Tahimik lamang na kumakain ng tanghalian sina Angenette at Isaac sa cafeteria ng kanilang ospital.
Bagama't sinabi ni Angenette kay Isaac na balewala lang sa kan'ya ang mga paratang sa kan'ya ng mga magulang nito, sa loob-loob niya ay nasasaktan pa rin siya sa mga sinasabi nito. Hindi niya rin maiwasang ma-insicure sa tuwing sumasagi sa isip niya si Hope. Bukod sa napakaganda nito at napakabait ay nagmula rin ito sa mayamang pamilya. Kaya naiintindihan niya rin kung bakit ito ang gusto ng mga magulang ni Isaac.Nahinto siya sa pagmumuni-muni nang mapansing nakatulala lang si Isaac at halos hindi ginagalaw ang pagkain. Tila ba napakalayo rin ng iniisip nito."Isaac," tawag niya rito.Nag-angat naman ng mukha si Isaac nang marinig na tinawag siya ni Angenette. Pangit man pakinggan, kahit na ito ang kasama niya ay si Hope naman ang laman ng isip niya ngayon. Hindi pa rin kasi mawala sa isip niya ang ginawa nitong pag-amin sa nararamdaman nito para sa kan'ya noong nakaraan."Ano'ng iniisip mo?" tanong ni Angenette sa kan'ya."Nothing," pagsisinungaling niya."You seem distracted," puna nito."Tapos ka nang kumain?" pag-iiba niya na lang ng usapan. Tiningnan niya ang tray ni Angenette na wala ng laman.Halata ni Angenette na may bumabagabag kay Isaac pero hindi na lang siya masyadong nag-usisa pa. Inisip niya na lamang na marahil ay ang mga magulang na naman ang iniisip nito.Tinanguan ni Angenette si Isaac. Napatingin siya sa kan'yang cell phone na nakapatong sa mesa nang nag-vibrate iyon.May na-recieve siyang mensahe mula sa dati niyang kaklase noong highschool. Ayon dito ay magkakaroon sila ng reunion sa susunod na linggo at nagkataon na sa day off niya natapat iyon.Hindi siya mahilig sa party pero dahil sa masyado siyang na-stress sa sitwasyon nila ni Isaac, naisip niya na mainam siguro na dumalo na lang siya sa pagtitipong iyon para pansamantala siyang makalimot.Tiningnan niya si Isaac upang tanungin kung gusto nitong sumama subalit nakatulala na naman ito. Naalala niya na hindi rin pala ito mahilig sa mga ganoong klaseng pagtitipon kaya hindi niya na lang sinabi rito."Isaac, you're spacing out again." Nakangiti niyang pinitik sa noo si Isaac.Hinimas ni Isaac ang namumulang noo. "Angenette, pakasal na kaya tayo?" bigla nitong tanong.Natawa siya bigla. "Yan ba ang dahilan kung bakit lutang ka ngayon?""Hindi mo naman sinagot ang tanong ko." Umirap si Isaac at parang batang nagtatampo nang medyo umusli ang nguso nito. Minsan talaga ay bigla na lang lumalabas ang childish side nito.Isinandal niya ang likod sa upuan at tinitigang maigi si Isaac. "Alam mo naman kung gaano kita kagustong pakasalan, Isaac di ba? Pero bago 'yan, gusto ko sana munang makuha ang basbas ng mga magulang mo. Ayaw kong bumuo tayo ng sarili nating pamilya nang magkagalit kayo ng Mama't Papa mo."Matipid namang napangiti si Isaac dahil sa naging tugon ni Angenette. Isa sa mga nagustuhan niya rito ang prinsipyo nito at ang respeto nito sa kan'yang mga magulang sa kabila ng hindi tamang pagtrato ng mga ito sa kan'ya."You know? You just made me fall in love with you again," nakangiti niyang sabi, saka kinindatan ito.*****Pumunta si Angenette sa isang boutique upang bumili ng maaaring isuot niya sa kanilang reunion party. Dahil hindi siya ang tipo ng babae na mahilig mag-shopping, medyo nahirapan siya sa pamimili ng damit.Nagpasya na siyang umalis na lang nang wala siyang nagustuhang bilhin subalit hindi pa man niya tuluyang nararating ang pintuan ay nakita niya nang pumasok si Hope kasama ang isang binata na sa tingin niya ay isang model dahil sa kisig at tindig nito.Iiwasan niya na lang sana ang mga ito subalit hindi siya nakatakas sa paningin ni Hope."Angenette?" Bahagyang ibinaba ni Hope ang suot na sunglasses at tinitigan siya."Hope." Naiilang niyang nginitian ito."Hi, are you here to shop?" nakangiting tanong sa kaniya ni Hope."Obviously, Hope," wika naman ng lalaking kasama nito.Inirapan ni Hope ang lalaki bago ibinalik ang tingin sa kaniya."This is Zeke, my best friend," pagpapakilala nito sa lalaking kasama sa kaniya."Nice to meet you." Zeke reach out his hand to her for a hand shake.Nakangiti niya namang tinanggap ang kamay nito. Medyo nagulat siya nang sabihin ni Hope na best friend niya ito. Buong akala niya kasi ay boyfriend nito ito dahil bagay na bagay silang tingnan."Kung hindi mo sinabing best friend mo siya, iisipin ko sanang boyfriend mo siya," komento niya na ikinagulat ni Hope"What? No!" namimilog ang mga matang bulalas ni Hope."She's not my type," walang kaemo-emosyong tugon naman ni Zeke dahilan para mapairap na muli si Hope."You're not my type either," mataray na tugon dito ni Hope.Natawa siya sa naging asta ng dalawa. The two really look cute together."Are you leaving already?" usisa ni Hope sa kaniya.Tumango siya at nilingon ang mga damit na nakasabit sa estante. "Wala akong nagustuhan eh.""Really? So far, itong boutique na 'to ang pinaka nagustuhan ko rito sa Duncan Mills. I like their designs."Tumango na lamang siya at naiilang na ngumiti. "Gano'n ba?""Hmmm... Gusto mo bang tulungan kitang pumili ng damit?" Hope offered.Nahihiyang nagpalipat-lipat ang tingin niya kina Hope at Zeke. Naisip niyang baka makaabala lang siya sa mga ito.Dahil sa wala siyang gaanong alam sa tamang damit na dapat isuot sa kanilang okasyon ay pinalis niya na ang kaniyang mga agam-agam. Hope offered her help so marahil hindi naman ito nagmamadali kaya pumayag na siya sa offer nito.Nang pumayag si Angenette ay kaagad nang nagtungo si Hope sa mga estante at pumili ng damit na tingin niya babagay rito."May date ba kayo ni Isaac?" tanong niya habang namimili sa dalawang dress na hawak. Kulay pula ang kan'yang nasa kaliwa at itim naman ang nasa kanan."Isaac?" gulat na sabi ni Zeke nang marinig ang sinabi niya. Nakaupo ito sa couch habang hinihintay sila ni Angenette na matapos sa pag-sho-shopping.Nginitian niya ito at marahang tinanguan. "She's Isaac's girlfriend."Kasabay ng pagtaas ng kilay ni Zeke ang pag-angat ng isang sulok ng labi niya. Hindi niya maintindihan kung paano nagagawa ni Hope na tulungan si Angenette gayong ito pala ang karibal nito sa pagmamahal ni Isaac. Malapit na yata niyang paniwalaan ang sinasabi ng mga tagahanga nito na isa itong anghel na bumaba sa langit dahil sa sobra nitong bait."Wala kaming date ni Isaac," nakangiting sagot ni Angenette kay Hope. "May reunion party kami ng mga kaklase ko this coming week kaso wala akong damit sa bahay na magandang isuot para sa pagtitipong iyon.""Sounds fun." Ibinalik na ni Hope ang pulang dress sa estante at iniabot kay Angenette ang itim na dress. "I think this will look good on you."Tinanggap naman ni Angenette ang damit at sinukat na iyon sa fitting room. Noong una ay duda siya na babagay sa kan'ya ang dress dahil napakagara nitong tingnan ngunit nang maisuot niya na ay sobra niya itong nagustuhan. Totoo nga ang sinabi ni Hope, the dress looks good on her.Napangiti naman si Hope nang lumabas na siyang suot ang damit."I knew it," anito. Humakbang ito palapit sa kan'ya at inilapag sa sahig ang isang itim at mukhang mamahalin na sandals. "Try this on.""Ha? Naku, hindi na, Hope. Itong dress lang naman ang bibilhin ko," umiiling-iling niyang sabi."Sayang naman. I already paid for that," Hope pouted.Nagulat siya. "Ha?!""Isaac is our family friend and naisip ko, simula nang bumalik ako rito wala man lang akong naibigay na pasalubong sa kan'ya. Just consider it as a gift from me, Angenette. Siguro naman okay lang kay Isaac na 'yong girlfriend niya na lang ang niregaluhan ko..." huminto saglit si Hope at nakangiting nagpakawala ng buntonghininga. "That will look good on your dress. At isa pa, ayon do'n sa napanood ko, good shoes will bring you to good places."Napakagat-labi siya habang tinitingnan ang magandang sandals. Ayaw niya namang magmukhang pakipot kaya sinunod niya na si Hope. Nahihiya niyang sinukat iyon."Perfect!" bulalas ni Hope at pumalakpak pa nang naisuot niya na ang sandals.The sandals fit her feet perfectly."Thank you, Hope." Hinawakan niya ang kamay nito."You're welcome." Nakangiti naman itong tumango at pinisil ang kamay niya.Napansin niya na biglang lumungkot ang mga mata ni Hope habang nakatingin sa suot niyang sandals. Gusto niya sanang tanungin kung okay lang ba ito subalit lumapit na sa kanila si Zeke."We have to go," seryosong pagkakasabi ni Zeke kay Hope. Napansin kasi nito na may ilan ng mga taong pinagtitinginan si Hope.Hindi na sila nagkapaalaman nang maayos ni Hope nang hilahin na ito ni Zeke palabas ng boutique.*****Pasado alas siete na ng gabi nang makarating si Angenette sa venue ng pagdadausan ng kanilang party. Sa labas palang ng resto bar ay rinig na rinig niya na ang ingay ng mga tao sa loob.Pagkapasok niya pa lang ay sinalubong na siya ng yakap ng mga dating kaklase. Ang ilan sa mga ito ay kasama ang kanilang mga partners. Hindi niya naiwasang mainggit sa mga ito.Masaya ang naging pagtitipon nilang dating magkakaklase. Pagkatapos kumain, ang ilan sa kanila ay pumunta sa rooftop upang magpahangin at ang iba naman ay dumeretso sa counter table upang kumuha ng mga nakalalasing na inumin.Masayang nakikipagkwentuhan si Angenette sa mga kasama nang bigla na lang dumating si Gilbert, ang dati niyang kasintahan.Nang tumabi sa kan'ya si Gilbert ay kinatyawan sila ng mga kaibigan. Dahil do'n ay nakaramdam siya ng pagkailang.Hindi naging maganda ang hiwalayan nila noon ni Gilbert. Bigla na lang kasi siya nitong iniwan dahil may iba na itong nagustuhan. Naka-move on na rin naman siya pero hindi na kasi siya komportable na makasama ito."Huwag nga kayong mang-asar, mamaya n'yan eh magalit ang boyfriend nitong si Angenette," kunwaring saway ni Gilbert subalit sa loob-loob nito ay gusto nito ang atensyong ipinupukol sa kanila ngayon ng mga kaklase."Naku! Wala 'yang boyfriend si Angenette. Kung meron, bakit naman siya hahayaan nitong pumunta rito nang mag-isa lang?!" tumatawang sabi ng isa sa kasama nila sa table."I-I have a boyfriend," pag-amin ni Angenette. "Hindi lang siya nakarating kasi busy siya."Hindi nila napansin ang biglang paglaho ng mga ngiti ni Gilbert."Talaga ba?!"Tila ba hindi naniniwala kay Angenette ang mga kasama."Tama na nga 'yan! Let's just play a game!" suhestiyon ni Gilbert na agad namang sinang-ayunan ng lahat.Sa kanilang laro, napagdesisyunan nilang ang matatalo ay iinom ng limang shots ng beer.Naglaro sila ng limang set ng iba't ibang game at sa limang laro na iyon ay tatlong beses na natalo si Angenette.Halos lungayngay na si Angenette sa kan'yang kinauupuan sa labis na kalasingan nang tapusin nila ang laro. Panay kantyaw na sa kan'ya ang mga kaklase subalit tila hindi na malinaw na rumerehistro sa kan'yang pandinig ang mga sinasabi nito.Hinanap niya ang kan'yang cell phone upang tawagan si Isaac para magpasundo ngunit nakapagtatakang parang bulang nawala ang kan'yang bag sa tabi."Guys, have you seen my bag?" tanong niya subalit ni isa walang sumagot sa kan'ya.Tumayo siya upang hanapin ang bag subalit bigla siyang nawalan ng balanse at muntik nang sumubsob sa sahig kung hindi lang siya nasapo ni Gilbert. Nakapulupot ang isang braso nito sa kan'yang baywang."You're drunk," bulong sa kan'ya ni Gilbert.Dahil sa nanlalabong paningin, hindi napansin ni Angenette ang makahulugang ngisi ni Gilbert.Hindi na namalayan ni Angenette nang isakay siya ni Gilbert sa luma nitong van.Nang makasakay sa driver's seat, ilang sandali munang malaswang sinuyod ng tingin ni Gilbert ang kabuuan ni Angenette. Sa isang iglap ay hindi niya napigil ang sariling halikan ito sa labi.Napangisi si Gilbert nang umungol at ginatihan din ni Angenette ang kanyang mga halik."Isaac..."Huminto siya sa paghalik nang marinig ang sinabi ni Angenette."Is that his name?" Nakangising sabi niya bago nagpatuloy sa paghalik sa walang kamalay-malay na si Angenette.Hindi na nagulat si Isaac nang matanggap ang liham mula sa abogado ni Hope. Tila ba'y matagal na rin niyang inaasahan ang pagdating nito—ang huling kumpirmasyon ng unti-unting nawalang pag-ibig sa kaniya ni Hope.He sat quietly at the table inside his hospital office, holding an envelope that seemed to weigh more than its actual contents. Nang buksan niya iyon, binungaran siya ng mga salitang pormal, malamig, at walang espasyo para sa damdamin. Legal Separation.Blangko ang ekspresyon ni Isaac habang pinagmamasdan ang mga dokumento. Walang galit. Walang luha. Pero sa ilalim ng kanyang katahimikan, may mabigat na pagbagsak—parang may unti-unting gumuguho sa loob.Ayaw niyang pumirma. Ayaw niyang tapusin. Pero higit sa lahat, ayaw niyang ipilit ang sarili sa isang relasyong ayaw na ring manatili.Kaya't sa huli ay pinirmahan niya pa rin ito nang buong pag-iingat na tila sa bawat guhit niya sa kanyang pangalan ay isang paalam.Ito na lamang ang tanging kaya niyang ibigay. Ang kalayaan ni
Tahimik at maaliwalas ang panahon habang nakaupo sa bench sina Hope at Zeke sa malawak na garden sa likod ng law office ni Atty. Mañago. Kaibigan ng late grandfather ni Zeke ang matandang abogado at nitong nakaraang linggo ay nag-set ito ng appointment dito para tulungan si Hope sa plano nitong pag-f-file ng petition for annulment sa asawa nitong si Isaac. May maliit na ngiti sa labi si Hope nang tumingala siya sa kalangitan na kay gandang pagmasdan. Mas lalo pa itong gumanda sa kaniyang paningin nang may kawan ng mga puting ibon ang lumipad patungo sa kung saan man ang destinasyon ng mga ito. "Such a lovely weather isn't it, Zeke?" aniya subalit wala siyang natanggap na tugon mula sa kaibigan. Nilingon niya ito sa kaniyang tabi at nakita ang hindi nito maipintang mukha. Hindi man magsalita ay alam niya ang dahilan ng pagsimangot nito. (Flashback) Nasa harap ng desk ang abogadong si Mr. Mañago, nasa tapat naman nito si Hope at si Zeke. Kampanteng nakaupo si Hope at pinagmamasdan an
"I can feel you staring at me," sabi ni Hope kay Zeke habang nakapikit ang mga mata. Nakahiga siya ngayon sa hospital bed at sandaling nagpapahinga pagkatapos siyang kuhanan ng dugo. Dumilat siya at tiningnan si Zeke na nakaupo sa upuan sa gilid ng kaniyang kama. "Is he going to be okay?" Maingat na hinawakan ni Zeke ang kamay niya. "He's receiving your blood right now, don't worry, he'll be fine." "I could have just ignored them, right?" "If you did, the worst could have happened already." "This could have been the best way to get my revenge on Angenette. If Timmy disappears from her life, her world will crumble," aniya, saka malungkot ang ngiting bumaling sa binata. "Such an evilish thought, right?" dagdag pa niya subalit nanatili lamang na seryosong nakatitig sa kaniya si Zeke. "Do you know why I am doing this?" tanong niya. "Tell me," tugon ni Zeke nang may maliit na ngiti sa labi. Malungkot ang ngiting tinitigan ni Hope ang mga kamay ni Zeke sa kaniya bago siya sumagot. "It'
"Why is she not picking up my calls? " Kunot-noong ibinalik ni Isaac ang cellphone sa bulsa ng pantalon nang hindi sagutin ni Angenette ang tawag niya sa pangalawang pagkakataon. Nasa kaniya pa rin ang wallet na naiwan nito. Malapit na siya sa kanto nang mapansin niya ang nagkukumpulang mga tao sa tabi ng lamp post, ang nakasisilaw na police lights sa mga sasakyan ng pulisya na naroroon, at sirena ng ambulansyang papalayo. "Ano po'ng nangyari rito?" tanong niya sa isa sa mga bystanders doon. Bago pa man makasagot ang kaniyang kinakausap ay napansin niya na ang sasakyang nakaparada sa tabi at ang driver niyon na kinakausap ng mga pulis. Bigla siyang kinabahan nang mapuna ang bola sa tabi ng daan. Katulad iyon ng bolang dala ni Timmy kanina nang pumunta ito sa kaniyang bahay. "May nabundol na bata. Sabi ng nakadisgrasya, eh, bigla raw tumawid kaya hindi siya nakaiwas kaagad." Pagkarinig sa sinabi ng kausap ay dali-dali nang umalis si Isaac at sumugod sa ospital kung saan dinala si T
Nagulat si Hope sa biglang pagyakap sa kaniya ni Isaac. Sinubukan niyang kumawala rito, subalit mas hinigpitan pa nito ang pagyapos sa kaniya."I'm sorry," halos pabulong na sabi ni Isaac sa kaniya.Pilit na pinigil ni Hope na pumatak ang mga luhang namumuo na sa mga mata. She knows that she needs to hear Isaac's apology, but she's also aware that it won't change anything. His previous actions led them to that downfall. Kung simpleng kasalanan lamang sana ang nagawa nito, baka sakaling ginantihan niya rin ng mainit na yakap ang mga yakap nito ngayon sa kaniya. The damage he have done to their family was beyond repair."You don't have to feel sorry about this, Isaac. What happened was Kevin's fault," patay-malisya niyang sabi kay Isaac. Wala siyang kamalay-malay na alam na nito ang totoo.Umiling-iling si Isaac. "No, I'm sorry. Hindi aabot sa ganito kung naging mabuting asawa lang ako sa 'yo, Hope."She stared at Isaac's eyes intently and slowly figured that he already knew what she ha
Labis ang pagtataka ni Hope nang magising siya sa bahay ng Mommy Hilda niya. Mas lalo pa siyang nagtaka nang matuklasan na naroroon din and Daddy Wilson at ang Tita Yvette niya. Doon na raw nagpalipas ng gabi ang mga ito matapos siyang sunduin sa bahay nila ni Isaac na hindi niya naman maalalang nangyari. Ang huling naalala niya lamang ay ang pagputok sa iba't ibang social media sites ng eskandalong kinasasangkutan niya."Kumain ka, Hope. Kailangan mong magpalakas, tingnan mo, nangangayayat ka na," sabi kay Hope ng kaniyang Mommy nang hindi niya man lang ginagalaw ang inihanda nitong agahan."Wala po akong gana—""Listen to your mom, Hope," putol naman ng Daddy Wilson niya sa tangka niyang pagsasalita. Tiningnan niya ito at ang katabi nito ngayong si Yvette. Ni sa panaginip ay hindi niya nakita na magsasama-sama silang apat sa iisang bahay."Hindi ninyo naman po ako kailangang kunin sa bahay. Kaya naman po naming ayusin ito nang kami lang," nakayuko niyang sabi."We know that pero bil