Share

Chapter 40

Sa convenience store.

Mula sa counter, tahimik na nakatanaw sa labas ng convenience store si Angenette habang malalim ang iniisip. Inaalala niya si Hope. Kahapon ay muli niya itong sinubukang bisitahin sa ospital subalit natuklasan niya na na-discharge na pala ito.

Napabuntonghininga siya. Gusto niya sanang personal na humingi ng tawad kay Hope subalit nag-aalangan siyang puntahan ito sa bahay nito at ni Isaac.

Napadako ang tingin ni Angenette sa pinto nang bigla iyong bumukas. Laking gulat niya nang makitang pumasok ang ina ni Isaac na si Lorna kasama ang driver nito.

"So, ito pala ang convenience store na ibinigay sa 'yo ng anak ko," umiiling-iling na sabi ng ginang habang may nakakainsultong ngisi sa labi. "Ibang klase ka rin talagang babae ka. Hindi ko maisip kung saan ka humuhugot ng lakas ng loob para maging ganiyan kakapal ang iyong mukha."

Tiningnan muna ni Angenette nang sandali ang natutulog na si Timmy sa ilalim ng counter bago siya lumabas ng counter upang harapin si Lorna.
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status