Share

Chapter 2

Author: Chel Aguirre
last update Huling Na-update: 2022-06-28 14:40:43

"Cut!" sigaw ng Director matapos hindi bitawan ni Hope ang linyang dapat sanang isasagot niya sa kan'yang kaeksena.

"Sorry po, Direk!" paumanhin ni Hope.

Dahil sa tila wala sa kondisyon si Hope ay nagpasya ang kanilang direktor na mag-break muna.

Nilapitan ni Zeke si Hope at dinampian ng ice pack ang namumula at halos namamaga na nitong pisngi dahil sa eksena nitong sampalan kanina.

"Does it hurt?" tanong niya kay Hope.

"Wala lang 'to kumpara sa wasak ko ngayong puso," sagot ni Hope na ikinatawa niya. "Don't laugh. My heart is literally aching right now, Zeke."

Tumigil siya sa pagtawa nang mapansin ang lungkot sa mga mata ni Hope. Nitong mga nakaraang araw ay napansin niya rin na tila naging matamlay ito.

"You know that you can always tell me anything." Naupo siya sa tabi nito habang dinadampian pa rin ang pisngi nito ng ice pack.

Bumuntong-hininga si Hope. "Zeke, my first love has finally come to an end."

Napakunot-noo siya. "Bakit?"

Pilit ang mga ngiting tumingin si Hope sa kaniyang mga mata. "He's already with someone else."

Hindi niya alam kung dapat niya bang ikatuwa ang sinabi ni Hope. Naisip niya na baka ito na ang pagkakataon niya para ipaalam dito ang kan'yang tunay na nararamdaman. Gusto niyang matuwa dahil sa nalaman subalit hindi gano'n ang naramdaman niya. Hindi niya magawang maging lubusang masaya sa pagkakataong iyon gayong nakikita niya kung gaano kalungkot si Hope sa nangyari.

"Huwag mong masyadong dibdibin." Bumuntong-hininga siya.

"Paano ko didibdibin, eh wala nga akong dibdib?" biro ni Hope. Sinusubukan nito na pagaanin ang mood nila.

Kapwa namang bumaba ang tingin nila sa bahaging iyon at parehong natawa nang makitang hindi nga kalakihan iyon.

"But kidding aside, don't take it too hard," wika niya. "Hindi lang siya ang nag-iisang lalaki sa mundo, Hope. Marami pang iba riyan na nagmamahal sa'yo."

"Like you?" Nakangiti siyang tinuro nito.

Halos kumawala naman ang puso niya dahil sa sinabi nito. "H-ha?"

"Do you love me, Zeke?" tila inosenteng tanong uli ni Hope.

Hindi malaman ni Zeke ang isasagot. Aamin na ba siya?

Matagal na siyang may lihim na pagtingin kay Hope subalit dahil sa alam niyang may iba itong gusto, kailanman ay hindi siya naglakas-loob na ipaalam dito ang tunay na nararamdaman.

"Of course! We're best friends, right?" pinagpapawisan niyang sagot. Hindi niya pa kayang magtapat dito. Masaya siya sa kung ano man ang mayroon sila ngayon at ayaw niyang masira iyon.

Bahagyang nagliwanag ang mukha ni Hope. "Oh, I love you too, Zeke."

Niyakap niya na lang ito para pagaanin ang loob. "I will always be here, Hope. Always."

Nakapikit namang gumanti ng yakap si Hope. Bahagya nang gumaan ang pakiramdam niya. Thanks to Zeke's hug because she always finds comfort in his arms.

*****

Nasa gitna ng pagkain ng tanghalian si Isaac sa isang restaurant malapit sa kanilang ospital nang biglang dumating ang kan'yang ina na si Lorna.

"Mabuti naman at hindi nakabuntot sa'yo ngayon ang babaeng 'yon," bungad ng ina bago naupo sa harapan niya.

"Ma, her name is Angenette. Isa pa, hindi niya ako binubuntutan." Inilapag niya ang mga kubyertos na hawak dahil nawalan na siya ng ganang kumain.

Umismid ang ina. "Alam mo bang nakauwi na si Hope? Nabisita mo man lang ba siya?"

Tumango siya. "We met few days ago."

Sa isang iglap, lumiwanag ang mukha ng kan'yang Mama Lorna. "Talaga? Kumusta? Ano'ng pinag-usapan niyo?"

Kumibit-balikat siya. Ano naman ang dapat nilang pag-usapan? They're not even friends. "Nothing much."

"Ha?" Naguguluhan siyang tinitigan ng ina. "Teka, saan ba kayo nagkita?"

"Sa ospital. She visited her sick friend."

Muling dumilim ang mukha ng Mama Lorna niya dahil sa kaniyang sinabi. "So, hindi mo pa nga talaga siya binibisita?" dismayadong sabi nito. "Isaac naman, nakakahiya sa Tita Hilda mo!"

"Ma, why would I go to Hope, eh hindi naman kami malapit sa isa't isa?" sagot niya dahilan para mas mainis pa sa kaniya ang ina.

"Paano kayo magiging close, eh lagi mo na lang inuubos ang oras mo sa babaeng 'yon?"

"Angenette, Ma. Her name is Angenette and she's my girlfriend! You have to accept that." Hindi niya na napigilang pagtaasan ng boses ang ina dahil sa asal nito.

"Naku tigilan mo nga ako, Isaac. Hinding-hindi namin matatanggap ng Papa mo ang babaeng 'yan." Bagama't may air conditioner ay naglabas ng pamaypay ang kan'yang Mama Lorna. "Kilala ko kung ano'ng klase ng babae 'yang girlfriend mo!"

"Ma, stop saying mean things about her. Hindi siya katulad ng iniisip niyo ni Papa. If you guys would only give her a chance, I'm sure magugustuhan niyo rin siya."

"Naku naman anak! All this time akala ko pa naman matalino ka! Peperahan ka lang ng babaeng 'yan!" pagpapangaral sa kaniya ng kaniyang ina... Kung pangangaral ngang masasabi iyon.

Galit siyang tumayo. "Kung puro pang-iinsulto lang kay Angenette ang maririnig ko sa inyo, I better leave," malamig niyang sabi sabay talikod sa ina.

Hindi makapaniwala si Lorna sa inasta ng anak. Kahit pa tinawag niya ulit ito ay hindi na siya nito pinansin at dere-deretso nang lumabas ng restaurant.

*****

Pagdating na pagdating sa opisina niya sa ospital, ibinagsak agad ni Isaac ang katawan sa sofa. Masama pa rin ang kan'yang loob sa ina. Kailan ba matututunang tanggapin ng mga ito na mahal niya si Angenette?

Unti-unti na siyang napapapikit dahil sa antok nang nakatanggap siya ng text message mula sa kan'yang Mama Lorna.

From: Mom

I'm sorry about earlier. You're right, son. Let's have dinner one of these days. Bring Angenette with you.

Napabangon siya bigla. Malapad ang ngiti at paulit-ulit niyang binasa ang mensahe ng kaniyang Mama Lorna. Walang paglagyan ang kan'yang tuwa dahil sa wakas ay binigyan na sila ng pagkakataon nito.

*****

Katatapos lamang maligo ni Hope nang biglang nag-ring ang kan'yang cellphone. Laking gulat niya nang makitang ang mama pala ni Isaac ang tumatawag.

"Hi, Tita Lorna," bungad niya. "Napatawag po kayo?"

["Hi, sweetie! I heard you're back."]

"Opo, I'm sorry hindi pa po ako nakakadalaw sa inyo ni Tito."

["Oo nga eh, malapit na nga akong magtampo."]

Kagat-labi siyang napakamot sa ulo nang ma-guilty sa sinabi ng Ginang. "Sorry po talaga, medyo na-busy po kasi ako nitong mga nakaraan. Hayaan niyo po, babawi ako sa inyo ni Tito Roland."

["Talaga? Ganito na lang, are you free this weekend?"]

Kinuha niya ang kaniyang tablet sa bedside table. She checks her schedule and smiles when she confirmed that she's free on Saturday. "Will Saturday do, Tita?"

["Of course! Then it's all set. Let's meet for dinner on Saturday."]

Saglit pa silang nagkuwentuhan ng Tita Lorna niya bago sila nagpasyang tapusin na ang tawag.

Hindi maalis-alis ang ngiti niya sa mga labi hanggang sa makahiga na siya ng kama. Hindi niya mapigilang ma-excite sa ideyang muli na naman silang magkikita ni Isaac. Subalit sa isang iglap, agad din niyang sinaway ang nararamdaman nang maalala na may girlfriend na pala ito.

Napabuga na lang siya ng hangin at naiinis na tinampal-tampal ang pisngi. "Get a hold of yourself, Hope! He's already taken!"

*****

"Thank you so much, Zeke!" pasasalamat ni Hope kay Zeke nang ihatid siya nito sa Monteverdi residence.

She was supposed to be free on that day kaso biglang nagdesisyon ang kanilang direktor na mag-shoot ng araw na iyon. Dahil sa marami ang scene niya na dapat i-shoot ay nahuli siya sa usapan nila ng Tita Lorna niya.

"Anything for you, Hope," malambing na sabi ni Zeke. "Do you want me to pick you up later?

"No, alam kong pagod ka na sa maghapon. You should take a rest," she answered, smiling while unbuckling her seatbelt.

"Okay lang naman sa aki_."

"Huwag na Zeke. Sigurado naman akong ipapahatid nila ako sa driver nila pauwi," sabi niya sabay halik sa pisngi nito.

Hindi na rin naman nagpumilit pa si Zeke at nagpaalam na sa kaniya nang nakababa na siya ng sasakyan.

Nang nawala na sa paningin ni Hope ang sasakyan ni Zeke ay nagpasya na siyang pumasok sa bahay ng mga Monteverdi.

She can't help but reminisce the old days habang tinitingnan niya ang loob ng bahay. Halos wala pa rin itong pinagbago.

"Hope! You're finally here!" bulalas ni Lorna nang makita siya.

Lumapit na sa hapag si Hope at humalik sa pisngi ng kan'yang Tita Lorna at Tito Roland. "I'm so sorry po for being late. May biglaan po kasi kaming shooting_." Natigilan siya nang mapansing naroon din si Angenette. Nakaupo ito sa tabi ni Isaac. "H-hi Angenette," nag-aalangan niyang bati, saka kinawayan ito.

"Magandang gabi, Miss Hope," ganti sa kan'ya ni Angenette.

"Ngayong kumpleto na tayo, pwede na ba nating simulan ang pagkain?" nakangiting tanong ng ama ni Isaac na si Mr. Roland.

Sa buong panahon ng pagkain nila, halos hindi magawang lunukin ni Hope ang kan'yang kinakain. Nasa harapan niya kasi ngayon si Isaac na halos sa lahat ng pagkakataon ay na kay Angenette ang mga mata. Hindi niya maiwasang mag-selos dahil do'n. Paano kaya kung hindi siya umalis ng bansa para mag-artista? May tsansa kaya na siya ngayon ang nakatatanggap ng matatamis na titig na iyon mula kay Isaac at hindi si Angenette?

Napahinto lamang siya sa pag-iisip ng mga what ifs niya sa buhay nang kunin ng Tito Roland niya ang kaniyang pansin.

"So, Hope, kumusta ang pag-stay mo rito? Hindi ka ba naninibago?" pangangamusta sa kan'ya nito.

"Hindi naman po masyado, Tito. Everything is great and na-miss ko talaga rito nang sobra." Ngumiti siya nang husto para hindi ipahalata sa mga kasama na sobra na siyang hindi komportable. Sino ang hindi magiging komportable gayong kaharap niya ngayon ang lalaking pinapangarap niya pero sa ibang babae naman nakatuon ang buong atensyon? Tila gustong bumaliktad ng sikmura niya dahil doon.

"I still can't believe na dalaga ka na, Hope. Naaalala ko pa noon madalas kang isama ng Mommy mo rito tapos nakikipaglaro ka kay Isaac," wika ni Lorna.

Napangiti siya sa alaalang iyon. Ang totoo, alam niyang napipilitan lang noon makipaglaro sa kan'ya si Isaac. Ayaw talaga nitong makipaglaro sa kan'ya dahil babae siya at puro manika ang laruan niya.

"Mali po yata ang naaalala niyo, Tita. If I remember it right, pinutol ni Isaac 'yong binti ng isa sa mga manika ko."

"Hey, that was an accident. I'm sorry though..." Natawa si Isaac. "Pero inayos ko rin naman iyon pagkatapos. Malinaw pa sa alaala ko na naikabit ko rin naman nang maayos iyong binti sa manika bago ka sinundo ni Tita Hilda so, wala na akong atraso sa 'yo."

Tumangu-tango siya habang tumatawa pa rin. Medyo nabawasan na ang discomfort niya dahil sa naging conversation nila. "Yeah, siguro nga ang pangyayaring iyon ay sign na magiging surgeon ka paglaki mo."

Nagtawanan silang lahat.

"Hope, may boyfriend ka na ba?" biglang usisa ni Lorna dahilan para unti-unting humupa ang kanilang pagtatawanan.

Nahihiya niyang nginitian ang ginang at inilingan. "I never had one," pag-amin niya.

"Really?!" Kunwari ay nagulat si Lorna. "Sa ganda mong 'yan?"

Natawa na lamang siya, maging si Isaac ay nakitawa rin.

"Hmmm... Then, what do you think of my son?" dugtong ng Tita Lorna niya na pareho nilang ikinagulat nina Isaac at lalo na ni Angenette.

"P-po?" Hindi niya naitago ang pagkabigla.

"You know? I really like you, Hope. Simula pa noon I already imagined you becoming my daughter-in-law." Hinawakan ng ginang ang nanlalamig niyang kamay na nakapatong sa mesa. "Your Mom likes Isaac too."

"Ma!" May pagtitimping tinitigan ni Isaac ang ina. Mukhang may hinuha na ito kung papunta saan ang usapang iyon.

"Isaac," pabulong na saway ni Angenette kay Isaac habang mahigpit na hinahawakan ito sa kamay, sa ilalim ng mesa.

"Huwag mong pinagtataasan ng boses ang Mama mo, Isaac!" saway naman ni Roland.

Hindi malaman ni Hope ang gagawin sa tensyong namamagitan sa kanila ngayon. Tiningnan niya si Isaac. Ngayon niya lamang ito nakitang magalit nang ganoon katindi.

"Hope," tawag ulit sa kan'ya ng Tita Lorna niya. "Would you marry my son?"

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 62

    Hindi na nagulat si Isaac nang matanggap ang liham mula sa abogado ni Hope. Tila ba'y matagal na rin niyang inaasahan ang pagdating nito—ang huling kumpirmasyon ng unti-unting nawalang pag-ibig sa kaniya ni Hope.He sat quietly at the table inside his hospital office, holding an envelope that seemed to weigh more than its actual contents. Nang buksan niya iyon, binungaran siya ng mga salitang pormal, malamig, at walang espasyo para sa damdamin. Legal Separation.Blangko ang ekspresyon ni Isaac habang pinagmamasdan ang mga dokumento. Walang galit. Walang luha. Pero sa ilalim ng kanyang katahimikan, may mabigat na pagbagsak—parang may unti-unting gumuguho sa loob.Ayaw niyang pumirma. Ayaw niyang tapusin. Pero higit sa lahat, ayaw niyang ipilit ang sarili sa isang relasyong ayaw na ring manatili.Kaya't sa huli ay pinirmahan niya pa rin ito nang buong pag-iingat na tila sa bawat guhit niya sa kanyang pangalan ay isang paalam.Ito na lamang ang tanging kaya niyang ibigay. Ang kalayaan ni

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 61

    Tahimik at maaliwalas ang panahon habang nakaupo sa bench sina Hope at Zeke sa malawak na garden sa likod ng law office ni Atty. Mañago. Kaibigan ng late grandfather ni Zeke ang matandang abogado at nitong nakaraang linggo ay nag-set ito ng appointment dito para tulungan si Hope sa plano nitong pag-f-file ng petition for annulment sa asawa nitong si Isaac. May maliit na ngiti sa labi si Hope nang tumingala siya sa kalangitan na kay gandang pagmasdan. Mas lalo pa itong gumanda sa kaniyang paningin nang may kawan ng mga puting ibon ang lumipad patungo sa kung saan man ang destinasyon ng mga ito. "Such a lovely weather isn't it, Zeke?" aniya subalit wala siyang natanggap na tugon mula sa kaibigan. Nilingon niya ito sa kaniyang tabi at nakita ang hindi nito maipintang mukha. Hindi man magsalita ay alam niya ang dahilan ng pagsimangot nito. (Flashback) Nasa harap ng desk ang abogadong si Mr. Mañago, nasa tapat naman nito si Hope at si Zeke. Kampanteng nakaupo si Hope at pinagmamasdan an

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 60

    "I can feel you staring at me," sabi ni Hope kay Zeke habang nakapikit ang mga mata. Nakahiga siya ngayon sa hospital bed at sandaling nagpapahinga pagkatapos siyang kuhanan ng dugo. Dumilat siya at tiningnan si Zeke na nakaupo sa upuan sa gilid ng kaniyang kama. "Is he going to be okay?" Maingat na hinawakan ni Zeke ang kamay niya. "He's receiving your blood right now, don't worry, he'll be fine." "I could have just ignored them, right?" "If you did, the worst could have happened already." "This could have been the best way to get my revenge on Angenette. If Timmy disappears from her life, her world will crumble," aniya, saka malungkot ang ngiting bumaling sa binata. "Such an evilish thought, right?" dagdag pa niya subalit nanatili lamang na seryosong nakatitig sa kaniya si Zeke. "Do you know why I am doing this?" tanong niya. "Tell me," tugon ni Zeke nang may maliit na ngiti sa labi. Malungkot ang ngiting tinitigan ni Hope ang mga kamay ni Zeke sa kaniya bago siya sumagot. "It'

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 59

    "Why is she not picking up my calls? " Kunot-noong ibinalik ni Isaac ang cellphone sa bulsa ng pantalon nang hindi sagutin ni Angenette ang tawag niya sa pangalawang pagkakataon. Nasa kaniya pa rin ang wallet na naiwan nito. Malapit na siya sa kanto nang mapansin niya ang nagkukumpulang mga tao sa tabi ng lamp post, ang nakasisilaw na police lights sa mga sasakyan ng pulisya na naroroon, at sirena ng ambulansyang papalayo. "Ano po'ng nangyari rito?" tanong niya sa isa sa mga bystanders doon. Bago pa man makasagot ang kaniyang kinakausap ay napansin niya na ang sasakyang nakaparada sa tabi at ang driver niyon na kinakausap ng mga pulis. Bigla siyang kinabahan nang mapuna ang bola sa tabi ng daan. Katulad iyon ng bolang dala ni Timmy kanina nang pumunta ito sa kaniyang bahay. "May nabundol na bata. Sabi ng nakadisgrasya, eh, bigla raw tumawid kaya hindi siya nakaiwas kaagad." Pagkarinig sa sinabi ng kausap ay dali-dali nang umalis si Isaac at sumugod sa ospital kung saan dinala si T

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 58

    Nagulat si Hope sa biglang pagyakap sa kaniya ni Isaac. Sinubukan niyang kumawala rito, subalit mas hinigpitan pa nito ang pagyapos sa kaniya."I'm sorry," halos pabulong na sabi ni Isaac sa kaniya.Pilit na pinigil ni Hope na pumatak ang mga luhang namumuo na sa mga mata. She knows that she needs to hear Isaac's apology, but she's also aware that it won't change anything. His previous actions led them to that downfall. Kung simpleng kasalanan lamang sana ang nagawa nito, baka sakaling ginantihan niya rin ng mainit na yakap ang mga yakap nito ngayon sa kaniya. The damage he have done to their family was beyond repair."You don't have to feel sorry about this, Isaac. What happened was Kevin's fault," patay-malisya niyang sabi kay Isaac. Wala siyang kamalay-malay na alam na nito ang totoo.Umiling-iling si Isaac. "No, I'm sorry. Hindi aabot sa ganito kung naging mabuting asawa lang ako sa 'yo, Hope."She stared at Isaac's eyes intently and slowly figured that he already knew what she ha

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 57

    Labis ang pagtataka ni Hope nang magising siya sa bahay ng Mommy Hilda niya. Mas lalo pa siyang nagtaka nang matuklasan na naroroon din and Daddy Wilson at ang Tita Yvette niya. Doon na raw nagpalipas ng gabi ang mga ito matapos siyang sunduin sa bahay nila ni Isaac na hindi niya naman maalalang nangyari. Ang huling naalala niya lamang ay ang pagputok sa iba't ibang social media sites ng eskandalong kinasasangkutan niya."Kumain ka, Hope. Kailangan mong magpalakas, tingnan mo, nangangayayat ka na," sabi kay Hope ng kaniyang Mommy nang hindi niya man lang ginagalaw ang inihanda nitong agahan."Wala po akong gana—""Listen to your mom, Hope," putol naman ng Daddy Wilson niya sa tangka niyang pagsasalita. Tiningnan niya ito at ang katabi nito ngayong si Yvette. Ni sa panaginip ay hindi niya nakita na magsasama-sama silang apat sa iisang bahay."Hindi ninyo naman po ako kailangang kunin sa bahay. Kaya naman po naming ayusin ito nang kami lang," nakayuko niyang sabi."We know that pero bil

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status