Share

Chapter 5.2

Author: Chel Aguirre
last update Last Updated: 2022-06-28 14:48:59

Nakangising ibinaba ni Gilbert ang cell phone matapos pagbantaan si Angenette.

Maraming problema ngayon si Gilbert at isa na roon ang pagkalubog sa utang. Subalit nang malaman na medyo nakakaangat-angat na si Angenette sa buhay ay naisip niyang marahil ito na ang sagot sa kan'yang mga problema.

"Mukhang masaya ka yata ngayon, Gilbert ah," puna sa kan'ya ng isa sa mga mekanikong katrabaho niya sa talyer.

Tumawa siya at saka tiningnan ang mga larawan nila ni Angenette sa kan'yang cell phone. "Oo, talagang masaya ako kasi mukhang tumama na ako sa wakas sa jackpot ngayon."

*****

Nasa loob ngayon si Angenette sa kanilang banyo. Nanginginig ang kan'yang mga kamay habang mahigpit na hawak ang kan'yang pregnancy test kit. Hindi pa man niya nakikita ang resulta ay nagsisimula na naman siyang umiyak.

Unti-unti niyang pinihit paharap ang pregnancy test at mas napaiyak nang makitang mayroon itong dalawang guhit.

"Hindi." Tinakpan niya ang kan'yang bibig upang pigilin ang sarili na humagulhol.

Biglang kumatok sa pintuan ang kan'yang Lola Esme dahilan para mabilis niyang itago sa kan'yang bulsa ang pregnancy test. "Ano po iyon, Lola?"

"Lumabas ka na riyan at mag-aagahan na tayo," wika ng kan'yang Lola.

Pinahid niya ang kan'yang luha at pilit na ngumiti bago lumabas ng banyo.

"Ang bango naman n'yan, Lola," sabi niya nang datnan niya sa maliit na hapag-kainan ang matanda. "Mukhang ang sarap pa."

"Ikaw talagang bata ka, hotdog lang naman itong niluto ko."

Naupo na rin siya at sinaluhan na ang matanda sa pagkain.

"S'ya nga pala, may pinadala sa'yo si Isaac," biglang sabi ng Lola niya sa kalagitnaan ng kanilang pag-aagahan.

Nagtataka namang tiningnan ni Angenette ang Lola. May itinuturo ito sa kan'yang bandang likuran. Nang lingunin niya kung ano iyon ay nakita niya ang isang bouquet ng mga pulang rosas.

"Angenette, wala pa ba kayong planong magpakasal ni Isaac?" tanong ni Lola Esme. "Hindi naman sa minamadali kita pero nasa tamang edad na rin naman kayong dalawa ni Isaac. Ayaw niyo pa rin ba?"

Gusto ni Lola Esme si Isaac para sa kan'yang apong si Angenette subalit lingid sa kan'yang kaalaman na ayaw ng mga magulang ni Isaac dito.

"Darating din po kami riyan Lola." Nginitian niya nang pilit si Lola Esme.

Hindi naman napigilan ni Lola Esme ang mapanguso. "Kailan pa? Gusto ko rin namang maabutan pa ang magiging apo ko sa tuhod."

Parang babaliktad ang sikmura ni Angenette nang banggitin ng kan'yang Lola Esme ang tungkol sa pagkakaroon ng apo. Dahil do'n, hindi niya na ito matingnan nang deretso sa mga mata.

"Tapos na po akong kumain. Magbibihis na po ako. Baka mahuli na ako sa trabaho," paalam niya na lamang, saka nagmamadaling pumasok na sa kan'yang silid.

Nang maisara ang pinto ng kuwarto ay muli na namang pumatak ang mga luha niya. Hindi niya na alam kung ano ang dapat gawin. Tiningnan niya ang kan'yang tiyan at dinama iyon.

"This can't be happening."

Nagitla siya nang biglang nag-ring ang kan'yang cell phone. Tumatawag si Isaac.

Nag-aalangan niyang sinagot ito. "H-hello?"

["Good morning, babe!"] masiglang bati ni Isaac sa kan'ya.

"Good morning." Bigo siyang maitago rito ang pananamlay ng kaniyang tinig.

["Hey, bakit ang tamlay mo yata? Is there something wrong? Are you not feeling well?"] sunod-sunod na tanong nito sa kan'ya.

"No, I'm okay. I'm just a little bit tired."

["Tired? At this hour?"] tila naguguluhang tanong ni Isaac dahil alas siete na ng umaga. ["Anyway, I'm on my way out of my house. I'll be there to pick you up."]

"Huwag na, Isaac. I'm already on my way to the hospital," pagsisinungaling niya.

["Gano'n ba? Sige, magkita na lang tayo sa ospital. I love you,"] masayang wika ni Isaac bago siya binabaan.

Nanghihinang ibinagsak ni Angenette ang sarili sa kama. Hindi niya na alam kung paano pa haharapin si Isaac. Sobra na siyang nakokonsensya.

Pilit niya munang pinalis sa kan'yang isipan ang kan'yang mga problema. Bumangon na siya at nagbihis.

Nang lumabas na siya ng silid ay hindi niya na naabutan ang kan'yang Lola Esme sa kusina. Sigurado siyang naroroon na ito sa silid nito at marahil ay nananahi na.

"Lola, mauna na po ako! Ang gamot niyo huwag niyo pong kalimutang inumin!" bilin niya.

Dumukwang naman ang kan'yang Lola sa pintuan ng kwarto nito at nakangiti siyang kinawayan. "Sige na, mag-iingat ka sa daan," sabi nito bago bumalik sa kung anuman ang ginagawa nito sa loob ng kwarto.

Bago lumabas ay napadako ang mga mata niya sa mga pulang rosas na padala ni Isaac. Kinuha niya iyon at inamoy. Napansin niya ang isang malaking sobre roon. Nang tingnan niya ang laman niyon, napagtanto niyang hindi iyon galing kay Isaac.

Laman ng sobre ang isa sa mga malalaswang larawan nila ni Gilbert.

Puno nang galit na pinagpupunit niya ang larawan. Bitbit niya rin paglabas ang bouquet ng rosas at itinapon iyon sa basurahan.

Mas lalo pang tumindi ang galit na nararamdaman ni Angenette kay Gilbert nang may nadatnan na naman siyang isang malaking bouquet ng pulang rosas na nakapangalan sa kan'ya sa nurse's station. Walang pag-iingat niyang hinablot iyon at itinapon sa basurahan.

"You don't like my surprise?"

Nagulat siya nang biglang nagsalita si Isaac mula sa kan'yang likuran.

"T-this is from you?" nauutal niyang tanong habang nakatuon sa kumpol ng rosas na nasa basurahan na ngayon.

Tumango naman si Isaac.

Naihilamos niya ang kan'yang palad at saka muling pinulot sa basurahan ang mga bulaklak. "I'm sorry, I thought it was from some weird guy."

Napakunot-noo si Isaac. Naguguluhan. "Bakit mo naman naisip 'yon? Bukod sa akin, may iba pa bang nagbibigay ng bulaklak sa'yo?"

Umiling-iling siya at matamlay na ngumiti.

"I bought those flowers to cheer you up. Napansin ko kasing medyo matamlay ka nitong mga nakaraan pero mas lalo ka yatang na-stress dahil diyan. Sorry," tila na-gi-guilty namang sabi ni Isaac.

Nakonsensya siya sa ginawang pagtapon sa mga bulaklak na bigay ni Isaac. Pinilit niya na pasiglahin ang anyo. "No, nagustuhan ko siya. Thank you."

Ilang araw nang naoobserbahan ni Isaac ang kakatwang ikinikilos ni Angenette subalit nananahimik lamang siya. Humahanap lang siya ng pagkakataon para kausapin ito nang masinsinan. Naisip niya rin kasi na baka ang dahilan nito ay ang mga magulang niya kaya gusto niyang maging maingat sa pag-discuss ng tungkol sa bagay na iyon.

Bagama't naninibago sa ikinikilos ni Angenette, tumango na lamang siya. "You're always welcome."

Agad namang nagliwanag ang mukha niya nang maalala ang kan'yang plano na mag-propose dito mamayang gabi. Sana ay mapagaan ng surpresang ihahanda niya rito ang pakiramdam nito.

"Nga pala, hindi muna ako makakasabay sa'yo mamayang tanghalian. I have some urgent things to take care of," wika niya kay Angenette.

Tumango naman si Angenette. Naisip niya na maigi na rin iyon dahil plano niya rin namang pumunta sa isang OB-GYNE clinic mamayang lunch break, malayo sa kanilang ospital.

"Let's just meet for dinner, okay?" sabi ni Isaac habang naka-okay sign.

Nakangiti itong tinanguan ni Angenette. "Sure, Doc."

*****

Nakatulala sa kawalan si Angenette habang naglalakad sa tabi ng kalsada matapos niyang makuha ang resulta ng kan'yang check-up. Muli niyang tiningnan ang hawak na larawan ng kan'yang ultrasound. She is indeed pregnant.

Napasinghap siya sa pagkagulat nang bigla na lang may humila sa kan'ya.

"Magpapakamatay ka ba?!" galit na sigaw n'ong humila sa kaniya.

Imbes na matuwa at magpasalamat sa lalaking nagligtas sa kan'ya nang wala sa sarili siyang muntik nang tumawid sa kalsada na puno ng mga humaharurot na sasakyan, galit na pinaghahampas niya iyon si dibdib. Tiningnan niya ito sa mukha, it was Gilbert.

Napansin ni Gilbert ang hawak niya at kinuha iyon sa kan'ya.

Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang picture ng ultrasound. "Buntis ka?!"

Mabilis niyang inagaw rito ang larawan. "Leave me alone!" Akmang tatalikuran niya na ito nang hilahin siya nito sa braso at dinala sa isang eskinita.

Nakangiting tiningnan ni Gilbert ang tiyan ni Angenette nang huminto na sila. Naisip niyang wala na talaga itong kawala sa kan'ya ngayon. "Magiging tatay na ako?"

Nabigla siya nang sinampal siya ni Angenette. "Kahit kailan hindi ka magiging tatay ng batang ito!"

Ngumisi siya habang hawak ang namumula niyang pisngi. Marahas niyang hinawakan si Angenette sa magkabilang braso at idiniin sa pader. "Bakit? Plano mo bang ipalaglag 'yang anak mo?!"

"Nababaliw ka na ba?! Walang kasalanan ang batang ito!" nagpupumiglas at galit na sabi ni Angenette.

"Eh, ano? Plano mong ipaako sa Isaac na 'yon 'yang dinadala mo? Gan'yan na ba talaga kakapal ang mukha mo? Umamin ka nga Angenette, mahal mo ba talaga ang lalaking 'yon? Baka naman pera lang ang_."

Hindi niya na natapos ang sinasabi nang muling dumantay sa kan'yang pisngi ang palad ni Angenette.

"Don't you dare accuse me, Gilbert!"

Napasabunot siya sa sarili. Nagpipigil na pagbuhatan ng kamay si Angenette. "Angenette, huwag mo nang palakihin ang problema! Hiwalayan mo na ang Isaac na 'yon at sumama ka na sa akin. Pananagutan ko ang batang 'yan!"

Naluluha namang iniiwas ni Angenette ang mga mata kay Gilbert. Gulong-gulo na ang isipan niya ngayon.

Naisip niya bigla ang mga magulang ni Isaac. Tiyak niyang mas lalo nang hindi siya matatanggap ng mga ito oras na malaman nila ang sitwasyon niya ngayon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 62

    Hindi na nagulat si Isaac nang matanggap ang liham mula sa abogado ni Hope. Tila ba'y matagal na rin niyang inaasahan ang pagdating nito—ang huling kumpirmasyon ng unti-unting nawalang pag-ibig sa kaniya ni Hope.He sat quietly at the table inside his hospital office, holding an envelope that seemed to weigh more than its actual contents. Nang buksan niya iyon, binungaran siya ng mga salitang pormal, malamig, at walang espasyo para sa damdamin. Legal Separation.Blangko ang ekspresyon ni Isaac habang pinagmamasdan ang mga dokumento. Walang galit. Walang luha. Pero sa ilalim ng kanyang katahimikan, may mabigat na pagbagsak—parang may unti-unting gumuguho sa loob.Ayaw niyang pumirma. Ayaw niyang tapusin. Pero higit sa lahat, ayaw niyang ipilit ang sarili sa isang relasyong ayaw na ring manatili.Kaya't sa huli ay pinirmahan niya pa rin ito nang buong pag-iingat na tila sa bawat guhit niya sa kanyang pangalan ay isang paalam.Ito na lamang ang tanging kaya niyang ibigay. Ang kalayaan ni

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 61

    Tahimik at maaliwalas ang panahon habang nakaupo sa bench sina Hope at Zeke sa malawak na garden sa likod ng law office ni Atty. Mañago. Kaibigan ng late grandfather ni Zeke ang matandang abogado at nitong nakaraang linggo ay nag-set ito ng appointment dito para tulungan si Hope sa plano nitong pag-f-file ng petition for annulment sa asawa nitong si Isaac. May maliit na ngiti sa labi si Hope nang tumingala siya sa kalangitan na kay gandang pagmasdan. Mas lalo pa itong gumanda sa kaniyang paningin nang may kawan ng mga puting ibon ang lumipad patungo sa kung saan man ang destinasyon ng mga ito. "Such a lovely weather isn't it, Zeke?" aniya subalit wala siyang natanggap na tugon mula sa kaibigan. Nilingon niya ito sa kaniyang tabi at nakita ang hindi nito maipintang mukha. Hindi man magsalita ay alam niya ang dahilan ng pagsimangot nito. (Flashback) Nasa harap ng desk ang abogadong si Mr. Mañago, nasa tapat naman nito si Hope at si Zeke. Kampanteng nakaupo si Hope at pinagmamasdan an

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 60

    "I can feel you staring at me," sabi ni Hope kay Zeke habang nakapikit ang mga mata. Nakahiga siya ngayon sa hospital bed at sandaling nagpapahinga pagkatapos siyang kuhanan ng dugo. Dumilat siya at tiningnan si Zeke na nakaupo sa upuan sa gilid ng kaniyang kama. "Is he going to be okay?" Maingat na hinawakan ni Zeke ang kamay niya. "He's receiving your blood right now, don't worry, he'll be fine." "I could have just ignored them, right?" "If you did, the worst could have happened already." "This could have been the best way to get my revenge on Angenette. If Timmy disappears from her life, her world will crumble," aniya, saka malungkot ang ngiting bumaling sa binata. "Such an evilish thought, right?" dagdag pa niya subalit nanatili lamang na seryosong nakatitig sa kaniya si Zeke. "Do you know why I am doing this?" tanong niya. "Tell me," tugon ni Zeke nang may maliit na ngiti sa labi. Malungkot ang ngiting tinitigan ni Hope ang mga kamay ni Zeke sa kaniya bago siya sumagot. "It'

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 59

    "Why is she not picking up my calls? " Kunot-noong ibinalik ni Isaac ang cellphone sa bulsa ng pantalon nang hindi sagutin ni Angenette ang tawag niya sa pangalawang pagkakataon. Nasa kaniya pa rin ang wallet na naiwan nito. Malapit na siya sa kanto nang mapansin niya ang nagkukumpulang mga tao sa tabi ng lamp post, ang nakasisilaw na police lights sa mga sasakyan ng pulisya na naroroon, at sirena ng ambulansyang papalayo. "Ano po'ng nangyari rito?" tanong niya sa isa sa mga bystanders doon. Bago pa man makasagot ang kaniyang kinakausap ay napansin niya na ang sasakyang nakaparada sa tabi at ang driver niyon na kinakausap ng mga pulis. Bigla siyang kinabahan nang mapuna ang bola sa tabi ng daan. Katulad iyon ng bolang dala ni Timmy kanina nang pumunta ito sa kaniyang bahay. "May nabundol na bata. Sabi ng nakadisgrasya, eh, bigla raw tumawid kaya hindi siya nakaiwas kaagad." Pagkarinig sa sinabi ng kausap ay dali-dali nang umalis si Isaac at sumugod sa ospital kung saan dinala si T

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 58

    Nagulat si Hope sa biglang pagyakap sa kaniya ni Isaac. Sinubukan niyang kumawala rito, subalit mas hinigpitan pa nito ang pagyapos sa kaniya."I'm sorry," halos pabulong na sabi ni Isaac sa kaniya.Pilit na pinigil ni Hope na pumatak ang mga luhang namumuo na sa mga mata. She knows that she needs to hear Isaac's apology, but she's also aware that it won't change anything. His previous actions led them to that downfall. Kung simpleng kasalanan lamang sana ang nagawa nito, baka sakaling ginantihan niya rin ng mainit na yakap ang mga yakap nito ngayon sa kaniya. The damage he have done to their family was beyond repair."You don't have to feel sorry about this, Isaac. What happened was Kevin's fault," patay-malisya niyang sabi kay Isaac. Wala siyang kamalay-malay na alam na nito ang totoo.Umiling-iling si Isaac. "No, I'm sorry. Hindi aabot sa ganito kung naging mabuting asawa lang ako sa 'yo, Hope."She stared at Isaac's eyes intently and slowly figured that he already knew what she ha

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 57

    Labis ang pagtataka ni Hope nang magising siya sa bahay ng Mommy Hilda niya. Mas lalo pa siyang nagtaka nang matuklasan na naroroon din and Daddy Wilson at ang Tita Yvette niya. Doon na raw nagpalipas ng gabi ang mga ito matapos siyang sunduin sa bahay nila ni Isaac na hindi niya naman maalalang nangyari. Ang huling naalala niya lamang ay ang pagputok sa iba't ibang social media sites ng eskandalong kinasasangkutan niya."Kumain ka, Hope. Kailangan mong magpalakas, tingnan mo, nangangayayat ka na," sabi kay Hope ng kaniyang Mommy nang hindi niya man lang ginagalaw ang inihanda nitong agahan."Wala po akong gana—""Listen to your mom, Hope," putol naman ng Daddy Wilson niya sa tangka niyang pagsasalita. Tiningnan niya ito at ang katabi nito ngayong si Yvette. Ni sa panaginip ay hindi niya nakita na magsasama-sama silang apat sa iisang bahay."Hindi ninyo naman po ako kailangang kunin sa bahay. Kaya naman po naming ayusin ito nang kami lang," nakayuko niyang sabi."We know that pero bil

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status