Share

My Torets CEO Boss
My Torets CEO Boss
Author: Betchay

Prologue

"ako ito nick.. Please kumalma ka.. Kailangan mong lumaban..

Bukas ay kailangang ma-pirmahan mo na ang kontrata ng mga investors.. Kung wala ka bukas ay mapapasa kamay na ng step dad mo ang kumpanyang pinag hirapan ng daddy mo.."

Ngunit hindi parin kumakalma ang binata sa kanyang sinabi. Patuloy parin siya nitong sinasakal. Habang nanlilisik ang mga mata nito. Kaya muli niyang pinilit na mag-salita kahit na hirap na siyang maka hinga.

"Naalala mo nang araw na malaman ko ang pagkatao mo?.. Natakot ako nun, dahil wala akong idea kung anong nangyayari sayo.. Nagtatatakbo ako nun sa takot.. Hinabol mo ako upang pigilan ako ngunit sa kakaiwas ko sayo nun na huwag mo akong ma hawakan ay aksidente akong nadulas.. Sinalo mo ako at nadaganan kita..

Naalala mo nang pilit ka nilang pinapainom ng alak, ngunit tumanggi ka dahil alam mong aatakihin ka ng sakit mo kapag nalasing ka.. Ako.. Ako ang uminom para sayo...

naalala mo nang pinag panggap mo akong girlfriend mo?.. Pinalabas mo pang nag sasama na tayo sa iisang bahay.

Naalala mo rin ba ng aksidente kitang mahalikan? Parang ganito yun nick.."

Dahan-dahang hinalikan ni andrea si nicko. Maya-maya pa ay unti-unting kumalma ang binata at bumalik na ito sa normal.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status