Lewis POV
NANGINGINIG ang katawan at tila pelikulang bumabalik sa aking isip ang mga nangyari kagabi. It was not a dream. 'Ano bang iniisip mo, Lewis? Bakit? Bakit inisip mong panaginip lang ang mga 'yon?' Ang sarap ay napalitan ng sakit. Ang mga bagay na nawala sa akin ay hindi ko na maibabalik. Tinitigan kong mabuti ang lalaking katabi ko. Para siyang sanggol kung matulog, napakaguwapo. Ngunit alam kong hindi ako maaaring mamangha sa kanyang hitsura, he stole my body, my innocence. Mariin kong tinakpan ang aking bibig, upang hindi tumakas ang mga hikbi. Nagmadali akong kunin ang mga damit na nagkalat sa sahig, saka ako nagbihis at lumabas sa silid na iyon. Wala na ring saysay kung makikipagtalo pa ako sa kanya, mayroon din akong kasalanan at hindi ko iyon maikakaila. *** "Lewis, tapos ka na ba diyan sa kinakain mo?" tanong sa akin ni mommy nang tanghaling iyon. Hindi ako makatugon, nanatiling tulala ang aking mga mata sa kawalan, iniisip ang mga bagay na nangyari. "Lewis?" "P-Po!?" mabilis kong tugon nang maputol ang mga bagay na aking iniisip. "Anak, kanina pa kita tinatanong ano bang iniisip mo?" "W-Wala po, mommy." Marahan akong tumayo at kinuha ang plato na aking kinainan. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang hapdi sa pagitan ng aking mga hita. "By the way, anak. Kagabi dumaan dito si Danny, hinahanap ka. Parang nag-aalala 'yong hitsura niya." "That cheate. Siya ang may kasalanan bakit nangyari sa 'kin 'yon," sambit ko saka mariing kinuyom ang kamay. "Ayos ka lang ba talaga, Lewis? Pinag-aalala mo ko." Naramdaman ko ang mainit na palad ng aking ina sa aking balikat, sa paglingon ko, punong-puno ng pag-aalala ang kanyang mukha. Pilit kong ningiti ang aking labi at hinawakan ang kanyang kamay. "I'm okay, mom. Iniisip ko lang po kung ano na ang mangyayari. I already graduated at hanggang ngayon, wala pa po akong idea kung saan magtatrabaho," pagsisinungaling ko. "Huwag mo nang isipin ang bagay na iyan, Lewis." Sabay kaming napalingon ni mommy nang marinig naming magsalita si Daddy. Hawak niya sa kanyang kamay ang cellphone at tila katatapos lang tumawag. "I already talked to your Uncle Vlad, and he is willing to help you." "U-Uncle Vlad?" kunot-noo kong tanong. Lumakad si daddy at lumapit sa akin. Sumilay ang magandang ngiti sa kanyang labi na madalas na nagpapagaan sa loob ko. "Yes! Kauuwi niya lang from Europe at babalik na sa kompanya. He needs a secretary at ni-recommend kita. He is willing to teach and assist you. Hindi nga lang kami gaanong magkasundo ng kapatid kong 'yon, that's why I'm surprised that he helped me," sunod-sunod na paliwanag ni daddy. Ang mga pag-aalala sa aking isip ay nagsimulang mawala. "Talaga po? Thank you, daddy!" sambit ko saka mahigpit na yumakap sa aking ama. "Anything for my princess." *** That night, I was so excited dahil alam kong kilala ang kompanya ni Uncle Vlad sa bawat sulok ng pilipinas. Ang Grayson Corporation ay ang humahawak sa malalaking residential unit at mga mall sa bansa. Ang kuwento sa akin ni daddy noon, mas pinili niyang mabuhay nang normal kaya hindi siya ang naging tagapagmana ng kompanyang iyon. Anyways, wala na rin naman akong pakialam pa sa nakaraan, what's important is, I will be a part of this big company. Also, four years old palang ako nang huli kong makita si Uncle Vlad. Hindi ko na rin talaga maalala ang kanyang mukha. "There! All done!" sambit ko sa sarili nang matapos akong maglagay ng skin care at handa nang humiga sa malambot kong kama. Ngunit sa aking pag-upo sa tabi ng kama, kumunot ang noo ko nang marinig ang pag-ring ng aking cellphone. Nagsimulang tumaas ang aking kilay nang makita ang pangalan ng boyfriend kong manloloko. Kinuha ko iyon at bumuntonghininga. "Ano na namang kasinungalingan ang sasabihin mo?" inis kong wika."Lewis, please let me explain." "Anong i-eexplain mo? Na nadapa ka at nasubsob diyan sa manoy mo ang babaeng nakita ko? "Lewis, it's not like that. She seduced me. H-Hindi mo ako masisisi, Lewis. It's been three years pero sa tatlong taon na 'yon, hindi mo man lang ako pinagbigyan." Natigilan ako sa bagay na sinabi ni Dan. It is true, sa loob ng tatlong taon, inalagaan ko ang v*rginity ko. I promised myself na ibibigay ko ito sa lalaking mapapangasawa ko. I was ready to give it to Dan, pero hindi nangyari. But then, I give it to a stranger."I'm sorry, Lewis. I love you! Promise, hindi kita kayang lokohin." "I'm sorry, Dan. Pero tapos na tayo. Tama na 'yong malaman kong hindi mo ako kayang tiisin at hintayin. Enough is enough." Binaba ko ang telepono at sinandal ang likod sa headboard ng kama. Tinakpan ko ang aking mga mata at naramdaman ang pamamasa ng aking palad dahil sa mga luha.Yes! I still love him. Pero ayokong magpakatanga dahil lang mahal ko siya. If he can do it once, he can do it twice or more. Let's move forward, Lewis. Everything will be worth it. Niyakap ko ang sarili, saka kinulong mukha sa pagitan ng aking tuhod. Doon ko binuhos ang lahat ng luha at sakit na nararamdaman ko, ang mga emosyon na unti-unting nabuo sa aking puso. Iiyak ako ngayon, pero bukas, panibagong ngiti ang sisilay sa aking labi. *** Pagsapit ng umaga, isang nakasisilaw na ilaw ang tumama sa 'king mukha nang buksan ni mommy ang bintana ng aking silid. "Rise up my Princess. Kailangan mo nang asikasuhin ang mga requirements mo, anak. Bukas papasok ka na sa trabaho," sunod-sunod na sambit ni mommy sa akin. Kumunot ang aking noo at unti-unting binuksan ang aking mga mata. "Mom, tomorrow na po ba iyon?" "Oo, anak. Ayaw na ayaw ni tito Vlad mo ang mga taong nala-late. Medyo strikto kasi siya." Isang buntonghininga ang aking ginawa. Kahit nababalot ng antok ang aking isip, wala akong nagawa kung hindi ang umupo at simulang gisingin ang sarili. "Anyway, hinihintay ka pala ng kaibigan mong si Trisha sa baba, sabi ko umakyat na lang siya rito, eh. I will just bring your breakfast here in your bed, okay?" sunod-sunod na sambit ni mommy sa akin. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa aking labi nang hagkan niya ang aking noo. "Good luck in your first day, okay?" "Thank you, mom!" Matapos iyon, lumakad palabas ng aking kuwarto si mommy. This is my family, as an unica hija, wala na akong mahihiling pa. Mainit ang kanilang pagmamahal at lahat ng bagay na nais ko ay nakukuha ko. "Girl, magtapat ka nga sa 'kin? Saan ka nagpunta noong nakaraang gabi?" Napalingon ako sa pinto nang agad na pumasok si Trisha nang makalabas na si mommy. Nagmadali akong tumayo at lumapit sa kanya upang takpan nang mariin ang labi ng madaldal kong kaibigan at siniguradong walang makakarinig sa kanya. "Shh! Huwag ka ngang maingay!" "Ano ba kasing nangyari sa 'yo?" tanong ni Trisha, saka umupo sa kama at ganoon din ang aking ginawa. "Loka-loka ka! Pumunta ako roon sa room kung saan kita binook, pero wala ka roon. Saan ka natulog?" Mariin akong napalunok at hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaibigan ko ang mga bagay na nangyari. "T-Trisha, kasi..." "Kasi?" Huminga ako nang malalim at nagsimulang magsalita. Ang lahat ng bagay ay kinuwento ko sa kanya. Nanlalaki ang mga maya ni Trisha sa mga bagay na pinagtapat ko. "What the f*ck! Like, you had s3x with a total stranger?" gulantang na tanong ni Trisha sa akin. "Shh! Ano ka ba? Ang ingay mo! Sige ulitin mo pa." "Kasi naman, girl! Bakit mo ginawa yon?" "Hindi ko rin alam, okay?" Nilagay ko ang aking hinlalaking daliri sa aking labi, saka kinagat ang kuko nito na animoy balisa. "Bilib na talaga ako sa 'yo, Lewis. First time mong magpakalasing pero may milagro agad." "Milagro? Anong milagro?" Sabay kaming napalingon ni Trisha sa pinto. Nanlaki ang aming mga mata nang makita namin si mommy na may hawak na tray, kunot ang kanyang noo na nakatingin sa amin. "N-Naku! Wala po, tita. Plan po kasi naming magsimba ni Lewis, kaya sabi ko, milagro at magsisimba siya," kamot-ulong tugon ni Trisha habang dinudulat ang kanyang mga mata. Napangiwi na lang ako at wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa agos ng usapan. Nang araw na iyon, inasikaso ko ang mga bagay na dapat asikasuhi. Nais ko nang kalimutan ang mga nangyari nang gabing iyon. Alam kong mahirap ngunit anong magagawa ko? Wala naman, hindi ba? *** Sa pagsapit ng bagong umaga, ramdam ko ang mabilis na tibok ng aking puso habang papalapit ang sinasakyan kong kotse sa kompanya ni Uncle Vlad. Nagsisimulang mag-alinlangan ang aking isip sa mga bagay na mangyayari. What if hindi niya ako magustuhan? Paano kung magkamali ako sa harapan niya? "Lewis, are you okay? Kinakabahan ka ba?" Napatingin ako sa rare view mirror ng kotse kung saan sumusulyap si daddy, sa tinig palang niya, alam kong nag-aalala siya sa akin. Pilit kong ningiti ang aking labi at pinakitang maayos lang ako. "Y-Yes po, dad. Okay lang po ako. Medyo kabado lang po pero I know na kaya ko to." "Of course, I know you can do this, my princess. Kapag may problema ka, sabihan mo lang si daddy." "Opo, dad!" Nang tuluyang makarating ang sinasakyan kong kotse sa harapan ng gusali ng mga Grayson, hindi ko mapigilang mapalunok nang mariin habang hinahangaan ang napakataas nitong building. "This is your Uncle's company," sambit ni daddy na nagpanganga sa aking labi. Nakamamangha ang glass wall ng building. Kahit ang reception area, animoy hotel at hindi mo mararamdaman na nasa trabaho ka. The ambiance is nice at masasabing mong very professional ang mga tao sa loob nito. "Good morning. Is Mr. Grayson in his office?" formal na pagtatanong ni daddy sa recepcionist. "Yes, Sir Tyrone. Nasa office na po si Sir Vlad at kanina pa niya po kayo hinihintay. "Okay, thank you." Matapos ang usapan na iyon, sumakay kami sa elevator at nagtungo sa forty-eight floor ng gusali. Sa pagbukas ng pinto ng elevator, nanlaki ang aking mata sa mga bagay na bumungad sa akin. The carpet was made of artificial grass. Hindi mukhang opisina ang lugar kung hindi isang garden. "Let's go, Lewis. Hinihintay ka na ni Vlad," muling wika ni daddy. Sa buong araw naming paglalakad, pakiramdam ko ay nanatiling nakabukas ang aking bibig sa pagkamangha. Hindi naman ito ang unang beses na nakapasok ako sa isang opisina, ngunit ito ang unang beses na nakakita ako ng ganito kagandang working environment. "Good morning, Sir. Tyrone," pagbati ng mga staff kay daddy. Ngumingiti naman ako sa mga ito saka bahagyang yumuyuko. Maya-maya lang, sa isang huling hakbang, isang malaking two-door ang bumungad sa aming harapan. Dalawang guwardiya na nakaitim ang nakatayo sa magkabilang gilid. Naka-shades ang mga ito at tila diretso lang ang tingin. "Please open the door. Nandito ako dahil kailangan kong makausap ang kapatid ko," sambit ni daddy. Sandali siyang tiningnan ng dalawang lalaki. Maya-maya lang, hinawakan ng mga ito ang magkabilang doorknob, saka binukas nang dahan-dahan. Sinimulan kong ihakbang ang aking mga paa papasok sa loob ng opisina. Hindi ko mapigilang hindi lumingon sa malawak at malaking silid na ito. Animoy bahay ang kinaroroonan ko, mayroong private bathroom at living-room. "Vladimir, long time no see. Sa wakas at nakabalik ka na rin sa bansa," narinig kong sambit ni daddy, dahilan upang maputol ang aking iniisip. "Yes. It's been a long time." Nagsimulang tumayo ang aking balahibo at nanlaki ang mga mata nang marinig ang tinig ng isang lalaki. Unti-unti akong tumingin sa kinaroroonan ni daddy. Nakaharap siya sa isang lalaking ngayon ay nakatalikod sa aking direksyon. "Oh! By the way, Vlad. Naalala mo ba 'yong sinabi ko sa 'yo? My daughter will work for you as your secretary. Nandito siya. She's Lewis," pagpapakilala sa akin ni daddy. Ang lalaking 'di kalayuan sa aking kinaroroonan ay unti-unting humarap. Halos lumuwa ang mga mata ko sa bagay na aking nakita. Pakiramdam ko, binuhusan ako ng malamig na tubig at hindi ko maigalaw ang aking katawan.'A-Ang lalaking ito... siya si Uncle Vlad? H-Hindi maari. Siya ang lalaking nakasama ko sa kama noong nakaraang gabi!' The man who took my v*rginity is my uncle?Vladimir's POV"Hindi mo ba man lang ako ipapakilala muna sa mommy mo?"Mabilis akong napalingon nang marinig ang magandang tinig ni Lewis 'di kalayuan sa aking kinaroroonan.Napailing ako at ngumiti sa sarili. Nilagay ko ang kamay sa aking bulsa at ngumiti sa kanya."Hind ba sabi ko doon ka na muna sa kotse, Lewis?" sambit ko sa babaeng ngayon ay nakatayo na sa aking harapan."Oo. Kaso lang hindi naman ako pwedeng mag-stay lang doon. Gusto ko ring bisitahin si Tita," pagpupumilit niya. Yumoko si Lewis at sumilip sa puntod ni mommy, saka nagbigay ng malaking ngiti. "Hello po, tita. Ako si Lewis, ang fiancee ni Vlad," makulit na sambit ng pinakamamahal kong babae.Sumilay ang ngiti sa aking labi habang tinititigan ko ang kanyang mukha. Ang totoo, hindi ko akalain na makakasama ko pa rin ang babaeng ito. Nang araw na iyon, pakiramdam ko ay gumuho na ang aking mundo. Ang lahat ay naging walang saysay para sa akin, na bakit pa ako mabubuhay kung wala ang babaeng pinakamamahal ko.Ngunit n
Vladimir's POVHindi na natigil ang pagluha ng aking mata habang hinihintay ang paggising ni Lewis. Kasalukuyan kaming nasa loob ng isang VIP room sa ospital. Ginawa na ng doktor ang lahat upang iligtas siya. Naging successful ang operasyon pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya gumigising.Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong umiyak at nagmakaawa sa harapan niya para gumising siya, ngunit tila hindi niya ako naririnig."Lewis, pakiusap, gumising ka na. Ang sabi ng doktor ay maayos ang naging operasyon, pero bakit ayaw mo pa ring gumising?" sunod-sunod kong pagtangis habang hawak ang kamay niya.Maya-maya lang, narinig ko ang sunod-sunod na pagkatok sa pinto ng kuwarto. Sa pagbukas nito, pumasok ang aking tauhan upang maghatid ng balita."Sir Vlad, pinadala na po namin ang bangkay ni Trisha sa kaniyang pamilya. Wala po silang sinabi dahil pinaliwanag namin ang lahat sa kanila," sunod-sunod niyang pagsalaysay sa akin."Ganoon ba? Sige. Mabuti na ang ganoon," tugon ko sa kany
Vladimir's POVWala akong sinayang na sandali at nagmadali akong tumakbo papasok sa loob ng bodega. Ngunit sa aking pagtakbo, pakiramdam ko ay napakabagal ng aking paa at animoy may pumipigil na hangin sa akin.Kahit hindi pa dumarating ang mga pulis na inutusan ko, lakas loob na akong pumasok sa loob."Lewis!" malakas kong sigaw saka sinipa ang pinto ng bodega.Mabuti na lang at hindi na ganoon katibay ang pinto na iyon kaya madali siyang nasira.Sa paglibot ng aking paningin sa paligid. Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita si Lewis na nakahandusay sa sahig. May dugo ang kanyang katawan at namimilipit sa sakit.Tumaas ang tingin ko sa babaeng nakatayo at nakatutok ang baril sa ulo ni Lewis."Oh! Nandito na pala ang knight and shining armor mo, Lewis. Napaka-sweet naman talaga ni Uncle Vlad," mapang-inis na tinig ni Trisha.Nang sambitin niya ang mga salitang iyon, tumaas ang ulo ni Lewis at tumama ang tingin sa akin. Mayroong mga luha ang kanyang mga mata at kitang-kita ko ang du
Lewis POV"Long time no see, best friend?"Diretsong nagmaneho si Trisha patungo sa loob ng kagubatan na hindi ko alam kung saan."A-Anong ginagawa mo? Itigil mo itong sasakyan, Trisha! Please lang!" sunod-sunod na sigaw ko sa kanya."Bakit ko gagawin 'yon? Napakatagal kong naghintay para sa pagkakataong ito, tapos susundin lang kita? Ano ako, baliw?" tugon niya sa akin habang tumatawa ang kanyang tinig.Nabalot ng labis na takot ang aking puso. Agad kong kinuha ang aking cellphone muna sa bulsa upang tawagan si Vlad, ngunit sa paglabas ko nito, agad na hinablot ni Trisha ang cellphone ko at hinagis sa bintana."Tatawag ka pa ng tulong? Ang problemang ito ay sa ating dalawa lang, Lewis!" aniya na tila walang planong patakasin ako.Kahit buksan ko ang pinto ng kotse, naka-lock ito at tanging sa labas lang maaaring mabuksan.Wala akong ibang nagawa kung hindi ang manalangin at umasang mapapansin ni Vlad na wala pa rin ako sa kasal.Nagsimulang gumapang ang luha sa aking pisngi at nabalo
Lewis POVNapakaraming bagay ang sumusubok sa ating buhay. Mga bagay na alam nating mahirap, ngunit kinakaya nating lagpasan. Sa bawat hamon na nilalabanan natin, wala tayong dapat gawin kung hindi ang magtiwala sa ating sarili at hindi sumuko.Iba man ang mga bagay na kinakaharap ko. Naging magulo man ang aking mundo, alam kong sa huli, ang mga bituin sa langit ay aayon sa mga bagay na pinalangin ko. It was a roller-coaster ride, ika nga nila. Kung minsan, nasa itaas ka, kung minsan, nasa ibaba. Ngunit saan ka man magpunta, dala mo pa rin ang ngiti na nababakas sa iyong mukha.***Nakatayo ako sa harapan ng isang malawak na salamin. Hinahangaan ang kagandahan ng suot kong wedding dress.Yes! It is my wedding day, isa sa mga araw na pinakamahalaga sa buhay ko. Araw na dati ay pangarap ko lang. Ang totoo, hindi ko na inaasahan na ikakasal pa ako. Akala ko noong una, mananatili akong heart-broken.Mula nang niloko ako ng ex-boyfriend ko, hindi na ako umaasang magmamahal pang muli.Nguni
Lewis POVDiretsong nakatingin ang aking mga mata sa screen ng aking laptop. Simula nang tuluyang nabuwag ang kompanya ni Ivan Watson, tuluyan na ring bumalik ang mga investor sa aking kompanya at unti-unti itong bumabangon.Napag-alaman din namin na ang pamilya ng mga Watson at si Eunice ay may ugnayan. Magkapatid ang dalawang iyon sa ama, kaya marahil ganoon na lang ipagtanggol ni Ivan si Eunice.Sandaling tumigil ang aking daliri sa pagtitipa sa mga letra ng aking laptop. Marahang tumaas ang aking ulo at napatingin sa bakanteng puwestong dating kinaroroonan ni Trisha. Ang totoo, may kung ano sa puso ko ang nakakaramdam ng awa para sa kanya. Sa tingin ko kasi ay ginamit lang siya ni Ivan sa mga plano niya, ngunit hindi iyon alam ni Trisha. Para sa akin, biktima lang din siya ng kasakiman ng dalawang iyon.Ngunit, ang mga bagay na ginawa niya ay may kaakibat na parusa. Kahit na alam kong kaya ko siyang patawarin nang buong-buo at handa akong tanggapin siya, hindi pa rin niya puwedeng