FIVE YEARS LATER.. DAN"MARGO ANAK come here!" Tawag ko sa anak kong babae na tatlong taong gulang na. Kanina pa sya nagtatakbo at nakikipag laro sa kapwa bata. "Wait lang po daddy." Sigaw ni Margo na tuloy pa rin sa pakikipag habulan. Ang hindi ko lang nagugustuhan kapag nahabol na nya ang kalarong batang lalaki ay niyayakap nya. "Margo anak -- ""Dadadadada!" Nilingon ko sa dalawang stroller ang kambal na siyam na buwang gulang na. Parehas silang maingay. Si Damon ay hinahampas na sa stroller ang feeding bottle nyang wala ng laman. Si Damien naman ay tinataktak ang feeding bottle nyang may laman pa. Lumapit ako sa kanila. Kinuha ko ang mga feeding bottle nila. "Dadadadada." Daldal ni Damon na inaabot ang feeding bottle nyang kinuha ko. "Wait lang anak, magtitimpla lang si daddy." Sabi ko at agad ng tinimplahan ng panibago ang feeding bottle nya. Pagkatimpla ko ay binigay ko na sa kanya na agad naman nyang sinubo. Tahimik sya kapag may dede. "Dada mama." Daldal naman ni Dami
Dan "WAIT DAN! Please! Wag mo namang gawin sa akin to." Mangiyak ngiyak na sabi ni Lauren at pinigilan ako sa braso. Humugot ako ng malalim na hininga at hinarap sya. Namumula na ang mata nya at nagbabadya ang luha. Naaawa ako sa kanya pero kailangan ko ng tapusin to hangga't hindi pa lumalalim ang anumang nararamdaman nya sa akin. "Sinabi ko na sa'yo noong una pa lang, wag kang mahuhulog sa akin dahil hindi kita kayang saluhin." Mahinahong sabi ko sa kanya. Humikbi sya. "I-I'm sorry, hindi ko napigilan." "That's why we need to stop this." "No!" Humigpit ang hawak nya sa braso ko. Humugot akong muli ng malalim na hininga. Ayoko rin namang matapos ang kung anumang meron kami. Sa loob ng isang taon na naging constant fuck buddy ko sya ay naging mag kaibigan din kami. Hindi naman puro fuck lang ginagawa namin kapag magkasama kami. At hindi lang naman sya ang babaeng nakakaulayaw ko sa kama pero sya lang ang nagtagal at binabalikbalikan ko dahil nagkakasundo kami sa maraming bagay.
Maggie BUMIGAY TODO NA ko sa pagbirit ng kanta na uso ngayon sa videoke bilang request ng mga customer kong manginginom dito sa tindahan ni Aling Caring. "Wooh! Galing galing talaga ni Maggie!" Puri ng ilang mga manginginom at ibang nanonood at pumalakpak pa ng matapos ako sa pagkanta. "Salamat!" Sabi ko sa mic at in-off na ito sabay lapag sa lamesa ng mga umiinom. "Isa pa!" Request pa nila. "Oo nga, isa pa. Eto limampiso oh." "Tama na! Magbebenta pa ako ng kakanin. Nilalansi nyo lang ako eh, baka kuha kayo ng kuha sa basket hindi kayo nagbabayad." Sikmat ko sa kanila. "Ganito na lang, papakyawin ko yang tinda mo basta kumanta ka lang." Sabi ni Mang Pido na may ari ng malaking sakahan sa baranggay namin at laging tambay dito sa tindahan ni Aling Caring. "Talaga po?" Aba kung papakyawin nya ang lahat ng tinda ko kapalit ng pagkanta ko ay g ako dyan. Kesa naman magpagod pa ako sa kakalakad para magbenta. "Oo, magkano ba lahat yan?" "850 po lahat yan at bagong gawa yan ni nanay
Maggie AWANG AWA AKO kay ate Mikay sa kalagayan nya ngayon. Nabuntis sya ng isang manilenyo. Naging katulad sya ng ibang dalagang taga dito na nakipagsapalaran sa Manila at umuwing buntis. Pero hindi naman namin sya sinisisi. Siguro ay mahal nya yung lalaki kaya nagawa nyang ibigay ang sarili nya. Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto ng kwarto ni ate Mikay. Gusto kong makipag kwentuhan sa kanya. Namiss ko sya ng sobra."Ate, gising ka pa?" Tanong ko at dinikit ang tenga sa pinto para pakinggan kung gising pa sya, baka kasi tulog na makaistorbo lang ako. Pero may narinig akong singhot. Umiiyak sya? "Ate?" Kinatok ko ulit ang pinto. "Bukas yan Maggie, pasok ka." Medyo ngongo ang boses na sabi nya. Mukhang umiiyak nga sya! Dahan dahan kong binuksan ang pinto at pumasok. Naabutan ko syang pasimpleng nagpupunas ng ilong at matang namumula na. Nag alala naman ako. "Ate ayos ka lang? May masakit ba sa'yo?" Umiling sya kasabay ng luha nyang muling pumatak. Mas lalo lang tuloy akong
Maggie NAKAKALOKA ANG aga aga ang daming ganap. Nagising ako sa ingay sa labas tapos pagbukas ko ng bintana nakita ko si tatay na hinahabol ng taga ang gwapong malaking mama. Kaya dali dali kong ginising si ate dahil hindi kakayanin ni nanay na awatin si tatay. Mahirap pa namang awatin si tatay kapag galit na galit. Boyfriend pala ni ate yung gwapong malaking mama na hinahabol ni tatay ayon sa gwapong malaking mama din na nakaupo sa harap ng tindahan at kumakain na ng suman. "Halika na Maggie awatin natin si tatay baka mataga nya si Austin." Sabi ni ate Mikay na natataranta na. "Ikaw na lang ate, makikinig naman sa'yo si tatay eh. Dito na lang ako may customer tayo." Sabi ko. Mahirap na, ang laking tao pa naman nitong mamang to malamang malakas din itong kumain. Tumakbo na si ate Mikay papunta kanila tatay at nanay na papaikot na sa likod ng bahay namin. Magaling din umilag yung boyfriend ni ate eh. Kung iba iba yun malamang naliligo na sa sariling dugo. Tiningnan ko naman ang m
Dan TSINETSEK KO ANG email ko habang naninigarilyo dito sa tapat ng tindahan. Bukas ay babalik na ako ng Manila para harapin ang nakabinbin na trabaho. Tadtad na ng text ng sekretarya ko ang inbox ko at tumawag pa kanina. Kanina ay kakwentuhan ko pa dito si Mang Berting. Tinawag lang sya ni Aling Cora para painumin ng gamot. Masarap kakwentuhan ang matanda. Marami ng experience sa buhay. May tumapik sa balikat ko. Nilingon ko ito. Si Austin pala. Umupo sya sa kaharap na bangko. "Babalik ka na bukas sa Manila?" Tanong nya. "Oo kailangan eh, ok ka naman na siguro dito." Sabi ko sa kanya at pinatay na ang cellphone. Hinithit ko ang sigarilyo saka dinutdot ang upos sa kahoy na bangko at tinapon sa basurahan na naroon. Binuga ko ang usok pataas. Napadako ang mata ko sa ikalawang palapag sa bintana ng kwarto ni Maggie. Napailing ako at napangisi. Lumalalim na ang gabi at masarap ang simoy ng hangin. Ibang iba sa hangin ng Manila. "Ayos na ko dito, naiintindihan na ako nila itay at inay
MaggieMATULIN NA lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Sumama na si ate Mikay kay kuya Austin sa Manila. Pero pabalik balik sila dito sa Isabela para asikasuhin ang kanilang kasal. Dito kasi nila gustong ikasal at syempre isa ako sa abay. Yun nga lang minsan kapag uuwi sila ate Mikay at kuya Austin dito ay kasama nila si manong Dan na malakas mangasar. Nasisira tuloy ang araw ko. Tapos madalas pa syang kampihan ni tatay. Sobrang close na nga nila ni tatay. Pati si nanay close na rin nya. Apakafeeling talaga. Ibang iba sya kay kuya Ace na sobrang bait sa akin. Gaya ngayon, nandito na naman sya sa bahay. Kasama sya nila ate Mikay at kuya Austin umuwi. Kakwentuhan nya si tatay sa harap ng tindahan. Tuwang tuwa pa nga si tatay sa kwento nya eh. Binibida nya yung mga karanasan nya noong nagti-training sya sa pagsusundalo. Pinasok daw kasi sya ng lolo nya dahil pangarap daw nito na maging sundalo sya. Si tatay naman all ears sa pakikinig sa kanya dahil pangarap din nito magsundalo dati.
Maggie ARAW NGAYON NG kasal ni ate Mikay at kuya Austin. At talaga nga namang bongga ang lahat. Mula dito sa lumang simbahan ng bayan na namumutiktik sa bulaklak at sa reception sa bahay. Syempre ang pinaka gusto ko sa lahat ay maraming iba't ibang klase ng pagkain. Marami akong nakitang mga pagkain kanina na sa social media ko lang nakikita at hindi pa natitikman. Di bale mamaya, magiging laman na sila ng tiyan ko. Ang alam ko tatlong catering services ang kinuha galing pa ng Maynila at talagang bongga at sosyal ang pagkakaayos sa reception. Sinakop ba naman ang katabing malawak na lupain namin. Maraming mga bisita ang dumating. Karamihan ay taga Maynila, mga kamag anak at kaibigan ni kuya Austin. Halatang mga sosyal at mayayaman. Bumuntong hininga ako at inimpis ang naiipit na tiyan sa suot kong green na dress na hanggang sakong at hapit sa katawan ko. Dapat pala hindi ako kumain kanina. Napanguso ako at hinimas himas ang tiyan."O anak, bakit nanghahaba na ang nguso mo dyan. Wag