Share

Chapter 3

Author: Chel Aguirre
last update Last Updated: 2022-06-28 14:42:35

"I'm so sorry, hindi na dapat tayo pumunta sa 'min." Hinawakan nang mahigpit ni Isaac ang kamay ni Angenette. Hindi niya lubos akalain na aabot sa punto na ipahihiya ito ng kan'yang mga magulang sa harapan mismo ng ibang tao.

Pagkatapos ng mainit nilang sagutan ng kan'yang mga magulang, nagpasya siyang umalis kasama si Angenette. Dinala niya ito sa park kung saan sila madalas na tumambay noon upang mapagaan ang pakiramdam nito.

Naupo sila sa isang bench at doon pansamantalang nagpahinga.

Tumingala si Angenette at tiningnan ang mga bituin sa kalangitan. "She's beautiful," mahinang sabi nito.

"Ha?"

Nilingon siya nito sa kan'yang tabi. "Si Hope."

Inalala niya ang hitsura ni Hope. Kumpara kay Angenette, higit na mas maganda nga ito rito. Bukod sa mestiza ay napaka elegante rin nitong tingnan mula ulo hanggang paa samantalang si Angenette naman ay simple lamang. Subalit sa kabila ng magagandang katangiang iyon ni Hope ay hindi niyon nakuha ang interes niya. Para sa kan'ya, si Angenette ang pinakamaganda sa lahat at siya ang babaeng mahal niya.

"Mas maganda ka sa paningin ko, Angenette. Inside and out," nakangiti at malambing niyang sabi. "Pasensya na sa mga sinabi ni Mama. Kung alam ko lang na iyon pala ang plano niya, hindi na lang sana kita dinala sa amin," paulit-ulit niyang paghingi ng tawad.

Hinarap siya ni Angenette at nginitian. "Ano ka ba, Isaac? Okay lang 'yon. Parang hindi mo naman ako kilala..." Masuyo nitong ikinulong ang mukha niya sa mga palad. "Hindi ang gano'ng klaseng mga salita ang makakasira sa pagmamahalan natin. Pangako, gagawin ko ang lahat para matanggap ako ng pamilya mo."

Napangiti siya. Hanga talaga siya sa katatagan ng loob nito.

Hinawakan niya ang mga kamay nitong nakahawak sa kaniyang mukha, saka dinampian ito ng halik sa noo. "Napaka palad ko na ikaw ang binigay Niya sa akin," sabi niya pagkatapos, tumingala na siya sa langit.

*****

"Bakit niyo naman po binastos nang ganoon si Angenette?" galit na sabi ni Isaac sa kan'yang mga magulang nang bumalik na siya sa kanilang bahay. Nadatnan niya ang mga ito sa living room na seryosong nag-uusap.

"We already talked to Hilda, and she also liked the idea of you and Hope getting married," sabi ng kan'yan ina na tila wala man lang narinig sa mga sinabi niya.

"That's absurd! Ang mga gusto niyo lang ba ang mahalaga sa inyo? Paano naman ang gusto ko?! Si Hope, payag ba siya rito?" protesta niya.

"Isaac, hindi ka namin pinalaki ng Mama mo para lang magpakatanga sa ganoong klase ng babae." Inihampas ng Papa Roland niya ang palad sa kaharap na mesa. "Hindi nababagay si Angenette sa pamilya natin. Ano na lang ang iisipin ng mga tao oras na malaman nila na ganoong uri ng babae ang kinababaliwan mo?"

"Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao! Mahal ko si Angenette at wala na kayong magagawa ro'n. Siya lang ang babaeng pakakasalan ko!" singhal niya. Hindi siya pinalaking bastos ng kaniyang mga magulang subalit hindi niya na makayanan ang ginagawa ng mga itong panlalait at pang-aapi kay Angenette. Hindi na sila makatarungan.

Hindi na napigilan ng ama niya ang sarili na murahin siya. "Wala kang utang na loob! Pagkatapos ng mga binigay namin sa'yo ito ang isusukli mo! Sige, sumama ka sa babaeng 'yon! Pero huwag ka nang umasa na may matatanggap ka pang mana sa amin ng Mama mo!" pagbabanta nito.

Ngumiti siya nang mapait. Akala siguro ng mga ito ay natatakot siyang mawalan ng mana. "Wala akong pakialam sa mana niyo. All I want is Angenette, that's all," sagot niya, saka padabog na nagmartsa patungo sa pinto.

Nadismaya ang mag-asawa sa ginawa ng kanilang unico hijo. Dahil doon ay mas lalo silang namuhi kay Angenette. Inilalayo nito ang anak sa kanila.

"Isaac! Isaac!" sigaw ni Lorna kay Isaac. "Roland, pigilan mo ang anak mo!" Tinangka pa niyang habulin ang anak subalit hindi niya na ito naabutan nang tuluyan na itong nakalabas ng bahay.

"Hayaan mo na siya, Lorna. Sa huli ay babalik din ang batang iyon sa atin," sabi ni Roland habang matalim ang mga tingin sa pintong iniwang nakabukas ni Isaac.

*****

Nakangiting pinagmamasdan ni Isaac ang biniling singsing para kay Angenette. Dahil sa matinding pagkadisgusto ng kan'yang mga magulang dito ay tila naging daan iyon para matulak siya na alukin na ito ng kasal.

Naglalakad siya sa sentro ng Duncan Mills nang mapansin niya ang nagkukumpulang mga tao sa tapat ng isang coffee shop. Nang matapat siya roon ay nakumpirma niya ang sanhi ng komosyon sa labas. Naroroon sa loob ng coffee shop si Hope at may shooting ito para sa isang commercial.

Hindi niya namalayan na nakangiti na siya habang pinanonood si Hope. Nakakaaliw kasi itong tingnan lalo pa't kitang-kita sa mukha nito na gusto nito ang ginagawa.

Napalingon sa kan'yang gawi si Hope at agad na ngumiti nang makita siya. Kinawayan siya nito at sinenyasan na pumasok.

Napatingin naman sa kaniya ang lahat ng mga nakikiusyoso sa labas. Dahil sa naiilang na siya ay nagpasya na lang siyang pumasok na sa loob.

Papasok na siya sa entrance nang bigla siyang hinarang ng guwardiyang nakabantay roon at pinaaalis siya. Mabuti na lang naging maagap si Hope at ipinaalam sa guwardiya na kilala siya nito kaya sa huli ay pinapasok din siya nito.

"Hi," bati sa kan'ya ni Hope nang makalapit siya.

"Is it okay that I'm here?" tanong niya nang mapansing siya lang ang hindi kasali sa crew nito.

"Of course. Don't worry, naka-break naman kami," tugon ni Hope sabay s****p sa hawak nitong iced coffee. "Gusto mo bang mag-kape?"

"Sure."

Matapos makuha ang in-order na kape, pumwesto sila ni Hope sa isang mesa na malayo sa mga katrabaho nito upang makapag-usap sila ng pribado. Magkaharap silang naupo sa isang tabi.

"It's crowded here," komento niya.

"Hindi ka ba komportable? Do you want us to move somewhere else?" nag-aalalang tanong ni Hope.

Umiling siya at sinimulan nang inumin ang kaniyang caffe latte. "It's fine."

"Ummm... Bakit ka nga pala nandito?"

"Day-off ko. I was just passing by tapos nakita kita rito."

"I see." Tumango-tango si Hope, saka muling s******p sa iced coffee nito.

Pareho na silang natahimik pagkatapos. Kapwa naiilang sila dahil sa nangyari no'ng nakaraang gabi.

Napalingon naman si Hope sa pintuan nang biglang pumasok si Zeke. Bitbit nito ang mga pinabili niyang pagkain. Nang dumako ang tingin nito sa kan'ya, sinenyasan niya ito na mamaya na lang sila mag-usap.

"That's Zeke. He's my best friend slash manager." Itinuro niya kay Isaak si Zeke.

"Talaga? Akala ko artista rin siya," sabi naman ni Isaac habang nakatingin kay Zeke na ngayon ay abala na sa pag-distribute ng mga pinamiling pagkain para sa kanilang crew.

Napakunot siya. "Talaga?"

Tumango si Isaac. "He has the looks."

Bahagya siyang natawa at napatingin uli kay Zeke. "Well, you're not wrong. Actually, marami sa fans ko ang may crush sa kan'ya."

"That's obvious," tugon naman ni Isaac sabay turo sa mga babae niyang fan sa labas ng glass wall. Nakatuon ang mga mata nito kay Zeke. Ang ilan pa sa mga ito ay kinukunan ito ng litrato.

"Minsan hindi ko mapigilang ma-guilty," sabi niya dahilan para muling mapalingon sa kaniya si Isaac. Bahagyang nakakunot ang noo nito.

"About what?" tanong nito.

Nakatingin pa rin siya kay Zeke. "About Zeke. Pakiramdam ko kasi wala na siyang oras para sa sarili niya. He's always busy arranging my schedules. Ni minsan nga hindi ko siya nakitang nakipag-date sa iba. Halos lahat ng oras niya nakalaan lang sa akin."

"Maybe he likes you that's why," tugon ni Isaac na agad na ikinabilog ng kaniyang mga mata.

"No!" natatawa niyang sabi. "I know his type at hindi ako 'yon."

"Okay." Tumango na lamang si Isaac.

Muli, katahimikan ang namagitan sa kanila.

Ilang sandali pa ay hindi na nakatiis si Isaac. "S'ya nga pala Hope... Pasensya na sa nangyari noong nakaraan, ha?" biglang sabi nito.

Hope unconsciously bit her lower lip and smiled. "Okay lang, huwag mo nang isipin 'yon."

"Nadamay ka pa sa problema namin," nahihiyang sabi pa ni Isaac.

Tipid at alanganing ngumiti si Hope pagkatapos, ipinatong nito ang mga braso sa mesa. "Isaac, can I ask you something?"

"Sure." Nakangiting tumango si Isaac. "Ano iyon?"

Huminga nang malalim si Hope dahil alam niyang posibleng magulat o mailang si Isaac sa itatanong niya.

"Kung wala ba si Angenette, ummm... papayag ka ba sa gusto ng parents mo na magpakasal sa akin?" nahihiya niyang tanong.

Hindi kaagad nakaimik si Isaac. Halata na hindi nito inaasahan na iyon ang itatanong niya.

"Bakit mo naitanong?" Naiilang itong ngumiti.

"I'm just curious." Nagyuko siya ng ulo.

"No, I won't," deretsahang sagot ni Isaac.

Kaagad siyang nag-angat ng tingin nang marinig ang tugon nito. Tila may mga karayom na tumusok sa puso niya dahil sa sinabi nito. "W-why not?"

Matipid na ngumiti si Isaac habang nakatingin sa kape nito. "Because I can't marry someone I don't love. It would be unfair for the both of us." Pinagsiklop nito ang mga daliri sa kamay na nakapatong sa mesa. "Ikaw ba?"

Matamlay siyang bumuntong-hininga at saka ngumiti nang tipid. "Noon pa man lagi kong sinusunod ang mga gusto ni Mommy."

Napakunot-noo si Isaac. "Are you saying na pakakasalan mo ako kung sakali man na iyon ang gusto ni Tita Hilda para sa'yo?"

Marahan siyang tumango. "Kung wala si Angenette, I will."

Hindi makapaniwala si Isaac sa mga narinig. Umusog siya at bahagyang inilapit ang mukha sa kaniya. "Pero paano naman ang gusto mo? Paano kung biglang dumating sa buhay mo ang taong mamahalin mo pero kasal ka na sa akin? That would be too complicated, right?"

Naramdaman niya ang panginginig ng kan'yang tuhod dahil sa pinaghalo-halo niyang nararamdaman. Pagod na siyang itago kay Isaac ang tunay niyang nararamdaman.

Pilit na pinalakas ni Hope ang loob at tinitigan si Isaac. "Honestly, I like you a lot, Isaac."

Natahimik si Isaac. Gulat sa isiniwalat ni Hope. Bakit nito sinasabi ang mga iyon sa kaniya ngayon?

Sinubukan niyang magsalita pero hindi niya alam ang dapat sabihin. Nakaawang lang ang kaniyang bibig habang nakatitig kay Hope.

"Kaso may iba ka ng gusto eh," dagdag ni Hope pagkatapos, nagpakawala ng isang pekeng tawa subalit hindi pa rin naitago niyon ang lungkot sa mga mata nito.

Magsasalita na sana siya ulit nang bigla nang tinawag si Hope ng Director para ipagpatuloy ang kanilang shooting.

"I have to go." Tumayo na si Hope. Tinapik nito ang balikat niya. "I wish you and Angenette all the best."

Bagama't may lungkot sa mga mata ay naramdaman niya ang sinseridad sa huli nitong sinabi. Napabuga na lang siya ng hangin habang sinusundan ng tingin si Hope patungo sa mga katrabaho nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 62

    Hindi na nagulat si Isaac nang matanggap ang liham mula sa abogado ni Hope. Tila ba'y matagal na rin niyang inaasahan ang pagdating nito—ang huling kumpirmasyon ng unti-unting nawalang pag-ibig sa kaniya ni Hope.He sat quietly at the table inside his hospital office, holding an envelope that seemed to weigh more than its actual contents. Nang buksan niya iyon, binungaran siya ng mga salitang pormal, malamig, at walang espasyo para sa damdamin. Legal Separation.Blangko ang ekspresyon ni Isaac habang pinagmamasdan ang mga dokumento. Walang galit. Walang luha. Pero sa ilalim ng kanyang katahimikan, may mabigat na pagbagsak—parang may unti-unting gumuguho sa loob.Ayaw niyang pumirma. Ayaw niyang tapusin. Pero higit sa lahat, ayaw niyang ipilit ang sarili sa isang relasyong ayaw na ring manatili.Kaya't sa huli ay pinirmahan niya pa rin ito nang buong pag-iingat na tila sa bawat guhit niya sa kanyang pangalan ay isang paalam.Ito na lamang ang tanging kaya niyang ibigay. Ang kalayaan ni

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 61

    Tahimik at maaliwalas ang panahon habang nakaupo sa bench sina Hope at Zeke sa malawak na garden sa likod ng law office ni Atty. Mañago. Kaibigan ng late grandfather ni Zeke ang matandang abogado at nitong nakaraang linggo ay nag-set ito ng appointment dito para tulungan si Hope sa plano nitong pag-f-file ng petition for annulment sa asawa nitong si Isaac. May maliit na ngiti sa labi si Hope nang tumingala siya sa kalangitan na kay gandang pagmasdan. Mas lalo pa itong gumanda sa kaniyang paningin nang may kawan ng mga puting ibon ang lumipad patungo sa kung saan man ang destinasyon ng mga ito. "Such a lovely weather isn't it, Zeke?" aniya subalit wala siyang natanggap na tugon mula sa kaibigan. Nilingon niya ito sa kaniyang tabi at nakita ang hindi nito maipintang mukha. Hindi man magsalita ay alam niya ang dahilan ng pagsimangot nito. (Flashback) Nasa harap ng desk ang abogadong si Mr. Mañago, nasa tapat naman nito si Hope at si Zeke. Kampanteng nakaupo si Hope at pinagmamasdan an

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 60

    "I can feel you staring at me," sabi ni Hope kay Zeke habang nakapikit ang mga mata. Nakahiga siya ngayon sa hospital bed at sandaling nagpapahinga pagkatapos siyang kuhanan ng dugo. Dumilat siya at tiningnan si Zeke na nakaupo sa upuan sa gilid ng kaniyang kama. "Is he going to be okay?" Maingat na hinawakan ni Zeke ang kamay niya. "He's receiving your blood right now, don't worry, he'll be fine." "I could have just ignored them, right?" "If you did, the worst could have happened already." "This could have been the best way to get my revenge on Angenette. If Timmy disappears from her life, her world will crumble," aniya, saka malungkot ang ngiting bumaling sa binata. "Such an evilish thought, right?" dagdag pa niya subalit nanatili lamang na seryosong nakatitig sa kaniya si Zeke. "Do you know why I am doing this?" tanong niya. "Tell me," tugon ni Zeke nang may maliit na ngiti sa labi. Malungkot ang ngiting tinitigan ni Hope ang mga kamay ni Zeke sa kaniya bago siya sumagot. "It'

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 59

    "Why is she not picking up my calls? " Kunot-noong ibinalik ni Isaac ang cellphone sa bulsa ng pantalon nang hindi sagutin ni Angenette ang tawag niya sa pangalawang pagkakataon. Nasa kaniya pa rin ang wallet na naiwan nito. Malapit na siya sa kanto nang mapansin niya ang nagkukumpulang mga tao sa tabi ng lamp post, ang nakasisilaw na police lights sa mga sasakyan ng pulisya na naroroon, at sirena ng ambulansyang papalayo. "Ano po'ng nangyari rito?" tanong niya sa isa sa mga bystanders doon. Bago pa man makasagot ang kaniyang kinakausap ay napansin niya na ang sasakyang nakaparada sa tabi at ang driver niyon na kinakausap ng mga pulis. Bigla siyang kinabahan nang mapuna ang bola sa tabi ng daan. Katulad iyon ng bolang dala ni Timmy kanina nang pumunta ito sa kaniyang bahay. "May nabundol na bata. Sabi ng nakadisgrasya, eh, bigla raw tumawid kaya hindi siya nakaiwas kaagad." Pagkarinig sa sinabi ng kausap ay dali-dali nang umalis si Isaac at sumugod sa ospital kung saan dinala si T

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 58

    Nagulat si Hope sa biglang pagyakap sa kaniya ni Isaac. Sinubukan niyang kumawala rito, subalit mas hinigpitan pa nito ang pagyapos sa kaniya."I'm sorry," halos pabulong na sabi ni Isaac sa kaniya.Pilit na pinigil ni Hope na pumatak ang mga luhang namumuo na sa mga mata. She knows that she needs to hear Isaac's apology, but she's also aware that it won't change anything. His previous actions led them to that downfall. Kung simpleng kasalanan lamang sana ang nagawa nito, baka sakaling ginantihan niya rin ng mainit na yakap ang mga yakap nito ngayon sa kaniya. The damage he have done to their family was beyond repair."You don't have to feel sorry about this, Isaac. What happened was Kevin's fault," patay-malisya niyang sabi kay Isaac. Wala siyang kamalay-malay na alam na nito ang totoo.Umiling-iling si Isaac. "No, I'm sorry. Hindi aabot sa ganito kung naging mabuting asawa lang ako sa 'yo, Hope."She stared at Isaac's eyes intently and slowly figured that he already knew what she ha

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 57

    Labis ang pagtataka ni Hope nang magising siya sa bahay ng Mommy Hilda niya. Mas lalo pa siyang nagtaka nang matuklasan na naroroon din and Daddy Wilson at ang Tita Yvette niya. Doon na raw nagpalipas ng gabi ang mga ito matapos siyang sunduin sa bahay nila ni Isaac na hindi niya naman maalalang nangyari. Ang huling naalala niya lamang ay ang pagputok sa iba't ibang social media sites ng eskandalong kinasasangkutan niya."Kumain ka, Hope. Kailangan mong magpalakas, tingnan mo, nangangayayat ka na," sabi kay Hope ng kaniyang Mommy nang hindi niya man lang ginagalaw ang inihanda nitong agahan."Wala po akong gana—""Listen to your mom, Hope," putol naman ng Daddy Wilson niya sa tangka niyang pagsasalita. Tiningnan niya ito at ang katabi nito ngayong si Yvette. Ni sa panaginip ay hindi niya nakita na magsasama-sama silang apat sa iisang bahay."Hindi ninyo naman po ako kailangang kunin sa bahay. Kaya naman po naming ayusin ito nang kami lang," nakayuko niyang sabi."We know that pero bil

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status