Share

Kabanata 8

Penulis: VERARI
“Do you know each other?” kuryosong tanong ni Rage nang mapansin ang gulat na ekspresyon sa mukha ng tatlo.

Sabay-sabay na napatingin sa kanya sina Klaire, Kira at Miguel.

“Ah… o-opo, kapa–”

“Klaire was a former employee of my family’s company,” pagpuputol ni Kira sa sasabihin sana ni Klaire.

Nagulat si Klaire at Miguel sa sinabing ‘yon ni Kira. Ano’ng dating empleyado ng kumpanya? Magkapatid sila!

Samantala, nakatitig naman si Miguel kay Kira, tila naguguluhan. “Kira, bakit—”

“Migz,” mahinang saway sa kanya ni Kira. Animo’y may nagbabanta tingin ng dalaga habang nagsasalita nang pabulong. “Huwag ka nang sumabat.”

Natigilan si Miguel sa mga salita ni Kira, alam na binabalaan siya nito na malaking problema lang ang dala ni Klaire. Matagal nang tinakwil ni Theodore Limson si Klaire, kaya hindi na dapat banggitin pa na isang Limson si Klaire.

Napangiti nang mapait si Klaire, lalo nang makita niya ang pagiging malapit nina Kira at Miguel.

Si Rage naman ay ‘di maiwasang magduda, ngunit sa huli’y nagpasya na huwag nang manghimasok pa dahil ayaw niyang makialam sa buhay ng kanyang empleyado.

“I see…” tanging sagot ni Rage.

Matamis na ngumiti si Kira. “Pwede ko ba siyang makausap sandali, Mr. De Silva?”

Sa hindi malamang dahilan, nakaramdam ng inis si Rage sa kilos ni Kira. Kararating pa lang nito sa meeting room at ni hindi pa man nagpapakilala nang pormal ay agad nang nanghihingi ng pabor. Pero dahil ang babaeng ito ang magiging asawa ni Miguel Bonifacio, tumango na lamang siya.

“I’ll give you fifteen minutes,” malamig na sabi ni Rage bago magpatuloy sa pag-upo sa couch na katapat ni Miguel.

Agad naman hinila ni Kira si Klaire palabas ng meeting room matapos pahintulutan ni Rage. Tiniyak pa nito na walang ibang tao sa paligid.

Bigla niyang niyakap si Klaire.

“Ate, kumusta ka na?!” Pinakawalan siya nito at tiningnan sa mukha. “Sobra akong nag-aalala sa iyo!”

Biglang naguluhan si Klaire nang makita na puno ng lungkot at pagsisisi ang mukha ng kapatid niyang si Kira. Sa totoo lang, may galit pa rin siya sa nangyari sa kanya dahil sa kapabayaan ng kapatid.

At kung talagang nag-aalala si Kira, bakit wala siyang natanggap ni isang tawag mula dito matapos siyang mapalayas sa mansyon?

"Okay lang ako..." maigsi niyang sagot.

Marami siyang gustong itanong kay Kira, pero naisip niyang wala na rin namang saysay pa. Ayaw na niyang makibalita pa dahil wala namang magbabago.

Namuo ang mga luha sa mga mata ni Kira nang matahimik siya. Nagulat na lang siya nang takpan nito ang mukha gamit ang dalawang kamay at saka umiyak.

"Galit na galit na siguro sa akin si Ate, dahil sa lahat ng nangyari..." turan ni Kira na ikinagulat ni Klaire. "I’m sorry, Ate. Pasensya na..."

May ilang empleyadong napapatingin sa gawi nila dahil sa pag-iyak ni Kira. Nakita pa ni Klaire ang pag-iling ng mga ito, halatang dismayado at iniisip na pinapaiyak niya ang bisita ng boss niya.

“Kira, hindi ako galit sa ‘yo,” aniya at pilit na ngumiti.

Sa totoo lang ay kumikirot ang puso niya habang sinasabi iyon. Sa lahat ng nangyari, may bahagi sa kanya na nagagalit kay Kira. Pero ano pa bang magagawa niya? Kailangan niyang tanggapin na nangyari rin iyon dahil sa kapabayaan niya.

"T-Talaga, Ate?" Itinaas ni Kira ang ulo at tiningnan si Klaire. Nang makita ang pagtango niya ay ngumiti ito. "Buti naman. Akala ko magagalit ka dahil ako na ang papalit sa'yo para magpakasal kay Miguel. Desisyon kasi iyon ni Papa at ng pamilya Bonifacio… Dahil pumayag din si Miguel, wala akong nagawa!"

Bumigat ang dibdib ni Klaire sa narinig na paliwanag mula kay Kira… Kaya pala. Pumayag din si Miguel…

Lihim naman na napangiti si Kira nang mapansin ang lungkot sa mukha ni Klaire. ‘Kung nakikita mo lang ang mukha mo, Klaire. Kawawang-kawawa. Nakaka-satisfy,’ sabi niya sa isip at saka patagong umirap sa kanyang stepsister.

“Wala akong problema sa set up na ‘yan. Sana ay maging maayos ang lahat hanggang sa kasal ninyo ni Miguel…” Pilit na ngumiti si Klaire.

Nang marinig iyon, pekeng ngumiti si Kira, at saka naalala ang tunay na dahilan kung bakit niya gustong makausap si Klaire.

"Bakit ka nga pala nandito, Ate?"

“Dito na ako nagtatrabaho. Secretary ako ni Sir Rage,” ani Klaire. Ilang saglit pa ay napansin niyang nagbago ang ekspresyon ni Kira, na ngayo’y halata ang pagkabalisa at pag-aalala.

“Ate, sa tingin ko lang ha… hindi maganda na nagtatrabaho ka rito. Paano kung makita ka ng pamilya Bonifacio at pagmumurahin ka?”

Biglang naguluhan si Klaire sa narinig.

“Ano ang ibig mong sabihin?”

Nanlaki ang mga mata ni Kira. “Hindi mo ba alam? Si Rage De Silva ay uncle ni Miguel!”

“A-Ano?” Napasinghap sa gulat si Klaire.

***

“So, anong base material ang gusto mong gamitin para sa mga alahas?” tanong ni Rage kay Miguel na nakaupo sa harap niya.

Ilang segundo ang lumipas ngunit wala siyang nakuhang sagot mula sa lalaki. Tiningnan ni Rage ang ilang designs sa catalogue na nasa kanyang kamay at napansing nakatitig lamang si Miguel sa saradong double doors. He squinted his eyes a bit.

Magmula nang unang beses na nakilala ni Miguel si Klaire, tila hindi na makapag-focus nang buo ang pamangkin ni Rage sa trabaho. Lalo pa nang umalis si Klaire kasama si Kira ilang minuto lamang ang nakakaraan. Halos ilang beses nang sumulyap sa pinto si Miguel.

Rage closed the catalogue in his hand. “Miguel.”

Ngunit wala pa rin itong sagot.

“Miguel!”

Napaigtad si Miguel, tila bumalik na sa realidad, at napaling ang tingin nito sa kanya. "Y-Yes, Uncle Rage?"

"What’s wrong with you?"

Agad na umayos ng upo si Miguel. “I’m sorry. I’m just… tired.”

Napangiwi si Rage sa sinabi ng pamangkin. “Don’t lie to me. Alam mong maliban sa Mommy mo, ako ang pangalawang taong kilala ka ang ugali mo,” mariin niyang sabi. Sumandal siya sa kinauupuan at diretsong nakatingin sa pamangkin. “Why do you look so disturbed?”

Napahinga nang malalim si Miguel sa pagtatanong ng tiyuhin. Hinawi nito ang buhok at tila naiinis.

"Paano ako hindi mababalisa, Uncle?" Nagpaliwanag ang binata nang may pait sa tono ng boses. “Nakita ko lang naman ang ex-fiancee ko na pinagtaksilan ako dalawang linggo bago ako ikasal. How can I focus?”

“What did you say?” Kumunot ang noo ni Rage.

Nakatitig si Miguel kay Rage, naguguluhan dahil parang hindi alam ng tiyuhin ang relasyon niya kay Klaire.

“Uncle... ang sekretarya mo ay ang ex-fiancée ko, si Klaire Limson!”
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (60)
goodnovel comment avatar
Merl Tabiano Tacaisan
bat bumalik.. 41% na ako
goodnovel comment avatar
Chona Roldan
nice beautiful novel
goodnovel comment avatar
gay dawn singzon
sinong nka tapos na? kabanata 67 ako bumalik naman sa kabanata 8 y?
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 383

    At ngayon, tinatanong pa nito ang isang bagay na obvious naman, kaya wala nang ibang masabi pa si Klaire. KNOCK. KNOCK. KNOCK.Ang katong na ‘yon ang pumutol sa katahimikan ng silid. Dali-daling binuksan ni Klaire ang pinto at napasinghap nang makita sina Enzo at Mark na nakatayo mula sa labas. “H

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 382

    “A-no ang nangyari?” Gulat at litong-lito si Klaire.Niloko lang ba siya ni Rage nang sabihin nito na malala na ang lagay ng Papa niya?Pero, alam niyang hindi marunong umarte ang isang Theodore Limson. Totoo ang pagkalito na nakikita niya sa mukha nito. Marahil ay talagang nagising ang Papa niya da

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 381

    Nag-uunahan ang isip ni Klaire. Hindi siya puwedeng mahuli. Hindi niya kayang mawala ang kanyang ama.Para bang sinasaksak siya ng sakit sa dibdib sa isiping maaari itong mamatay anumang oras… Matapos malaman ang katotohanan tungkol sa Mama niya, nagbago ang Papa niya. Isa rin itong biktima. Walang

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 380

    “Anong sinabi mo?” Hindi lamang si Rage ang natigilan, kundi pati si Klaire na palihim na nakikinig ay lubos na nagulat.“You must have thought that Klaire was the only one who told me about the drug results, right?”Nanlaki ang mga mata ni Klaire. Halos mapatalon siya mula sa pinagtataguan upang t

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 379

    Ayaw niyang i-pressure ang asawa. Alam niyang natural na mararamdaman ng puso ni Klaire ang pagmamahal na ‘yon sa tamang oras. “Hinihintay kita na matapos mag-shower,” sabi ni Klaire. “Bakit mo naman ni-lock ang pinto?”May munting ngiti na kumawala sa labi ni Rage. “Why? Are you going to tease me

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 378

    “So, how’s my father-in-law now?”Napabuntonghininga ang doktor. “Hopefully, makalagpas si Mr. Limson sa critical period na ito ngayong gabi. Napakataas ng concentration ng content ng drugs na ininom niya, meaning hindi lang isa o dalawang tableta ang ininom niya.”Naunawaan agad ni Rage ang ipinah

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status