"What exactly happened to you, Isaac?" pabulong na tanong ni Hope habang pinagmamasdan ang mukha ng tulog na si Isaac. Nakahiga ito ngayon sa mahabang sofa sa salas ng kan'yang condo unit.
Matapos siyang alukin ng kasal ni Isaac ay nawalan na ito ng malay dahil sa labis na kalasingan samantalang siya naman ay naiwang gulat na gulat at hindi alam kung paniniwalaan ba ang mga narinig.Sinubukan niyang hawakan ang mga hibla ng buhok nito subalit natigilan siya nang umungol ito at nalulungkot na tinawag ang pangalan ni Angenette. Napabuntong-hininga siya.Malinaw pa sa alaala ni Hope ang hitsura ni Isaac habang naghahanda ito sa gagawing marriage proposal para kay Angenette no'ng nakita niya ito sa restaurant. Sobrang saya at excited nito nang gabing iyon.Tumingin siya sa kan'yang kamay at pinagmasdan ang singsing na isinuot ni Isaac sa kaniya kanina. Simple lang ang disenyo ng singsing subalit napakaganda pa rin nitong tingnan sa kan'yang daliri. Pangarap niya lang noon ang maranasan na alukin siya ni Isaac ng kasal ngunit ngayong nangyari na ay hindi niya naman magawang maging masaya dahil alam niyang hindi naman siya ang totoong minamahal nito. Gano'n pa man, hindi niya maawat ang sarili na isipin ang sinabi nito. Seryoso ba ito sa alok nito sa kan'ya o nadala lamang ito ng labis na kalasingan?Umiling-iling si Hope at pilit na pinalis sa kan'yang isipan ang mga katanungang iyon. Napagdesisyunan niyang bukas na lamang niya iyon lilinawin kay Isaac.Kumuha siya ng extrang kumot sa kaniyang silid at kinumutan si Isaac."Forget every bad things that happened today, Isaac, and just dream of the good ones. Have a good night sleep," she whispered before returning to her room.*****Napabalikwas mula sa pagkakahiga si Isaac nang makarinig nang malakas na sigaw. Nasapo niya ang kaniyang ulo nang biglang kumirot iyon. Hindi niya tiyak kung dahil ba iyon sa biglaan niyang pagbangon o sa lakas ng narinig niyang sigaw.Lumingon siya sa kusina at nakita roon si Hope na panay ang pagpaypay sa ere dahil sa usok na nagmumula sa niluluto nito na ngayon ay sunog na. Saka niya lamang napagtanto na nasa bahay pa rin pala siya nito.Hindi katulad ng ilan, hindi nakakalimutan ni Isaac ang mga ginagawa niya sa tuwing nalalasing siya kung kaya't malinaw pa rin sa kaniyang alaala ang mga bagay na sinabi niya kay Hope kagabi."Oh my gosh! I ruined everything!" inis na sabi ni Hope nang makita ang resulta ng kaniyang niluto. "Pagkain pa bang matatawag 'to?"Napailing-iling si Isaac habang pinagmamasdan ito. Lumapit siya sa pwesto nito at isinara ang kalan. "Are you planning to set this building on fire?" pabiro niyang tanong dito."Oh, you're awake!" gulat na sabi naman ni Hope nang lingunin siya nito.Napadako ang mga mata niya sa kawali. Laman niyon ang itlog na nagkulay itim na sa sobrang pagkasunog. Muli, napailing siya at bumuntong-hininga. "Maupo ka na, ako na ang bahala rito."Nanlaki ang mga mata ni Hope at kaagad na tinanggihan siya. "No, you shouldn't. You are my visitor.""Just sit," sabi niya na lamang, saka hinubad na kay Hope ang suot nitong apron at sinuot na iyon sa kaniyang sarili. "You might really end up burning the whole place if I let you do the cooking."Nahihiya namang napakamot sa batok si Hope. Naisip niya na imposible nang gustuhin ni Isaac na maging asawa siya nito ngayong natuklasan na nito na wala siyang kaalam-alam sa pagluluto.Kagaya ng sinabi ni Isaac, naupo na lamang siya at pinanood ito.Hindi maalis-alis ang mga ngiti niya sa labi habang pinanonood si Isaac na nagluluto. Hindi niya mapigilang pagpantasyahan ang imahe nito bilang asawa niya kung sakali man na magpakasal nga sila. Kilig na kilig siya sa kaniyang kinauupuan habang in-i-imagine na lagi siya nitong ipagluluto kapag mag-asawa na sila."Wow!" bulalas niya nang inihain na ni Isaac sa hapag ang mga niluto. Namimilog ang kaniyang mga mata habang takam na takam na tinitingnan ang mga pagkain sa kaniyang harapan. Isaac is indeed a husband material.Naupo si Isaac sa harapan niya at tipid siyang nginitian. "May iba ka pa bang gustong kainin? Pwede pa akong magluto," tanong nito sa kaniya."No, this is enough. Nakakahiya nga kasi ikaw pa talaga ang pinagluto ko." Napakamot siya sa ulo at nahihiyang ngumiti. "Pasensya na ha? Hindi kasi ako gaanong marunong sa kusina. I know this might sounds like an excuse pero sa totoo lang, sa sobrang busy ng schedule ko noon, hindi ko na talaga napaglaanan ng oras ang pagluluto. Nasanay na lang akong kumakain sa labas o kaya naman ipinagluluto ni Zeke. Pero ngayong medyo lumuwag-luwag na ang schedule ko, sinusubukan ko nang pag-aralan ang mga gawain sa kusina. Noong nakaraan nga, nagpaturo ako kay Tita Yvette mag-bake ng cake," kuwento niya.Tumango-tango naman si Isaac at naiilang na ngumiti.Napansin naman ni Hope ang pagkailang ni Isaac kaya pilit na lang niyang tinawanan ang sarili. "Ang daldal ko na ba? Sorry, hindi ko kasi maiwasang maging talkative kapag may ibang tao. You know, mas madalas na mag-isa lang ako rito, walang kausap," sabi niya sabay kagat sa kaniyang mga labi nang ma-realize na ang dami niya na namang sinasabi. "Sorry," pabulong niyang sabi.Matamlay na ngumiti si Isaac at saka umiling. "No, it's okay. Ang ipagluto ka at makinig sa'yo lang ang pwede kong magawa sa ngayon para makabawi sa pang-aabala ko sa 'yo kagabi."Pagkarinig sa sinabi ni Isaac ay siya naman ngayon ang nailang. Naaalala ba nito ang mga sinabi sa kaniya kagabi?Isaac gestured his hand to the food on their table. "Kumain na tayo bago pa lumamig ang pagkain."Tumango na lamang siya at nagsimula nang kumain.Matapos pagsaluhan ang mga niluto ni Isaac at iligpit ang mga pinagkainan ay muli silang naupo sa hapag-kainan.Kapwa tahimik lang sina Hope at Isaac habang nakaharap sa isa't isa at tila ba nagtatantiyahan pa kung sino sa kanila ang unang magsasalita. Sa huli, si Isaac din ang bumasag sa kanilang katahimikan sa pamamagitan ng paghingi nito ng despensa sa nagawa nito nang nakaraang gabi."Nagulat ba kita?" tanong ni Isaac kay Hope matapos humingi ng paumanhin.Medyo yumuko si Hope at matipid na ngumiti. "A little. Well, never ko kasing in-expect na magkakaroon ng chance na bibisita ka rito sa bahay ko..." Kumibit-balikat siya at iniiwas ang tingin kay Isaac. "Wala naman kasi akong naiisip na dahilan para gawin mo iyon."Tumangu-tango si Isaac. "Naiintindihan ko. Kahit din naman ako, hindi ko naisip na darating ang araw na bibisita ako rito sa'yo. I don't remember us being close to pay each other a visit.""Then, bakit ka pumunta rito?" curious na tanong ni Hope.Hindi umimik si Isaac. Nakatitig lang siya sa nakasiklop niyang mga kamay sa ibabaw ng mesa. Nag-iisip.Sumandal si Hope sa upuan at tiningnan lang si Isaac. Medyo magulo pa rin ang buhok nito at medyo gusot na rin ang suot na itim na polo. Sa kabila no'n, guwapo pa rin ito sa paningin niya.Mula sa bulsa ng kaniyang suot na denim shorts, ipinatong niya sa mesa, sa tapat ni Isaac ang singsing na ibinigay nito sa kan'ya kagabi. "I believe this belongs to Angenette."Kinuha ni Isaac ang singsing at tinitigan. "But if you'll accept this, this will belongs to you now."Natigagal si Hope. "W-what do you mean?""Will you still reconsider me becoming your husband, Hope?" seryosong tanong ni Isaac."B-but why? What about Angenette?"Sumandal si Isaac sa upuan at bumuntong-hininga. "She chose to be with someone else, so, let's take her out of the picture," mapait niyang sabi bago muling ibinalik sa mesa ang singsing. "Payag ka pa rin bang pakasalan ako?"Hindi kumibo si Hope. Hindi niya alam kung alin ang mas nakakagulat? Ang kasal na inaalok sa kaniya ni Isaac o ang pang-iiwan dito ni Angenette?"Sinusunod ko lang ang gusto ng mga magulang natin, Hope. Hindi ba't iyon din naman ang sinabi mo noon? Kung wala si Angenette ay papayag kang magpakasal sa akin kung iyon ang gusto ng magulang mo para sa 'yo," segunda ni Isaac sa kaniyang sinasabi nang mapansing naguguluhan na si Hope sa mga nangyayari."May nakakaligtaan ka, Isaac," seryosong wika ni Hope. "Sa pagkakaalala ko, I also told you that I like you. Sinasabi mo ba sa akin ang lahat ng 'yan kasi alam mong malaki ang chance na hindi kita tatanggihan?"Pinagkrus ni Isaac ang mga braso, saka tumikhim. "You don't have to feel pressured, Hope. I am not forcing you into this marriage. It's still up to you kung papayag ka o hindi. Anuman ang maging desisyon mo, rerespetuhin ko iyon. I'm just doing this para tatantanan na tayo ng mga magulang ko..." natawa siya bigla nang mahina. "No, ikaw lang pala ang tatantanan nila. Kung sakali man na tanggihan mo ako, I'm sure na irereto lang nila ako ulit sa iba."Hope was left out of words because of what Isaac had just told her. Aside from his parents, she can tell that Isaac is trying to use her to escape from the grief Angenette had caused him.*****Abala si Zeke sa pagpili ng mga ipapasalubong kay Hope sa isang souvenir shop bago siya umuwi. Natapos na kasi ang fan meeting ni Jaden, ang isa sa mga talents na hawak niya.Kaagad na nakuha ang atensyon niya ng mga babasaging figurine na naka-display sa isang estante. Lahat kasi ng mga ito ay may touch ng kulay pink. Napangiti siya dahil alam niyang magugustuhan iyon ni Hope.Nasa counter na siya upang bayaran ang mga pinamili nang biglang tumunog ang kaniyang cell phone. Kaagad na sumilay ang ngiti sa kaniyang labi nang makitang si Hope ang tumatawag."Hey, I was just about to call you_."["Zeke, I'm getting married!"] tili ni Hope.Nabitawan ni Zeke ang bitbit na basket dahilan para mabasag ang ilan sa mga laman niyong figurine. Hindi niya nagawang makatugon sa sinabi ni Hope sa labis na pagkabigla.["Zeke, are you listening? I said I'm getting married! Magpapakasal na kami ni Isaac!"]Sa kabila ng hindi maipaliwanag na kirot na bigla na lang umusbong sa kaniyang puso, Zeke did his best to sound happy as he let out a fake laugh. "Really?" Pilit niyang pinasigla ang tono ng boses. "Congratulations... I'm... I'm happy for you."Hindi na nagulat si Isaac nang matanggap ang liham mula sa abogado ni Hope. Tila ba'y matagal na rin niyang inaasahan ang pagdating nito—ang huling kumpirmasyon ng unti-unting nawalang pag-ibig sa kaniya ni Hope.He sat quietly at the table inside his hospital office, holding an envelope that seemed to weigh more than its actual contents. Nang buksan niya iyon, binungaran siya ng mga salitang pormal, malamig, at walang espasyo para sa damdamin. Legal Separation.Blangko ang ekspresyon ni Isaac habang pinagmamasdan ang mga dokumento. Walang galit. Walang luha. Pero sa ilalim ng kanyang katahimikan, may mabigat na pagbagsak—parang may unti-unting gumuguho sa loob.Ayaw niyang pumirma. Ayaw niyang tapusin. Pero higit sa lahat, ayaw niyang ipilit ang sarili sa isang relasyong ayaw na ring manatili.Kaya't sa huli ay pinirmahan niya pa rin ito nang buong pag-iingat na tila sa bawat guhit niya sa kanyang pangalan ay isang paalam.Ito na lamang ang tanging kaya niyang ibigay. Ang kalayaan ni
Tahimik at maaliwalas ang panahon habang nakaupo sa bench sina Hope at Zeke sa malawak na garden sa likod ng law office ni Atty. Mañago. Kaibigan ng late grandfather ni Zeke ang matandang abogado at nitong nakaraang linggo ay nag-set ito ng appointment dito para tulungan si Hope sa plano nitong pag-f-file ng petition for annulment sa asawa nitong si Isaac. May maliit na ngiti sa labi si Hope nang tumingala siya sa kalangitan na kay gandang pagmasdan. Mas lalo pa itong gumanda sa kaniyang paningin nang may kawan ng mga puting ibon ang lumipad patungo sa kung saan man ang destinasyon ng mga ito. "Such a lovely weather isn't it, Zeke?" aniya subalit wala siyang natanggap na tugon mula sa kaibigan. Nilingon niya ito sa kaniyang tabi at nakita ang hindi nito maipintang mukha. Hindi man magsalita ay alam niya ang dahilan ng pagsimangot nito. (Flashback) Nasa harap ng desk ang abogadong si Mr. Mañago, nasa tapat naman nito si Hope at si Zeke. Kampanteng nakaupo si Hope at pinagmamasdan an
"I can feel you staring at me," sabi ni Hope kay Zeke habang nakapikit ang mga mata. Nakahiga siya ngayon sa hospital bed at sandaling nagpapahinga pagkatapos siyang kuhanan ng dugo. Dumilat siya at tiningnan si Zeke na nakaupo sa upuan sa gilid ng kaniyang kama. "Is he going to be okay?" Maingat na hinawakan ni Zeke ang kamay niya. "He's receiving your blood right now, don't worry, he'll be fine." "I could have just ignored them, right?" "If you did, the worst could have happened already." "This could have been the best way to get my revenge on Angenette. If Timmy disappears from her life, her world will crumble," aniya, saka malungkot ang ngiting bumaling sa binata. "Such an evilish thought, right?" dagdag pa niya subalit nanatili lamang na seryosong nakatitig sa kaniya si Zeke. "Do you know why I am doing this?" tanong niya. "Tell me," tugon ni Zeke nang may maliit na ngiti sa labi. Malungkot ang ngiting tinitigan ni Hope ang mga kamay ni Zeke sa kaniya bago siya sumagot. "It'
"Why is she not picking up my calls? " Kunot-noong ibinalik ni Isaac ang cellphone sa bulsa ng pantalon nang hindi sagutin ni Angenette ang tawag niya sa pangalawang pagkakataon. Nasa kaniya pa rin ang wallet na naiwan nito. Malapit na siya sa kanto nang mapansin niya ang nagkukumpulang mga tao sa tabi ng lamp post, ang nakasisilaw na police lights sa mga sasakyan ng pulisya na naroroon, at sirena ng ambulansyang papalayo. "Ano po'ng nangyari rito?" tanong niya sa isa sa mga bystanders doon. Bago pa man makasagot ang kaniyang kinakausap ay napansin niya na ang sasakyang nakaparada sa tabi at ang driver niyon na kinakausap ng mga pulis. Bigla siyang kinabahan nang mapuna ang bola sa tabi ng daan. Katulad iyon ng bolang dala ni Timmy kanina nang pumunta ito sa kaniyang bahay. "May nabundol na bata. Sabi ng nakadisgrasya, eh, bigla raw tumawid kaya hindi siya nakaiwas kaagad." Pagkarinig sa sinabi ng kausap ay dali-dali nang umalis si Isaac at sumugod sa ospital kung saan dinala si T
Nagulat si Hope sa biglang pagyakap sa kaniya ni Isaac. Sinubukan niyang kumawala rito, subalit mas hinigpitan pa nito ang pagyapos sa kaniya."I'm sorry," halos pabulong na sabi ni Isaac sa kaniya.Pilit na pinigil ni Hope na pumatak ang mga luhang namumuo na sa mga mata. She knows that she needs to hear Isaac's apology, but she's also aware that it won't change anything. His previous actions led them to that downfall. Kung simpleng kasalanan lamang sana ang nagawa nito, baka sakaling ginantihan niya rin ng mainit na yakap ang mga yakap nito ngayon sa kaniya. The damage he have done to their family was beyond repair."You don't have to feel sorry about this, Isaac. What happened was Kevin's fault," patay-malisya niyang sabi kay Isaac. Wala siyang kamalay-malay na alam na nito ang totoo.Umiling-iling si Isaac. "No, I'm sorry. Hindi aabot sa ganito kung naging mabuting asawa lang ako sa 'yo, Hope."She stared at Isaac's eyes intently and slowly figured that he already knew what she ha
Labis ang pagtataka ni Hope nang magising siya sa bahay ng Mommy Hilda niya. Mas lalo pa siyang nagtaka nang matuklasan na naroroon din and Daddy Wilson at ang Tita Yvette niya. Doon na raw nagpalipas ng gabi ang mga ito matapos siyang sunduin sa bahay nila ni Isaac na hindi niya naman maalalang nangyari. Ang huling naalala niya lamang ay ang pagputok sa iba't ibang social media sites ng eskandalong kinasasangkutan niya."Kumain ka, Hope. Kailangan mong magpalakas, tingnan mo, nangangayayat ka na," sabi kay Hope ng kaniyang Mommy nang hindi niya man lang ginagalaw ang inihanda nitong agahan."Wala po akong gana—""Listen to your mom, Hope," putol naman ng Daddy Wilson niya sa tangka niyang pagsasalita. Tiningnan niya ito at ang katabi nito ngayong si Yvette. Ni sa panaginip ay hindi niya nakita na magsasama-sama silang apat sa iisang bahay."Hindi ninyo naman po ako kailangang kunin sa bahay. Kaya naman po naming ayusin ito nang kami lang," nakayuko niyang sabi."We know that pero bil