Home / Romance / My Uncle's Dark Secret / Chapter 5 - Reunion

Share

Chapter 5 - Reunion

Author: Rhan Jang
last update Huling Na-update: 2025-08-06 23:06:44

Lewis POV

NAKATUNGO ang aking ulo at hindi makatingin nang diretso sa babaeng nasa harapan ko. Tila sa loob ng kanyang isip, kinukulam na niya ako.

"Sino siya?" taas kilay na tanong ng babae.

"Ah... Si Lewis, she's my niece. Anak siya ni Kuya Tyrone," tugon naman ni uncle sa babae.

Pilit kong tinaas ang aking ulo at ngumiti.

"Nice to meet you po," saad ko.

Maya-maya lang, unti-unting nagbago ang ngiti ng babae. Ang kaninang mainit na aura nito ay napalitan ng kalmado.

"Ganoon ba? Sorry if I judge you, I'm Eunice, fiancee ni Vlad," sambit ng babae, saka nilahad ang kanyang kamay.

"Ako po si Lewis," muli kong pagpapakilala saka tinanggap ang kamay niyang iyon.

"Anyway, Vlad. I'm ready for the family reunion tomorrow and sa announcement ng engagement natin," excited na wika ni Eunice.

"Okay..." maiksi namang tugon ni uncle habang inaayos ang kanyang laptop sa loob ng bag. Maya-maya lang, tumingin siya sa akin. "Lewis, ayusin mo ang maling schedule na nilagay mo sa calendar ko. Also, ayokong malalaman na nakikipagkita ka pa sa lalaking 'yon. And one more thing... Go home by yourself today. I need to be with Eunice," sunod-sunod na paalala niya sa akin.

"Sige po, uncle."

Agad akong tumungo sa aking area, saka inayos ang mga gamit ko. Sa sulok ng aking mga mata, nakita ko si Eunice na iniikot ang daliri sa dibdib ni Uncle, animoy naglalambing.

"Bakit naman ganoon ka kahigpit sa pamangkin mo? Easy ka lang, Vlad. Bago lang siya, hindi ba?"

"She needs to learn my way. Hindi ako mag-aadjust para sa kanya."

"Ito talagang fiance ko."

Hawak ko ang laptop nang ako ay tumayo. Aksidente ko namang nakita ang paglapat ng labi ni Eunice kay Uncle Vlad. Hindi ko alam kung bakit, ngunit pakiramdam ko, may kung anong kumirot sa aking puso.

Seeing this is normal, hindi ba? Mag-fiance sila at normal lang ang ganitong eksena. Mariin akong lumunok at pilit na nagsalita.

"U-Uncle Vlad, uuwi na po ako," sambit ko.

Sa paglayo ng kanila labi, sinandal ni Eunice ang ulo niya sa dibdib ni Uncle, ang mga mata naman ni Uncle ay tumingin sa akin.

"Okay, take care," matipid niyang wika na walang halong emosyon.

Bahagya akong yumuko, saka lumakad palabas ng office. Hindi ko alam kung bakit pero may kung ano sa parte ng aking puso ang nasasaktan.

"Ano ka ba, Lewis? Bakit? Bakit ka nasasaktan? Uncle mo siya!" bulyaw ko sa sarili.

Sa pagsakay ko sa elevator, hindi maalis sa aking isip ang mukha ng dalawang iyon.

"Pakasaya kayo!" inis kong sambit sa sarili.

***

KALAT na ang dilim nang makauwi ako sa bahay, sobrang traffic kasi ng dinaanan ng sinakyan kong taxi.

"Lewis, kumusta? Bakit parang pagod na pagod ka?" Lumingon si mommy sa paligid at kumunot ang noo. "Nasaan ang Uncle mo? Hindi ka ba niya hinatid?" tanong ni mommy.

"Hindi po, ma. Kasama nya po ang girlfriend niya."

"Ah! Si Eunice? Oo nga pala, announcement ng engagement nila bukas sa reunion. Mag-ayos ka, anak, ha? Darating ang mga lolo't lola mo."

Tila nagkaroon ng liwanag ang aking mukha nang marinig ang sinabi ni mommy. Matagal ko nang hindi nakikita sina lolo at lola at ngayon, sa wakas ay uuwi na sila sa bansa.

"Talaga po? Kasama pala tayo sa reunion?" masaya kong sambit.

"Oo, anak. Kaya mag-ayos ka. Bukas ay darating na sila at sa gabi, reunion na natin."

"Sige po, mommy!"

I was so excited nang malaman ang bagay na iyon. Sina lolo at lola na rin kasi ang nakasama ko noong bata pa ako hanggang sa mag-five years old at matapos iyon, nagtungo na rin sila sa ibang bansa.

Mabilis akong umakyat sa kuwarto at naghanap ng damit na maisusuot ko. Hanggang sa maya-maya lang, naalala ko ang schedule ni uncle – ang maling schedule na nilagay ko.

Agad kong binuksan ang laptop at kumunot ang aking noo nang makita ang isang email mula sa kanya.

"Lewis, come with me tomorrow and I will choose a clothes for you."

Ito ang mga bagay na nakasulat sa email na labis na nagpagulo sa aking isip.

"Bakit? May damit naman ako rito at hindi ko naman kailangan ng bago?" napapaisip kong sambit sa sarili.

Mabilis kong iniling ang aking ulo at agad na binago ang schedule ni uncle. Sandali akong natigilan nang muli kong mabasa ang pangalan ni Dan.

This was the day we are supposed to go on a date, pero dahil sa malakas na ulan, hindi siya nakarating.

Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa isip ko ang araw na iyon. Maayos ang aking suot at masayang naghihintay sa ilalim ng malaking orasan. I was wearing a cocktail dress, all white at naka-messy bun ang buhok, ngunit ilang oras na ang nakalipas, hindi pa rin dumarating si Dan, until he texted me na hindi siya makakarating dahil umuulan.

Sino nga ba ang mag-aakalang isang taon akong nagpakatanga sa kanya?

Huminga ako nang malalim. Nakapagtataka dahil kahit paano, kaunti na lang ang kirot na nararamdaman ko sa aking puso.

"Maybe, hindi na rin talaga ako isip bata."

Marami akong alaala kasama siya, pero... Hanggang alaala na lang iyon.

Marahan kong binaba ang screen ng laptop matapos kong baguhin ang schedule ni uncle Vlad, saka ako bumalik sa ginagawa ko.

***

KINABUKASAN, komportable akong tumungo sa opisina habang may ngiti sa aking labi. Hindi na rin kasi ako takot kay uncle at sa tingin ko, wala na rin siyang gagawing masama.

Iyon ang inakala ko...

"Lewis, as I said yesterday. Ako ang pipili sa susuotin mo," sambit ni Uncle habang nakaharap sa kanyang laptop.

Kunot naman ang aking noo habang nakatingin sa glass wall ng aking area.

"Uncle Vlad, hindi na po kailangan. Kaya ko naman pong pumili ng susuotin and besides, baka kung ano po ang isipin ni Miss Eunice kapag nakita niya tayo."

Nakita ko ang pagtaas ng magkabilang gilid ng labi ni Uncle. Ang mga mata niya ay dahan-dahang tumingin sa aking direksyon na tila may kung anong iniisip.

"So, you are jealous?" nakangisi niyang sambit sa akin.

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi ni uncle.

"P-Po? Hindi po! Wala akong sinasabing ganyan, Uncle."

Mabilis akong umiwas sa mga tingin niyang iyon. Hindi ko alam kung bakit, ngunit nagsimulang bumilis ang tibok ng aking puso.

"It's okay, Lewis. Ang totoo, I don't feel like playing with her childish joke anymore," sambit ni Uncle na nagpagulo sa aking isip. "Sumasakay na lang ako sa trip ng babaeng iyon because in the first place, hindi ko naman talaga siya minahal."

Nanatiling tulala ang aking mga mata. Seryoso naman ang mukha ni Uncle na nagkukuwento sa akin, isang bagay na hindi ko inaasahan.

"Anyway, few hours na lang at gaganapin na ang reunion. You know what?" Muling tumingin sa akin si uncle at sa pagkakataong ito, tila ang mga mata niya ay may kakaibang pinaplano. "I am planning to break her heart tonight," walang awat niyang sambit na nagpalaki sa aking mga mata.

'T-Totoo ba ang bagay na naririnig ko mula sa kanya? Na kahit kailan, hindi niya minahal si Eunice at may plano pa itong gawin sa kanya mamaya? Akala ko noon ay matino si uncle, ngunit tila nagkamali ako.'

Nang araw na iyon, wala akong nagawa kung hindi ang sumama kay Uncle Vlad. He choose a clothes for me at nakailang palit na rin ako. Kahit anong suotin ko ay wala naman siyang nagugustuhan.

Isang buntonghininga ang ginawa ko sa harapan ng salamin dito sa loob ng fitting room.

"Huling damit na to, baka naman hindi pa rin niya gusto," naiinis ko nang wika.

Tila pagod na ang mukha ko habang nakaharap sa salamin. Inayos ko ang aking buhok, saka tinali ito nang nakataas.

Marahan akong lumabas sa pinto kung saan naghihintay si Uncle. Sa pagtaas ng kanyang ulo, hindi ko alam kung bakit, ngunit tila nanlaki ang kanyang mga mata at hindi makatingin sa akin nang diretso.

"U-Uncle, okay na po ba ito?" tanong ko.

"That's fine... Let's go," maiksi niyang wika na tila napakalamig.

Napuno ng pagtataka ang aking isip at napakibit-balikat na lang. Ang suot ko ay puti na may kaunting design ng floral. Turle neck at sleeveless. Yakap na yakap ang damit sa aking katawan at tila nagsusumigaw ang hubog nito. Mayroon ding mahabang slit sa kanan kong binti upang makapaglakad ako nang maayos.

Sumakay ako ng kotse ni uncle, ngunit sa pag-upo ko, bahagyang tumaas ang slit sa aking binti na halos makita na ang singit ko.

"Inaakit mo ba ako?" tanong ni Uncle nang mapagtanto ko ang kanyang nakikita.

Agad kong kinuha ang handbag at tinakpan ang legs ko.

"H-Hindi po, uncle! Medyo mataas lang kasi itong slit," saad ko.

Maya-maya lang, nanlaki ang aking mga mata nang hubarin ni uncle ang suot niyang coat at binato sa aking mukha.

"Cover it..." maikli niyang sambit saka nagsimulang magmaneho.

Sumunod na lang ako sa nais ni Uncle at agad na tinakpan ang legs ko.

Sa kalagitnaan ng pagmamaneho ni Uncle, narinig ko ang pagtunog ng kanyang cellphone. Nilagay niyo iyon sa loudspeaker at sinagot gamit ang kanyang earphone.

"Eunice, what's the problem?"

"Nasaan ka? Akala ko susunduin mo ako?"

"I'm sorry, I have to go somewhere. Magkita na lang tayo sa party."

"Pero, Vlad–"

Iyon na lang ang nasabi ni Eunice nang putulin ni uncle ang tawag nila. Kumunot ang aking noo dahil sa ginawa niya.

"Uncle, bakit mo ginawa 'yon? Umaasa pala si tita Eunice na susunduin mo siya," inis kong tanong kay uncle.

"It's none of your business, Lewis. Also, don't call her tita, hindi ko siya asawa. And besides, you already know my plan, right? Kung magiging mabait pa ako sa kanya, baka isipin niyang importente siya sa 'kin," sunod-sunod na paliwanag ni uncle, isang paliwanag na kahit isa, wala akong naintindihan.

Kumunot ang aking noo saka ngumuso. Humalukipkip ako dahil naiinis ako sa kanyang ginagawa.

***

MAKALIPAS ang ilang minutong pagmamaneho, nakarating na kami sa venue ng party.

It was an elegant mansion na mayroong swimming pool. Ang pamilya ng mga Grayson ang nasa lugar na ito at ang iba sa kanila, kilala sa buong mundo. Ganito kayaman ang angkan ng mga Grayson.

Mabilis akong lumabas sa pinto ng kotse ni Uncle, hindi na ako nagdahan-dahan dahil baka kung ano na naman ang gawin niya. Hanggang sa maya-maya lang, sumilay ang ngiti sa aking labi nang makita ko sina mommy at daddy.

"Mom, dad!" sigaw ko saka lumapit sa kanila.

"Lewis, napakaganda mo," pagbati sa akin ni mommy.

"Oo nga, anak. Ang ganda ng taste mo," sambit naman ni daddy.

"Salamat po, actually si–"

Natigilan ako nang maalala kung sino ang pumili ng damit na ito. Sasabihin ko ba?

"N-Nakita ko lang po sa closet ko may ganto po pala akong damit," pagsisinungaling ko kanila mommy.

"Anyway, napakaganda, anak."

"Good evening, Tyrone. Finally nakita na rin kita ulit!"

Sabay-sabay kaming napalingon nang narinig namin si lola Trina, ang mommy ni daddy.

Agad na lumapit si lola at niyakap si daddy, saka nag-beso naman kay mommy.

"Lewis? Ikaw na ba 'yan? Ang laki mo na!" excited na sambit ni lola sa akin.

"Yes po, lola. Kayo rin po, ang ganda nyo pa rin," pagpuri ko sa aking lola na tila hindi tumatanda.

"Hindi naman, apo. Naku! Ang dami kong ikukuwento sa 'yo! Miss na miss na kita!"

Labis na saya ang naramdaman ko sa aking puso nang yakapin ako nang mahigpit ni lola Trina. I miss her scent at mahal na mahal ko ang lola kong ito.

"So, it was a reunion of garbage..."

Ang lahat ay napakunot ang noo nang marinig ang sinabi ni Uncle mula sa likod. Kadarating niya lamang habang nakapamulsa. Lumalakad siya na may seryosong mukha palapit sa aming kinaroroonan.

"Vlad, mag-ingat ka sa sinasabi mo!"

Sa pagkakataong ito, lumapit ang aking grandpa at tila inis na tinapunan nang masamang tingin si uncle Vlad.

"Fine..." maikling tugon ni Uncle saka lumakad palayo sa amin.

"Hindi pa rin pala nagbabago si Vlad," malungkot na sambit ni Lola.

"Hayaan mo na ang batang 'yon, alam mo naman 'yon simula bata parang binagsakan ng langit at lupa," natatawang wika ni grandpa. "Anyway, this will be a good night, right? We need to have fun."

Ang lahat ay tumango at ngumiti. Nagsimula ang party at isa-isa kong nakilala ang aking mga second cousin sa side ni grandpa. Nakatutuwa dahil ang iba sa kanila, ngayon ko lang talaga nakita. Hanggang sa maya-maya lang, isang malaking van ang dumating sa drop-off ng venue.

"Nandito na pala si Eunice," sambit ni lolo.

Ang lahat ay napalingon sa sasakyan. Sa paglabas ni Eunice, namangha ang aking mga mata dahil napakaganda niyang babae. She is wearing a red clothes at fit na fit ang maganda niyang damit.

Maya-maya lang, lumapit sa kanya si uncle at umangkla naman si Eunice sa kanyang braso. Napakaganda nilang pagmasdan, they are a perfect couple.

Lumakad ang dalawa sa pulang carpet. Ang lahat ay nagbigay daan at pumuwesto sa magkabilang gilid. Tila kumikinang ang dalawa sa aming mga mata.

Matapos ang kumustahan, hinanda na ang stage para sa announcement, ako naman ay tumungo sa tabi ng swimming pool habang umiinom ng wine. Wala pa naman kasi ang big event kaya nagpalipas muna ako ng oras. Umupo ako sa bench na nasa tabi ng swimming pool, saka pinagmasdan ang magandang liwanag ng buwan.

"May I seat beside you?"

Agad akong napalingon nang marinig ang isang tinig ng babae.

"T-Tita Eunice?" sambit ko.

Marahan siyang umupo saka impit na natawa.

"Grabe naman sa tita, parang hindi ko pa deserve ang bagay na 'yan," natatawa niyang sambit sa akin. Napangiti naman ako dahil ang sweet ng boses niya.

"Anyway, Lewis. Pasensya ka na noong nakaraan kung napagdudahan kita, ha? Medyo possessive at selosa lang talaga ako pagdating kay Vlad," muli niyang wika.

"Naku! Wala po 'yon. Naiintindihan ko naman."

"Thank you, ha? Saka, hindi lang talaga ako sanay na may ibang malapit na babae kay Vlad. Ang totoo, ako pa nga ang nag-propose sa kanya and he said yes with a cold eyes na parang hindi naman sinsero. Pero ang mahalaga, he said yes," halos kinikilig na sambit ni Eunice.

"Curious lang din ako, Ate Eunice, paano mo naging boyfriend si uncle? Parang napakasungit niya," diretso kong tanong sa kanya.

"Well, I don't really know. Since we were a kid madalas kong makitang mag-isa si Vlad. Wala siyang kinakausap at laging tulala. He was my classmate at na-curious ako sa pagiging misteryoso niya and because of that, I fall for him." Sumandal sa backrest ng tanning bed si Eunice at tumingin sa malayong langit. "I ask him if he can be my boyfriend and unexpectedly, he said yes."

"Totoo nga, very uncle nga ang galawan niya," bulong ko sa sarili.

"Then, we are here now!"

Kaya pala ganoon na lang kalamig ang mga mata ni Uncle habang sinasabi ang pangalan ni Eunice. Kahit kaunting pagmamahal, wala akong nakita. Tumingin ako kay Eunice ay nakaramdam ng awa. She was innocent at ang tanging alam niya lang, nagmahal siya ng lalaking may pusong bato.

"Good evening everyone, the event will start shortly!" sambit ng lalaking host sa stage.

Nakita ko ang paglapad ng ngiti sa mga labi ni Eunice.

"Ito na! Announcement na!" masayang sambit ni Eunice saka tumingin sa akin. "Maganda ba ko? Do I look presentable?" tanong niya na may halong pag-aalala dahil sa kanyang magiging hitsura.

"Yes... Very beautiful," sambit ko.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko pipigilan ang desisyon ni Uncle, ang alam ko lang, sa gabing ito, isang babae na naman ang madudurog ang puso.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mike Writes
Kawawang Eunice
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • My Uncle's Dark Secret   Chapter 109

    Angel's POVNAKANGITI habang humuguni ang aking labi nang makarating ako sa opisina. Ngunit sa pagbukas ko ng pinto, kumunot ang aking noo nang makitang wala pang tao sa loob."Himala ito, ah? Late yata ngayon si Liam?" sambit ko sa sarili.Nababakas sa aking mukha ang pagtataka, noon kasi, hindi naman nala-late ang boss ko at madalas, mas maaga pa nga siya sa aking pumasok.Ang ngiti sa aking labi ay unti-unting nawala, ngunit mabilis ko ring inalis ang mga pag-aalalang bumabalot sa aking isip."Baka naman mamaya pa siya papasok," sambit ko sa sarili. Nagkibit balikat ako saka sinimulang ihakbang ang mga paa papasok ng opisina at nagtungo sa aking puwesto. Tumingin ako sa paligid at sa station ni Liam. Sandaling nakaramdam ako ng kaunting kirot sa puso at hindi ko alam kung bakit."M-May nangyari kaya?"Maya-maya lang, ilang oras na ang lumipas at nagsimula na rin ako sa trabaho. Unti-unting bumigat ang aking balikat nang makalahati ang araw at hindi na pumasok si Liam. Bilang kanyan

  • My Uncle's Dark Secret   Chapter 108

    Angel's POVNAPAKO ang ngiti sa aking mga labi habang nakahiga sa ibabaw ng aking kama. Kahit dalawang linggo na ang lumipas simula nang mag-swimming kami sa beach, hindi pa rin mawala sa aking isip ang mga bagay na nangyari sa ilang araw na iyon.Naramdaman ko ang pag-init ng aking puso nang maalala kung paano ako itrato ng pamilya Grayson. Alam kong taliwas ito sa mga planong nasa isip ko, ngunit hindi ko man gusto, unti-unti na talagang nagbabago ang aking isip.Tinaas ko ang aking kamay, animoy inaabot ang malayong kisame ng aking silid. Muling sumilay ang matamis na ngiti sa aking labi, nang tumama ang tingin ko sa napakagandang singsing na nasa aking daliri – ang singsing na binigay sa akin ni Liam.Nang mga oras na iyon, muling bumalik sa aking alaala ang gabing nasa tabing dagat kami ni Liam.Matapos kaming mag-usap ng kanyang ina, lumapit sa akin si Liam at umupo sa aking tabi."May sinabi ba siyang masama sa 'yo?" panimulang tanong sa akin ni Liam nang gabing iyon.Mabilis a

  • My Uncle's Dark Secret   Chapter 107

    Lewis POVMarahan at palihim kong pinunasan ang luha na sandaling tumakas sa aking mata. Pilit akong lumingon sa aking tabi upang hindi makita ni Angel ang pag-iyak ko.Hindi maikakaila na labis talaga akong naapektuhan ng kanyang pangungulila at hindi ko alam na ganoon ito kasakit.Isang buntonghininga ang aking ginawa, saka muling humarap kay Angel na ngayon ay muling yumuko."Angel, m-may gusto sana akong sabihin sa 'yo," panimula kong wika.Marahang tumaas ang ulo ni Angel, saka tumingin sa aking direksyon."Ano po 'yon?" aniya, saka pinunasan ang butil ng luha sa kanyang pisngi."G-Gusto kong–""Mom... Angel... Anong ginagawa nyo rito?"Sabay kaming napalingon ni Angel nang marinig ang tinig ni Liam. Nakita ko ang nakakunot na noo ng aking anak at halatang wala siyang ideya sa mga nangyayari."A-Anak, nakita ko kasi rito na mag-isa kaya pumunta ako at sinamahan siya. Sandali, bakit gising ka pa?" tanong ko kay Liam.Marahan akong tumayo at pinagpagan ang kaunting buhangin na buma

  • My Uncle's Dark Secret   Chapter 106

    Lewis POVNAALALA ko ang araw na nakausap ko si Liam sa kaniyang opisina. Sandali naming iniwan si Angel sa loob ng conference room at sinabi ko kay Liam ang lahat ng bagay na alam ko tungkol kay Angel."Anak, gusto ko lang kasing–"Natigila ang nais kong sabihin nang hawakan ni Liam ang aking balikat, saka siya diretsong tumingin sa aking mga mata."Mom, you don't need to worry. Alam ko ang ginagawa ko at alam ko ang lahat ng bagay tungkol kay Angel," sambit sa akin ni Liam, dahilan upang kumunot ang aking noo."A-Alam mo?" tugon ko."Opo. Hindi mo na kailangang kausapin si Angel. Wala kang ibang dapat gawin, ma. Kung hindi ang umupo at manood." Nanlaki ang aking mga mata sa bagay na sinabi ni Liam sa akin. Ang mga tingin na iyon ni Liam ay labis na nakakatakot, mga tingin na tila katulad ni Vlad na mayroong paghihiganti. "Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Angel, pero sisiguraduhin kong hindi siya magtatagumpay," muling wika ni Liam sa akin.Tumingin siya sa loob ng see

  • My Uncle's Dark Secret   Chapter 105

    Angel's POV "What? Bakit ganyan ka makatingin? Did I do something wrong?" aniya na tila walang alam sa bagay na ginawa. "Tinakot mo lang naman 'yung kaibigan ko," tugon ko sa kanya. Narinig ko ang kanyang pagngisi at umiling. Kinuha niya ang kanyang laptop at pinatong sa aking kamay, saka bahagyang nilapit ang kanyang mukha sa aking mukha. "There is no time for flirting. You have a job to do at iyon ang dapat mong unahin, do you understand?" diretso niyang sambit sa akin na animoy tinatakot ako. "Okay fine! Wala naman akong sinabing iba, hindi ba? Aniya na nagpataas sa aking kilay. "Kung makabakod kala mo talaga may label," bulong ko sa sarili na alam kong narinig din niya. Nakita ko ang pagtaas ng magkabilang gilid ng kanyang labi. Nang makita ko iyon, hindi ko maikakaila na pinagpala talaga si Liam ng kaguwapuhan. Guwapo siya kahit na hindi nakangiti, ngunit mas guwapo sa oras na tumaas ang magkabila niyang labi. Mabilis kong iniling ang aking ulo upang mawala ang mga b

  • My Uncle's Dark Secret   Chapter 104

    Angel's POVIsang buntonghininga ang ginawa ni Lewis, saka napailing. Nang ilayo ni Liam ang katawan sa akin, muli siyang tumingin nang diretso sa kanyang ina."Liam, pwede ba tayong mag-usap?" panimulang wika ni Lewis sa kanyang anak.Kumunot naman ang noo ni Liam at muling bumalik ng tingin sa akin, animoy nagtatanong kung okay lang ako.Isang matipid na ngiti ang aking ginawa, saka bahagyang tumango. Matapos iyon, muling tumingin si Liam sa kanyang ina, at lumakad ang dalawa palabas ng conference room. Naiwan naman akong mag-isa sa loob.Muli akong bumalik sa upuan at nagpalumbaba. Tumingin ako sa dalawa na nasa labas. Kitang-kita ko ang mga ito dahil see through naman ang salamin ng silid na kinaroroonan ko. Ngunit kahit ganoon, hindi ko naririnig ang kanilang usapan. Kahit anong gawin kong pagsingkit ng mga mata, hindi ko marinig o mabasa ang buka ng kanilang mga labi. Hanggang sa lumipas ang ilang minuto ng kanilang pag-uusap, nakita ko na lang na bumuntonghininga si Liam at sak

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status