Share

My Undercover CEO
My Undercover CEO
Penulis: Sofiara

CHAPTER 1: UNEXPECTED PROPOSAL

ASHANTI

Naranasan mo na rin bang magpa-uto at maniwala sa pag-ibig? Yung tipong nagbubulag bulagan ka kapag signs palang ang napapansin mo. Kapag naman isinampal na sayo ang katotohanan, mapapaisip ka pa na baka ikaw yung mali, na baka may kulang sayo kaya hinahanap niya sa iba. Alam kong mali na gaslightin ang sarili—pero ano bang magagawa ko? Required ba talagang maging tanga kapag nagmamahal? 

I am Ashanti Gonzalez, and like all the other cliches in the drama, my boyfriend or should I say my fiance cheated on me with my sister. Yup! My sister! Stepsister to be precise. Ang titigas ng mga mukha no? Sa dinamirami ba naman ng babae sa mundo, kapatid ko pa talaga ang napili niya. Isa pa itong kapatid kong ahas, sa dinami rami ng lalaking aahasin niya… Fiance ko pa talaga. Sweet no? Gusto niya kasi siguro matchy kami. Boyfriend ko, boyfriend niya rin.

Teka—Akala niyo ba doon na lang nagtatapos ang kwento? No! Dahil dito palang magsisimula ang lahat. I drowned my sorrow and met a man. Oh teka—unexpected lahat ng nangyari ah! Wag niyo muna akong i-judge. Pakinggan niyo muna ang aking kwento.  

Just an hour ago, I was about to surprise my boyfriend sa condo niya. Anniversary kasi namin ngayon. Nag-away din kasi kami kagabi and para sana bumawi, nag-abala ako para surpresahin siya. However, ‘di ko inaasahang ako ang masusurpresa. Kakapark ko lang n’on, lalabas na sana ako but then I saw him, with his arms around my stepsister, papasok ng building ng condo niya… 

I have never thought such a dramatic story would happen to me! My 4-year relationship with him! All fucking wasted!

Tinutungga ko nga pala ngayon ang isang bote ng carlo rossi california red, baka sakaling matulungan ako ng wine para makalimutan ko siya at mawala yung sakit na dinulot niya sa akin. Pero bakit ganon? Bakit parang mas nararamdaman ko ngayon yung sakit? Bakit kailangan kong pagdaanan yung ganitong bagay? Deserve ko ba na masaktan? Am I not enough, kaya niya ko nagawang ipagpalit sa stepsister ko? Wala na lang ba talaga sa kanya yung tagal naming pagsasama? 

Heto na naman ako… Tinatraydor na naman ako ng mga luha ko… Kusa na naman silang nag uunahan sa pag bagsak na para bang may mga sariling buhay…  

   

Nang makaramdam ng kakaibang pakiramdam ay agad akong tumayo at nag lakad. Nasa hallway na ko ng hotel at hinahanap kung nasaan na nga ba ang restroom. Kanina pa ako pa ikot-ikot dito at naduduling na rin ako dahil halos magkamukha lamang ang mga pinto. Pag liko ko ay ganoon pa rin.

“Bakit nandito na naman ako?!” Sambit ko sa aking sarili. Naliligaw na yata ako. 

Sob…

Hindi ko na makontrol ang sarili ko at parang unti-unti ng umiikot ang mundo ko. Nararamdaman kong parang nag-iiba na ang timpla ng tiyan ko. Kailangan ko na talagang mahanap kung nasaan ang restroom. Baka mamaya ay masuka pa ako dito sa hallway. Nakakahiya naman sa ibang tao at sa mga tauhan ng hotel na ‘to kapag nakita nila akong sumuka na lang bigla sa kung saan.

Ang weird… Kanina pa ako naglalakad at umiikot sa hotel na ito pero wala pa rin akong makasalubong na tao. 

“Hays, could someone show up to tell me the way papuntang restroom?”

Nang makaramdam ng hilo ay agad akong napakapit sa pinto na nasa harapan ko. Isinandal ko lang saglit ang aking ulo sa pinto at ipinikit ang aking mata. Hindi ko na talaga kaya ang hilo na nararamdaman ko. Dumausdos ako papasok nang may biglang nag bukas ng pinto na aking sinasandalan. Sumalpok ako sa isang lalaki na sa tantya ako ay nasa 6 feet ang taas.

"Are you alright?" He said in a husky voice. Agad kong iniangat ang paningin ko at bumungad sa akin ang mala anghel nitong mukha. 

Shit! Nakakasilaw! Nasa langit na ba ako?!

Inayos ko ang tayo ko at lumayo ng kaunting hakbang mula sa kanya. "Oh, I'm sorry. Na-naligaw kasi ako eh. I-I didn't mean to break in…" Nauutal kong sambit. Bigla akong natauhan at naramdaman na naman ang sama ng pakiramdam ko para bang aangat na lahat ng kinain ko kanina. Sobrang naiihi na rin ako. Kailangan ko na talagang mag banyo. "Ah—do you mind if I use your restroom? Kanina pa kasi ako pa ikot-ikot sa labas pero hindi ko pa rin mahanap kung nasaan ang restroom… Please…" Nahihiya kong pakiusap sa kanya habang nag puppy eyes. 

Ginamitan ko pa siya ng beautiful eyes ko. Ewan ko nalang talaga kung hindi pa tumalab.

Tinitigan lang niya ako ng napaka seryoso. May mali ba akong nasabi? Ayaw niya ba akong pagamitin ng restroom niya? Parang tutunawin na ata ako sa tingin ng lalaking ito. 

"....Excuse me, you are?...." Balik nitong tanong sa akin.

"Ashanti Gonzalez. Nice to meet you but can I please use your restroom first?" Agad kong tanong sa kan’ya. 

Bigla siyang namula at nginisian lang ako. Ano bang problema ng lalaking ‘to? Weird masyado. Medyo kinakabahan na ako sa kanya ah! Mamaya psycho pala tong mokong na to. Jusko po! Baka matagpuan nalang ako bukas na naka silid sa maleta. 

Lord, help me!

Humakbang siya papalapit sa akin at yumuko ng bahagya para magpantay kami. Masyado yata kasi akong matangkad. Nasa 5'3 kasi ang height ko, tangkad ‘di ba? Kidding aside, pinagmasdan niya lang ang mukha ko at tumigil ang tingin niya sa mga mata ko. Literal na eye to eye kami sa sobrang lapit niya sa akin. Naaamoy ko na rin ang amoy ng hininga niya na amoy mouthwash. 

Mhmmm! Refreshing! 

"You—" hindi niya na naituloy ang sasabihin niya nang bigla kong takpan ang bibig nito at inilayo sa akin. Gulat na gulat itong tumitig sa akin at pinag dikitan ako ng kilay. "Please lang! Mamaya na yang sasabihin mo. Pwede bang ituro mo muna kung nasaan yung restroom mo?!" Pasigaw kong sambit sa kaniya na halata namang sobrang ikinagulat nito. Para siyang nakakita ng dragon na bumubuga ng apoy.

Tinitigan ko siya at naghihintay ng sagot sa kan’ya ngunit hindi manlang ito nag salita. Nakatayo lang ito at tinitignan ako na para bang iniisip niya na isa akong baliw sa kalye. 

BLURGH

Agad akong napahawak sa bibig ko. Bigla kong naramdaman na kusa ng umaangat ang mga kinain ko. Oh my God! Hindi ko na kaya. Kailangan ko na talagang mailabas to!

"Wh-what's wrong? Shit! Nasusuka ka? Wait… Don't wag diyan. Wait lang. Wag diyan!" Sigaw niya ng wala na siyang nagawa dahil nasukahan ko na ang sahig ng room niya.

"Ah—Finally, nailabas ko na rin. Kanina ko pa gustong sumuka. Sobrang nakakagaan ng pakiramdam…" Wala sa wisyo kong sambit ng mailabas ko na ang kanina ko pa kinikimkim. Sa sobrang panghihina ng katawan ko ay agad akong napa-upo sa sahig na sa kalaunan ay humiga na ako. 

"What the fuck woman?! Tumayo ka d’yan! Don't sleep on the vomit!" Rinig ko pang sigaw ng poging nasa harapan ko.

Hindi ko na talaga kaya… Pinipilit kong magising pero kusa akong tinatraydor ng aking mga mata. Hindi na rin ako makapag isip ng matino dahil sa sobrang sakit ng ulo ko at pakiramdam ko ay umiikot na ang mundo… 

VINCE

I was about to go outside nang bigla nalang may isang babaeng sumubsob sa dibdib ko. What is this woman doing right in front of my door? 

"Are you alright?" I asked her calmly. Iniangat niya ang paningin sa akin at bahagyang natulala. Agad kong ikinagulat ng mapagtanto ko kung sino ang babaeng nasa harap ko ngayon.

It's her! It's been 7 years, I didn't expect that we'll meet again.

"...Excuse me, you are?..." I asked her. Kailangan kong siguraduhin kung tama ba ang iniisip ko. Alam kong ikaw yan pero hindi pero meron pa ring parte sa akin na nag aalinlangan kung ikaw ba talaga yan? Ang laki na ng pinag bago mo, halos hindi na kita makilala...

"Ashanti Gonzalez. Nice to meet you but can I please use your restroom first?" she answered.

It's her indeed! It's like we are destined to meet again.

"You—" 

Bigla niyang tinakpan ang bibig ko na agad ko namang ikinagulat. "Please lang! Mamaya na yang sasabihin mo. Pwede bang ituro mo muna kung nasaan yung restroom mo?!" She shouted.

I couldn't help but stare at her. Trying to figure out why she's acting like this. Hindi pa man ako tapos sa pag-iisip nang bigla nalang nag bago ang itsura nito at para bang nag pipigil na matae. Napahawak siya sa kan’yang bibig at bigla nalang siyang sumuka sa sahig. Ang masaklap pa ay hinigaan niya ang suka niya. Kung siniswerte ka nga naman. Bakit kailangan pang sa ganitong paraan pa tayo muling magkikita. 

"Don't sleep on the vomit!" I screamed.

Sinubukan ko siyang gisingin pero masyado ng mahimbing ang pagkakatulog n’ya. Maya-maya pa ay humihilik na siya. Ang bilis naman nitong lamunin ng antok. Binuhat ko siya at amoy na amoy ko ang aroma ng alak sa kaniya. Mas nangingibabaw nga lang yung amoy ng suka niya. Iba pala talaga ang tama ng alak sa sistema niya. Buti nalang at ako ang nakasalubong niya. Paano nalang kaya kung ibang tao ang makabangga niya? Mahirap pa naman na sa panahon ngayon dahil marami ng nagkakalat na manyakis.

"You're still a pain in the neck, Ash… What are you doing here in this place and why are you so drunk?" I whispered.

I never imagined we'd meet again after seven years in such dire circumstances.

"How could you treat me like this?... Please, don’t leave me…" She murmured while sleeping.

Mukhang may taong nanakit sa’yo. I shouldn’t have left you before. I should have stayed by your side. Ashanti Gonzalez, I will never let you go this time!

Umaga na nang magising si Ash. Tumatama na rin ang sikat ng araw sa mukha niya kaya wala rin siyang nagawa kundi ang idilat na ang kan’yang mga mata. Hinayaan niya munang mag adjust ang mata niya dahil sobrang labo pa ng nakikita niya. Nakatitig lamang siya sa kisame nang biglang may kumirot sa sintido niya.

…Umm? Shit! Sobrang sakit ng ulo ko…

Dahan dahan niyang ibinangon ang sarili mula sa pagkakahiga. Bumungad sa kaniyang paningin ang napakagandang silid. Mapapansin mula sa mga gamit na mukhang mayaman ang nag mamay-ari nito. Doon lamang nag sink in sa kanya na wala siya sa kaniyang kwarto. 

Nasaan ako? …Mhm… Uminom lang naman ako kagabi at…

Natigilan ito sa pag iisip ng maalala niya ang lalaki kagabi. Hindi niya na napigilang mapasigaw nang mag simula na siyang mag overthink sa mga pwedeng nangyari habang wala siyang malay.

"Gising ka na pala." 

Agad na napatingin si Ash sa pinagmulan ng boses. Basa ang buhok nito at tumutulo pa ang tubig sa sahig na nagmumula sa kaniyang buhok. Mukhang kakagaling lang niya sa banyo. 

Ang lakas naman ng loob ng lalaking to na lumabas na pambaba lang ang naka tapis. Maganda ang hubog ng katawan niya pero hindi niya ko madadala sa ganyan! Ano ba!

"You, asshole! Anong ginawa mo sa’kin, ha?!" Galit na galit na sigaw ni Ash. Parang hindi siya nito naririnig at naglakad pa papalapit sa kanya. "Stay back!" Paghahamon ni Ash dito.

Sa sobrang takot ni Ash ay nanginginig itong nagtago sa kumot. Hindi naman mapigilang mag taka ni Vince sa weird na ikinikilos ni Ash.

"Take it easy. Wala naman masyadong nangyari kagabi bukod sa... alam mo na." Kalmadong usal ni Vince.

Mas lalong nanlisik ang mga mata ni Ash sa kaniyang narinig. "Wala MASYADO?! MASYADO?! My clothes have been...been… Argh! Anyway, I'm calling the police to arrest you! Humanda ka talaga sa’kin! Manyakis! Mapagsamantala!" Galit na galit na sigaw ni Ash. 

Napabuga nalang ng hangin si Vince. Hindi niya inaasahang ganito kalala ang iisipin ni Ash sa ginawa niyang pag tulong dito. "...You broke into my room and vomited last night. That's why... Kung ayaw mong maniwala sakin, we can check the hotel surveillance. It must shoot very clear. Para malinawan ka na rin sa mga pinag-iisip mo." Inis na sambit ni Vince.

Natigilan naman si Ash at tila ba'y na speechless pa sa mga sinabi ni Vince. Hindi niya alam kung maniniwala ba siya o mahihiya sa kaniyang ikinilos kanina.

“Did you… Uhm… Did you use a condom?” Nahihiyang tanong ni Ash.

Agad na natigilan si Vince sa kan’yang narinig. “...Sinabi mo sa’kin kagabi na wag na kong gumamit—”

“What?! Hindi ka gumamit?! Paano kung may sakit ka pala at nahawaan ako or worst what if mabuntis mo ko!” hysterical na sigaw ni Ash.

“Okay! Okay! Calm down. Malinis ako, okay? You don’t have to worry about that. I can take an STD test para lang patunayan yan sayo. But I made sure naman kagabi na hindi iputok sa loob mo…” 

“...What?” tulalang tanong ni Ash.

“Let’s just—Uhm—How about we keep in touch so that if ever may nabuo man ay hindi ka mapraning sa kakahanap sa’kin. Pero—Pero alam kong may mali rin ako. Mali ko na sinabayan kita sa trip mo kagabi. I’m drunk and so as you…  I am not a jerk taking advantage of others. I will be responsible for you." Dagdag pa ni Vince.

Agad namang namuo ang pagtataka sa isip ni Ash dahil sa mga binitawang salita ni Vince.  Hindi niya malaman kung ano ba ang gustong ipahiwatig nito sa kaniyang sinabi. 

"So..." Nakangiting sambit ni Vince. “How about we get married? What do you think?”

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status