LOGINIsang karaniwang empleyado si Cristine Santos sa isang kumpanya sa Makati. Bagamat siya'y ampon ay hindi siya itinuring na hindi tunay na anak ng kanyang mga magulang. Makikilala niya si Carl Montreal na anak ng kanilang CEO at mahuhulog ang loob nito sa kanya ng hindi nito namamalayan. Subalit sa kabila ng kanilang mga nararamdaman ay may mga hadlang na pipigil sa kanilang pagmamahalan. Posible nga kaya na isang babaeng lumaki sa karaniwang pamumuhay at isang lalakeng lumaki sa marangyang pamumuhay ay mahalin ang isa't-isa? Maipaglaban kaya nila ang kanilang pagmamahalan sa kabila ng mga hadlang? Mapagtagumpayan kaya nila ang mga pagsubok na kanilang pagdaraanan?
View More"Carl! Anak, k-kumusta ka na?" Tanong ni Carmela. "Asan ako? Sino kayo?" Tanong ni Carl. "Nandito ka anak sa ospital.... ako ang mommy mo." Paliwanag ni Carmela. "Carl, ako si Sophia." Bungad naman ni Sophia. "Sinong Sophia?" Tanong muli ni Carl. "Ako ang girlfriend mo." Pagsisinungaling ni Sophia. Napatingin si Carmela kay Sophia. Subalit makikita sa mukha nito na pumapayag din ito sa pagsisinungaling ni Sophia. Tinawag ni Carmela ang doktor at sinimulang check-upin si Carl. "Dok, bakit hindi ho nakakakilala ang anak ko?" Nag-aalalang tanong ni Carmela. "Misis, nagkaroon ho ng temporary amnesia ang anak n'yo." Sagot ng Doktor. "Ano ho!" Gulat na wika ni Carmela. "Pero huwag kang mag-alala dahil hindi naman magtatagal ang amnesia niya kaya nga temporary amnesia." Wika pa ng Doktor. "Hanggang kailan ho ganyan ang anak ko?" Tanong ni Carmela.
Bumangga ang kotse nina Carl at Cristine sa isang malaking puno. Maya-maya pa ay nagkamalay si Cristine ngunit si Carl ay nanatiling walang malay at umaagos ang dugo mula sa ulo ng binata. "Carl! Carl! Gising Carl !" Wika ni Cristine. Nasa ganung tagpo sina Carl at Cristine na hindi namamalayan na may nagmamasid sa kanila sa loob ng isang kotse pero agad na din itong umalis ng makita ang pagbangga nina Carl at Cristine. Hinanap ni Cristine ang kanyang cellphone at humingi ng tulong. Maya-maya ay dumating na rin ang ambulansya. Dumating na rin kay Carmela ang masamang balita at agad itong pumunta kung saan dinalang ospital si Carl. "Asan si Carl?" Bungad ni Carmela sa mga nurse sa lobby ng ospital. "Carl Montreal po ba?" Tanong ng nurse. "Oo, Carl Montreal." Sagot ni Carmela. "Nasa ER pa po siya mam...inooperahan po." Sagot ng nurse. Walang nagawa si Carmela kund
Sinabi ni Cristine kay Carl ang pagbabanta ni Sophia sa kanya. "Carl, pinagbantaan ako ni Sophia." "Ako din, pinagbantaan niya....mag-ingat na lang tayo dahil hindi natin alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Sophia." Wika ni Carl. "Ganun ba talaga siya Carl? Kapag hindi niya nakuha ang gusto ay dadaanin sa sapilitan at dahas?" Tanong ni Cristine. "Bata pa lang kami ni Sophia ay kilala ko na siya....lagi niyang nakukuha ang gusto niya dahil binibigay ito ni tito sa kanya. Siguro ay dahil nag-iisa lang siyang anak kaya todo bigay ang mga magulang niya sa kanya." Dagdag pa ni Carl. "Basta Cristine, we must stay alert kung anuman yung iniisip at pinaplano ni Sophia." Wika pa ni Carl. "Oo Carl, salamat at lagi ka ding nandyan para sa akin." Tugon ni Cristine. "Cristine, I would like to introduce you as my girlfriend in the office." Wika ni Carl. "Ha? Sigurado ka Carl?" Tanong ni Cristine.
Samantala si Cristine naman ay nakapagdisisyon na para sagutin si Carl. Tinext ni Cristine si Carl upang magkita sila ng binata para sabihin dito ang matamis na oo niya. "Okay Cristine.....magkita tayo sa isang restaurant sa Roxas Boulevard." Wika ni Carl. "Ano kayang sasabihin ni Cristine?" Wika ni Carl habang nagmamaneho ng kotse. Pagdating sa restaurant na sinabi ni Carl ay nakita niya agad si Cristine mula sa labas. Ngumiti ito sa binata at kinawayan naman siya ni Carl. "Kumusta Cristine? Mukhang importante yung sasabihin mo." Wika ni Carl. "Oo Carl, mahalaga yung sasabihin ko sa'yo." Sagot naman ni Cristine. "Nakapag-disisyon na ako sa panliligaw mo sa akin." "Talaga !" Excited na tugon ni Carl kay Cristine. "Ano'ng pasya mo Cristine?" Tanong ni Carl. "Mahal din kita Carl." Sagot ni Cristine. Hindi alam ni Carl kung ano'ng sasabihin kay Cristine dahil sa narinig sa dalaga.





![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews