Share

My Unexpected Love
My Unexpected Love
Author: Mr. Redeemed

Chapter 1

"Cristine ! Gising na, at baka ma-late ka sa trabaho!" Bungad na salita ni Nanay Mercy sa pintuan ng aking kwarto,

"Opo Nay, Babangon na po."

Isang tipikal na umaga at kailangan na muling bumangon at mag-asikaso para pumasok sa trabaho,ako si Cristine Santos 24 years old,nagtapos ng BS Management sa isang pang-publikong unibersidad dito sa Maynila at ngayo'y nagta-trabaho sa isang opisina sa Makati.

Ako ay lumaki dito sa Sampaloc, bagamat sa aking pagkabata ay alam ko na na ako'y isang ampon. Ang sabi ng aking nanay Mercy ay nakita daw nila akong walang kasama sa park,maganda ang suot na damit at umiiyak,ang unang tingin daw nila sa akin ay anak ako ng mayaman.

Sinubukan daw nila akong tanungin kung sino ako at taga saan ako pero wala daw akong malinaw na sagot sa kanila kaya napagpasyahan daw nila ng aking tatay Nestor na iuwi na lang muna ako sa kanilang bahay sa Sampaloc Maynila at alagaan habang hindi ko pa naaalala kung sino ako at taga saan ako at sino ang mga magulang ko.

Ang sabi nila ako daw ay 3 years old nung nakita nila sa park,napakaganda ko daw na bata at aakalain daw na anak ng artista. Sa aking paglaki sinikap nina tatay Nestor at nanay Mercy na maibigay ang lahat ng aking pangangailangan, bagamat nung una ay ako pa lang ang kanilang anak naibibigay nila ang lahat sa akin, ngunit nung dumating ang dalawa kong kapatid na si Sheila at Joshua ay lumaki ang responsibilidad nila at medyo nahirapan kami sa buhay.

Habang ako ay lumalaki sinabi ko sa aking sarili na ako ay magsisikap sa buhay at pipilitin na makapagtapos ng pag-aaral upang makatulong sa aking mga magulang at mga kapatid. Ang sabi ko sa aking sarili hindi ako mag-aasawa hangga't hindi ko nakikita ang aking pamilya na maginhawa sa buhay ,itutuon ko lang ang aking atensyon sa pagta-trabaho at pag-iipon para matupad ang aking pangarap na sariling bahay para sa aking pamilya.

Hindi ko inintindi ang mga lalake sa opisina na kahit may gustong manligaw ay sinasabi ko na hindi pa iyan ang priority ko sa ngayon dahil priority ko pa ang aking pamilya at ang pangarap ko para sa kanila.

Kahit minsan ay sinasabi ng aking mga ka-trabaho na mag boyfriend na daw ako sinasabi ko na lang na wala pa yan sa aking isipan at ang tanging nais ko ay matulungan muna ang aking pamilya.Marahil ito na rin ang aking pagtanaw ng utang na loob kay tatay Nestor at nanay Mercy na kahit hindi nila ako tunay na anak ay ibinigay nila yung pangangailangan ko bilang kanilang anak na napulot sa isang park.

Naging mahirap pa lalo ang buhay namin ng magkaroon si tatay Nestor ng sakit sa kidney at kailangan ng daily dailysis, lalo akong nagsumikap na makatulong sa aking pamilya dahil sa pagsubok na ito.

Balik tayo sa aking pang araw-araw na pagpasok sa opisina at sa aming pang araw-araw na buhay.

Ala sais ng umaga, nag alarm ang aking cellphone. Kahit na tinatamad pang bumangon ay nag-asikaso na ako para pumasok. Kasabay ang aking isang kapatid na si Sheila ay nag-almusal kami, pumapasok pa si Sheila sa kolehiyo at third year college na ngayong taon.

"Kumusta ang pag-aaral mo Sheila?" tanong ko sa kanya, "Okay naman ate,medyo marami lang mga Thesis na dapat tapusin at next week exam na namin."

"Pagbutihin mo ang pag-aaral Sheila para makatulong tayo kina tatay at nanay".

"Opo ate." sagot ni Sheila.

Maya-maya ay bumaba na rin si nanay at sumalo sa amin sa almusal.

"Good morning mga anak," Sabi ni nanay,

"Good morning din po nay." Tugon naman namin ni Sheila,

"Tulog pa ba si Joshua?" Tanong ni nanay,

Sumagot naman si Sheila. "Hay naku nay, alam naman ninyo si Joshua, tulog mantika."

"O sige, tirhan na lang ninyo si Joshua ng almusal." Tugon naman ni nanay Mercy. Pagkatapos ay binalingan naman ni nanay si Sheila, "Sheila kumusta ang pag-aaral mo anak?"

"Okay naman po nay,"

"mag-aral kang mabuti at gayahin mo ang ate Cristine mo anak." bilin ni nanay kay Sheila.

"Opo nay, si ate nga po ang inspirasyon ko sa pag-aaral." Tugon naman ni Sheila.

Pagkatapos maghapunan ay naghanda na ako para maligo at magbihis. Pasado ala siyete umalis na ako ng bahay.

"Nay, Tay papasok na po ako."

"Mag-iingat ka anak, mag-o-overtime ka ba?"

"Hindi po nay, uuwi po ako ng maaga."

Tulad kahapon kailangan ko ulit sumakay ng Jeep patungong trabaho sa Makati. Ilang sandali pa ng aking pagco-commute ay nakarating na ako sa aking destinasyon sa Gil Puyat Avenue at mula doon ay lalakarin ko na lang ang aking trabaho na nasa loob ng isang mataas na building.

"Good morning mam," ang bati sa akin ng aming guwardiya sa entrance.

"Good morning din po kuya." Ang pabalik kong bati sa aming gwardiya,

Nagdire-diretso ako sa aming opisina sa 30th floor at nakita ko si Ana na aking bestfriend sa opisina na nauna na sa akin sa pagpasok.

"Good morning Cristine." Pangbungad na salita niya sa akin.

"Good morning best." Tugon ko naman sa aking bestfriend.

"Kumusta naman ang araw mo best? Tanong ni Ana.

"Okay naman, kahit na nasasabak sa trapik at siksikan ng mga tao sa Jeep."

"Hay, ewan ko ba sa bansa natin kung bakit hindi nawawala ang trapik." Painis na sabi ni Ana.

Bukod sa aking mga magulang ang bestfriend kong si Ana ay isa din sa mga nakakaalam na hindi ako totoong anak ng aking mga magulang.Nagsimula siyang magtanong sa akin noong mapansin niya na hindi ko kamukha ang aking mga magulang at mga kapatid.

Napansin din niya ang mala-porselana kong kutis na hindi katulad ng balat ng aking mga magulang na kulay kayumanggi.Nagkaroon din siya ng idea na baka mayaman ang aking tunay na mga magulang.

Ang totoo ay hindi ko talaga maalala kung sino ang aking mga magulang at taga saan ako.Ang tangi lang palatandaan na naiwan ay ang aking damit noon na napakaganda at kwintas na hugis puso ang pendant na kung kikilatisin ay ginto at malamang ay mataas na uri ng ginto.

Lagi kong suot ang kwintas na suot ko noong ako ay nawala sa park.Ang sabi ng aking nanay Mercy at tatay Nestor ay lagi ko daw isuot ang kwintas dahil ito daw ang kaisa-isang bagay na meron ako na galing sa mga tunay kong magulang.

"Best Cristine, wala ka bang balak na hanapin ang totoo mong mga magulang?" Tanong sa akin ni Ana.

"Alam mo best pumasok na yan sa isipan ko at minsan inisip ko din na baka mayaman nga ang mga tunay kong magulang."

"Pero darating din siguro ang oras na makikilala ko rin sila at magkakasalubong ang aming mga landas best."

"Oo nga best, siguro pag nangyari yun sobrang saya mo no? Masayang sabi ni Ana.

"Oo best, at ikaw din ang isa sa makakaalam kapag nakita ko na ang aking tunay na mga magulang." Masayang tugon ko kay Ana.

"Talaga best ha, Sige best, work muna tayo at baka makita tayo ni boss Al at pagalitan pa tayo."

Dumating ang break at lumapit ulit sa akin si Ana para yayain ako na mag-break sa labas.

"Tara best, lunch muna tayo, may nakita akong bagong kainan kanina pagpasok ko.

"Okay best," "tara", tugon ko kay Ana.

Lumabas kami ng office at dumiretso na sa elevator,

Paglabas sa building ay agad kami dumiretso sa sinasabi ni Ana na bagong kainan,umorder kami ng ulam na sinigang na specialty nila at tig-isang kanin.

Habang kami ay kumakain ay napag-usapan namin ni Ana ang may-ari o CEO ng aming kumpanya.

"Best, matagal na tayo sa office pero hindi pa natin nakikita yung CEO natin? Pambungad na tanong ni Ana sa akin habang kami ay kumakain.

"Baka busy lang siya best", ang sabi ko, "alam naman natin na may business din siya sa ibang bansa."

"Ang sabi ng ibang nakakita kay Mam CEO maganda daw siya parang artista." Sabi ni Ana na mayrong pagkamangha sa kanyang mukha.

"Talaga?" Namamanghang tanong ko din kay Ana.

"Ang sabi ng ibang officemate natin wala na daw asawa si Mam CEO, namatay daw sa sakit sa puso."

"Alam mo best puwede ka ng imbestigador." Pabirong sabi ko kay Ana.

"Hahaha naririnig ko lang naman best, hindi ko naman sinasadya na marinig sa iba nating office mate." Natatawang katwiran ni Ana.

"Best, time na pala, balik na tayo sa office." Pagyaya ko sa kanya.

Habang nasa office ay naitanong ko kay Ana kung nakita niya na ang aming CEO.

"Hindi ko pa siya nakikita best, siguro pumupunta siya dito para kausapin lang yung mga head natin at matataas sa kumpanya para kumustahin ang opisina."

"Ganun ba."

Tugon ko kay Ana.

"Malay natin best, pumunta si Mam dito isang araw at makita na natin siya ng personal."

May pag-asang sabi ni Ana.

Hindi ko alam sa aking sarili kung bakit excited akong makita ang CEO ng aming kumpanya. Baka excited ako dahil hindi ko pa siya nakikita at bihira lang ako makakita ng ganung mga tao.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status