Lewis POV
MAHIGPIT akong nakayakap sa pink teddy bear na nagpapakalma sa akin. Tumingin ako sa orasan at alas-otso na nang umaga. Nanatili lang akong nasa kama at hindi pa nag-aayos ng sarili. Sa pagtingin ko sa paligid, mapait akong napangiti. I was in my comfort zone. Everything around me is what makes me happy. Twenty-two years old na ako pero para kay mommy and daddy, I was still the little girl they use to cuddle. Magiging masaya ba sila sa oras na malaman nila ang totoo? Magiging maayos pa rin ba ang pamilya namin if I disappoint them? Nagsimulang mamuo ang luha sa aking mga mata. Ayoko nang makita si Uncle Vlad, pero ayoko ring ma-disappoint sa akin si dad. Mariin kong pinahiran ang aking luha, saka bumuntonghininga. 'Papasok ba ako? Should I come to the office?' nag-aalinlangan kong sambit sa sarili. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Tito Vlad. Hindi ko alam kung ano ba ang plano niya? He keeps on teasing me and I think hindi na normal. "Lewis, anak. Ayos ka lang ba? Hindi ka ba papasok sa opisina?" Naputol ang mga bagay na aking iniisip nang marinig ko ang tinig ni mommy. "M-Mom, sorry po. Medyo hindi maganda ang pakiramdam ko," pagsisinungaling ko, saka niyakap ang nang mahigpit ang teddy-bear. Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ng aking ina. "Bakit, anak? May sakit ka ba?" tanong niya. Naramdaman ko ang kamay ni mommy sa aking noo. Mapait siyang ngumiti nang malamang wala naman akong sakit. "Pinag-alala mo ako. Wala ka namang palang sakit." Hinawakan ni mommy ang aking kamay, saka matamis na ngumiti. "Tell me, anong nangyari? May nangyari ba sa opisina? Pinagalitan ka ba ng tito mo?" sunod-sunod na tanong ni mommy na nagpa-init sa aking puso. "No po, mom. Wala naman po. Mabait naman po si tito Vlad." "You know what? Nakakatuwa nga dahil unti-unting nagbago si Vlad. Alam mo bang napaka-ilap sa tao ng lalaking 'yon? Hindi sila magkasundo ng daddy mo at kahit kailan, hindi ko pa sila nakitang mag-usap nang maayos. Ang totoo, nagbakasakali lang talaga si daddy mo na ipasok ka sa company ni Vlad at masaya siya dahil pumayag ang tito mo. Since then, madalas na silang magkausap." Diretso akong tiningnan ni mommy at ngumiti. "So, thanks to you, Lewis. Kasi unti-unti nang nagkakaayos ang magkapatid na 'yon." Natulala ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga bagay na nalaman ko. Naipit ako sa sitwasyon na hindi ko alam kung deserve ko ba. I was the reason kung bakit nagkaayos sina daddy at Uncle, so kung aalis ako ngayon at igi-give up ang pagiging secretary, posible na mainis na naman si uncle kay daddy. Isang buntonghininga ang aking ginawa, saka ngumiti kay mommy. "Mag-aayos na po ako ng sarili, ma. Papasok na po ko sa trabaho," saad ko kay mommy na nagpangiti naman sa kanya. "That's my girl!" masayang sambit niya. *** Hindi ko na mabilang kung nakailang buntonghininga na ako habang nakatayo sa building elevator ng Grayson Corporation. Yakap ko ang isang clipboard at nakatingin ang mga mata sa number floor ng elevator. Maya-maya lang, nagsimulang dumating ang mga empleyado, dahilan upang mapunta ako sa dulong bahagi. "Excuse me! Nakaharang ka kasi, miss," sambit ng isang babae na tila nilagyan ng espasol ang mukha. "Oo nga! Alam mo bang for higher position lang ang pumupuwesto sa unahang bahagi ng elevator?" Kumunot ang aking noo sa ugali ng mga babaeng ito. "I'm sorry. Sa pagkakaalam ko, ako ang nauna sa pila?" Tumaas ang kilay ng dalawang babae na ngayon ay kaharap ko. Ang isa ay tila kambing na ngumunguya pa ng chewing gum. "So, anong gusto mong patunayan?" inis na wika ng isang babae. "W-Wala naman. Kasi hindi ba unfair ang sinasabi nyo?" "Walang unfair sa mga kagaya namin." Gamit ang hintuturo ng isang babaeng may gahibla ng buhok ang kilay, tinulak niya ang aking balikat, dahilan upang matapilok ang aking paa dahil mataas ang suot kong heels. Nanlaki ang aking mga mata, ngunit isang mainit na palad ang naramdaman ko na sumalo sa akin. "What's happening here?" Napanganga sa gulat ang dalawang babae na nasa aking harapan. "S-Sir Vladimir," takot na sambit ng dalawa. Natulala naman ako at halos hindi makagalaw nang marinig ko ang kanilang sinabi. Sa pagtaas ng aking ulo, nakita ko si Uncle na may matalas na tingin sa dalawa. "Let me see your ID," muling sambit ni uncle. Kinuha naman ng dalawang body guard ang mga ID ng babaeng nakatayo sa aming harapan. "Make sure that this two employee will get terminated. Wala kayong karapatan na kausapin ang pamangkin ko nang ganoon na lang," muling wika ni uncle. "P-Pamangkin nyo?" Takot na takot ang dalawa nang muli silang tumingin sa akin. Nakita ko ang pagsisisi na nababakas sa kanilang mukha. "As for you..." Muli akong napatingin kay uncle at nagtama ang tingin namin sa isa't isa. "From now on, you will use the VIP elevator. Hindi mo kailangang makipagsiksikan sa public elevator, Lewis," saad niya, saka binitiwan ang aking balikat. "O-Opo, uncle. Pasensya na," saad ko. Isang malamig na tingin ang ginawa niya sa akin, saka lumakad patungo sa isang pulang elevator. "Hindi ka ba sasabay?" mulo niyang wika na nagpatalon sa aking balikat. "P-Papunta na po," tugon ko saka nagmamadaling tumakbo papasok sa elevator. As I stood next to him, hindi ko mapigil ang mabilis na tibok ng aking puso. Punong-puno ako ng kaba at hindi magawang magsalita. Tumingin ako sa numero na naka-flash sa screen, ang bagal ng pagtaas nito. "You're late, Ms. Lewis," pagbasag ni Uncle sa katahimikan. "Sorry po, uncle." "Hindi ka ba sinabihan ni Tyrone na ayoko nang nala-late? You are my secretary at dapat ay mas maaga ka sa 'kin pumasok. Hindi porket pamangkin kita, pwede na kitang pagbigyan. It's not like that." "Pinapagalitan niya ba ko?" "Are you listening, Lewis?" "O-Opo! Uncle," mabilis kong tugon. "I'm going to have an important visitor later. Ilatag mo ang lahat ng schedule ko so I can check it quickly. Did you get it?" "Y-Yes, Sir!" Dahil sa dirediretso niyang pagsasalita, hindi ko napansin ang pagbukas ng elevator. Inayos ni Uncle ang hawak niyang suit, saka marahang hinila ang kanyang kurbata. "Let's go," aniya saka limakad palabas ng elevator. Naiwan naman akong tulala. "Ito ba ang sinasabi niyang, tomorrow will be different?" sambit ko sa sarili. Totoo nga ang sinasabi ng marami. Mahigpit si Uncle Vlad at ayaw niya ng nala-late. Ang totoo, mas gusto ko ang ganito, parang nasa normal set-up lamang kami. *** Tulad ng inutos niya, I arranged his schedule at nilatag sa website scheduler niya. At the same time, pinag-aaralan ko rin ang iba pang task. Kala ko ay magiging normal na lang ang araw na iyon, ngunit hindi pala. Sa pagpatak ng alas-singko, nag-ayos na ako ng gamit at handa nang umuwi. "Lewis, come here. Ano itong nilagay mo sa isa kong schedule?" tanong ni Uncle sa akin. "Sir?" Nagmadali akong lumakad patungo sa kinaroroonan niya at tiningnan ang laptop. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang nakasulat sa appointment sheet, 'Dinner date with Dan.' Iyon ang scheduler ko noong nakaraang buwan. Hindi ko akalain na naisama ko ito sa pag-copy at nailagay sa schedule niya. "S-Sorry, uncle. Sandali babaguhin ko lang!" Babalik na sana ako sa aking puwesto nang maramdaman ko ang mahigpit na kapit ni uncle sa aking kamay, dahilan upang mapapikit ako. "Pinagloloko mo ba ako, Lewis? And who is this Dan?" nangninisik ang mga matang tanong sa akin ni Uncle. "Ex-boyfriend ko, Uncle." Nakita ko ang pagtaas ng kanyang kilay. Nanlaki ang aking mga mata nang marahas niya akong hilahin palapit sa kanya, dahilan upang tumama ang dibdib ko sa kanyang dibdib. Tumaas naman ang kanyang labi nang maramdaman ito. "Lewis Perez, what's mine is mine, okay? And you belong to me." Nilapit niya nang dahan-dahan ang kanyang mukha sa akin. Ang aking dibdib ay naipit dahil sa mahigpit niyang pagdiin sa kanyang kamay na nasa aking likuran. Unti-unti, nararamdaman ko ang mainit niyang hininga. "Vladimir Grayson, what are you doing?" Sabay kaming natigilan nang marinig ang isang tinig ng babae, sa pagharap ko, nakita ko ang isang babaeng nakahalukipkip at taas ang kilay na nakatingin sa akin. "What is the meaning of this? Are you cheating on me?" sunod-sunod na tanong ng babaeng ito. "Oh... Eunice, you're here," walang ganang tugon ni Uncle saka binitiwan ang aking baywang. Tiningnan ko ang dalawa at tila sa mga oras na ito, alam ko na kung sino siya...Vladimir's POV"Hindi mo ba man lang ako ipapakilala muna sa mommy mo?"Mabilis akong napalingon nang marinig ang magandang tinig ni Lewis 'di kalayuan sa aking kinaroroonan.Napailing ako at ngumiti sa sarili. Nilagay ko ang kamay sa aking bulsa at ngumiti sa kanya."Hind ba sabi ko doon ka na muna sa kotse, Lewis?" sambit ko sa babaeng ngayon ay nakatayo na sa aking harapan."Oo. Kaso lang hindi naman ako pwedeng mag-stay lang doon. Gusto ko ring bisitahin si Tita," pagpupumilit niya. Yumoko si Lewis at sumilip sa puntod ni mommy, saka nagbigay ng malaking ngiti. "Hello po, tita. Ako si Lewis, ang fiancee ni Vlad," makulit na sambit ng pinakamamahal kong babae.Sumilay ang ngiti sa aking labi habang tinititigan ko ang kanyang mukha. Ang totoo, hindi ko akalain na makakasama ko pa rin ang babaeng ito. Nang araw na iyon, pakiramdam ko ay gumuho na ang aking mundo. Ang lahat ay naging walang saysay para sa akin, na bakit pa ako mabubuhay kung wala ang babaeng pinakamamahal ko.Ngunit n
Vladimir's POVHindi na natigil ang pagluha ng aking mata habang hinihintay ang paggising ni Lewis. Kasalukuyan kaming nasa loob ng isang VIP room sa ospital. Ginawa na ng doktor ang lahat upang iligtas siya. Naging successful ang operasyon pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya gumigising.Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong umiyak at nagmakaawa sa harapan niya para gumising siya, ngunit tila hindi niya ako naririnig."Lewis, pakiusap, gumising ka na. Ang sabi ng doktor ay maayos ang naging operasyon, pero bakit ayaw mo pa ring gumising?" sunod-sunod kong pagtangis habang hawak ang kamay niya.Maya-maya lang, narinig ko ang sunod-sunod na pagkatok sa pinto ng kuwarto. Sa pagbukas nito, pumasok ang aking tauhan upang maghatid ng balita."Sir Vlad, pinadala na po namin ang bangkay ni Trisha sa kaniyang pamilya. Wala po silang sinabi dahil pinaliwanag namin ang lahat sa kanila," sunod-sunod niyang pagsalaysay sa akin."Ganoon ba? Sige. Mabuti na ang ganoon," tugon ko sa kany
Vladimir's POVWala akong sinayang na sandali at nagmadali akong tumakbo papasok sa loob ng bodega. Ngunit sa aking pagtakbo, pakiramdam ko ay napakabagal ng aking paa at animoy may pumipigil na hangin sa akin.Kahit hindi pa dumarating ang mga pulis na inutusan ko, lakas loob na akong pumasok sa loob."Lewis!" malakas kong sigaw saka sinipa ang pinto ng bodega.Mabuti na lang at hindi na ganoon katibay ang pinto na iyon kaya madali siyang nasira.Sa paglibot ng aking paningin sa paligid. Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita si Lewis na nakahandusay sa sahig. May dugo ang kanyang katawan at namimilipit sa sakit.Tumaas ang tingin ko sa babaeng nakatayo at nakatutok ang baril sa ulo ni Lewis."Oh! Nandito na pala ang knight and shining armor mo, Lewis. Napaka-sweet naman talaga ni Uncle Vlad," mapang-inis na tinig ni Trisha.Nang sambitin niya ang mga salitang iyon, tumaas ang ulo ni Lewis at tumama ang tingin sa akin. Mayroong mga luha ang kanyang mga mata at kitang-kita ko ang du
Lewis POV"Long time no see, best friend?"Diretsong nagmaneho si Trisha patungo sa loob ng kagubatan na hindi ko alam kung saan."A-Anong ginagawa mo? Itigil mo itong sasakyan, Trisha! Please lang!" sunod-sunod na sigaw ko sa kanya."Bakit ko gagawin 'yon? Napakatagal kong naghintay para sa pagkakataong ito, tapos susundin lang kita? Ano ako, baliw?" tugon niya sa akin habang tumatawa ang kanyang tinig.Nabalot ng labis na takot ang aking puso. Agad kong kinuha ang aking cellphone muna sa bulsa upang tawagan si Vlad, ngunit sa paglabas ko nito, agad na hinablot ni Trisha ang cellphone ko at hinagis sa bintana."Tatawag ka pa ng tulong? Ang problemang ito ay sa ating dalawa lang, Lewis!" aniya na tila walang planong patakasin ako.Kahit buksan ko ang pinto ng kotse, naka-lock ito at tanging sa labas lang maaaring mabuksan.Wala akong ibang nagawa kung hindi ang manalangin at umasang mapapansin ni Vlad na wala pa rin ako sa kasal.Nagsimulang gumapang ang luha sa aking pisngi at nabalo
Lewis POVNapakaraming bagay ang sumusubok sa ating buhay. Mga bagay na alam nating mahirap, ngunit kinakaya nating lagpasan. Sa bawat hamon na nilalabanan natin, wala tayong dapat gawin kung hindi ang magtiwala sa ating sarili at hindi sumuko.Iba man ang mga bagay na kinakaharap ko. Naging magulo man ang aking mundo, alam kong sa huli, ang mga bituin sa langit ay aayon sa mga bagay na pinalangin ko. It was a roller-coaster ride, ika nga nila. Kung minsan, nasa itaas ka, kung minsan, nasa ibaba. Ngunit saan ka man magpunta, dala mo pa rin ang ngiti na nababakas sa iyong mukha.***Nakatayo ako sa harapan ng isang malawak na salamin. Hinahangaan ang kagandahan ng suot kong wedding dress.Yes! It is my wedding day, isa sa mga araw na pinakamahalaga sa buhay ko. Araw na dati ay pangarap ko lang. Ang totoo, hindi ko na inaasahan na ikakasal pa ako. Akala ko noong una, mananatili akong heart-broken.Mula nang niloko ako ng ex-boyfriend ko, hindi na ako umaasang magmamahal pang muli.Nguni
Lewis POVDiretsong nakatingin ang aking mga mata sa screen ng aking laptop. Simula nang tuluyang nabuwag ang kompanya ni Ivan Watson, tuluyan na ring bumalik ang mga investor sa aking kompanya at unti-unti itong bumabangon.Napag-alaman din namin na ang pamilya ng mga Watson at si Eunice ay may ugnayan. Magkapatid ang dalawang iyon sa ama, kaya marahil ganoon na lang ipagtanggol ni Ivan si Eunice.Sandaling tumigil ang aking daliri sa pagtitipa sa mga letra ng aking laptop. Marahang tumaas ang aking ulo at napatingin sa bakanteng puwestong dating kinaroroonan ni Trisha. Ang totoo, may kung ano sa puso ko ang nakakaramdam ng awa para sa kanya. Sa tingin ko kasi ay ginamit lang siya ni Ivan sa mga plano niya, ngunit hindi iyon alam ni Trisha. Para sa akin, biktima lang din siya ng kasakiman ng dalawang iyon.Ngunit, ang mga bagay na ginawa niya ay may kaakibat na parusa. Kahit na alam kong kaya ko siyang patawarin nang buong-buo at handa akong tanggapin siya, hindi pa rin niya puwedeng