Share

Chapter 10

Penulis: Ruby Timbol
last update Terakhir Diperbarui: 2021-04-14 13:04:29

AFTER TWO MONTHS

"EVERYTHING is set, guys." malawak ang pagkakangiting sabi ni Tin, na magkasalikop pa ang dalawang kamay sa harap ng dibdib. "May naka-line up na rin tayong mga clients," anito at saka humarap sa kanya. "Grabe, bez... this is it. Ito na yata ang simula ng pagyaman natin."

"Hon, masyado kang excited. Huwag munang magbilang ng mga sisiw, hangga't hindi pa napipisa ang mga itlog." nangingiting sabi ni Lloyd sa kasintahan.

Alam naman niyang inaasar lang nito ang kaibigan niya.

Agad namang napalis ang ngiti sa labi ni Tin sa narinig at naniningkit ang mga matang hinarap ang kasintahan.

"Heh! Panira ka ng moment, diyan," inis pa ring inirapan nito ang kasintahan at... "...itlog mo pisain ko diyan, eh." bulong nito na ikinatawa niya.

Alam niyang sinadya ng kaibigan na ibulong iyon upang siya lamang na malapit dito ang siyang makarinig.

"Oh, kayong dalawa, baka mag-away pa kayo." nakangiti pa ring awat niya sa mga ito.

"Hon, ang ibig ko lang namang sabihin, hinay-hinay muna sa pag-iisip," ani Lloyd na agad na nilapitan ang kaibigan niya at inakbayan. "Huwag kang mag-alala, kahit ano'ng mangyari, hindi ka maghihirap sa piling ko." pang-aamo pa rin nito sa kaibigan niyang nakanguso pa rin.

"Alam ko naman iyon, hon," anitong bahagya nang lumambot ang anyo. "Kaya lang, hindi ba mas maganda, kung may mapatunayan din naman tayo sa parents mo? Hindi iyong aasa lang tayo sa mamanahin mo sa kanila." malambing na ring sabi ng kaibigan niya na ikinataas ng kilay niya.

Kilala niya na ang mga ito. Mag-iiringan sandali, maya-maya ay naglalambingan na.

Hindi lingid sa kanila na talagang mayaman ang pamilya ni Lloyd at nag-iisa lamang itong anak. Alam rin nila na ang negosyo nilang ito ay bilang suporta at pagbibigay lang sa pinakamamahal na kasintahan. Kahit hindi ito magtrabaho buong buhay nito ay hindi ito maghihirap. Gayon pa man, ay kakaunti lamang ang nakakaalam niyon, sapagkat hindi naman iyon ipinagyayabang ng binata.

"Hoy, kayong dalawa, tigilan n'yo na 'yang lambingan n'yo, ha. Kinikilabutan ako sa inyo." nakangiting ring sabi ni Kevin na binato pa ng nilukot na tissue si Lloyd.

Malakas namang tinawanan ni Lloyd ang pinsan. "Naiinggit ka lang, brad. Toni, kailan mo ba kasi tatapusin ang paghihirap ng pinsan ko?" anito at naka-ngising ibinato pabalik kay Kevin ang tissue.

"Shh... hon!" ani Tin, na tinakpan pa ang bibig ng kasintahan upang saluhin siya. "Ikaw talaga!"

"Brad, napag-usapan na namin 'yan. Huwag ka nga diyan." si Kevin na tiningnan ng masama ang pinsan.

Nangingisi namang umiiling-iling lang si Lloyd, na tinanggal ang kamay ng kasintahan sa bibig at masuyong hinalikan. Masuyo naman itong hinampas ni Tin sa dibdib na tinawanan lang nito.

Naiiling na hindi na lamang siya sumagot upang hindi na humaba pa ang usapan.

"O, sha! Magsi-uwi na tayo at big day natin tommorow. Sa makalawa na ang first event natin, kaya kailangan bukas pa lang i-prepare na natin ang lahat ng lulutuin. First event natin ito kaya kailangan mag-iwan tayo ng magandang impression sa client, para sa susunod, tayo uli ang kunin nilang caterer. Or, baka may propective clients doon na ma-impress sa atin at kunin ang service natin. Okay, guys, pack-up na po." mahabang litanya nito. Alam niyang katulad niya ay kinakabahan rin ito. Silang dalawa sa kanilang apat ang higit na nangangailangan ng trabahong ito.

"Okay. I think, we all have to rest, for now, para may energy tayo para bukas. Naibigay ko na pala ang mga uniforms ng mga tao natin, and nasabi ko na rin kung ano ang mga gagawin nila, para bukas, and sa makalawa." aniya, na kay Tin nakatingin.

Patamad na tumayo si Lloyd at masuyong hinila rin patayo ang kasintahan. "O, pa'no? Hatid ko na 'tong honey ko. Pinsan, bahala ka na kay Toni, ha."

Nakita niyang nananaway na hinampas ni Tin sa braso ang tatawa-tawa lang na kasintahan.

"Oo na! Umalis ka na nga, ang dami mong alam." nakangiting, naiiling na sabi ni Kevin sa pinsan. "Ano? Let's go?" baling naman nito sa kanya.

"Tara na nga. Kayong dalawa, puro kayo kalokohan." naiiling na sabi niya.

"Bukas magseryoso kayong dalawa, ha. Importante sa amin ni Toni ito, na-invest na yata namin lahat ng savings namin dito. Ayaw na naming mamasukan, 'no." sabi ni Tin sa tonong nanenermon.

"Oo naman, hon. Kung gaano kita pinahahalagahan, ganoon ko rin pahahalagahan ang business na ito. Promise." anitong itinaas ang kanang kamay anyong nanunumpa, habang ang isa naman ay nakahapit sa baywang ng kasintahan. "This is our first baby, hon." ani pa nito bago mabilis na hinalikan sa labi ang kasintahan.

Sanay naman na sila ni Kevin sa mga biglaang ka-sweet-an ng mga ito.

"Thanks, hon. Alam ko naman 'yon." namumungay ang mga matang sagot naman ng kaibigan niya.

"That's it, guys." sabi ni Kevin na naka-taas pa ang dalawang kamay. "Let's go, Toni. At baka langgamin na tayo rito."

"Okay. Naaalibadbaran na ako sa dalawang 'to." natatawang sagot naman niya na nauna nang lumakad palabas.

"Bye, bez. See you tommorow." narinig niyang pahabol na sabi ng kaibigan niya na sinagot niya lang ng tango at kaway sa ere.

"Inggit lang kayo!" tumatawang sigaw naman ni Lloyd. "Have a life guys. Have a lovelife!" pahabol pa nitong dinig niya pa kahit nakalabas na sila ng pintuan.

"Pasensya ka na sa pinsan ko, ha." hinging paumahin ni Kevin nang makasakay na sila sa sasakyan nito.

"Ano ka ba? Sanay na ako, 'no. Sa tagal na nating magkakasama." nakangiting sagot niya rito.

Bumuntong-hininga muna ito bago nakangiti nang humarap sa manibela.

"Ano? Kain muna tayo, bago kita ihatid sa bahay n'yo?"

"Sige. Almost seven na naman, eh. Para pag-uwi ko sa bahay matutulog na lang ako."

"Ako rin." anito at pina-andar na ang sasakyan.

HALOS alas-nueve na nang maihatid siya ni Kevin sa bahay. Nalibang sila sa kwentuhan at hindi nila namalayan ang oras.

Nang ihinto ni Kevin ang sasakyan ay nangunot ang noo niya nang mapansin ang itim na Nissan Patrol sa harap mismo ng gate nila. Pamilyar sa kanya ang sasakyang iyon, pero sigurado siyang hindi iyon, 'yon. Bigla ang pagkabog ng dibdib niya nang pumasok sa ala-ala ang isang pangyayari sa nakalipas.

Pilit niyang iwinawaksi ang kaba'ng nararamdaman, pati na rin ang paglitaw ng isang pamilyar na mukha sa isip niya.

"O, pa'no? Hindi na ko bababa, baka magtagal pa ako. Pahinga na tayo, at tiyak na marami tayong aasikasuhin bukas." putol ni Kevin sa tinatakbo ng isip niya.

"S-sige. Salamat sa paghatid." aniyang nginitian muna ito bago bumaba ng sasakyan nito.

Hinintay muna niyang maka-alis si Kevin bago siya pumasok sa gate.

Habang papasok, ay naiisip niya pa rin kung sino ang may-ari ng sasakyan sa labas. Sigurado siyang bisita nila iyon, sapagkat nakaparada iyon sa mismong tapat ng gate nila.

Tila may preno ang mga paa niyang awtomatikong huminto nang makita na niya sa wakas kung sino ang bisita nila.

Seryoso itong nag-uusap at ang kapatid niya.

"Sis, nandiyan ka na pala." agad na baling sa kanya ng ate niya nang maramdaman ang presensya niya. "Naaalala mo si Greg, 'di ba?" ana'ng ate niya, na tila pailalim ang pagkakatingin sa kanya.

"O-of corse..." tila may nakabikig sa lalamunang sagot niya.

Pakiramdam niya ay nakalulon siya ng malaking tipak ng bato at nakaharang iyon sa lalamunan niya. Hindi siya makahinga.

"A-akyat na ako, ate. P-pagod na rin ako." malapit nang bumagsak ang luha niya, at mamamatay muna siya bago niya ipakita kay Greg ang pagpatak, kahit ng isang butil niyon.

At ang walanghiya! Mataman lamang itong nakatitig sa kanya na tila pilit na binabasa ang nararamdaman niya.

"Kumain ka na ba?" agad na tanong ng ate niya bago sumulyap naman kay Greg. "May dalang California Maki si Greg, hindi ba paborito mo 'yon?"

Kung may alam lang ang ate niya sa nakaraan nila ni Greg ay iisipin niyang nananadya ito.

"Kumain na kami ni Kevin bago niya ako inihatid dito." aniya at walang emosyon na tiningnan si Greg. "Saka hindi ko na favorite 'yon. Nagbago na ang taste ko." malamig na sabi niya at tumalikod na.

Nang nasa tuktok na siya ng hagdan ay hindi niya napigilan ang sarili na lingunin si Greg, na tila na-estatwa sa pagkakatayo. Kaya't kitang-kita niya ang pagdidilim ng mukha nito at pagngangalit ng mga bagang habang nakatingala sa kanya.

The nerve! At siya pa ang may ganang magalit?" aniya sa isip niya bago tuloy nang lumakad patungo sa silid niya.

Wala pang limang minuto siyang nakakapasok sa silid niya, nang marinig niya ang padarag na pag-arangkada ng sasakyan sa labas.

Pilit niyang kinakalma ang kalooban at pinipilit na matulog. Gusto niyang makalimutan ang tagpo, kani-kanina lang.

Nakapikit na siya at pilit na natutulog nang tumunog ang cellphone niya, tanda na may nagtext.

09270000000

So, umaaligid pa rin sa iyo 'yong Kevin na 'yon? Ang tiyaga ha! O, baka kayo na?

Naningkit ang mga mata niya nang mabasa ang text. Humigit-kumulang ay alam niya na kung kanino iyon nanggaling.

Pero sinadya niya pa ring asarin ito.

TONI

Hu u?

09270000000

Huwag na tayong maglokohan, alam kong kilala mo ako.

Lalong nag-init ang ulo niya sa sagot nito.

Ang kapal talaga ng mukha!

TONI

Ang kapal din ng mukha mong sabihin sa akin na huwag tayong maglokohan, 'no? Niloko mo ako, remember?

TONI

So, paano mo nalaman ang number ko?

09270000000

I have my sources, Sweetheart.

Hindi niya maisip kung bakit ibinigay ng ate niya ang number niya kay Greg. At kung papaano iyon hiningi ni Greg dito. Hindi ba nagtaka ang ate niya kung bakit hinihingi ng binata ang numero niya?

TONI

Siyempre sa ate ko, 'di ba? At saka pwede ba, huwag mo nga akong tawaging sweetheart? Nakakasuya!

09270000000

You used to spell it, Swit❤.

TONI

Pwede ba, tigilan mo na ako?

GREG

Bakit? Dahil ba may iba ka nang gusto? Na nag-iba ka na ng taste? Si Kevin na ba ang gusto mo ngayon?

Grr... talagang ginagalit siya ng lalaking iyon!

TONI

Wala ka na d'on! Basta tigilan mo na ako! Wala ka nang aasahan sa akin, naka-move on na ako sa'yo! Matagal na!

GREG

I'm sorry sweetheart, dahil ako, never akong makaka-move on sa'yo. Kaya hindi kita mapagbibigyan sa gusto mo. I intend to get back, what is mine!

TONI

Hindi mo ako pag-aari, damn you!

GREG

You're mine, Sweetheart, just mine. And, I definitely, don't share what is mine. Especially if, it is you. Bear that in mind.

TONI

DAMN YOU! DAMN YOU! DAMN YOU! I WAS NEVER YOURS! AS WELL AS, YOU WERE NEVER MINE.

GREG

You're wrong, sweetheart. I am forever yours. Goodnight for now. Alam kong pagod ka..8

INIS na inabot ni Toni ang unan at itinakip sa mukha. Namalayan niya na lamang na basa na ng luha ang mga mata niya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Justine Joy Larazo Manoto
unlock pls
goodnovel comment avatar
Ling Cabase Dayan
maganda sana ma unlock xa ng libre
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • My Sweetheart   FINALE

    "What?!" bakas ang pagkagulat sa mga mata at tinig ni Toni sa sinabi ng kasintahan. "Nah... of course, you're joking.""Sweetheart, i'm not." bahagya siyang napalunok nang makitang seryoso nga ang mukha nito."Seryoso? As in...?""Damn, serious!" tumatango-tango pang sabi muli nito."B-but... I mean..." hindi niya alam kung ano ang sasabihin at kung papaano magre-react.Seryoso talaga?Naka-angat naman ang kilay nakatingin sa kanya si Greg. Nagtatanong ang mga mata."H-how? I mean... gan'on kabilis? Are we in a rush, here?""I am." seryoso pa ring sagot ng binata. "Ayaw mo ba?" she can sense insecurity in his voice."Of course, not." mabilis niyang sagot. "Look... I want to marry you, alright, but... do we really have to make it, tomorrow? Paano ang parents ko? Ni hindi pa nga kayo nagkikita, hindi ka pa nga namamanhikan? And besides, gusto ko, kapag kinasal ako, nandito sila."

  • My Sweetheart   Chapter 37

    KUNG naging lalaki lamang siguro si Chloe, ay kanina pa ito nasaktan ni Greg, sa labis na galit na nadarama niya nang mga oras na iyon.Nag-uumigting ang mga ugat sa kanyang kamao sa higpit ng pagkakakuyom, dahil sa pagpipigil na masaktan ang dalaga."From now on, stay away from me, and Toni. Sa susunod na lumapit ka pa sa amin, hindi ko na alam kung makakaya ko pang pigilan ang sarili ko." naniningkit ang mga matang sabi niya.Kahit ano'ng gawin nito ay hindi niya kayang kalimutan na lamang ang lahat ng mga ginawa nito. Kamuntikan na siyang iwan ni Toni nang dahil sa kagagawan nito."Ayoko nang magkaroon pa ng kahit na ano'ng kaugnayan sa'yo!" nagngangalit ang mga bagang na mariin niyang sabi. "Not even as friends, this time, Chloe!"Mariing napalunok si Chloe at nanlaki ang mga mata sa intensidad ng mga sinabi niya. "You can't do that to me!"Umangat ang gilid ng mga labi niya sa isang pagak na ngiti. "Try me." nagh

  • My Sweetheart   Chapter 36

    KUNG naging lalaki lamang siguro si Chloe, ay kanina pa ito nasaktan ni Greg, sa labis na galit na nadarama niya nang mga oras na iyon.Nag-uumigting ang mga ugat sa kanyang kamao sa higpit ng pagkakakuyom, dahil sa pagpipigil na masaktan ang dalaga."From now on, stay away from me, and Toni. Sa susunod na lumapit ka pa sa amin, hindi ko na alam kung makakaya ko pang pigilan ang sarili ko." naniningkit ang mga matang sabi niya.Kahit ano'ng gawin nito ay hindi niya kayang kalimutan na lamang ang lahat ng mga ginawa nito. Kamuntikan na siyang iwan ni Toni nang dahil sa kagagawan nito."Ayoko nang magkaroon pa ng kahit na ano'ng kaugnayan sa'yo!" nagngangalit ang mga bagang na mariin niyang sabi. "Not even as friends, this time, Chloe!"Mariing napalunok si Chloe at nanlaki ang mga mata sa intensidad ng mga sinabi niya. "You can't do that to me!"Umangat ang gilid ng mga labi niya sa isang pagak na ngiti. "Try me." nagh

  • My Sweetheart   Chapter 35

    HABANG nasa biyahe si Greg ay hindi niya maubos-maisip kung papaanong naroon si Chloe sa condo niya, sa dalawang pagkakataon na nagpunta doon si Toni.Kailangan niya talagang malaman ang katotohanan. Hindi siya papayag na ang mga pangyayaring iyon ang maging dahilan ng pagkasira nila ng kasintahan.Dahil babalik din naman siya agad sa condo niya, ay hindi na siya nag-abala pang ipasok sa loob ng gate ang sasakyan niya; ipinark niya na lamang ito sa tapat ng mansyon.Walang kamalay-malay ang mga tao sa loob sa pagdating niya. Nasa pinto pa lamang siya ay dinig niya na ang usapan ng mga ito."I guess, your plan worked. Greg wants to see you." dinig na dinig niyang sabi ng Mama niya na nagpatiim ng mga bagang niya. "Sana talaga, hindi na magpakita ang babaeng 'yon. And, I hope, too, na bayad na ako sa pagkakautang ko sa'yo." nangunot ang noo niya sa huling sinabi ng ina.Pinili niyang manatili na lamang sa labas ng pintuan. Nais ni

  • My Sweetheart   Chapter 34

    FLASHBACKPagkatapos na maihatid ni Toni sa opisina ang mga papeles na kailangan ni Tin, ay nagmamadali na siyang nagpaalam sa kaibigan at sinabing kailangan niyang puntahan si Greg sapagkat may sakit ang nobyo, at hindi pa ito nakakainom ng gamot, at sa malamang, ay hindi pa rin kumakain, dahil mag-isa lamang ito sa unit nito.Dumaan muna siya sa isang restaurant upang bumili ng makakain nito at pagkatapos ay sa drugstore naman, para sa gamot na ipaiinom niya rito pagkatapos.Naiiling-nangingiti pa siyang pumasok sa unit nito sapagkat katulad nga ng sinabi nito, ay hindi nga nito ini-lock ang pinto, para hindi na raw siya mahirapan pa sa pagkatok. Naalala niya ang naging pag-uusap nila kanina sa text, kaya't lalong lumawak ang ngiti niya, kasabay ng pag-iinit ng mga pisngi.Pagpasok, ay agad siyang dumeretso sa kusina upang ayusin ang biniling pagkain at saka niya gigisingin ang binata upang makakain na at mapainom ng gam

  • My Sweetheart   Chapter 33

    TINHey, kumusta? Nag-usap na ba kayo?TONINope. But it's over.TINWhat? Akala ko hindi pa kayo nakakapag-usap?TONIYeah. I tried. I went to his condo... guess kung sino ang inabutan ko?TIN???TONIThat girl again!TINBez, malay mo naman iniinis ka lang ng babaeng yon? You know how bitchy she is.TONIShe's only wearing Greg's shirt again, paano mo ipaliliwang yon? And, someone's in the shower.TINSigurado ka ba'ng siGreg yon?TONIBez, hindi naman ako siguro nagkamali ng pintong kinatok. Condo niya yon, malamang siya yon!Bez, I need you now. I am so broke. I need my bestfriend.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status