama dahil parehas silang single. Hinapit ako ni Dan sa bewang sabay halik sa tuktok ng ulo ko. Tiningala ko sya at nginitian. Ngumiti din sya sa akin at muli akong hinalikan sa noo. Inulan naman kami ng tuksuhan. Nag i

  • My Sweet Karma   Chapter 45

    WEDDING DAY.. DANPABALIK BALIK ako sa salamin habang sinisipat ang hitsura ko kung ayos na. Lalo na ang barong na suot ko. Pinasadahan ko ng daliri ang buhok kong bagong gupit. Bagong ahit din ako kaya malinis na malinis ang mukha ko ngayon. Gusto kong maayos ang hitsura ko at gwapong gwapo kapag nagkita kami ni Maggie sa harap ng altar mamaya. Humugot ako ng malalim na hininga. Kinakabahan ako na nae-excite. Ito ang pinakahinihintay kong araw. Ang araw ng kasal namin ni mahal. Tok! Tok! Nilingon ko ang pinto. Bumukas ito at sumilip ang binabaeng staff ng wedding planner na inupahan ko. "Sir, oras na po para bumaba." Aniya sa malambot na boses. Ngumiti ako. "Bababa na ko." Tumango lang ang staff at ngumiti saka sinarado ang pinto. Muli kong tiningnan ang sarili sa life sized mirror. Inayos ko ang manggas pati ang relong suot.Natawa ako sa sarili ko. Dati wala akong pakialam kung ano ang hitsura ko sa suot ko kahit kameeting ko pa ang mga executives. Ganun ako kaconfident. P

  • My Sweet Karma   Chapter 44

    MAGGIENAGMANO SI Dan at kuya Austin sa matandang foreigner na bagong dating. Kami namang naroon ay curious sa kung sino ang matanda. Humarap sa akin si Dan katabi ang matandang lalaki na nakangiti na. "Lo, sya ang girlfriend ko. Si Margarette Caperiña. Mahal, ang lolo ko si Alberto Acosta." Pakilala sa akin ni Dan sa matandang lalaki na lolo pala nya. Tumayo ako at nahihiyang lumapit. Kinuha ko ang kamay ng matanda at nagmano. "Nice to meet you po sir." Magalang na sabi ko at kiming ngumiti."Lolo na lang din ang itawag mo sa akin iha and nice to meet you too. Tama nga ang apo napakaganda mo at mukhang bata pa." Magiliw na sabi ni Lolo Alberto. Bigla ay nawala ang pagkailang ko dahil sa mabait nyang ngiti. Hinapit ako ni Dan sa bewang at hinalikan sa sentido. "Ah lo, sila naman ang mga magulang ni Margarette. Si tay Berting at nay Cora." Pagpapakilala naman ni Dan sa mga magulang ko na tumayo din at lumapit. "Kamusta ho sir." Magalang na bati ni tatay at nakipag kamay kay lolo

  • My Sweet Karma   Chapter 43

    [WARNING SPG]DANNAKAAWANG ANG labi ko at impit na umuungol habang umiindayog sa kandungan ko si Maggie. Nakahawak sya sa balikat ko at nakaawang din ang labi. Umaalog din ang malulusog nyang dibdib na kay sarap susuhin. "Fuck mahal.. ganyan nga nghh.." Ungol ko ng igiling pa nya ang balakang. Naiipit ang pagkalalaki ko sa loob nya at tila hinihigop. Nakadagdag pa sa init ng nararamdaman ko ang hitsura nya. Nakasuot sya ng uniform nya. Bukas ang blouse at nakataas ang palda hanggang bewang. Dati pantasya ko lang ang angkinin sya na suot ang uniform nya na ngayon ay nangyayari na.Sinapo ko ang dalawang dibdib nyang umaalog at piniga piga ng marahan. Sinubo ko ang isa nyang utong at sinipsip. Salit salitan kong ginawa yun sa dalawa nyang dibdib. "Ahmmm babe.. hmph! Hmmph!" Ungol nya at mabilis na nagtaas baba sa pagkalalaki ko. Nararamdaman kong mas sumisikip pa sya lalo. Anumang sandali ay labasan na naman sya. "Yes mahal, cum for me!" Daing ko. Hinawakan ko ang balakang nya at i

  • My Sweet Karma   Chapter 42

    MAGGIEPAGLABAS NAMIN ng presinto ay sakto namang pababa ng sasakyan si ate Mikay at kuya Austin. Agad na lumapit sa akin si ate Mikay kasunod si kuya Austin. Bakas ang pag aalala sa mukha nya. "Ano nang nangyari?" Tanong agad nya. Sinipat sipat pa nya ang mukha ko at katawan. Kanina ay nag call back sya. Nasa clinic nga sila ni kuya Austin at katatapos lang ng check up. Sinabi ko sa kanya ang nangyari. "Ayos na ate, hindi ako makukulong." Nakangiwing sabi ko. Natatakot akong baka pagalitan nya ako tapos isumbong kanila tatay at nanay. "Dan pare kamusta?" Tanong naman ni kuya Austin."Nakipag areglo na lang si tita Gina at Camila. Takot silang sampahan ko rin sila ng kaso sa pananakit nila kay Maggie. Hindi na sila magsasampa. Pero sinagot ko na rin ang pampagamot ni Camilla." Sabi ni Dan. "Malala ba ang lagay ng Camilla na yun at talagang binalak pa nilang sampahan ng kaso ang kapatid ko?" Tanong naman ni ate Mikay."Paling ang ilong at putok ang labi." Sagot ni Dan. Napayuko na

  • My Sweet Karma   Chapter 41

    MAGGIE"AY JUSKO! Camilla anak!" Natatarantang dinaluhan ng ginang si Camilla na nakabulagta at tulog. Lumapit naman ang ibang naroon at nakiusyoso. "Ay nakatulog." "Buti nga. Matapobre eh." "Bagay lang yan sa kanya. Masama ugali." "Wala pala sya eh." "Dapat pati yang matapobreng nanay inumbagan din eh." Mga komento ng mga naroon. Lumapit naman si ate Pinky at ibang mga crew ng coffee shop para saklolohan si Camill'ang nakabulagta. "Omg ka baks! Pinacquiao mo si Mystica." Bulalas ni Lily ng makalapit sa akin. Doon naman ako tila nahimasmasan sa ginawa ko. Naramdaman ko pa ang pananakit ng kamao ko dahil sa pagsuntok kay Camilla. Napalunok ako habang tinitingnan syang nakabulagta. Dapat sampal lang yun eh. Di ko alam bakit naging suntok. Kinakabahang nilingon ko si Lily. "B-Baks hindi ko sinasadyang masuntok sya. Dapat sampal lang yun eh." "Dapat naman talaga suntok baks. Bruhang babae yan eh. Buti nga sa kanya. Galing mong sumuntok." Pabulong na sabi niya na tuwang tuwa pa.

  • My Sweet Karma   Chapter 40

    DANNGITING NGITI AKO habang tutok ang mata sa kalsada at tumatango tango sa anumang sabihin ni Maggie. Nakayakap sya sa braso ko at nakahilig ang pisngi. Ang isang kamay ko naman ay nakahawak sa isang hita nya. Simula ng may nangyari sa amin isang linggo na ang nakakaraan ay naging clingy na sya sa akin na syang gustong gusto ko naman. Wala syang pasok ngayong araw na to pero may lakad sila ng kaibigan nya. Kaya sinundo ko na rin sya para ihatid sa meeting place nila."Kapag nakapag ipon na ako magtatayo talaga ako ng grocery sa amin sa probinsya. Para hindi na babyahe sa kabilang bayan ang mga taga sa amin para lang bumili ng supply nila." Aniya. Sinasabi nya sa akin ang mga plano nya kapag nakagraduate sya at nagkatrabaho. Inaalok ko nga syang sa akin na lang magtrabaho pero ayaw naman nya. Ayaw nya dahil lagi ko lang daw syang papaboran. Ayaw nyang magkaroon ng conflict sa mga emplayado kung sakali dahil lang sa akin. Naiintindihan ko naman sya. Isa din yun sa nagustuhan ko sa k

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status