Parang na istatuwa si andrea ng hindi si mang delfin ang taong hinawakan niya. Kamukhang kamukha ito ni nicko. Naka ngiti sa kanya ang lalaki pagka harap nito sa kaniya."nicko...?" Halos pa bulong na saad ni andrea. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Mas lumapad pa ang pagkaka ngiti ng lalaking kanyang kaharap.Hindi na napigilan ni andrea ang kanyang sarili. Niyakap niya ito ng mahigpit. Habang naka yakap si andrea dito ay inaasahan niyang bigla itong mawawala habang yakap niya. Ngunit sa ilang segundo siyang na kayakap dito ay nanatili pa rin itong nayayakap niya."no please.. Kung panaginip lang to ayoko ng magising lord.." Halos pa bulong na saad ni andrea sa kanyang sarili."Mahal mo ba si nicko?.." Tanong ng lalaking ka yakap niya sa paos na boses. "oo mahal na mahal ko siya.."Matapos na sabihin iyon ng dalaga ay doon niya lang naramdaman na niyakap din siya nito at mas mahigpit pa ang ginawang yakap nito sa kaniya. Kumalas sa pagkaka yakap dito si andrea. Ngunit
Flashback:Isang buwan bago ang mangyaring pag kalat ng video ni nicko, na si andrea pa ang kumuha ay nakatakda na sana siyang magpa opera sa ibang bansa. Tumawag kasi ang kanyang personal doctor na mayroon na daw nakuhang heart donor para sa kanya. Ngunit nag aalangan ang binata, dahil na kumpirma niya na sa kanyang sarili na mahal na nga niya si andrea, at sa tingin niya ay hindi niya kayang mawalay dito. Nasanay na kasi siya sa presensya nito, na palagi niya itong nakakasabay kumain, maging sa pag pasok at pag uwi nila sa trabaho. Kulang na nga lang ay mag tabi sila nito sa pag tulog. Hanggang sa dumating ang araw na napansin niyang parang hindi na masaya si andrea sa kanilang set up. Iniisip kasi ng binata na mahal talaga ni andrea si Lucas at kaya ito nalulungkot ay dahil hindi na nito nakakasama madalas ang lalaking iniibig nito na si Lucas. Dahil nga sa magkasama na silang naka tira nito sa iisang iisang bubong.Dahil doon ay nasasaktan si nicko, ayaw niya kasi na nakikitang
Luhaan ang dalawa ng mag tagpo sa harapan ng altar. Hawak kamay silang humarap sa Paring mag kakasal sa kanila."you may now kiss the bride.." Saad ng pari kay Nicko.Tapos na ang kasal ay hindi parin makapaniwala si andrea na buhay si nicko. Hinalikan siya ng binata sa kanyang labi. Habang magkalapat ang labi ng dalawa ay narinig nilang nag papalakpakan ang mga tao sa loob ng simbahan.Nang mag hiwalay ang kanilang labi ay niyakap pa siya nito ng mahigpit. "congratulations to both of you!.." Bati sa kanila ni Ginang helen pagka lapit palang nito sa kanilang dalawa. Yumakap ito sa dalawa. Humalik naman sa pisngi nito sina andrea at nicko. "salamat mommy.." Halos sabay na saad ng dalawa sa ginang na noo'y punong puno ng luha ang mga mata nito. "bakit po kayo umiiyak mommy?" Tanong ni andrea sa ginang na noo'y nag pupunas na ng luha nito."masaya lang ako anak.. Masayang masaya.. Hindi ko akalain na darating tayo sa ganitong punto.. Na magiging manugang na kita.." Tugon nito kay
Matapos ang kanilang kasal ay nag paiwan ang dalawa sa isla. Doon nila gaganapin ang kanilang Honeymoon. Ang islang iyon na pinag dausan ng kasal ng dalawa, ay ang isla del Castillo na pag magmay-ari nina jordan del Castillo, ang ama ni Lucas del Castillo. Hindi iyon napansin ni andrea, dahil una niyang napansin ang ganda ng paligid nito. Sa islang iyon din ginanap ang kasal nina jordan del Castillo at eloisa mae Macaraeg, balak nilang doon na rin idadaos ang magiging kasal ng kanilang mga anak balang araw. Naniniwala kasi ang dalawa na maswerte ang lugar na iyon, dahil dinivelop ang lugar na iyon, dahil sa pag ibig ni jordan kay eloisa.Kaya ng malaman nila ang balak na pag papakasal ni nicko kay andrea ay ang lugar na iyon ang kanilang iminungkahi na gaganapan ng magiging kasal ng dalawa. Katatapos lang mag love making ng dalawa. Kasalukuyang naka tayo sa balkonahe noon si nicko at naka tanaw sa malayo, nang lapitan siya ni andrea at yakapin sa likuran nito."anong iniisip mo mah
"ako ito nick.. Please kumalma ka.. Kailangan mong lumaban.. Bukas ay kailangang ma-pirmahan mo na ang kontrata ng mga investors.. Kung wala ka bukas ay mapapasa kamay na ng step dad mo ang kumpanyang pinag hirapan ng daddy mo.." Ngunit hindi parin kumakalma ang binata sa kanyang sinabi. Patuloy parin siya nitong sinasakal. Habang nanlilisik ang mga mata nito. Kaya muli niyang pinilit na mag-salita kahit na hirap na siyang maka hinga. "Naalala mo nang araw na malaman ko ang pagkatao mo?.. Natakot ako nun, dahil wala akong idea kung anong nangyayari sayo.. Nagtatatakbo ako nun sa takot.. Hinabol mo ako upang pigilan ako ngunit sa kakaiwas ko sayo nun na huwag mo akong ma hawakan ay aksidente akong nadulas.. Sinalo mo ako at nadaganan kita..Naalala mo nang pilit ka nilang pinapainom ng alak, ngunit tumanggi ka dahil alam mong aatakihin ka ng sakit mo kapag nalasing ka.. Ako.. Ako ang uminom para sayo...naalala mo nang pinag panggap mo akong girlfriend mo?.. Pinalabas mo pang nag sa
UNANG ARAW sa trabaho ni Andrea Morales ngayon. Ito ang kauna-unahan niyang trabaho na napasukan. Kaga-graduate niya lang kasi sa kursong business management at kinakailangan niya na kaagad na makapag trabaho dahil kamamatay lang ng kanilang mga magulang. Parehong guro sa eskwelahan ang kanyang mga magulang sa isang pampublikong paaralan sa kanilang probinsya. Ngunit sa isang hindi inaasahan na pang yayari ay aksidenteng nabangga ng isang kotse ang sinasakyang traysikel ng Mga ito at nahulog sa bangin na malapit sa kalsada. Kaya't Ulilang lubos na sina adrea. Panganay siya sa dalawang magkapatid. Dahil sa kailangan niyang mag hanapbuhay Ang isa niyang kapatid na lalaki ay inihabilin niya muna sa kanilang tiyahin na kapatid ng kanilang tatay.Pinakiusapan niya ang kanilang tiyahin na doon niya muna iiwan ang kanyang kapatid na si Dominic. Sinabihan niya ito na magpapadala nalang siya tuwing siya ay sa sahod para pang budget sa pagkain ng kaniyang kapatid.Matapos kasi na mailibing nila
Lumipas ang isang buwan at naging okay naman ang lahat ng nangyari sa buhay ni andrea. Gamay niya na ang kanyang mga gawain sa kanyang pinapasukang trabaho. Naka sahod na rin siya kung kaya't nakapag padala na siya sa kanyang kapatid para pang budget nito sa araw araw na gastusin.Kasalukuyang nasa trabaho na si andrea ng mag patawag ng emergency meeting ang kanilang boss. Nakaramdam siya ng excitement. Ngayon palang kasi niya makikita ng lubos ang kanilang boss. Dahil ng magpunta siya sa office nito noong nakaraang buwan ay hindi niya nakita ng maayos ang mukha nito dahil nakatalikod ito habang nag sasalita sa kanya. Tumayo na siya upang mag punta sa meeting place ng napansin niyang kinakawayan siya ni ms. Suarez. Nakangiti ito habang tinatawag siya. Agad naman siyang lumapit sa babae at nang makalapit siya dito ay humawak ito sa braso niya at sinabing sumabay na daw siya dito papuntang meeting place. Tumango naman si andrea dito ng may ngiti sa labi bilang sagot sa sinabi ng babae.
NATAPOS na ni andrea ang ipina pagawang report sa kanya ni mrs. Santos. Dinampot niya na ang kanyang bag upang umuwi na. Ngunit naalala niyang kumuha muna ng tubig sa itaas upang makainom siya ng tubig. Ramdam parin kasi niya ang uhaw sa kanyang lalamunan.Naka akyat na siya sa ika limang palapag ng gusali at akma na siyang kukuha ng tubig mula sa dispenser ng may marinig siyang ingay na nang gagaling sa may bandang dulo ng hallway. Nakaramdam siya ng takot dahil wala na siyang ibang nakikita na tao sa palapag na iyon. Maging ang security guard na naka bantay doon kanina ay wala na rin. Nais niya na sanang bumalik nalang sa ibaba at tuluyan ng umuwi nalang. Ngunit muli nanaman siyang may narinig na ingay. Naisip niya na baka may naka pasok na mag nanakaw o masamang tao. Lakas loob siyang nag lakad sa kahabaan ng hall way. Naalala niyang doon din sa palapag na iyon ang opisina ng kanilang Ceo boss na si mr. Nicko Buenavista. Nawala ang ingay na narinig niya kanina na animo'y may bumag