Mainit ang araw, hulas ang make-up, at ilang ulit nang nagka-take two ang eksena ko sa gitna ng gitgitan ng crew at production staff. Nasa kalagitnaan kami ng isang mabigat na confrontation scene nang bigla akong nilapitan ng assistant ko, hawak ang cellphone at bakas sa mukha ang pagkaabala.
“Maya, emergency daw. Si Arnold, nasa linya.” Napakunot ang noo ko. "Arnold? Bakit siya tatawag?" Walang pag-aalinlangan kong kinuha ang phone at agad lumayo sa set. Dumeretso ako sa gilid ng van kung saan may kaunting privacy, saka sinagot ang tawag. “Maya…” halos pabulong at pakiusap ang tono niya. “Please, pakinggan mo muna ako. Humihingi ako ng tawad. Hindi ko sinasadya, hindi ko alam ang iniisip ko noon. Nadala lang ako…” Napapikit ako, pilit pinapakalma ang sarili habang humihigpit ang hawak ko sa cellphone. “Hindi mo alam ang iniisip mo? She’s sixteen, Arnold. SIXTEEN. At buntis na ngayon dahil sa 'yo,” madiin kong sagot, pilit pinapababa ang boses para hindi ako mapansin ng mga tao sa paligid. “Kung may natitira kang konsensiya, harapin mo ang kaso. Hindi ito simpleng pagkakamali. Hindi ito ‘nadala ka lang.’ You ruined her life.” “Maya, patawarin mo na ako… Pakiusap, kausapin mo ang pamilya mo. Iurong mo na lang sana ang kaso. Hindi ko kakayanin ang kulungan. Pamilya ko rin ang apektado—” “Hindi mo inisip ‘yan nang bastusin mo ang kapatid ko,” putol ko agad, nanginginig na sa galit ang boses ko. “Wala akong pakialam sa pamilya mo. Ang pamilya ko ang nasira sa ginawa mo. Hinding-hindi ko iuurong ang kasong ‘yan, kahit pa anong iyak mo. You should rot in jail.” Hindi ko na siya hinayaang magsalita pa. Pinutol ko ang tawag at pilit pinigil ang luha ko. Nanginginig ang dibdib ko sa sobrang sama ng loob. Ramdam ko ang hapdi ng kirot sa dibdib, parang kinukurot mula sa loob. Akala ko tapos na ang drama ng araw na ‘yon, pero hindi pa pala. Pagkatapos ng shooting, habang nasa loob ako ng sasakyan at pauwi na, tumunog muli ang cellphone ko. This time, si Maica. “Maica?” agad kong sagot, pero wala pa man siyang sinasabi, ramdam ko na agad ang tensyon sa kabilang linya. “Ate… please, pag-usapan natin,” mahina niyang sabi, parang may luha. “Ayoko nang ituloy ang kaso.” Nanigas ako. Halos mabitawan ko ang phone. “A-Anong sinabi mo?” mariin kong tanong. “Ayoko na, Ate. Ayoko na siyang makulong,” tuluyang naiyak si Maica. “Ama pa rin siya ng anak ko. Gusto kong lumaki ang baby ko na may tatay.” “Maica!” sigaw ko, halos mapasigaw ako sa loob ng kotse. “Apat na buwan pa lang ang tiyan mo, and you’re already thinking about giving that monster a chance? Hindi mo ba naiintindihan na hindi mo kasalanan ang nangyari, pero kasalanan niya lahat ito?” “Ikaw ang hindi nakakaintindi!” sigaw niya pabalik. “Araw-araw ko siyang iniisip. Oo, nasaktan niya ako, pero... mahal ko pala siya, Ate. Mahal ko pa pala siya kahit ganoon siya. Hindi ko alam kung bakit, pero—” “Diyos ko, Maica…” napapikit ako, hinihigpitan ang hawak sa cellphone. “Hindi ito pag-ibig. It’s manipulation. You’re a victim, Maica. At ginagawa mong kasalanan pa ng sarili mong katawan ang nangyari? Hindi ka namin pinalaki nang ganiyan.” “Ayoko nang makulong siya!” paulit-ulit niyang iyak. “Ayoko nang marinig ang kaso sa TV, ayoko na ng gulo! Gusto ko lang mapayapa!” “Mapayapa?” bulong ko, nanginginig ang boses. “Peace at the cost of justice? Hindi ko ‘yon matatanggap. Huwag mo akong pilitin, Maica. This isn’t about you anymore. This is about the truth.” Isang malalim na katahimikan ang sumunod. Hanggang sa narinig kong isinara ni Maica ang tawag. Hindi ko na kinaya. *** Pagdating ko sa condo ni Uncle Luigi, hindi ko na kinailangang kumatok. May sariling susi ako—isang lihim naming hindi rin pwedeng malaman ng kahit sino. Pagkapasok ko, dumiretso ako sa loob at nakita ko siyang nasa kusina, nagkakape. Suot pa rin niya ang business suit niya, at kita ang pagod sa mukha, pero nang makita niya ako, agad niyang ibinaba ang hawak at lumapit. “Maya?” malambing niyang tawag, pero kita sa mukha niya ang pag-aalala. “Anong nangyari? Ang aga ng uwi mo. You look—” Hindi ko na siya pinatapos. Agad akong sumubsob sa dibdib niya at doon na ako tuluyang bumulwak. Hindi ko alam kung ilang segundo, minuto, o oras ang lumipas habang nakayakap lang ako sa kanya, umiiyak. “Shhh…” bulong niya habang hinihimas ang likod ko. “I’m here. I’m here, baby.” “Hindi ko na alam ang gagawin ko,” basag kong boses habang nakasubsob sa dibdib niya. “Gusto kong ipaglaban ang kapatid ko. Pero siya mismo ang sumusuko. Siya mismo ang pumapanig sa lalaking nanira sa kanya.” Hinawakan niya ang mukha ko, pinunasan ang luha ko, at tinitigan ako sa mata. “Maya, listen to me. You’re doing the right thing. You are standing for what is just. Hindi porke’t sumusuko ang iba, susuko ka na rin. You are the only one keeping the truth alive.” Nanginig ang boses ko, “Pero paano kung kamuhian niya ako? Paano kung paglaki ng anak niya, sisihin niya ako kasi nakulong ang ama niya?” “Then let him hate you for the right reasons,” mariing sagot ni Uncle Luigi. “At least, hindi mo sinira ang sarili mong prinsipyo. At least, pinaglaban mo siya nang siya mismo ay hindi niya kayang ipaglaban ang sarili niya.” Tumulo na naman ang luha ko. Dahan-dahan niya akong niyakap muli, mahigpit, parang ayaw na akong pakawalan. “Ito ang dahilan kung bakit mahal kita, Maya. Dahil kahit sinong babae ay pwedeng umarte sa harap ng camera. Pero ikaw—ikaw ang may tapang sa likod ng eksena.” Nag-angat ako ng tingin, pilit ngumiti. “Hindi mo talaga ako bibitawan, ‘no?” Umiling siya, ngumiti rin. “Kahit ulitin mo pa ang buong eksena ng drama mo sa set. Kahit magalit pa ang buong mundo sa atin. Ikaw lang ang pipiliin ko.”Hindi ko alam kung paano ako nakauwi nang gabing 'yon. Pagkababa ko ng taxi, ramdam kong mabigat ang mga hakbang ko. Hindi dahil sa pagod—kundi dahil sa balitang natanggap ko kanina mula kay Tita Amor. “Luigi will be flying to Thailand tomorrow. He didn’t tell you?” tanong niya sa telepono, at ang tono ng boses niya ay punong-puno ng pagtataka. Hindi ako agad nakasagot. Thailand? Bakit? Bakit ngayon? Ni isang salita, wala akong natanggap mula kay Luigi. Ilang araw na rin siyang hindi nagpaparamdam. At habang lumilipas ang bawat oras, mas lalo akong kinakain ng pangamba. Paano kung wala na siyang balak bumalik? Paano kung nalaman niya na buntis ako at kaya siya umiiwas? Napaupo ako sa gilid ng kama ko at napahawak sa tiyan. Hindi pa halata. Ilang linggo pa lang, pero ramdam ko na ang pagbabago. Hindi lang sa katawan ko—kundi sa puso ko rin. Napapikit ako at napalunok ng laway. “Luigi... bakit hindi mo man lang sinabi sa 'kin?” mahina kong bulong. Nang sumunod na araw, dumiretso
Nagising ako nang biglang lumutang ang mundo sa paligid ko. Parang umiikot ang kisame, at may matinding pagduduwal na hindi ko mapigilan. Napikit ako nang mahigpit, pilit na tinatanggal 'yung kakaibang pakiramdam. Siguro pagod lang. Oo, pagod na pagod ako sa sunod-sunod na shooting, taping, at mga meeting.Bumangon ako nang dahan-dahan, nilakad ang kuwarto papunta sa banyo habang hawak ang sarili ko. “Maybe I’m just dehydrated,” bulong ko sa sarili ko, pero hindi pa rin nawawala 'yung pagkalito sa utak ko.Pumunta ako sa salamin at tiningnan ang mukha ko. Maputla at medyo matamlay. Napailing ako sa sarili ko. “Maya, you have to take care of yourself,” sabi ko sa repleksyon ko, pero alam kong hindi lang ito pagod. May ibang lumilitaw sa bawat pagduduwal ko.Nawala ako sa mga nangyari sa araw. Parang automatic lang na pumunta sa set, gawin ang mga eksena, tapusin ang mga schedule. Hindi ko na inisip 'yung sarili ko. Pero hindi maalis sa isip ko 'yung pakiramdam na ito—na parang may som
Pagkauwi ko ng Pilipinas mula sa mahigit dalawang buwang shooting sa Italy, dumiretso agad ako sa bahay ng Mama ko. Sobrang sabik na akong mayayakap si Mama, at makakatikim ng lutong bahay na pagkain na siguradong hindi kayang tapatan ng kahit anong restaurant sa Europe. Pagbukas pa lang ng gate, sinalubong agad ako ng aso naming si Mochi, halos hindi ako tantanan sa kakatalon at kakalambing. Nang makita ako ni Mama sa terrace, napatayo siya agad. "Anak!" "Mama!" Tumakbo ako papunta sa kanya at mahigpit niya akong niyakap. Nakalapat ang mukha ko sa balikat niya habang pinipigilan ang maiyak. Ang sarap pa rin sa pakiramdam ng umuwi sa tahanan mo. "Tumaba ka yata," sabi niya habang sinusuri ang mukha ko. "Kumain ka nang kumain sa Italy, ano?" Napangiti ako. "Konti lang, Ma. Hindi mo ako pwedeng sisihin, ang sarap kasi ng pasta nila." Napatawa siya at kinindatan ako. "Tara na sa loob. Mainit pa 'yung sinigang." Habang kumakain kami, sabay kaming nanonood ng replay ng paborito namin
Pagkatapos ng isang mahaba at emosyonal na take, nag-pause muna ang production para mag-break. Tinanggal ko ang clip-on mic sa likod ng damit ko at agad na tinungo ang dressing room trailer. Pero bago pa ako makarating sa pintuan, may humarang sa akin. Si Pia, isa sa assistant stylist na matagal ko nang kakilala. Tahimik siya pero kilala sa pagiging mapanuri—lalo na sa mga taong dumadalaw sa set. "Hey, Maya," aniya, casual ang tono pero may kuryosidad sa mata. "So... your uncle’s really handsome, huh?" Napakagat ako sa loob ng pisngi. I smiled, forced and tight. “Yeah, he gets that a lot.” “Mhmm.” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, bago muling nagsalita. “You seemed… close. Like, not uncle-niece kind of close.” My heart skipped. Napalunok ako. “He’s always been protective,” sagot ko, trying to laugh it off. “You know, typical Filipino family dynamics.” “Right,” she said, but her tone didn’t sound convinced. “But the way he looked at Leo… and the way you touched his arm ka
Mainit ang araw pero mas mainit ang tensyon sa paligid habang binabasa ko ang final script ng last scene ko. Ilang ulit kong binasa ang linya, pero hindi ko pa rin magawang mag-focus. Lahat kasi ng atensyon ko, nando’n sa pakiramdam kong may paparating. "Maya!" sigaw ng assistant director, sabay turo sa direksyon ng entrance. "Si—si Atty. Salazar n'yo yata 'yon, 'yung Uncle mo?" Napalingon ako agad. Sa pagkakabukas ng malaking pinto ng studio, isang pamilyar na pigura ang pumasok. Suot niya ang simpleng itim na polo at dark jeans, pero hindi iyon sapat para maikubli ang commanding presence niya. Luigi. Naglakad siya papasok na parang siya ang may-ari ng set. Tahimik ang lahat, nanginginig ang hangin sa bawat hakbang niya. Wala pa siyang sinasabi pero ramdam mo agad ang bigat ng presensya niya. Nilingon ako ng lahat. 'Yung iba ay nagbubulungan. "That’s her uncle, right?" "OMG, he’s even hotter in person…" "Why’s he here?" Hindi ko alam kung anong sasabihin o paano aakto. Pinil
Nakahiga ako sa dibdib niya, pinapakinggan ang mabagal na tibok ng puso niya na tila musika sa gitna ng katahimikan ng gabi. Sa sandaling ito, wala akong ibang nararamdaman kundi ang init ng kanyang balat sa aking balat, ang bigat ng kanyang mga braso na nakayakap sa akin, at ang tila tahimik na pag-amin sa pagitan naming dalawa. Pero sa likod ng katahimikan ay unti-unting bumabalik ang realidad. Ang katotohanang mali ito. Na hindi ako dapat narito. Na hindi siya dapat ang tanging lugar kung saan nakakaramdam ako ng seguridad. “You’re quiet,” bulong ni Luigi habang hinahagod ng dulo ng daliri niya ang braso ko. “Are you thinking again?” Napakagat ako sa labi. Hindi ko alam kung paano sasagutin iyon. Kasi totoo, iniisip ko ang lahat—ang kahapon, ang kasalukuyan, at ang kinabukasan naming walang kasiguraduhan. “Yes,” mahina kong tugon. “I’m scared.” “Of what?” bumangon siya ng kaunti, pinatungan ng palad ang pisngi ko. “Talk to me, Maya. Don’t keep your fears to yourself.” Huminga