Home / Romance / My Uncle's Dark Secret / Chapter 3 - My seductive Uncle

Share

Chapter 3 - My seductive Uncle

Author: Rhan Jang
last update Last Updated: 2025-08-04 09:18:43

Lewis POV

NAPAKO ang aking mga paa sa kinatatayuan ko. Kahit nakabukas ang aking labi, walang kahit anong salita ang lumalabas mula rito.

Nagsimulang lumakad si Uncle Vlad patungo sa aking kinaroroonan. Seryoso ang malamig niyang aura at hindi ko mabasa ang kanyang iniisip.

"Ikaw na pala ang anak ni Tyrone," walang emosyon niyang sambit. Ang mga mata niya ay bahagyang bumaba at tumama sa aking dibdib. Nakita ko ang pagtaas ng magkabilang sulok ng kanyang mga labi bago muling magsalita. "Ang laki mo na," aniya na nagpatindig ng aking balahibo.

"Oo nga. Four years old palang yata si Lewis nang huli mo siyang makita 'di ba?" masayang sambit ni daddy.

Nagpamulsa si Uncle Vlad at muling humarap sa aking ama.

"Yes. She was so little when I last saw her. Akalain mo nga naman, tumatanda na talaga tayo," muling sambit ni Uncle Vlad.

"By the way, Vlad. Please be good to my daughter. Fresh graduate palang siya at wala pang experience," muling wika ni daddy.

"Sure!" Sa pagbalik ng tingin ni Uncle Vlad sa aking kinaroroonan, muling bumilis ang tibok ng aking puso. "I will make sure she will have a good experience," muling saad ng aking tito at hindi ako sigurado kung iba ang ibig sabihin nito.

Pilit kong pinakalma ang nagwawala kong puso, saka kinuyom ang aking kamay.

"D-Dad, I'll just go to the wash room," pagpapaalam ko sa dalawa.

"Sure, anak. Take your time."

Dali-dali akong tumakbo patungo sa washroom. Halos habol hininga ako habang nasa loob at tuluyang pumatak ang luha mula sa aking mga mata.

"I-Imposible ito, 'di ba? Baka naman panaginip na naman to?" sambit ko sa sarili.

Binuksan ko ang faucet, I scoop a water at marahang binasa ang aking mukha upang tuluyang pakalmahin ang sarili. Ang totoo, hindi ko na alam kung paano ko sisimulan ang araw na ito. Hindi ko pwedeng sabihin kay daddy ang lahat dahil may kasalanan din ako, and besides, nangyari na ang nangyari.

Mariin kong kinuyom ang aking kamay.

"What if hindi naman niya ako naalala. Besides, tulog siya nang umalis ako, hindi ba?" pagpapalubag ko sa sarili. "We can do this, Lewis. I know we can!"

Huminga ako nang malalim saka diretsong tiningnan ang mukha ko sa salamin. I was wearing an office clothes at naka-ponytail ang buhok. Kahit isang hibla ay walang nakaharang sa aking mukha. Napakalinis kong tingnan pero kung iisipin, pakiramdam ko ay isa akong maruming babae. A woman who had s3x with her uncle, isipin ko palang, kinikilabutan na ako.

Mariin akong lumunok at hinakbang ang mga paa patungo sa harap ng pinto. Muli akong bumuntonghininga at ngumiti.

"We can do this!" sambit ko sa sarili saka lumabas ng washroom.

Nakita ko si daddy na nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng article sa kanyang cell phone. Si Uncle Vlad naman ay abala na sa kanyang laptop at tila nagsisimula nang magtrabaho.

Sa paglabas ko, napalingon sa akin si daddy at agad na ngumiti.

"Lewis, mabuti naman at lumabas ka na. Akala ko diyan ka na mag-ooffice, eh," natatawang sambit ni daddy.

Lumakad siya at lumapit sa aking kinaroroonan. Hinawakan ni daddy ang aking magkabilang balikat at nag-iwan ng halik sa aking noo.

"Paano? Maiwan na muna kita, ha? Sabi ni Vlad, darating naman daw ang secretary na magtuturo sa 'yo ng mga dapat mong gawin. Galingan mo, anak, ha?"

"O-Opo, dad! Aayusin ko po ang trabaho."

"That's my girl."

Marahang tinapik ng aking ama ang buhok ko, saka lumingon kay Uncle Vlad.

"Vlad, mauna na ako. Mala-late na rin ako sa trabaho."

"Sige..." maiksing tugon ni Uncle.

Sa paglabas ni daddy sa malaking pinto ng opisina. Hindi ko alam kung paano ko kakausapin si tito Vlad. Lumingon ako sa kanyang direksyon at abala pa rin ito sa pagtitipa ng mga letra sa keyboard. Tumingin ako sa paligid at nakita ang isang bakanteng office area na napapalibutan ng see through mirror.

"U-Uncle Vlad, 'yon po ba ang office ko?" tanong ko sa kanya, dahilan upang makuha ko ang kanyang atensyon.

Sa pagtaas ng kanyang tingin, muli ko na namang naramdaman ang kuryente sa aking katawan.

This man is really handsome. Makapal ang pilik-mata at kilay. Ang kanyang ilong ay napakatangos na tila isang agila. Ang kanyang mga labi ay natural ang pamumula at maging ang maputi niyang kutis ay tila isang artista. Is he even a human or a God?

"Yes... That will be your area. Pasensya ka na at hindi ako nakapagpakilala sa 'yo nang maayos. I'm Vladimir Grayson and I'm the president of this company."

"N-Nice to meet you po ulit, Uncle Vlad."

Marahang tumayo si Uncle Vlad at lumapit sa aking kinaroroonan. Nilahad niya ang kanyang kamay at agad ko naman iyong tinanggap. Ngunit nang akmang babawiin ko na ito, hindi ko matanggal ang pagkakahawak niya sa akin.

"This is really a coincidence, right?" panimula niyang wika.

"P-Po?"

"Nothing... Just do your job right, Lewis."

Matapos ang bagay na iyon, binitiwan na niya ako at tumungo sa kanyang puwesto. Sakto namang dumating ang babaeng magtuturo sa akin, dahilan upang lumuwag ang aking paghinga.

***

Isang nakakapagod na araw ang nangyari. Hindi ko alam kung tuluyan na bang nag-shutdown ang aking utak dahil sa dami ng impormasyong pumapasok rito.

"Naintindihan nyo po ba, Ms. Lewis?" tanong sa akin ng babaeng ngayon ay katabi ko sa upuan.

"O-Opo, nakuha ko naman. Medyo naguguluhan lang ako sa ibang part."

"It's okay. First day mo palang naman," nakangiting sambit sa akin ng babae.

Maya-maya lang, napalingon siya sa orasan at napansing ala-singko na pala.

"Oh! Tapos na pala ang office hours. Mauna na muna ako, Lewis," pagpapaalam niya sa akin. Isang matamis na ngiti ang aking ginawa at tumango sa kanya.

"Sige po, ingat sa pag-uwi," tugon ko.

Nang marinig ko ang pagsara ng pinto, muli akong tumingin sa laptop na nasa aking harapan, inaayos ang mga bagay at tinitingnan ang mga ginawa ko kanina.

Makalipas ang ilang minuto, isang tinig ang narinig ko mula sa aking likuran.

"Hindi ka pa ba uuwi?"

Halos tumalon ang aking balikat nang marinig ko si Uncle Vlad, nakatayo siya sa aking tabi nang hindi ko namamalayan.

"U-Uuwi na rin po, inaayos ko lang ang mga ito, Uncle Vlad," sambit ko sa kanya.

Maya-maya lang, marahan siyang yumuko at naramdaman ko ang mainit niyang palad na nakapatong sa aking kamay. Hawak namin ang mouse ng computer at tinuturuan niya ako.

"You have to drag this file over here," aniya.

Sa bawat pag-ikot ng kanyang kamay, mas bumibilis ang tibok ng aking puso.

"There... did you get it?" muling wika ni Uncle Vlad.

"Y-Yes, Uncle," nag-aalinlangan kong sambit.

"Prepare yourself ihahatid na kita sa inyo," saad ni Uncle.

Hindi ko alam kung bakit, ngunit sumilay ang ngiti sa aking labi nang marinig ko ang bagay na iyon.

***

Tulad ng sinabi ni Uncle Vlad, sumakay ako sa kanyang luxurious car at hinatid niya ako sa bahay. Akala ko magiging maayos na ang lahat. Akala ko ay hindi niya talaga ako naaalala, ngunit nagkamali ako.

"Salamat po sa paghatid, Uncle Vlad," masaya kong wika.

Hinawakan ko ang door lever ng kotse, ngunit nanlaki ang aking mga mata nang maramdam ang kamay ni Uncle nang pigilan niya akong buksan ang pinto.

"It was your first day, so I decided to be kind, Lewis. But tomorrow will be different," malamig niyang sambit.

"P-Po?"

Marahang nilapit ni Uncle Vlad ang kanyang mukha sa akin. Halos ilang pulgada na lamang ang pagitan ng aming mga labi, at hindi ko maigalaw ang aking katawan.

"U-Uncle..."

"Sino nga ba ang mag-aakala na ang babaeng nagpaligaya sa akin sa kama ay pamangkin ko?" saad niya na nagpalaki sa aking mga mata.

Matapos niyang sambitin ang bagay na iyon, naramdaman ko ang maingat niyang paghalik sa aking labi, sabay sa mabilis na tibok ng aking puso.

Sa paglayo ng mga ito, ngumiti si Uncle Vlad at muling bumalik sa kanyang puwesto.

"See you tomorrow, Lewis."

Ang aking mga mata ay nanatiling tulala. Hindi ko maintindihan ang mga bagay na nangyayari ngunit isa lang ang alam ko, sa oras na bumalik ako sa opisina ni Uncle Vlad, lahat ng bagay ay magsisimula nang magbabo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Leony Cabral Mejia
Nako paano nayan Lewis
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Uncle's Dark Secret   Chapter 109

    Angel's POVNAKANGITI habang humuguni ang aking labi nang makarating ako sa opisina. Ngunit sa pagbukas ko ng pinto, kumunot ang aking noo nang makitang wala pang tao sa loob."Himala ito, ah? Late yata ngayon si Liam?" sambit ko sa sarili.Nababakas sa aking mukha ang pagtataka, noon kasi, hindi naman nala-late ang boss ko at madalas, mas maaga pa nga siya sa aking pumasok.Ang ngiti sa aking labi ay unti-unting nawala, ngunit mabilis ko ring inalis ang mga pag-aalalang bumabalot sa aking isip."Baka naman mamaya pa siya papasok," sambit ko sa sarili. Nagkibit balikat ako saka sinimulang ihakbang ang mga paa papasok ng opisina at nagtungo sa aking puwesto. Tumingin ako sa paligid at sa station ni Liam. Sandaling nakaramdam ako ng kaunting kirot sa puso at hindi ko alam kung bakit."M-May nangyari kaya?"Maya-maya lang, ilang oras na ang lumipas at nagsimula na rin ako sa trabaho. Unti-unting bumigat ang aking balikat nang makalahati ang araw at hindi na pumasok si Liam. Bilang kanyan

  • My Uncle's Dark Secret   Chapter 108

    Angel's POVNAPAKO ang ngiti sa aking mga labi habang nakahiga sa ibabaw ng aking kama. Kahit dalawang linggo na ang lumipas simula nang mag-swimming kami sa beach, hindi pa rin mawala sa aking isip ang mga bagay na nangyari sa ilang araw na iyon.Naramdaman ko ang pag-init ng aking puso nang maalala kung paano ako itrato ng pamilya Grayson. Alam kong taliwas ito sa mga planong nasa isip ko, ngunit hindi ko man gusto, unti-unti na talagang nagbabago ang aking isip.Tinaas ko ang aking kamay, animoy inaabot ang malayong kisame ng aking silid. Muling sumilay ang matamis na ngiti sa aking labi, nang tumama ang tingin ko sa napakagandang singsing na nasa aking daliri – ang singsing na binigay sa akin ni Liam.Nang mga oras na iyon, muling bumalik sa aking alaala ang gabing nasa tabing dagat kami ni Liam.Matapos kaming mag-usap ng kanyang ina, lumapit sa akin si Liam at umupo sa aking tabi."May sinabi ba siyang masama sa 'yo?" panimulang tanong sa akin ni Liam nang gabing iyon.Mabilis a

  • My Uncle's Dark Secret   Chapter 107

    Lewis POVMarahan at palihim kong pinunasan ang luha na sandaling tumakas sa aking mata. Pilit akong lumingon sa aking tabi upang hindi makita ni Angel ang pag-iyak ko.Hindi maikakaila na labis talaga akong naapektuhan ng kanyang pangungulila at hindi ko alam na ganoon ito kasakit.Isang buntonghininga ang aking ginawa, saka muling humarap kay Angel na ngayon ay muling yumuko."Angel, m-may gusto sana akong sabihin sa 'yo," panimula kong wika.Marahang tumaas ang ulo ni Angel, saka tumingin sa aking direksyon."Ano po 'yon?" aniya, saka pinunasan ang butil ng luha sa kanyang pisngi."G-Gusto kong–""Mom... Angel... Anong ginagawa nyo rito?"Sabay kaming napalingon ni Angel nang marinig ang tinig ni Liam. Nakita ko ang nakakunot na noo ng aking anak at halatang wala siyang ideya sa mga nangyayari."A-Anak, nakita ko kasi rito na mag-isa kaya pumunta ako at sinamahan siya. Sandali, bakit gising ka pa?" tanong ko kay Liam.Marahan akong tumayo at pinagpagan ang kaunting buhangin na buma

  • My Uncle's Dark Secret   Chapter 106

    Lewis POVNAALALA ko ang araw na nakausap ko si Liam sa kaniyang opisina. Sandali naming iniwan si Angel sa loob ng conference room at sinabi ko kay Liam ang lahat ng bagay na alam ko tungkol kay Angel."Anak, gusto ko lang kasing–"Natigila ang nais kong sabihin nang hawakan ni Liam ang aking balikat, saka siya diretsong tumingin sa aking mga mata."Mom, you don't need to worry. Alam ko ang ginagawa ko at alam ko ang lahat ng bagay tungkol kay Angel," sambit sa akin ni Liam, dahilan upang kumunot ang aking noo."A-Alam mo?" tugon ko."Opo. Hindi mo na kailangang kausapin si Angel. Wala kang ibang dapat gawin, ma. Kung hindi ang umupo at manood." Nanlaki ang aking mga mata sa bagay na sinabi ni Liam sa akin. Ang mga tingin na iyon ni Liam ay labis na nakakatakot, mga tingin na tila katulad ni Vlad na mayroong paghihiganti. "Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Angel, pero sisiguraduhin kong hindi siya magtatagumpay," muling wika ni Liam sa akin.Tumingin siya sa loob ng see

  • My Uncle's Dark Secret   Chapter 105

    Angel's POV "What? Bakit ganyan ka makatingin? Did I do something wrong?" aniya na tila walang alam sa bagay na ginawa. "Tinakot mo lang naman 'yung kaibigan ko," tugon ko sa kanya. Narinig ko ang kanyang pagngisi at umiling. Kinuha niya ang kanyang laptop at pinatong sa aking kamay, saka bahagyang nilapit ang kanyang mukha sa aking mukha. "There is no time for flirting. You have a job to do at iyon ang dapat mong unahin, do you understand?" diretso niyang sambit sa akin na animoy tinatakot ako. "Okay fine! Wala naman akong sinabing iba, hindi ba? Aniya na nagpataas sa aking kilay. "Kung makabakod kala mo talaga may label," bulong ko sa sarili na alam kong narinig din niya. Nakita ko ang pagtaas ng magkabilang gilid ng kanyang labi. Nang makita ko iyon, hindi ko maikakaila na pinagpala talaga si Liam ng kaguwapuhan. Guwapo siya kahit na hindi nakangiti, ngunit mas guwapo sa oras na tumaas ang magkabila niyang labi. Mabilis kong iniling ang aking ulo upang mawala ang mga b

  • My Uncle's Dark Secret   Chapter 104

    Angel's POVIsang buntonghininga ang ginawa ni Lewis, saka napailing. Nang ilayo ni Liam ang katawan sa akin, muli siyang tumingin nang diretso sa kanyang ina."Liam, pwede ba tayong mag-usap?" panimulang wika ni Lewis sa kanyang anak.Kumunot naman ang noo ni Liam at muling bumalik ng tingin sa akin, animoy nagtatanong kung okay lang ako.Isang matipid na ngiti ang aking ginawa, saka bahagyang tumango. Matapos iyon, muling tumingin si Liam sa kanyang ina, at lumakad ang dalawa palabas ng conference room. Naiwan naman akong mag-isa sa loob.Muli akong bumalik sa upuan at nagpalumbaba. Tumingin ako sa dalawa na nasa labas. Kitang-kita ko ang mga ito dahil see through naman ang salamin ng silid na kinaroroonan ko. Ngunit kahit ganoon, hindi ko naririnig ang kanilang usapan. Kahit anong gawin kong pagsingkit ng mga mata, hindi ko marinig o mabasa ang buka ng kanilang mga labi. Hanggang sa lumipas ang ilang minuto ng kanilang pag-uusap, nakita ko na lang na bumuntonghininga si Liam at sak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status