My Uncle is My Secret Lover

My Uncle is My Secret Lover

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-05-22
Oleh:  DeigratiamimiBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
18 Peringkat. 18 Ulasan-ulasan
21Bab
2.5KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

One tragic night ruined her life… but one sinful night awakened something she should’ve never felt. *** Maya Ramirez is a top actress—admired by millions, envied by many, but shattered within. Sa araw ng kanyang bed scene shoot, nakatanggap siya ng balitang ikinawasak ng mundo niya: naaksidente ang ama niya at nang dumating siya sa ospital ay patay na ito. At ang mas masakit? Buntis ang kapatid niyang si Maica, at ang ama ng dinadala nito ay walang iba kung 'di ang boyfriend ni Maya. Dahil sa sakit, sa galit, sa pagkawasak—uminom siya ng alak hanggang mawalan ng kontrol. At sa isang gabi ng kahinaan, nakatulog siya sa bisig ng isang estranghero. Ngunit pagmulat niya… hindi pala ito estranghero. Ito ay si Atty. Luigi Salazar—ang kanyang tiyuhin. Dapat ay isang pagkakamali lang iyon. Dapat ay kalimutan na, pero hindi siya pinakawalan ni Luigi. Hindi siya tinalikuran. Sa halip, ang bawat gabi ay naging mas mapusok, mas makasalanan… at mas mahirap itigil. They tried to deny it. They tried to hide it. Until one revelation changed everything—they’re not blood-related. Pero sapat ba 'yon para maging tama ang mali? Handa ba silang ipaglaban ang pag-ibig na itinatago nila sa dilim? O mas pipiliin nilang masunog sa apoy ng bawal na pagmamahalan? *** “Hindi mo ako matatakasan, Maya,” malamig, ngunit puno ng damdaming bulong ni Uncle Luigi. “Simula ngayong gabi… akin ka na.”

Lihat lebih banyak

Bab 1

Kabanata 1

“Cut!” sigaw ng director, halatang naiinis na matapos ang ikalimang take ng bed scene namin.

Huminga ako nang malalim at agad na bumangon mula sa kama kung saan kami nakahiga ng leading man ko. Ramdam ko ang malagkit na pawis sa aking balat dahil sa mainit na ilaw ng set, ngunit hindi iyon ang laman ng isip ko. Kanina pa nagri-ring ang cellphone ko, at nang magkaroon ng pagkakataon, dali-dali kong kinuha ito mula sa gilid ng kama.

Nang makita ang pangalan ni Maica sa screen, agad kong sinagot ang tawag.

“Maya! Naaksidente si Papa! Kritikal ang kondisyon niya!”

Tumigil ang mundo ko. Parang biglang lumamig ang buong katawan ko, kahit pa kanina lang ay tila binubuhusan ako ng apoy ng mga ilaw ng set.

"Ano?" Halos hindi lumabas ang boses ko. Nanginginig ang kamay kong mahigpit na nakahawak sa cellphone.

"Nasa ospital na siya ngayon! Ang daming dugo! Maya, hindi ko alam ang gagawin!" Hysterical na si Maica.

Pinilit kong kontrolin ang nanginginig kong boses. "Anong ospital? Papunta na ako!"

"St. Luke’s! Ate, bilisan mo!"

Hindi ko na hinintay pang matapos ang usapan. Mabilis akong tumayo, hindi alintana ang suot kong manipis na silk robe. Agad kong hinanap ang assistant ko.

"Kim!" sigaw ko. "Kailangan kong umalis ngayon din!"

Nagtatakang lumapit siya. "Maya, may next scene pa tayo—"

"Cancel it," madiin kong sabi. "Mas importante ang pamilya ko."

Mabilis akong lumabas ng set, ni hindi na nagpaalam. Ang tanging iniisip ko lang ay kung aabutan ko pa siyang buhay.

***.

Pagkarating ko sa ospital, agad kong nakita si Maica sa labas ng emergency room, ang maliit niyang katawan na hindi matanggap ang sitwasyon. Niyakap ang sarili, nakaluhod sa harap ng mga pader ng ospital, habang umiiyak nang malakas.

"Ate Maya..." tawag niya sa akin.

"Si Papa?" tanong ko, ang mga salitang iyon lumabas na parang wala akong lakas.

Nakita ko si Maica na humagulhol, mabilis na tumayo at niyakap ako ng mahigpit. "Wala na si Papa, Ate. Hindi niya kinaya."

Umiling-iling ako, ang panginginig ng katawan ko ay lalong tumindi. "Hindi. Buhay pa siya. Hindi ito magandang biro, Maica. Hindi pwedeng mawala si Papa."

Ngunit bago ko pa man tuluyang magpumiglas sa sakit na ito, lumabas ang doktor. Ang kanyang mukha ay seryoso at hindi ko kayang basahin ang ekspresyon niya. Dumiretso siya sa akin at ang mga mata ko ay hindi makapaniwala sa nangyari.

"Condolence, Miss Ramirez," sabi ng doktor, at ang mga salitang iyon ay parang patalim na tumusok sa aking puso. "Hindi namin naisalba ang Papa mo."

Hindi ko na kayang pigilan pa ang pagbagsak ng aking katawan. Pakiramdam ko ay para akong lumulutang sa isang bangungot na hindi ko magising. Para akong nakatayo sa gitna ng isang malakas na bagyo, walang kalaban-laban, at walang masandalan.

Agad akong pumasok sa loob ng emergency room upang puntahan si Papa. Halos matalisod ako sa pagmamadali, hindi alintana ang malamig na sahig ng ospital o ang mga mata ng mga doktor at nars na nakatingin sa akin.

“Papa! Papa, gising! Papa, please! Gumising ka, Papa!” Paulit-ulit kong binibigkas ang pangalan niya, nagbabakasakaling sumagot siya, na kahit papaano ay marinig ko ulit ang tinig niya. Ngunit nanatiling tahimik ang silid. Walang kahit anong senyales na may natitira pang buhay sa kanyang katawan.

Niyakap ko siya, pinilit damhin ang init ng kanyang balat, ngunit malamig na ito—isang malamig na reyalidad na ayaw kong tanggapin. Hindi ko matanggap na ang lalaking nagpalaki sa akin, na naging sandigan ko sa lahat ng hirap at sakit sa buhay, ay wala na.

Napalingon ako kay Maica nang bigla na lang siyang nawalan ng malay.

“Maica!” sigaw ko, ngunit bago ko pa siya masalo, bumagsak na siya sa sahig.

Biglang nagkagulo sa loob. Agad siyang nilapitan ng mga nurse, isinakay sa isang stretcher, at mabilis na dinala sa isang kwarto.

Hinayaan ko silang asikasuhin ang kapatid ko. Nanatili lang akong nakayakap kay Papa, kahit wala nang buhay ang kanyang katawan. Hindi ko alam kung ilang oras akong nasa ganoong posisyon—umiiyak, sumisigaw, umaasang magising mula sa bangungot na ito.

Halos hindi ko na makilala ang mukha niya. Marami siyang sugat, at kitang-kita ang mga pasa at gasgas sa kanyang balat. Ang kanyang noo ay may malaking hiwa, at alam kong ito ang dahilan ng kanyang pagkamatay—isang malakas na pagkakabagok sa matigas na bagay.

Nang bumukas ang pinto, nakita ko ang isang nurse at doktor na kasama si Maica.

“Miss Ramirez,” maingat na sabi ng doktor habang inaabot sa akin ang isang papel. “Ito ang medical report ng kapatid mo.”

Mabilis kong hinablot ang papel at binasa ito. Sa una, hindi ko agad naintindihan ang nakasulat, ngunit nang umabot ang mata ko sa isang linya, natigil ang paghinga ko.

"Dalawang buwan nang buntis ang kapatid mo, Miss Ramirez," saad ng doktor.

Parang may pumunit sa dibdib ko. Nabitawan ko ang hawak kong papel.

Dahan-dahan akong lumingon kay Maica, na ngayon ay nakatayo sa harapan ko, namumutla at hindi makatingin nang diretso sa akin.

“B-Buntis?” nanginginig kong tanong.

“Ate Maya…” Huminga siya nang malalim bago biglang lumuhod sa harapan ko. Puno ng luha ang kanyang mga mata. “Buntis ako, Ate. Si Kuya Arnold ang ama.”

Parang nawala ang lahat ng ingay sa paligid. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko maalis ang tingin ko kay Maica.

"Si Arnold?"

Halos hindi lumabas ang boses ko. Pakiramdam ko ay bumaliktad ang sikmura ko, parang may sumabog sa loob ng dibdib ko.

Si Arnold ay ang boyfriend ko.

Hindi ko aakalaing siya ang ama ng batang dinadala ng kapatid ko.

Napaatras ako, nanginginig, at hindi makapaniwala.

“Ang boyfriend ko ang ama ng batang dinadala mo?” mahina ngunit matalim kong tanong.

Hindi siya sumagot. Tumango lang siya—isang simpleng kilos na tuluyang nagpabagsak sa akin.

"I'm so sorry, Ate Maya," mahinang saad ni Maica. Nanginginig ang boses niya, punong-puno ng pagsisisi.

Pero para sa akin, walang saysay ang paghingi niya ng tawad. Ang sakit ay para bang isang kutsilyong paulit-ulit na itinutusok sa puso ko, pinapalalim ang sugat sa bawat sandaling lumilipas.

"Hindi totoo 'yan. Hindi puwede!" sigaw ko, at sa isang iglap, umalingawngaw ang boses ko sa loob ng ospital. Ang ibang pasyente at nurse ay napatingin sa amin, ngunit wala akong pakialam. Wala akong pakialam sa mga matang nanonood, sa mga bulung-bulungan sa paligid. Ang tanging nararamdaman ko ay galit—galit na unti-unting sumasakop sa pagkatao ko.

Napapailing akong umatras. Hindi ko kayang tanggapin ang mga salitang iyon mula sa kanya. Pakiramdam ko, niloloko ako.

"Ang bata-bata mo pa, Maica. Pinag-aral kita dahil gusto kong makapagtapos ka ng pag-aaral at hindi matulad sa akin na hindi nakapagtapos." Napalunok ako, pinipigilan ang luhang namumuo sa gilid ng aking mga mata. "Gusto kong mabigyan ka ng magandang kinabukasan, Maica. Gusto kong hindi mo maranasan ang hirap na dinanas ko! Kaya ko ginawa ang lahat para sa 'yo!"

Tumulo ang luha niya, halatang hindi niya kayang salubungin ang galit kong tingin. Lumapit siya, pilit akong inaabot, ngunit agad kong inilayo ang sarili ko.

"Pinag-aral kita, Maica," ulit ko, mas madiin, mas matigas. "Hindi kita pinag-aral para agawin ang boyfriend ko!"

Ramdam ko ang pangangalog ng boses ko, ang pait sa lalamunan ko habang binibigkas ko ang mga salitang iyon. Hindi ko akalain na darating ang araw na masasabi ko ito sa kanya.

Nanginginig ang kamay ko nang dumapo ang palad ko sa pisngi niya.

Nabigla siya at napapikit sa ginawa ko, ngunit hindi siya nagsalita. Hindi siya nagreklamo.

Dama ko ang hapdi sa sariling palad, pero hindi iyon kasing sakit ng nararamdaman ko sa loob.

Napabuntong-hininga ako, pilit hinahabol ang sariling paghinga. "Ano'ng ginawa mo, Maica? Paano mo nagawang lokohin ako ng ganito?"

Hindi siya sumagot. Mas lalo lang siyang humagulhol, tila gustong lumubog sa sahig. Pero wala akong pakialam. Hindi ko alam kung may natitira pang pagmamahal sa puso ko para sa kanya.

Sa isang iglap, parang hindi na siya ang kapatid na kinalakihan ko.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

default avatar
Ashley
highly recommended
2025-05-13 23:56:24
0
user avatar
Deigratiamimi
Happy 1.6K views!
2025-05-13 09:58:21
0
user avatar
Mariafe Fernández
more updates ...️🩷
2025-04-29 05:13:37
0
user avatar
Deigratiamimi
Happy 1000 views! 🫶
2025-04-28 16:57:00
0
user avatar
Deigratiamimi
Happy 900 views, Maya and Uncle Luigi! ...
2025-04-27 11:17:50
0
user avatar
Deigratiamimi
Happy 800 Views! 🥹🩷
2025-04-26 20:22:02
0
user avatar
Deigratiamimi
Maraming salamat sa aking grm givers. Ms. Claire and Ms. Sofia 🫶
2025-04-26 10:21:26
0
user avatar
Deigratiamimi
Happy 700 views, Uncle Luigi and Maya!
2025-04-25 23:04:46
1
user avatar
Deigratiamimi
happy 600 Views!
2025-04-24 23:19:59
1
user avatar
Deigratiamimi
Happy 500 views
2025-04-23 22:59:45
1
user avatar
LMCD22
Wow another book! recommended!
2025-04-23 14:39:19
1
user avatar
Chelle
HIGHLY RECOMMENDED!!
2025-04-23 11:05:43
1
user avatar
Deigratiamimi
Happy 400 views!
2025-04-22 00:06:21
0
user avatar
Deigratiamimi
happy 300 views
2025-04-20 21:31:54
0
user avatar
Deigratiamimi
happy 200 views! 🫶
2025-04-19 12:14:30
0
  • 1
  • 2
21 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status